The Update


Before magpatuloy sa pagbabasa, read muna The Offer para naman maka-relate ka.


*******


So, may stay-in boylet nga si Friendship na gusto na yang ipa-adopt.



And since alam n'yang tuyot na tuyot (in other words, dry na dry) ang dati kong marshland, sa akin nya inalok ang boylet.



Sa maniwala kayo't sa hinde, i said "NO."



Friendship: "Sige na Friend, para naman madiligan ka."



Me: "Go away….. Anna."



Friendship: "Sino si Anna?"



Me: "Basta. Go away Anna."



Uu.  Relate na relate ako kay Elsa bilang Frigid…. este Frozen.



May panghihinayang, pero mas nangibabaw ang pagiging proud ko sa sarili ko na nagawa kong tumanggi.




Magsi-sing and dance pa sana ako ng "Let It Go" sa hallway ng condo pero na-alala kong may CCTV nga pala.  Fiesta na naman ang mga guard kung sakali.  Well, that's another story. Char.




Hindi na nag-text si Friendship.




Kaya naman nangumusta ako after  a few days.



Me: "Friendship?"




Friendship: "Yes?"




Me: "Do you wanna build a snowman?"




Friendship: "Fuki mong dry."



Me: "Kamusta?"




Friendship: "Di mashadong okay."



Me: "Why?"




Friendship: "Wala na si stay-in boylet."




Me: "Ha? Na-dispatsa mo rin?"




Friendship: "Kusa na syang umalis."




Me: "Nami-miss mo sya?"




Friendship: "Hindi naman."




Me: "Eh bakit hindi ka okay? Eh di ba yun nga ang gusto mo? Ang mag-evaporate sya?"




Friendship: "Oo. Pero kasama nyang nag-evaporate ang laptop ko, watches ko, my piggy bank, my clothes and my bed sheet!"




Me: "Ha?????"




Friendship: "Uu Friend, Hayuf sya!"




Me: "Teka, aanhin nya ang bed sheet?"




Friendship: "Wala syang patawad. Pati yun ni-nenok nya."




Me: "Gash. How sad. How very very sad. Is there anything I can do?"




Friendship: "Bigyan mo ko ng laptop."




Me: "Mapagbiro ka talaga Friend. Bigyan kita ng bed sheet."




Friendship: "I'm not joking."




Me: "So am I. Kailan mo kukunin ang bed sheet?"




**********


10 days nanirahan at binuhay ni Friendship ang boylet dahil nangangailangan daw ito ng matutuluyan. Ewan ko ba at naniwala agad ang bruha. Silang dalawa ni JR ang bukod-tanging naka-meet sa boylet.



Thursday, habang nasa work si Friendship saka ginawa ang pangungulimbat sa gamit ni Friendship.  Kaya pag-uwi nya, nagtaka sya at bukas ang pintuan ng condo nya.  Akala nya may surprise.  Yung may mga rose petals sa sahig, candles and the likes.



Kaso waley.



Mga gamit lang nyang nakakalat.  At least surprised pa rin sya devah?  Take note, na achieved ang surprise element pero sa ibang paraan.



After checking out kay JR na nasa Singapore na, hindi rin pala mashadong kilala nito ang boylet. Maygash talaga.



Sabi ko nga kay Friendship.



Me: "Pasalamat ka pa rin Friend at yun lang ang nawala sa 'yo…"



Friendship: "Uu nga at least nandun pa rin yung… puri."



Kung katabi ko lang sya, I will summon the spirits of Angelica Panganiban and Angel Locsin at bibigyan ko sya ng one-time, big-time na sampal para matauhan kaso nasa QC sya and me… in Makati.



Kaya to-follow na lang ang nyompal.



Gusto ko mang sabihin kay Friendship na ang tanga-tanga nya, well, hindi ko na sinabi.



Mababasa naman nya dito sa blog.




Pag nagka-laptop na uli sya.



Char.


posted under | 17 Comments

The Offer

Last week, umuwi si JR from Singapore.


Sa mga hindi nakakakilala, si JR ang morenang engineer na friend namin from Singapore na pinaglihi sa alupihang dagat.  So you can imagine the tentacles.


Medyo matagal na hindi nakauwi ang bruha, mga 4 months, kaya to say na sya ay sabik is an understatement.


Imagine a pusang naglalandi sa gabi na gumulong sa higad powder.  Ganyan.


Nasa NAIA pa lang ang baklita, umuungol na ng mating call.


At nadinig ko 'yon habang busy ako sa pagpapa foot spa sa Bulacan.


Since I am not available. Silang dalawa na lang ni Friendship ang nag meet.  Hindi ko na alam ang detalye ng pagta-tagpo ng dalawang kiri, basta ang ending, nagsi-send na lang sila sa akin ng mga pics ng mga boylets na na-getsing nilang dalawa.


Mahihiya ang NCAA.


Puro varsity players lang naman ang mga boylets na kinarir nila.


Nakadama ako ng panghihinayang.


Panghihinayang sa mga kinabukasan ng mga boylets.


Char.


Vice Ganda lang ang levels nila.


So, after non, wiz ko na knows kung ano pa ang nangyari. Kasi naman I am a productive member of this society, kaya busy ako.


Hanggang nabalitaan ko na lamang kay JR na may isang boylet na nag-board and lodging sa balur ni Friendship sa QC.


Ohmaygash, may binahay na ang Lolah?


Wala naman syang nabanggit sa akin?



Sinetch it etch???



So I made an inquiry.



I texted… 'Status' and send it to 9990.



After knowing na may load pa ako, I texted na Friendship.



Me: "May katotohanan ba ang kwento ni JR na may boarder kang boylet?"



It took a while for Friendship to respond.



May subo pa siguro.



Char.



After a while sumagot din sya.



Friendship: "Truly.  Wala na kasi akong choice. Naaawa ako sa kanya."



One thing you must know about Friendship, maawain talaga syang tao.  Lalo na pag pogi.



At pumapatol.



Char.



Kung isasa-pelikula nga ang life story nya, first choice nyang gumanap ng role nya ay si Rosa Rosal.



Aktwali, ilang beses ko ng ni-nominate sa CNN Hero of The Year 'yang si Friendship.  Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin napipili?



So confirmed.



May boylet ang bruha.



But wait, paano na si Sabado boylet nya, na bumibisita sa kanya every…. Saturday?



Friendship: "Yun na nga eh, mas bet ko si Sabado Boylet.  Napasubo lang ako dito."



Literally and figuratively.



Friendship: "Gusto mo i-adopt mo na lang 'to?"



























Hindi ako nakasagot agad.



Matapos kong magpalit ng napkin at panty, nag-text back ako sa kanya.



Me: "Hindi pwede Friendship, alam mo namang may vow of celibacy ako."




Friendship: "Kris Aquino?"



Alangan namang PNOY?



Gagah.



Mabait naman daw ang boylet, hindi abusado at marunong tumulong sa gawaing bahay gaya ng pagluluto, pagwa-walis habang naka-brief lang.



May silbi naman pala.



Pero gusto ng i-dispatsa ni Friendship ang nabanggit na boylet dahil miss na miss na nya ang kanyang Saturday Boylet na feeling nya ay kanyang soulmate.



Maygash.



Napi-preyssure ako.



Char!






















posted under | 19 Comments

Ang Vonggang Vacay


Musta na mga beks!!!


Before anything else, i have a...


Special Announcement:

In the tradition of Ms. World, Ms. Earth, Ms. International and opkors Ms. Universe, updating of this blog will be made annually.

Lels!


*********


Recently, I went to visit my birthplace…

















And yes, all persons born in this place are  called… French.


Ano akala mo, Bitchesa?


Because it is located in the 19th arrondissement of Paris, France. 


Okay, I will not expound any further at baka pareho lang tayong ma-ligaw.


I spent a month in Europe and 10 days ang ginugol ko sa Paris. The moment our plane landed in Charles de Gaulle airport, I was Buonjour-ing everyone.


Buonjour dito, buonjour doon.


Syempre naman, konti lang ang baon kong French, I might as well use them.


Kalokah ang pila pagdating sa immigration.  Anghoooooobah.


Dalawang klase ang pila. EU citizens and others. 


Syempre, taas-noo akong pumila sa others.


Halos 20 minutes din ang pinila ko when it was my turn to approach the immigration officer.


“Buonjour Monsieur!” ang bati ko sa hindi ka-gwapuhang Frenchman.  Sabay abot ng passport.


Tumingin sya sa fez ko at sa passport ko.


Tapos tumingin uli sya sa fez ko. 


Poker face ang lolo.


Nabighani?


Sa aking alindog?


Hihihi!


Hindi ko naman sya masisisi. Devah?


“Are you a seaman?”  diretsong tanong nya.


Potah!


With my fully sequined purple scarf and curled lashes, na i-imbibe ko ba ang peg ng isang seaman?


Kalokah!


“No Monsieur. I am not.”  Sabay hawi ng bangs.


“So, what is the purpose of your visit?”


Magla-lako po ako ng biko, kutsinta at carioca pag weekdays at binatog naman pag weekends.


Obvious ba?


Syempre magla-lamyerda ang lolah.



Pero I have to be nice. Baka ma A to A (Airport to Airport) ang lolah.  Dahil hindi counted ang airport sa mga bansang pwede mong sabihing na-gorabels mo na. Charaught.



Me: “Thank you for that wonderful question,  Monsieur, I am here for a short vacation, because I firmly believe that Paris in particular is the center of art, fashion and culture.  And if you will give me the chance to cross the border, I promise you, I will be the best tourist this country will ever have. I, thank you."


Charlaught.



I was waiting for him to ask me the dreaded question….



“How much money do you have?”



Haller?



Enter Anne Curtis.  Sapian mo ako. Now na!


Lels.



Hindi ko alam kung na gets nya ang message ko, pero after wala na syang further question.  Dahil kung my further questions pa, I will be asking for an interpreter na.



And my interpreter of choice is no other than Miriam Defensor-Santiago.  Kung hindi pa ‘ko magwagi nyan, ewan ko na lang.



After getting my thumb print sa scanner at tatakan ang passport ko, pina gorla nya na ako. 



So I wave my fellow “OTHERS” citizens behind me goodbye.  Au revoir mga beks!!!



************


Visa Application.


Nung mag-apply ako ng Schengen visa, 30 days before my flight.



Ang procedure, tatawag ka sa French embassy to set an appointment.  PhP 32.00 per minute ang charge.  Para hindi ka kumain ng oras, you must be ready with your passport details as well as your vital statistics.


Char lang.


Within 5 minutes, naka-set na akez ng appointment.  Since hindi naman ka-busy-han ang embassy, naka pili ako ng Friday schedule. Umaga.



Sinabihan din ako na maghanda ng pang-paysung na equivalent sa EUR 60. Non-refundable, approved man o hindi.



Nag download na rin akez ng application form sa website nila pati na ng list of requirements.



Sa documentary requirements, need nila ng.

1.     Covering letter explaining purpose of your trip and DAY-TO-DAY itinerary.

2.     Certified True Copy ng Birth Certificate.

3.     Valid Passport and photocopy of valid and former visas

4.     Proof of accommodations

5.     Roundtrip flight booking

6.     International Travel Insurance with minimum coverage of EUR 30,000.00

7.     Proof of Employment

8.     Proof of Income (Bank Statement/Certification, ITR)

9.     Proof of virginity.  Etchos lang.



Nalokah lang ako sa day-to-day itinerary.  As in.  Kasi nga one-month akez. Pero dinetalye ko talaga. Pati shower at 9:00am.



May chika sa akin na dapat ang laman ng banko mo ay enough to cover your expenses sa number of days na stay sa Europe. Ang average daily budget daw, kung fully paid na ang accommodations mo at airfares/trains ay meron kang at least EUR 35 per day or nasa PhP 2,100.



So, dahil bayad na in advance ang accommodations ko at airfare ko, I need at least EUR 1,050 or PhP 63,000.00 in my bank account.  Kaya naman, binawasan ko ang laman ng bank account ko para mag level sa 63K. Hihihi. Charot lang.



To be safe,  six months before, pinondohan ko na talaga ang bank account ko.



I prepared 2 sets of requirements based sa list nila. One set of original and  another set na photocopy.


*****************


The day of the interview.


Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Should I dress to impress or dapat casual lang?



I followed my instinct.



Nag bathing suit ako.



Sa Pacific Star building sa Makati ang French embassy. 8am ang interview. Pero I was advised to be there by 7:30 am.



Sabi ng guard ng building…. “Doon po muna kayo sa basement.”



Basement?



Baket basement? Ohmaygash, sabi ko na nga ba mapu-fulfill din yung bucket list ko na ma-gang rape with consent sa basement.



Charlaught.



Eh doon pala talaga ang waiting area. Sa basement parking area. 



Hindi ako na-inform na kailangan palang ma-pausukan ka muna sa mga nagdaraang carlalu.  Sana pala hindi na lang ako nag Bench Daily Scent cologne.



So I registered and met my fellow visa applicants.



13 kami.



Pang 13 ako.



Syet!



Yung ibang applicants naka-coat and tie pa. Yung iba naman parang mamimili lang sa Divisoria after ng interview.



10 minutes before 8am, pina-akyat na kami.



Pinaiwan ang mga cellphones at binigyan kami ng claim stub.



May advantage din pala pag huli ka.



Kasi nadidinig mo na yung mga questions at sagot ng mga applicants dahil maliit lang naman ang room at naka speaker pa.



Yung iba napapagalitan kasi hindi naka-ayos in chronological order ang mga requirements or walang photocopy.



Kalokah.



Buti na lang I came prepared. 



I brought with me our Xerox machine sa office.



Yung iba halatang hirap mag explain. Tinatanong kasi sila kung paano nila susuportahan yung pag stay nila sa France given their limited anda sa bank.



Meron namang iba na pinababalik hanggang 11:30am para mag submit ng proof of correspondence or something to that effect sa mga contacts/sponsors nila sa France.



Nung tinawag na ako…



“Candidate no. 13, Miss Chuniverse, please approach window number 2.”



Pinay ang interviewer.



Her: “What is your job?”



May angst ang lolah eh hindi rin naman kagandahan.



Me: “None of your business.”



Charot lang.



So sinabi ko naman sa kanya na I work as an ambassador of beauty – Hortaleza Vaciador Mandaluyong branch.



Her: “You will be spending 30 days touring Europe alone. Are you used to travelling alone?”



Me: “Pwede ka namang sumama. ‘teh.  Para may mag-picture naman sa 'kin. Basta KKB ha.”



Charot uli.



Matapos ang ilang tanong pa, pinaghintay nya ako dahil tatawagin daw uli ako.



After 5 minutes.



“Miss Chuniverse, please proceed to Window no. 5.  Please mind the gap.”



Hihihi!



This time, French consul na ang mag-i-interview.



Her: “Are you married or single?”



Me: “Single.”



Her: “Do you live alone?”



Ohmaygash, type nya ba akez? Lels.



Me: “Yes I do.”



Her: “How long have you been with your company.”



Me: “As long as I can remember.”



Her: “Do you know anyone from France?”



Me: “Is Jean-Claude Van Damme French?”



Her: “No. He is Belgian.”



Me: “In that case, the answer is no.”



Her: “Why? Do you know him?”



Me: “Opkors, who doesn’t know Jean-Claude Van Damme, the question here is if he knows me?”



Her: “Does he?”



Me: “Since he is not French, I’d rather answer that question with the Belgian embassy.”



Charaught.



Basically yung interview ay umiikot lang sa 2 bagay. Can you afford it at may balak ka pa bang bumalik.



5 days after the interview, I got my visa!



40 Days validity. Multiple entry.

***********



















So, did I enjoy my European sojourn?

















Mga beks, parang ayaw ko ng umuwi!!!!



Lels.





















Merry Christmas everyone!  See you next year!!!


Lels!!!

Mundo Nya Ay Nagunaw



"Busy ka ba?"



Tanong ni Zuki.



"Hindi naman. Bakit?"



"Pwede bang pumunta dyan sa flat mo?"



May himig-lungkot ang boses ng baklita.



"Sure."



After 45 minutes dumating na sya.  Pinaupo ko sya sa sofa at inalok ng maiinom.



Me: "Gusto mo ng patis?"



Zuki: "Gaga."



Me: "Anyare bakla? Bakit ganyan ang fez?"



Zuki: "Break na kami ni Jeremy....."



Me: "OMG! Akala ko noon pa?"



Zuki: "Gagu. Mag wa-one year na dapat kami.  Nung weekend, nakipag break sya."



Me: "Bakit daw?"



Zuki: "Hindi ko alam. Sa text sya nakipag-break."



Me: "Ang sama naman. Sana kahit sa Skype."



Zuki: "Anong gagawin ko? Mahal ko sya Friend. Gusto ko syang ipaglaban."



Me: "Tanga. Kanino mo sya ipaglalaban, eh may third-party ba?"



Zuki: "Oo, feeling ko."



Me: "Maghahabol ka, ganon?"



Zuki: "Oo...."



Me: "Bakla, konting respeto sa sarili. Kung ayaw na nya, hayaan mo sya. Bakit hahabulin ang isang taong nakikipag break sa text?"



Zuki: "Pero mahal ko sya Friend.  Nung Sunday, tinatawagan ko sya pero ayaw nyang sagutin yung phone. Ang sakit-sakit. Para akong mamamatay."




Me: "Uy, wag muna ngayon Friend. Tight ang budget ko. Sisiw lang ang mai-a-ambag ko sa burol mo."




Zuki: "Sisiw? Ano ako, rape victim na nangangailangan ng hustisya?"




Me: "Rape? Ambisyosa ka naman. Murder lang. Tapos tsi-nap-chop."




Zuki: "Friend.... anong gagawin ko?"




Me: "Pwes, magpaka-busy ka. Wag mong bigyan ng pagkakataon ang gwapo, mabango at makisig na ex mong si Jeremy ng pagkakataon na isipin sya!"




Zuki: "AAAAHHHHHHHHH..........."




At dahil sa pinagdadaanan ng bakla, hindi muna sya pwedeng kausapin.




Isasailalim sya sa stress debriefing.




Char.












Ang Lihim


Matagal ko ng hinala ito.



Pero takot din akong alamin yung katotohanan.  Kasi baka hindi rin ako handa sa kung ano man ang malalaman ko.



Noon pa, napansin ko na ang pagiging iba ko sa aking mga kapatid.



Lahat sila around 5'10 - 5'11" ang height.



Ako 5'7".



Lahat sila moreno/morena.



Ako maputi.



Tapos almost 4 years after ikinasal yung parents ko saka ako ipinanganak.



Nandoon talaga yung hinala.



Bisperas ng Pasko.



Inabot ko sa Nanay ko ang kanyang pamasko. Perang nakalagay sa isang sobre.



Nanay: "Magkano to?"



Me: "Ah.... dapat po ang sinabi nyo 'Thank you!"



Nanay: "Ah okey... thank you!"



Me: "You're welcome!"



Nanay: "Ok, magkano 'to?"



Hindi ko na sinagot.  Katumbas lang naman yon ng isang buwan kong sahod.



Dimiretso ako sa kwarto at muling napag-isip. Ito na marahil ang tamang pagkakataon.  Bumalik ako ng kusina at inabutan ko ang aking ina na binibilang ang laman ng sobreng inabot ko kanina.



Hindi ko na napigilan ang aking sarili.



Me: "Nay..... pwede ba akong magtanong?"



Nanay: "Ano 'yon?"



Me: "Nay....... ampon lang ba ako?"




Halata ang pagka-gulat nya.  Napatigil sya sa pagbibilang ng pera.




Nanay: "Ha? Bakit mo nasabi 'yan?"



Me: "Matagal ko ng nararamdaman. Pero hindi ko naman magawang itanong sa  inyo."




Nanay: "Bakit? Nagkulang ba kami ng ipinakitang pagmamahal sa 'yo?  Itinuring ka ba naming iba? Kinapos ba kami sa pagkalinga?"




Ramdam ko ang bigat sa bawat katagang kanyang binitawan.




Me: "Hindi naman po. Pero nandoon lagi 'yung pagtataka at paghihinala."




Naramdaman ko ang pagbagsak ng kanyang mga balikat. Ang pamumugto ng kanyang mga mata.




Me: "Nay, nasa hustong gulang na ako para malaman ang katotohanan.  Hindi ako magagalit, hindi ako magtatampo at hindi ako mawawala sa inyo. Gusto ko lang malaman kung anak nyo ba talaga ako."




Nanay: "Hindi ko alam kung paano sisimulan...."



Me: "Pwede naman sa 'Once upon a time..."



Napangiti si Nanay.  Pero ngiting may pait.



Nanay: "Panahon na nga siguro para malaman mo ang katotohanan..."



Sumikip ang aking dibdib.



Parang hindi ako makahinga.




Hinawakan ko ang palad nya bilang tanda ng suporta sa kung ano mang lihim na ipagtatapat nya.



Me: "Ano po 'yon Nay?"



Nanay: "Anak........



Me: "Nay......"





















Nanay: "Umandar na naman ang kagaguhan mo! Ano na naman yang pumasok dyan sa kukote mo? Kadarating mo lang... bored ka na agad? Aber sino na naman sa tingin mo ang tunay na mga magulang mo?"




Me: "Pwedeng isa sa mga Ayala. Tapos ipapamana nila sa akin ang Greenbelt 5."




Nanay:  "Haller???? Luwa ang mga mata non at ikaw, singkit ka!"





Me: "Ok payn! Eh di si Henry Sy na lang!"




Char.



****************



Ganyan kami minsan ng nanay ko...... Adik.




Happy New Year everyone! :)











posted under | 30 Comments

Ang Nawawalang Towel


Before di ko talaga bet tumira sa isang condo.


Not because arte lang but I find it creepy.


Lalo na yung naglalakad ka sa hallway na mag-isa lang.


Saka my first exposure kasi sa condo ay nung minsang dumalaw ako sa isang platonic friend.... oo platonic, let me clarify that, singlaki kasi ng pinggan ang fez nya kaya platonic chos.....


Haynaku, nag segway na. Platonic friend kasi lives in a condo na itago na lang natin sa pangalang Citylandia. Hahaha!


Kalerqui yang condo na yan.  May refutation daw kasi na ang mga inhabitants dyan na either kabit, fokfok o beki.  Sorry na lang sa mga readers na nakatira sa pambansang condo na yan. Hihihi.


Eh ayoko namang ma-hashtag na fokfok ako 'noh.


Saka, hoongsikip ng hallway.  Amoy ulam pa.  Found out na wala kasing exhaust ang mga kusina.  Kaya yung mga tenants na nagpi prito ng kung ano-ano, nagli-linger sa hallway ang scent ng menu for the day nila.


But things changed when I was offered to live in my current bachelorette pad.


Hoooongshusyal naman kasi.


Pero kalokah rin 'tong condo na itey.


Super strict!  When I moved in, they gave me a list of appliances na pwede lang bitbitin and their corresponding dimensions and wattages.


So buysung na akez ng mga basics like refrigerator, electric stove, microwave, etc.  The only thing na di ko binili ay yung washing machine.  Sobrang mahal kasi.  When I went to Abenson kasi with my list, isang brand lang ang tumutugma sa dimension at wattage at kalokah sa mahal.


So I did the most intelligent thing.


Nagpa-laundry na lang akez.


Hihihi!


Yung una kong laundry shop sa Amorsolo Street na malapit lang naman sa building charges P25.00 per kilo.  Mura na devah?


Pero nalokah ako nung 3rd time kong magpa-laba.


Nagulat ako na may panty sa laundry bag ko at bacon na ang garter!


Eeeeewwwwww!!!!!


Alam kong hindi akin yon coz in my 19 years of existence, never pa akong nag-suot ng underwear.


Lels.


So lipat agad akez ng suking labandera.


May nakita naman akez na malapit lang din, sa Salcedo Street naman.


But this laundry shop is more expensive.   P50.00 per kilo ang charge nila at nangako sila na never silang nag mix ng clothes with other customers.


So gorla na.


In a week nasa 7-10 kilos lang naman ang mga labahin ko.  So pasok pa rin sa budget.


Malinis at mabango naman ang laba nila.


And so far, walang naligaw na panty or whatever sa mga damit ko.


Wala rin namang nawawala sa mga pinalalabhan ko.


Until last week.


Inaayos ko na sa closet yung mga gamit ko ng mapansin kong may nawawala.


Yung towel kong blue.


So baba ako ng laundry shop.


Me: "Manang, nawawala yung towel kong blue."


Manang: "Anong klaseng towel sir? Hand towel ba?"


Me: "Hindi. Yung malaki."  At parang tanga lang akong ini-stretch ang arms ko to demonstrate kung gano kalaki.


Manang: "Naku, itatanong ko sa mga kasama ko sir. Parang wala akong napansin eh."


Me: "Basta kulay blue 'yon.  Teka, may picture yata ako. Sandali."


Sabay kuha ko ng phone ko.


Me: "Parang ganito yon Manang...."  at ipinakita kay Manang ang hitsura ng towel.


Noon ko napansin ang ubod tamis na ngiti ni Manang.


Napa-kunot-noo ako.


At na realized ko kung bakit.





























Haynaku....



Malanding labandera!



Chos!



:)





posted under | 34 Comments

Death of Friendship (Repost)



I enjoyed writing this piece, at dahil napapanahon (at walang bagong entry ang lolah nyo), i am repostingbthis blog entry. :)   Hello Friendship! You're the best. Char. Hahaha!



********************

Naisip mo na ba kung paano ka mamatay?


Alam ko may pagka morbid ang topic pero hindi ba sumasagi sa guni-guni mo ‘yan?


Ako kasi, gusto ko walang pain, walang matagal na paghihirap. Parang natulog lang ako tapos hindi na ako nagising.


Ayokong magkasakit ng matagal, tapos mahihirapan pa bago mamatay. Hindi ko kasi kering mag bedspace sa hospital at magbilang ng natitirang oras.


My brain is so dynamic kaya I dreaded yung mga pain pag naiisip ko.


During one of our conversations, Friendship and I talked about death.


Si Friendship gusto rin n’ya ng simpleng kamatayan. Ayaw nya ng vongga. Pero gusto nya, mamatay s’yang masaya.


Mamatay ng masaya?


Meron ba non?


Ok. So naging hamon para sa akin kung paano mamatay ng masaya si Friendship.


Yes, I took it as a challenge.


Oh, I love challenges. Being a beauty queen I am so competitive kaya.


So, eto ang scenario kunwari...…


Patay na si Friendship…



Syempre may coffee party (read: LAMAY), habang nagsa-sakla, tong-its at pusoy ang mga kapitbahay at pinaiikot ang tong para sa abuloy, pinag-uusapan ang cause of death nya.


Kapitbahay: “Batang-bata pa mare. Ano ba ang ikinamatay?”


Si kapitbahay pala ay 60 years old kaya bata pa talaga si Friendship sa kanyang point of view.


Ms. Chuniverse: “Death by asphyxia.”


Kapitbahay: “Ano yon?’

Ms. Chuniverse: “Nabulunan po ng titi, hindi nakahinga.”

Kapitbahay: “Aahhhh… kaya pala naka smile yung bangkay.”

Oh devah wagi?

Kapitbahay: “Bakit walang nag first aid? CPR? Mouth to mouth?”

Ms. Chuniverse: “Kung amoy titi po ba ang bunganga? Ima-mouth to mouth nyo ba?”

O sample lang ‘yan ng usapan ha.

Wag ma-keri.
……………………………………..

Pero tahimik na tao lang si Friendship. Simple. Ayaw nya ng media coverage. Kaya just in case na masagap ng mga reporter ang not-so flattering na cause of death, I will try my best to block the evening news na may ganitong headline…

MAGANDANG GABI BAYAN! Isang bakla ang nabulunan sa loob ng sinehan…

I pramis Friendship, I will use all my powers to avoid this (your death) from becoming a media circus, kasi ayaw mo nga ng media mileage devah?

Pero at least, natupad ang wish mo na mamatay ng masaya! At syempre, kakaririn ko ang party este lamay.

Kasehodang kumuha ako ng Lamay Organizer.

Pero bago pag-usapan ang details ng lamay, let’s talk about what Friendship will wear for his ‘groundbreaking’ funeral.

Friendship is an RTW person pero that is sooo not fasyon devah?

Kaya Friendship will wear couture- at least for once in his life... este death pala.

During the funeral, magpapalit sya ng getup twice a day – morning and evening outfit.Friendship will surely understand kung hindi si Michael Kors ang mag-di-design ng outfits nya ‘coz we don’t have enough time to facilitate that.

You know naman na in funerals, time is of the essence. Baka fertilizer na sya, hindi pa tapos ang damit nya.

Kaya we will settle for a local designer. Magaling si Rajo devah? Pero baka busy din zha. Try natin si Ivarluski Aseron.

Basta I promise, we will not get Puey Quinones. Baka kasi may maka-mukha si Friendship ng outfit. Maraming vakla pa naman na favorite ang Dansen.


Imagine, ‘yung makikipaglamay kamukha ng suot ng pinaglalamayan? That is a major fashion faux pas devah?! Friendship will rather die a second time by all STD’s combined then be caught wearing the same outfit as his manlalamay. Char!

I shudder the thought!

Of course, we should not forget the make up.

Funeral make-up is as important as oral sex is to you and me.

You don’t want an uneven make-up during your funeral devah? So ganoon din si Friendship.There will be an hourly make-up retouching. Dapat siguro earth tone colors. Im sure babagay ang bronze sa kanya at dapat may emphasis sa cheekbone kasi maganda ang cheekbone nya.Minsan nga naiisip ko, sana nga naging cheekbone na lang sya. Choz!

At dapat pouty lips para hindi obvious na gamit na gamit ang bunganga nya. Choz uli. Hahaha!

Sa unang gabi ng lamay, may ribbon cutting.

Oh, I’m sure hindi nyo naisip ‘yan noh?

Syempre, to formally open the occasion. Ricky Reyes and Joel Cruz will do the ribbon cutting.Magpapamigay din sila ng libreng rebond at Afficionado perfume samples sa first 50 lamay goers. Kaya guys you should come early.

Admit it, creative ang idea ko. Thank you!

To attract more people, free-flowing ang Starbucks.

Aber, sino sa inyo ang naka-attend na ng lamay na Starbucks ang coffee?

I’m sure, dadagsain ‘yan ng mga social climbers at mga instant 3-in-1 coffee drinkers. Syempre, i-e-ex-deal ko yung Starbucks. Pwede silang magsabit ng tarpaulin sa paligid ng venue. Tapos sa coffin mismo, dun sa nilalagyan ng “Ala-ala ng mga naulila….” kasama ang Starbucks logo at iba pang sponsors. O devah, exposure ‘yan? Syempre may major at minor sponsors. Mas malaki ang bigay, mas malaki ang logo. So, lahat ng sisilip sa fez ni Friendship sa loob ng coffin, makikita ang mga participating advetisers.

Magkakaroon din ng hourly-raffle to sustain the number of nakikiramays. Prizes will be solicited din. Ex-deal din para tipid. Like, gift certificate for an overnight accommodation sa Himlayang Pilipino, gift checks from Club Bath, one year supply ng Durex, etcetera, etcetera.Basta, see posters and print ads for details.

Should I get a DTI permit for that? At kailangan din ba ng DTI representative during the raffle?Hayyy… haggardo versoza. Saka ko na isipin yan.

Sa ikalawang gabi, ipu-prusisyon ang bangkay ni Friendship in his pink coffin with Swarovski crystal embellishments sa Washington St., Makati City. Didiretso ito ng Ayala. Magkakaroon ng re-routing ng mga sasakyan. Kaya mga vaklang nag-o-opisina sa matatas na building ng Ayala– ihanda ang mga glitters at confetti!!!

Pramis, mahihiya ang Panagbenga dito!


Nakapila sa likod ng prusisyon lahat ng lalaking na chorva nya. My gosh, siguro mga dalawanlibong kalalakihan ‘yon! Sana naman, makauwi ng Pinas yung mga seaman, at mga construction workers abroad na na-chorva nya dati.

Ibabalik ang coffin sa venue. Tapos may live streaming ang burol sa Downelink at Planet Romeo. Kabog lang ang mga nagso-show. Holiday muna sila. Gabi ni Friendship toh!. Walang e-epal.

Magsi-set-up din ako ng mga glory holes sa buong area para naman hindi mainip ang mga vaklang makakati ang mga paa. Magkakaroon din ng libreng foot spa, nail art at free henna tattoo.

Sa ikatlong araw ng burol, bibigyan si Friendship ng supreme honors. Ililibot sya sa mga favorite places nya. And these are, Baclaran Cinema, Dilson at Roben.

Oh devah parang METRO MANILA FILMFEST lang! Ang sayah-sayah!!!!

Sana nga lang ‘wag tumapat ng December ang death nya kasi kasabayan nya ang Shake, Rattle & Roll at mga movies ni Vic Sotto at Bong Revilla. Pero just in case na tumapat nga sa Filmfest, igagawa ko si Friendship ng vonggang float at isa-sabay ko ‘to sa Parade of Stars sa December 24 sa Mall of Asia.

Baka nga manalo pa si Friendship ng Star of The Night devah? Syempre, I will gladly accept his award on his behalf – that’s what friends are for.

Sa huling araw ng burol, dapat big night.

Eh ano ba ang usually nangyayari sa big night???

No brainer devah. Tutumbasan ko lang ng mga macho dancers ang edad ni Frienship. Kung natigok sya ngayon, eh di 40 macho dancers yon. Char! Hahaha!

Bata pa si Friendship.

Grade 6 pa lang s’ya nung fourth year highschool si Caridad Sanchez! Chos! ‘Wag kang magalit Friendship, joke-joke lang.

So balik tayo sa huling araw ng burol. Yung mga macho dancers, to keep with the motif ay black na belo lang ang suot covering their nostrils. Tapos sasayaw sila sa music ng “Fireworks” ni Katy Perry.

Unless of course Friendship will insists on his favorite song which is by the way “Luha” of Aegis.

How jologs devah.

Pero hindi na naman siguro sya care kasi nga dedbol na sya. So balik tayo sa “Fireworks” ni Katy Perry which is actually my favorite. Hahaha!

This will definitely outclass lahat ng lamay na napuntahan ko.

Haaay… I am so excited naahhh!!!!

Teka, may libing pa pala.

At sa araw ng libing…

Baka hindi muna sya i-libing.

Kasi kung successful ang event, i-extend pa natin ang burol. Maglalagay uli ako ng tarpaulin sa venue at ang nakasulat ay…

NOW ON IT’S SECOND WEEK!

Oo, I can really envision na this is gonna be phenomenal!

I can imagine CNN and National Geographic Channel covering the event. Friendship, pabayaan na natin ang media, alam mo namang sanay na sanay na ang beauty ko sa mga cameras. Choz.Hahaha!

Siguro after one month, pagod na rin ang lahat sa kala-lamay.

So, it’s time to end everything sa araw ng libing.

Pero…

HINDI SYA ILILIBING!

Friendship will be cremated.

And his ashes will be brought sa isang kumpanya ng condom. Gagamitin itong ingredient sa pag-gawa ng dotted condom.

Tingnan nyo naman, hanggang sa huling sandali, titi pa rin ang kanyang kapiling.

I know, I am so GENIUS kaya!

Haaayyyy…. Isn’t this the most wonderful gift a friend can give?

I’m sure Friendship will be very happy.

I promise I will try not to cry.

But I wonder if Friendship will do the same for me.

Hmmmm….

……………………....................................


Older Posts
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My Photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Share it

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments