Ang Lihim Ni Friendship


Lahat tayo’y may itinatagong lihim.

Lihim na gusto nating sarilinin.

Subalit hindi lahat ng lihim ay kaya nating dalhin hanggang sa ating libing.

Dahil sa ayaw at sa gusto mo, may mga lihim na nakatakdang mabuking.

Charing!

…………………................


Kahit sagana sa dilig, si Friendship ay salat at uhaw naman sa pag-ibig.


Matagal na nyang ninais na mag change ng status sa Facebook at gawin itong “in a relationship” from “it’s complicated”.


Oo, complicated ang lovelife nya.


Why?


Kasi kahit 80% ng contacts sa phonebook nya ay boylets nya, wala pa rin syang maituturing na dyowa.


Subalit isang araw, bago tuluyang natapos ang 2010, natapos din ang kanyang paghihintay.


Dahil na rin sa pagpu-punyagi at perfect attendance sa Escuela de Baclaran ay nakilala nya si Jay-R – isang boylet na ang mudra ay halos kasing-age ni Friendship.


Kumulog at kumidlat. Dahil ang pagiging emperatriz ng mga cougars ay kanya ng tinanggap.


In short parang junakis lang ni Friendship ang bagong dyowa nyang si Jay-R.


Twenty si Jay-R.


Junakis sa pagka-dalagita.


But who am I to judge?


I am just but a beauty queen.


Pero sabi ko nga kay Friendship. I doubt if Jay-R is his soulmate. Friendship is probably in-love with the idea of being in a relationship and not with the boylet himself. Kilala ko sya. Mabilis syang ma-umay.


Pero, supporting role lang aketch sa tambalang Jay-Friend. At whiz ko feel maging Bella Flores sa buhay nila.


Inuwi nga ni Friendship sa aking balur si Jay-R. Ipinakilala sa akin. Matangkad ang hombre, slim, bata, sariwa.


Para lang silang tambalang Vicky Bello at Makisig Morales…. Este Hayden Kho pala.


At dahil nga sa pagbisi-bisita ni Jay-R sa balur ay madalas na syang ma-sight ng ibang residente ng compound. Naging curious sila sa presence ng batang hombre.


Karag pa sya ni Friendship sa badminton event namin with Dexter and the rest of the straight boylets from our compound.










Jay-R & PK playing, Dexter refereeing.


Kaya naman isang araw tinanong si Friendship ng crush kong residente rin sa compound na si codename PK (Papa Ko):


“Kaano-ano mo si Jay-R?”


Na-shock ang Friendship. Nag-palpitate sa direct inquiry. Hindi sya prepared. Walang maisip na isasagot. Kaya naman mega dedma at change topic ang naging drama ni Vicky este Friendship.


Gustuhin ko mang magpaka-honest, eh sino ba naman aketch para mag-offer ng information? Hindi gawain ng isang Binibining Pilipinas title holder ang makialam.


……………………………………


Si Jay-R ay nagta-trabaho sa isang factory ng condiments. Kung anong klaseng condiments, hulaan nyo na lang.


Ngayon, almost 2 months na ang mag-jowa. Halos every weekend silang magtagpo sa aking balur upang pagsaluhan ang magdamag. Pero gaya nga ng aking hinala, mukhang nasusuya na si Friendship sa sustansyang dulot ng kanyang bagitong papa.


Gaya ng isang bampira, kailangan nyang tumikim ng iba.


At isang araw ng Linggo, naglunoy sa kandungan ng ibang lalaki ang founding chairperson ng Makati Club - and I am not referring to the city.


Hindi kinaya ng Johnsons Baby Powder at ointments ang kati.


Sa feeling ng ibang Adan ay na-cure ang itching na kanyang ini-inda.


Pero nakatunog si Jay-R.


Alam nyang lumandi ang kanyang esposang Ilokana. Kaya mega text sya.


“Wer r u?”


Aamin ba si Friendship?


Oo, umamin sya. Malandi lang sya pero hindi sya sinungaling.


Nasaktan ang Papa Jay-R nya.


Ano na ang mangyayari sa tambalan na nakatakdang tumaob sa MELASON (Melai-Jason) love team?


Ano na ang nangyrari sa tamis ng pag-ibig?


Na pati Weeksary ay may cake.…











Mauuwi ba 'to gaya sa naglahong loveteam nina Madam Auring at Archie or Jimboy at Mahal?


‘Wag naman sana.


Pero ipinaunawa ni Friendship ang sitwasyon sa kanyang anak... este dyowa. At naunawaan naman yata ni Jay-R.


Kasi nung Saturday, muling naganap ang kanilang weekly chorva marathon.


Pati mga surot ay tila nahiya sa sugpungang naganap. nag take ng leave of absence ang mga insekto. Whiz nila type ma-witness ang pagniniig.


Pagkagising kinaumagahan ay kita na ang gilagid sa smile ni Friendship.


Tagumpay ang kanilang pagbabalik love team.


At sa sobrang gigil ni boylet kay Friendship, iniwanan lang sya ng souvenir.


Isang dambuhalang chikinini.












Na shok ang alembong na Ilokana sa na-discover.


Hindi malaman kung paano aalisin ang evidence ng kanyang kalandian. Todo kuskos ng labakara at maligamgam na tubig.


Hanggang sa mamula.


Syempre hindi natanggal.


Worried sya kung paano sya papasok .


Maglagay ng scarf? Bandana?


Vaklang-vaklang mga options.


Naghanap ng concealer.


Hindi pala nya kayang itago ang kanyang lihim…


Amfootah. Kinarir na lang nya.


Dedma na lang kung may makakita.



PS: Ang latest, ina-aya na ni boylet magpakasal si Friendship. Anong sinabi ng hair ni Rapunzel. Namannn!


Gusto ni Jay-R ipakilala si Friendship sa kanyang Nanay at gusto rin nyang makilala ang family ni Friendship.


Mamamanhikan na ba si Jay-R?


Gagawin kaya akong bridesmaid?


May oras pa ba para magpagawa ako ng gown kay Monique Lhuillier?


Babagay kaya sa akin just in case na fuchsia ang motiff?


Ang dami lang tanong sa isip ko.


Na-stress ako bigla.


Parang gusto kong mag somersault mula sa tuktok ng LKG Building sa Ayala.



posted under , |

34 comments:

Mu[g]en said...

Yang friendship mo ha! Alembong. Don't tell me next month eh magpapatuka na naman siya sa ibang ahas?

Echos Erita said...

Aba, aba. May namumuong loveteam. Grabe, pati weeksary sinecelebrate. Ang gastos nun ah! Wala pang pix ni Jay-R jan?

Kumakanta ba si Jay-R?

Ooh, young love! (sa parte ni Jay-R). Kay Friendship mo eh, wag na lang. At baka masabunutan ako.

Chos!

Echoserita's latest blog post: Tang-Ina-Inang Dogshow

Yj said...

hahahahaha iba talaga ang kamandag ng mga ilocana!!!

gaya ko! ching.....

Ms. Chuniverse said...

@Mugen... Oo alembong sya. Aminada naman ang hitad. Nagmumukha nga akong mongha compared sa kanya. Char!


@Echos... Ayaw ni friendship picturan si Jay-R. Selfish lang devah? Hahaha!


@YJ.... Oo naniniwala ako dyan sa tindi ng kamandag ng mga Ilokana. Kayo na ang mga dyosa. Hahaha!

Leo said...

ay naku ms. chuni... another hilarious post... tawa kami ng tawa ni nimmy habang binabasa ung mga kalandian...este... sweetness ni friendship mo kay JR. kinabog na nila ang 56th monthsary celebration namin ni nimmychan dahil sila, may weeksary with matching cake from goldilocks! hahaha.

fyi. ilokano din si nimmy... :)

nawa'y matuloy ang kasal nila at aabangan ko ang gown mo from monique lhuillier.

kavoom.

nOx said...

you made my day madame! pak na pak pakak na naman ang post mo.

at yung dun sa chikinini, walang gamot jan kapag more than a few hours na since nailagay. kusang mawawala yan after a week or two. may pinaghugutan?! hahaha

Ms. Chuniverse said...

@Leo... Sana tumgal lang ang asim ng kanilang love team. Bantayog lang to the highest level ang relasyon nyo ni Nimmy. =)


@Nox... Salamat sa pag-share ng tips based sa personal experience mo about chikinini. Sasabihin ko sa kanyang hintyayin na lang kusang maglaho. Hahaha!

nOx said...

naalala ko lang madame, may chikinini ako jan sa profile pic ko. sobrang emosyonal ako ng mga kapanahunang yan. sabihin mo super kwelyado muna suotin nya. and yung concealer, two tones lighter sa skin tone nya then funda - if still necessary :)

Anonymous said...

i so love this one ms. chuni. kayo talaga nina Baklang Maton at Ms. Mandaya ang condiments ng blogosphere. nakakaumay magblog hopping pag la kayong posts. salamat sa libreng kasayahan. and i'm sure marami dn ang sayo ay nagpapasalamat sa libreng kaligayahan. he he he

esf

Ms. Chuniverse said...

@Nox... ikaw na ang chikinini concealing expert. =)


@Anonymous... salamat pow. Fan lang din aketch ni Mandaya at BM. hihihi!

RainDarwin said...

HAHAHAHAHAHA.

panalo ka talaga MissChuni. Pakilala mo nga sakin si Jay-R para mabago ang kanyang kapalaran. nyahahahahah.

Aris said...

pinasaya mo na naman ang araw ko dahil sa post mo. thanks, mare. :)

Echos Erita said...

Pakisabi kay Friendship mo maarte siya! Hindi ko naman aagawin ang Jay-R niya no! Sabihin mo sa kanya ha? I dare you, Miss Chuni!

Go!

Charlatan lang!

Echoserita's latest blog post: Tang-Ina-Inang Dogshow

jc said...

parang ang bilis naman ng mga pangyayari? pano na ang iyong gown? handa ka na ba sa sasaluhin mong bouquet na isasaboy ng bride? handa ka na ba sa binatang magsusuot sayo ng garter? handa ka na bang sumunod na ikasal?

handa ka na ba?

- Korina Sanchez


char.

Mister Secrecy said...

hi ms. chuni. hehe. sayang naman ang sincerity ni jay.r... sana cla na... ; )

Ms. Chuniverse said...

@Aris... salamat sa pagdalaw mare. Ang DOVE, tapusin mo na ang DOVE. pleasssseeeeee!!!!


@Echos.... makararating. tse!



@JC.... Iyan nga ang ilan sa mga questions sa isip ko. Nakaka stress to be a bridesmaid kaya. it requires ample time to prepare.

haaaayyy...ayoko munang isipin. I need someone professional to organize my being a bridesmaid. Hindi ko keri ang stress level.

akosicinderella said...

trudis liit! alembong si friend. ako din mabilis maumay. hihi.

Echos Erita said...

Thank you! Yun lang!

Ay may pahabol..

Stress management lang yang tungkol sa bridesmaid-bridesmaid lang yan. I suggest idaan na lang yan sa dyugdyugan. Nakakatanggal yun ng stress.

Echoserita's latest blog post: Tang-Ina-Inang Dogshow

Ronnie said...

Kaloka ang chikineenee!

Ang lantod ng friend mo. Pwede ba magpaturo ng techniques sa kanya? HAha

epiphanonymous said...

pano nga ba ang kasalan? gusto ko din ikasal sa tamang panahon.

Ms. Chuniverse said...

@Trudis... Certified alembong nga. hihihi!


@Echos... Sige, pa dyug dyug ka. hahaha!


@Ronnie... Para ka ng na doctorate pa si Friendship ang nagturo sa 'yo. hahaha!


@Epipnanonymous... nakapanood na 'ko ng kasalan sa movie ng same sex pero mga NPA's. Iba yung rituals nila. Simple lang. kaya ayoko non. kasi hindi kailangan ng bridesmaid don. Sayang naman ang pag rampa ko devah.

Desperate Houseboy said...

Ms. Chu, kagandahan naman pala si friendship. nakakatuwa ang kwnto nila, sana hindi magaya ke jolina at marvin ang kanilang love team.

Carlo said...

parang mapa ng japan ang chikinini ni vicky. ay friendship pala.

Ms. Chuniverse said...

@Houseboy... Ayon sa aking bolang swarovski, tatagal sila. ng two more months. choz! hahaha!


@Carlo... naglaho na ang chikinini. anti-inflamatory daw ang solusyon ng vaklush. =)

Sean said...

yung chikanini na yan sa leeg pa lang. i'm sure marami pa sa nakatagong mga lugar na pinanggigilan.

Eternal Wanderer... said...

madame chuni, panalo naman ang mga kaganapan sa compund nyo. how very melrose place!

Anonymous said...

hi miss chuni...call me sweetkris:) super naaliw ako dun sa monique lhuillier gown mo...and dapat red gown din, serpentina cut plus flowers sa may hair at wrist corsage.. feeling ko kabog mo si regine:)

Echos Erita said...

ay naku, wala ang aking asawa dito kaya walang dyugdyugan. alam mo naman ako, one-man woman. chos! bawal lumandi sa iba. mahirap na

Echoserita's latest blog post: Tang-Ina-Inang Dogshow

paci said...

ay parang isang friend ko lang!
may jowabelz pero taste test pa sa iba!
bakit nga kasi madami ang ganyan..
pero wala, friends pa rin natin.
pero in fairness din sa jowabelz ni friend, parang jowabelz din ni friendship mo..
is that true LUUUUUUV?!?!?

shenanigans said...

ang sweet! nakakakilig! hehe!

Ms. Chuniverse said...

@Sean... tama ka!!! hahaha! at whiz ko type tingnan kung saan pa meron. eeeew! hahaha!



@Ternie... Oo nga 'teh. Lapit na rin ang Fiesta sa 'min. Hahaha!


@Echos... dalisay?


@Paci.... Oo nga. Ako, very honest naman kay Friendship kaya sabi ko parang it's not true love pa. Kasi at this early stage, may pagtataksil na. Hahaha!


@Shenanigans.... Mauumay ka sa tamis pag nakita mo silang dalawa lang sa room. Parang mag-ina lang. Hahaha!

nOx said...

LOL @ mag-ina comment

berglund said...

Sino si Bella Flores? at Madam Auring at Archie?! May pumatol kay Madam Auring?

Anonymous said...

hahahaha....kaaliw ka talaga miss Chuni...BTW di po ako vaklah, girlalu po ako...discoverred your blog three days ago, and bonggang bongga niyo akong naaliw kaya binabalikbalikan ko ito...kilala niyo din pala MELASON...

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments