Si JR: Ang Pagbabalik Ng Diwata ng Singapore-lah! (Part 2)
To read Part 1, mag-tumbling ka ditey.
******
At dahil nadiligan na akez, courtesy of a random boylet last Friday, Saturday and Sunday, itutuloy ko na ang kwento.
Pasensya na po sa delay, hindi ko kasi napansin ang wetness indicator. Level 10 na pala.
Char.
*****
So, dahil nga out-of-town akez ng tumawag si JR, I told him na makakabalik pa akez ng Makati about 9pm.
At ayun nga, nag text na rin si Friendship at Raki na JR daw is in town. Parang hindi ko lang alam. Char.
Syempre, para ma-kumpleto ang line-up, dapat lahat kami present - ang beauty queen at ang mga endangered at exotic regional representatives - Friendship, JR and Raki.
So, it was decided na I will meet Raki sa Kamuning pagkatapos ng kanyang prayer meeting. Uu, relihiyosa ang bakla.
At sabay na nga kami ni Raki gumorla pa-Makati. Pagdating namin sa balur, I texted JR and Friendship na nandun na kami.
After a few, dumating na rin ang JR.
And then I remember, birthday nga pala ng futah! Kaya nandito sa Pinas ang bruha!
Since wala naman akong keyk sa balur, we asked Friendship to bring some of his neighbor-boylets para naman may ma-i-blow si JR kahit titi lang.
Syempre happing-happy ang bakla sa idea ko.
Thirty minutes later, dumating ang baklitang Friendship...
..... na walang kasamang boylet.
Nanlisik ang mga mata ng baklitang JR. Parang bet nyang balutin sa garbage bag si Friendship at i-dispose sa garbage chute ng building!
Eh kaso mo Saturday yon, bawal ang non-biodegradable items pag Saturday.
Char.
Nag-explain naman ang Friendship kung bakit wala syang dalang boylet.
Ayon sa kwento ni Friendship, he decided not to bring na the boylets kase, yung isang boylet ay may refutasyon na namimitik ng mga gamit. Eh since concerned sya sa fully-furnished kong balur, baka daw ma-biktima pa akez.
JR: "Eh anong gagawin natin ngayon? Wala namang boylet!"
Para saan naman ang talino ko kung wala akong ibang maiisip na activity devah? So ayun, sabi ko mag-cross stitch na lang kami. Hihihi!
Hindi nagustuhan ni JR ang suggestion ko. Parang bet nyang i-cross stitch na lang ang pouty lips ko. So isip uli kami.
JR: "Eh di itago na lang natin yung mga importanteng gamit natin bago sila dumating."
Pwede!
JR: "Papuntahin mo na. Ilan ba sila?"
Friendship: "Dalawa."
Me: "Sino-sino ba 'yon?"
Friendship: "Si Ron at Alvin...."
Me: "Si Ron... yung dati mong kinu-kwento?"
Friendship: "Oo..."
At nag-float lang sa diwa ko ang image ni papa Ron....
Me: "Funyetah! Ang yummy non! Di bale ng ma-ubos ang gamit ko, daliii, papuntahin mo na!!!!"
Chos!
At yun nga, tinawagan na ni Friendship ang mga Ilog Pasig resident boylets at nagbigay ng direction papunta ng balur.
JR: "Sabihin mo mag-taxi na sila, ako na magbabayad ng taxi nila."
Obvious bang uhaw much ang bakla?
Char.
So habang naghihintay, itinago na namin ang aming mga gamit sa cabinet. iPhones ng mga bakla, laptop, cellphones, wallets. Nag-worry lang ako kase hindi kasya sa cabinet ko yung refrigerator at microwave.
Buti yung blender nagkasya.
Chos.
We decided na maghintay na lang sa lobby para diretso na rin kami sa 7-11 to buy some booze.
Ilang saglit pa, dumating na ang mga boylets.
Tatlo.
Sumama daw kasi yung isang ka-tropa nila - si AJ.
Ang mga bakla, dinikitan na agad ang mga betsung nilang boylets!
Si Alvin kay Raki na parang mag-ina lang. Char.
Si papa Ron kay JR - na bet na bet nyang i-handcarry pabalik ng Singapore.
At si Friendship kay AJ na matagal na pala nyang pinagnanasaan.
Well, hindi naman ako ganon ka-tigang 'noh so keribels ko ng mag cross-stitch.
Char.
After bumili ng Red Horse at kung anik-anik na pulutan, bumalik na kami sa balur.
Kung makatingin ang mga Guardo Versoza ng building mashadong judgmental! Akala mo naman nanlalaki kami.
Hihihi!
Pag-akyat sa taas, nagsimula na ang inuman. So in between tagay, syempre may pictorial.
Meet Friendship and the boylets....
At akez...with the rest.....
At ilang sandali pa, may nagtatalukbong na ng kumot- sina JR at Raki with their respective partners!
Ay naku, alam nyo na yan.
Si Friendship naubusan ng kumot!
Ayaw nya pumayag na sya ay naka-exposed, tapos yung dalawa ay nagtatago sa kumot. Kaya hinila nya ang kumot at na exposed ang dapat ma-exposed!
Maygash..... my eyes! My virginal eyes!!!
So in-off ko yung ilaw 'noh.
Tapos ayun, kahit madilim, patuloy lang ako sa pagku-cross-stitch.
Nung matapos, gantsilyo naman. Ganyan. Nakatapos din ako ng isang sweater ha.
Yes sa maniwala kayo at sa hinde, ang linis ko lang that night.
Busilak.
Wagas.
At ilang minuto pa ay na-achieve na ng mga friends ko ang sole purpose nila sa mundong itey. Chos!
Todo-smile na ang mga baklita. Akala mo tumama ng tumbok sa jueteng.
At ayun, ng mga mahismasan nagpalitan na ng mga numbers.
Syempre, itinabi ko muna ang gina-gantsilyo at inuna kong kunin ang number ni papa Ron - na dinungisan na ng birthday gurl na si JR!
Haynaku, babanlian ko talaga ng kumukulong tubig 'yan at ima-marinate ko sa alcohol bago tikman.
Char.
At naglaro lang sa isip ko ang isang dalisay na hangarin para sa kanya. Hihihi!
Si JR naman, akala mo model ng Hapee toothpaste kung maka-smile.
Uuwi daw sya ng Singapore na may galak at sanggol sa kanyang sinapupunan.
Ambisyosang baklita.
Haaay.... basta ako, masasabi ko lang aking na-meynteyn ang unbreakable hymen.
At ng oras na para mag-paysung sa mga boylets, sabay-sabay dumukot ang tatlo at inilabas ang kanilang...
Mga futah! Wala ng load yan!
Char.
:)
***********
Recent Comments