Status Update: "It's Complicated." Part 2


Hindi ko rin naman masisi ang aking sarili kung bakit takot ako na pasukin ang isa na namang relasyon.  Sabi ko nga sa sarili ko, gulo lang 'to.


Bakit ko pa bibigyan ng pagkakataon ang isang lalaki na saktan akong muli?


Pero iba si Jeric.


Parang mas sasaktan ko ang aking sarili kung hindi ko sya bibigyan ng pagkakataon na mahalin ako.


Me: "Alam mo, naka-lima na ko ng relasyon.  Yung pinaka-huli, three and a half years kami.  Yun na yung pinaka-matagal kong relasyon."


Jeric: "Bakit kayo naghiwalay?"


Me: "Mahabang kwento. Pero sa lahat ng naging ex ko, yun yung pinaka-masakit kasi hanggang kaya ko, pinaglaban ko."


Jeric: "Ganun ba.... "


Me: "Oo, imagine, tagal ko syang iniyakan.  Tagal ko bago naka move-on."


Jeric: "Hindi naman ako nagmamadali.  Pero sana, bigyan mo ko ng chance."


Ayoko ng mag-inarte.  For the past 2 years eh, pumapatol naman talaga ako.  Pero pagkatapos ng sex, wala na.  Tapos na.  Siguro yung mga experience na 'yon yung nag selyo ng pagiging manhid ko sa relasyon.


Muli ko syang tiningnan.


Me: "Halika, sama ka sa kin."


Jeric: "San tayo pupunta?"


Me: "Basta."


Dinala ko sya sa motel. Gusto nya ko. Gusto ko syang tikman.  Pagkatapos ng tikiman, siguro tapos na yung sinasabi nyang ligawan.  At matatapos na rin yung pantasyang naglalaro sa isipan nya na magiging 'kami'.


Pero pagdating namin sa loob, di namin alam kung paano magsisimula.


Para kaming baguhan.  Nagkakahiyaan.


Me: "Gusto mong maligo?"


Jeric: "Kakaligo ko lang. Ikaw?"


Me: "Kakatapos ko lang din."


Tapos, naramdaman ko na lang na nilalapit nya yung mukha nya sa akin.


Hinalikan nya ko.


Nakiramdam ako ng una. Maselan ako sa halik. Pero nalasahan ko yung tamis ng labi nya.  Hanggang naging malalim na yung paghalik nya.  Lumaban ako.


Ang dami ko ng nahalikan.


Pero kay Jeric ang pinaka-matamis.


At di ko yon inaasahan.


Natapos kami.  Hinila nya ako payakap habang nakahiga.  Wala akong nadamang guilt.  Walang pagmamadali.


Jeric: "Happy ka ba?"


Noong oras na 'yon, iba na ang dating sa akin ni Jeric.  Nahulog na yata ako sa kanya.


Me: "Oo naman."


Jeric: "Magkikita pa ba tayo pagkapos nito.... o lalayuan mo na ko?"


Me: "Bakit naman kita lalayuan?"


Jeric: "Hindi ko alam. Yun yung pakiramdam ko.  Pero kung lalayuan mo ko pagkatapos nito.... sana hindi na lang natin ginawa."


Aaaaaahhhhhh!!!!


Me: "Hahaha!  Akala ko ako yung ma-drama sa buhay, pero mas ma-drama ka pa pala."


Jeric: "Uy, hindi drama yon.  Totoo yon."


Me: "Promise, magkikita pa rin tayo."


Jeric: "Hindi mo ko iiwasan?"


Me: "Hindi."


Niyakap nya ko at hinalikan.


Jeric: "Kung ayaw mong maging 'tayo', sabihin mo lang ha. Hindi ako magagalit, hindi ako magtatampo."


Me: "Bakit ba kailangang maging 'tayo' pa?  Pwede naman tayong magkaibigan.... tapos may ganito pa rin. "


Jeric: "Kasi, hindi ako sanay sa ganon.  Kasi gusto ko ikaw lang."


Funyeta, para akong tanga.  Pero totoo, kinilig ako.


Nag-ring yung telepono.


Sinagot ko.


"Sir, matatapos na po yung time nyo, mag extend ho ba kayo?"


Tiningnan ko si Jeric.... ang maamo at seryoso nyang mukha.


Me: "Oo, three hours extension."


Ngumiti sya sa akin.


At sinuklian ko 'yon ng sanlibong halik.


:)


*************


Sabi ni Adele, "Never mind i'll find someone like you..."


Pero mali pala sya.


Coz I found someone better.


Much, much better.


:)


Status Update: "In A Relationship."


Sharamdanna.........Shamdana....


Pasok Donna!





:p








posted under , |

61 comments:

Anonymous said...

Nothing much to say except, "Hey I just met you, and this is crazy... So here's my number, tayo na!"

Happy for you Ms. Chuni. Be extraordinary in love! :) -Atty.Mico

Kane said...

Oh my God. Hindi ka na miss, isa ka ng misis!

Hay you sound so happy. You really do. I share in your joy:) and here's wishing you the best.

Kane

E.R. said...

Awww :)

Mugen said...

Heto yata ang isa sa pinaka vulnerable blog post mo Miss Chuni. I like it. At masaya ako sayo. :) Sana tama nga ang patutunguhan ng kuwento mo. :)

Ms. Chuniverse said...

@Atty. Mico... Thank you. Abot-tenga ang ngiti ng lolah. Hihihi! :)



@Kane.... Uu nga. Sayang hindi naging tayo. Pero malay natin, devah? Hahaha! Etchos! But THANK YOU! Kunin kitang abay. Hihihi. :)



@E.R...... Come sing with me: " I'm every woman, it's all in me.... " hahaha! chos!




@Mugen.... Ayyy, thank you. Sana nga sya na ang 'baabaa' ng buhay ko. hahaha! chos! :)

Aristotle said...

congrats ms.chuni!!! PBB TEENS!!!

Ms. Chuniverse said...

@Aristotle.... Thanks! Invited ka rin sa wedding. Hahaha! Chos. :)

baste said...

weee!!! *fireworks

Anonymous said...

Sweeeet.....( will )

Aristotle said...

sinabi mo yan miss chuni! umm pwede ba partner kami ni 'pinsan'? hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Baste..... Ayyyy... may kasama pang tambling. hihihi. :)



@Anon.... Hihihi! ;)



@Aristotle.... Si Pinsan talaga ang bet? I-pray mo na di matuloy ang wedding nya. Hihihi! :)

Aristotle said...

miss chuni! tututol ako! ibigay mo sa akin ang name ng church, ang exact date and time! lol!

Jenny said...

congrats Miss Chuni! Just have faith and keep the positive vibes coming para magtagal kayo sa dulo ng walang hanggan. ^___^

Anonymous said...

Sweet as hell! futaena! Ikaw na!

Ms. Chuniverse said...

@Aristotle.... Uy, hayaan mo ng makasal, try mo na lang maging kerida. Hihihi! :)



@Jenny.... Salamat po Tita Charo... hihihi! :)



@Anon... Yeah, it's me na. Legal na legal. Hahaha! :)

wandering emo said...

I can feel the sincerity sa blog post na ito Ms. Chuni... Sana ay sya na nga ang nakatakda para sa'yo :)

Nubadi said...

Congratulations. You have to relinquish now your crown because love will make you unable to fulfill your duty as the reigning beauty. Akina bilang I declare myself 1st Runner-Up!

Congrats Madam. Apparently, one can have it all.

Ms. Chuniverse said...

@Wandering Emo.... Sana! Umaasa talaga ako dun. Thanks! :)



@Nubadi.... Sandali, magpa duplicate ako ng crown para may souvenir. Hihihi! And thank you pero wala pa rin akong singing talent. Yun na lang, achieve na. hahaha! chos! :)

koro said...

Ayiiiiii.. in lab ang reyna!! good luck Ms. Chuni.. stop worrying about the future, just enjoy at lasapin to the max ang present :D

LanchiE said...

madam...
*very slow clap.*

Nate said...

@HRH Queen Chuni: eeeeeeeeeeeeeeee! i'm happy for you, madam.. :)

Ms. Chuniverse said...

@Koro.... Nalasap ko na sya to the max. Hahaha! chos!



@Lanchie.... *wave* *wave* *pahid ng luha* *wave* :)



@Nate.... Ako rin, i'm happy for me. Hihihi! :p

ryofil bello said...

congrats idol!!!!!

Aris said...

wow naman. i wish you happiness and success in your relationship. :)

Ms. Chuniverse said...

@Ryofil.... Thank you! :D



@Aris.... Hehehe! Thanks! Paki hintay na lang yung wedding invite ha. chos! :)

Moon Sung-Min said...

Congrats Ms. Chuni sa iyong new found love...

Anonymous said...

congrats madam! may the odds be ever in your favor! :)

Thoni

yhajson_paner27 said...

hi ms.chuni,,congrtas sa lovelife!!ang saya tlga sa blog mo,,love it!!hehe lagi ako nagbabasa ng blog mo!!goodluck sa bagong love life hehe

Anonymous said...

siyeeeet! Kumulot ang buhok ko sa ilong! Miss Chuni, magkakamasket ka sa tumbong sa sobrang kilig!!!

Ms. Chuniverse said...

@Moon Sung-Min.... Thank you. Hihihi! :)



@Yhajson.... Salamat ha. :)



@Anon.... Hahaha! Anu yung masket? :p

Joanne ;p said...

Bongga!! Hindi ko akalain na ganun kabilis, hahaha! Congrats madam! :)

Felmo said...

Congrats...now it's love... kiss and yakap lang kasi ang nabanggit.

Happy for you Miss Chuni!

Anonymous said...

congrats miss chuni!

shower us happy stories ni papa jeric.

-ADA-

charles. said...

=> Im so happy for you miss chuni. Kinilig ako ng mga 8 grams. Haha

Anonymous said...

honghobo ng hair mo ateh.. share mo na si Jonas ha. meron ka na palang winner na relationship eh. hihihi - Allena

aboutambot said...

omg ms chuni, dapat nagyon pa lng paghandaan mo na ang Mrs. Chuniverse!

victormanalo said...

This is kinda like falling in love with just your mind...less complicated and less magical...LOL
Sooner or later you'll wake up falling out of love...LOL

Brian said...

ayun! Nabuo na nga sya. I hope this is really it, Mademoiselle! Happy for you ☺

Queen Victoria said...

Miss chuni just wondering, wlang pay itech? As in ganda card Lang khit sa palenhke sya nagwowork?

Anonymous said...

ms chuni hu is dis lucky guy!! congrats n best wishes! happy birthday too.. pkilala mo skin c jeric ha, kelangan abay aq s kasal, pede n aq veil or cord.

raki here

es2pid0 said...

AWEEEEEEEEEEEEEEEE ♥ :')))

But wait... pa'no mo aaminin na hindi ka isang hamak na chimi-a-ah kundi isang reyna? Remember you told him na you're jobless and stuff?

JC said...

natawa ako sa video! panalo! pero mas panalo ang..... three hours extension! choz! ang bagong lovelife pala. so happy for you miss chuni! :)

Anonymous said...

Ikaw na ang may lovelife. Hehehe. Im so happy for you.. Sana magtagal kayo!!! Be faithful ha..

Edgar Portalan said...

wow congrats ... may lovelife na ang reyna namin he he he ... di gaya ko na
" it's complicated " pa rin ang status ng life hayzzz ... goodluck ... sana ay magtagal kayo ...

Anonymous said...

congratz madam! sana hindi ubusin ng labidabs mo ang iyong lakas at nang makapagsulat ka pa rin...

baka kasi araw-arawin nyo, hehehe

keep us posted pa rin, mwah2x tsup2x


-rico ng cebu-

Anonymous said...

Wow! I'm happy for you Miss Chuni. I love this post. Kinilig ako!! hahaha :)

- Jv

kratos said...

I wish and hope that he's THE ONE. I'm happy for you Ms. Chuni. You deserve it :)

NicoRobin said...

Tomoh, why looking for someone like him if you can find someone MUCH BETTER than your last!... Nice post ms. Chuni and congrats you just let yourself to feel again the glorious feeling of inlove and being loved.

Ms. Chuniverse said...

@Joanne... Pakifot pa ko ng lagay na yan. Hihihi! :)


@Felmo... Tama ka, seryoso na toooh! :)


@ADA... Thanks... :)


@Charles... Hindi pa hinustong 10. Hahaha! chos! :)

Ms. Chuniverse said...

@Allena.... Bet m talaga 'teh si Jonas? Nag resign sa spa ang boylet. :(


@AboutAmbot.... Bet kong i-retain ang "Miss" for life. Hahaha!


@VictorManalo... And I think your comment is a bit off especially with those "lol's". Kinda sarcastic. Hindi naman tayo close. If in the end it didn't work, don't worry, i'll survive and perhaps be thankful pa rin for experiencing that 'less magical' love. hehehe! chos!

Ms. Chuniverse said...

@Brian... Thank you Brian! :)


@Queen Victoria.. Uu, walang pay. Gandah lang talaga, pramis. Sya pa nga nanlibre. Hahaha! :)



@Raki.... Friend, handa ka na ba sa Al Khobar? Baka maging sex slave ka dun. Hahaha! Dream cum true yan. Hahaha! Chos! :)



@Es2pido.... That's another story. Hihihi! :)



@JC.... Flower gurl at ring bearer kayo ni Mugen ha. Hahaha! Chos! :)

Ms. Chuniverse said...

@Anon.... Thank you! Uu naman, faithful ang lolah. magpapalit nga ng SIM card. Hahaha! :)



@Edgar.... Wag mawalan ng pag-asa, darating din ang papa. :)



@Rico.... Yan din ang worry ko, kung may saysay pa ang mga susunod na blog entries ko. Hahaha! chos! :)



@JV.... Gaya nga ng sinabi ko, i'm happy for me too. hihihi! :)



@Kratos... I REALLY hope na sya na nga. :)



@Nico... And yes, i am enjoying the feeling. Para lang napanalunan ko rin ng sabay ang Ms. World at Ms. Earth. Ganyang level. Hahaha!

victormanalo said...

sorry for the LOLs...i realize it's kinda offending indeed...my sincerest apology...

Ms. Chuniverse said...

@Victor.... Apology accepted. :)

AstroDeus Shin said...

so touching... i'm glad you found someone like him... good luck!

Anonymous said...

Ms. Chuni ung vid, they were my former officemates!!! they are in malta now! :) I just can't tell them na nafeature mo sila kasi buking ako nyahaha

Gossipjohn said...

we found love in a hopeless man! chos! congrats madam!!!

Lakwatserong Bading said...

Buti ka pa miss chuni.. ako nawasak lahat ng pangarap. tuluyan na kaming naghiwalay ni robert. halos mabaliw ako at namaga ang mata kakaiyak tas meron pang halong puyat kasi di nakatulog. Depresed talaga ako ng ilang araw. buti ngayon medyo naka recover na. pilit ko na cya iniwasan pero pumapasok pa din sa isip ko. Hahay.. naasar lang ako sa reason nya. bad daw ung same-sex relationship sa mata ng diyos. Tas str8 daw cya eh nag69 naman kami. hahay.. im happy for you sis. :) pakilala mo sa akin pag uwi ko jan. Si madelay ung pag-alis ni raki para makarampa pa tayo sa davao. - JR

cHard said...

Much much happiness Madame Chuni..

Blessing na nga ang main-love..at higit na blessing ang mahalin ka din..

stay happi..ness!! =)

Pink Line said...

aaaaw..shet! kinikilig ako..parang ang sarap mahalin ng katulad ni jeric..tama ba ms. Chuni? :)

inggo21 said...

natawa ako at kiniliiiiiiiiiiiiggg!!!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments