Maging Sino Ka Man... Because Honesty Is The Best Policy!


Hindi ako mapakali.



Parang nako-konsensya ako na nagsinungaling ako kay Jeric tungkol sa aking sarili.



Kaya nung Friday, magkasama kami, naisip kong ipagtapat sa kanya ang katotohanan.



Me: "Mahal, may sasabihin ako sa 'yo."



Jeric: "Ano yon Pangga?"



Me: "Mahal, may inilihim ako sa 'yo.  Nagsinungaling ako."



Jeric: "Ha?  Ano yon?"



Me: "Mahal, ang sabi ko sa 'yo, jobless ako, tambay lang ako, hindi po totoo yon."



Jeric: "Pangga, ibig mong sabihin hindi ka tambay?"



Ah... oo. Hahaha!



Me: "Opo.  Sorry mahal."



Jeric: "Ano work mo Pangga?"



Me: "Mahal.... isa akong......"



Hindi ko masabi sa kanya agad. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya, sa magiging desisyon nya at sa mga sasabihin nya pagkatapos nyang malaman ang katotohanan.



Jeric: "Gagu ka Pangga... ano ka nga?"



Huminga ako ng malalim...



Me: "Mahal, isa akong. . .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.   title-holder."



Char.



At ayun nga, ni-reveal ko na kay Mahal ang tunay na ako.



Hindi sya makapaniwala.



So para mapatunayan, ipinakita ko sa kanya ang sash, tiara, scepter at 6ft. trophy na ayaw ipasakay ng guard sa LRT.



Char.



Jeric: "Pangga, baka may iba ka pang hindi sinasabi sa akin?  Mabuting sabihin mo na."



Nag-isip ako, at na-alala ko.



Me: "Virgin pa ako mahal."



Tiningnan ako ni Jeric ng seryoso, hinawakan nya ang aking kamay, pinisil.  At kasabay noon sya ay nagwika.



Jeric: "Pangga, parang hindi naman."



Me: "Hihihi. Gagu ka Mahal.  Gusto mo ipa Medico Legal mo pa sa NBI."



Char.



Jeric: "Pangga, may sasabihin din ako sa 'yo."




Me: "Ano yon Mahal? 'Wag mong sabihing title-holder ka rin? Ikamamatay ko 'yan."



Chos.




Jeric: "Pangga, may anak na ako."



Huh????   Ano itetch?  Ako ba ay magiging isang madrasta.......



o kerida?



Na naman?



Char.



Kasabay sa paghampas ng alon sa breakwater ng Mole of Asia, napatayo ako bigla sa aking kinuupuan.



Me: "Mahal, naguguluhan ako. Anong ibig mong sabihin?"



Tumayo si Mahal at hinawakan ng kanyang mga palad ang aking balikat.



Jeric: "Pangga, namatay ang asawa ko last year. Pero hindi kami kasal. Live-in lang 'ba.  Mayron kaming isang anak, nasa nanay ko sa probinsya ang bata.  Heto ang picture nya.."




At ipinakita sa akin ni Jeric ang larawan ng isang bata mula sa kanyang wallet.




Homaygash, parang yung baby picture ko lang.



Napakagandang bata.



Char.



Me: "Mahal, tanggap kita, warts and all."



Jeric: "Wala po akong warts Pangga.  Kulugo yon di ba?"



Hihihi!



Me: "Mahal, salamat at di mo ako ikinahiya kahit isang hamak na beauty queen lang ako."



Jeric: "Tanggap din kita Pangga kahit may warts ka. Pero Pangga, may warts ka nga ba?"



Me: "Gagu, wala 'noh.  But I cannot say the same thing with my friends. You know."



Hihihi!  Char.



Jeric: "Pangga, salamat tanggap mo ang anak ko."



Me: "Oo naman, mamahalin ko sya na parang nanggaling sya sa aking sinapupunan. Laman ng aking laman, dugo ng aking dugo."




Jeric: "Hahaha!  Ikaw Pangga ang dami mong alam na dialogue, pero Pangga alam mo gusto ko talaga ng maraming anak."



Me: "Naku mahal, alam mo hindi pwede yan........ gustuhin man kitang bigyan ng isang basketball team, sabi ng OB Gyn ko, hindi daw possible.  Makipot daw kasi ang sipit-sipitan ko."




Hihihi!


Jeric: "Pangga, mabigyan mo man ako ng anak o hindi, ikaw pa rin ang mamahalin ko.  Ikaw pa rin ang Pangga ko."



Kasabay noon, nilamon kami ng army ants.  Sugar-overload itey!  Hahaha!



Char.



Saksi ang paglubog ng araw sa aming pangako sa isa't-isa.




Jeric: "Pangga, baka naman gusto mo akong i-libre, tutal hindi ka naman pala tambay gaya ng sinabi mo at pinaniwala mo sa akin nung una."



May kahalong panunumbat?



Hahaha!




Me: "Oo naman Mahal, siomai uli tayo?"



Jeric: "Gusto ko iba naman, yung medyo mahal."




Homaygash, sarado pa kaya ang Spiral sa Sofitel.



Char.




Me: "Basta pili ka Mahal, sagot ko naman."




Jeric: "Mahal........  Takoyaki balls naman tayo."




 Hahaha! I love na talaga my brand-new dyowa.



At dun sa nagsabing isang linggong pag-ibig lang itey...



Haller!?!



 Magtu-two weeks na kaya.



Hahaha!  Chos!



:)


posted under , |

58 comments:

juan said...

Basta may balls madam chuni, masarap yan... hihihi

Ms. Chuniverse said...

@Juan... Pero based sa mga previous experiences ko, may ibang may balls na hindi naman kasarapan ha. Hahaha! Chos! :p

Atty.Mico said...

Haven't tried Takoyaki Ball na laging katabi ng Master Siomai or Siomai House. Masarap ba? :) Buti hindi naman kayo pinagkaguluhan sa Mall of Asia nung nilanggam kayo Ms. Chuni. Hehe.

Joanne ;p said...

Nakakaloka.. Lagi mo ko pinapakilig, hahaha.. Malamang na army of ants nga ang pumapak sa inyo, hmp! hehe..

Dominic San Miguel (Pinsan ni Janina San Miguel) said...

hay super kilig. sana magkakajeric din ako. LOL

Anonymous said...

How did the two of you meet? Masahista ba cya?

Ms. Chuniverse said...

@Atty. Mico.... Kebs na sa taste. Hahaha! Di naman kami pinagkaguluhan, mas iniwasan pa nga. mukah kasi kaming tanga sa arte namin. hahaha! chos! :)



@Joanne.... Uu, kinati ako ng sobra after nun. Kaya pinakamot ko sa kanya. Hihihi! Chos!



@Nubadi.... Jerjer ka na lang muna while waiting for your own Jeric. Hihihi! :)



@Anon... Hindi po sha masahista, sa palengke sya nagwo work. :)

Jenny said...

OMG Miss Chuni, ang sweet niyo, paki check ng iyong sugar levels baka may diabetes ka na LOL

hay na miss ko bigla ang mahal ko <3

Ms. Chuniverse said...

@Jenny... normal pa ang sugar level ng lolah mo. diwa lang ang hindi. hahaha! chos! :)

Anonymous said...

dear misschuni
HAHAHAHA napaihi ako nitong post mo na toh! haneeep ka talaga. . and napakaulan kulimlim na araw ng martes so SALAMUCH talaga for ur walang humpay na mga posts mo!

Anonymous said...

Dami kung tawa dito sa emote mo, diko mabilang. Honestly, totoo man ito o hindi continue writing stories like this, nakakagaan sa pakiramdam. Good luck at tuloy mo lang kwento.

Ms. Chuniverse said...

@Anon.... Kaya pala may mapanghi akong na a amoy. Ikaw pala yon. Hahaha! Chos! :p



@Anon.... Hahaha! Parang fiction ba? Alin, yung virginity ko? Hahaha! Chos! :)

victormanalo said...

THE RIGHT KIND OF WRONG by Leann Rimes

A L P O said...

Pang Korea Novela talaga...

mala Endless Love Series...

May title na po ba kayo sa DVD nyo?

Anonymous said...

madam, walang pichurs? kahit abs lang or karugs ni dyowa? chos...jake

Ms. Chuniverse said...

@ALPO.... Wala pa naman, pero bet ko ang Walang Hanggang Keso. Hahaha! Chos! :)


@Jake.... Ah, karugs ko gusto mo? Hahaha! :) chos!

checkmymike said...

miss chuni, curious lang ako. now na committed ka na, tuloy pa rin ba pagpapa-massage mo?

Ms. Chuniverse said...

@Checkmymike... Uu, last weekend. Pero blind masseur. :)

Kuri said...

Lumalablayf! Congrats chuni. You deserve to be happy! :)

Ms. Chuniverse said...

@Kuri.... Thanks Dadi, sana magkaroon din kami ng isang etchoserong Red. Hihihi! chos! :)

Moon Sung-Min said...

you already ms.chuni! ahahaha... ilang batalyon ba ang dumating na langgam??? haha...yung mga langgam kasi dito sa bulacan di umalis..LMAO...

Anonymous said...

hang taray ng luvlyf mo te!!! hapi for u ms chuni

raki

Mugen said...

Support ka namin kung saan ka masaya. :)

Anonymous said...

wow!! im so happy for you miss chuni. its like watching my lil sister grow up habang binabasa ko tong entry mo.lol.. sana magkita tayo with your jeric and with my bf.. sa moa din kame nagdedate e.lol. kung my fb ka paki-add nmn aq: lancequitorio@yahoo.com :) thanks

es2pid0 said...

And you finally said it. AY!

Pero ba't ganun Chuni? I have this feeling na this series isn't gonna have a good ending po? Nangyari na ba to before or talagang PBB Uber updates tong blog posts mo recently? :3

cHard said...

buti hindi mo nasampal madame chuni ng question nya virginity mo? homaygash title holder dapt virgin ka nga di ba?

next date i know shawara naman..o kaya lugaw at tokwat baboy..

Aris said...

ang saya-saya! am so happy for you, mare. :)

Anonymous said...

madaaaammmm ikaw na talaga! kinilig me ng much yung feeling pagkatapos mong umihi? hihihi

magbabad din kaya akong sa palengke at ng maka-Jeric din me... best wishes madammmm...

makipot talaga ang sipit-sipitan ha? nyahahaha

-rico ng cebu-

shenanigans said...

kala ko mag sky lounge kayo eh.. hahaha!

iniisip ko kung anu itsura ng signage ng takoyaki balls di ko maalala

arki beki said...

Ms Chuni mukhang Oishii desu yang c Jeric ah ;p

Masarap din b ung Takoyaki balls....niya?

bien said...

inggit! killmenow teh

LJ said...

ganda ganda talaga ni madame. Masaya akong happy ka

Ms. Chuniverse said...

@Moon... Ay, baka hindi nakarating yung invitation sa mga langgam dyan. hihihi! :)


@Raki.... Paano yan, hindi na ko pwedeng manlalaki sa Davao. Kayo na lang ang magko compete. hihihi! :p



@Mugen.... Veil sponsor kayo ha. hihihi! :)

Ms. Chuniverse said...

@Anon... Group date? Hihihi! Mahiyain mashado si Mahal, :)


@Es2pido... Pumapasok din sa isip ko yan. But for now, ini-enjoy ko kung ano ang meron kami. Just in case na hindi nga happy ending, at least na experience ko uli yung ganitong level ng happiness. And that alone is worth taking the risks of getting my heart broken for the nth time. :)


@cHard... Kase naman partly true rin naman na hindi na ako virgin. 50-50 ba. Hahaha! Chos! :p

Ms. Chuniverse said...

@Aris... Thanks mare, abay ka ha. Powder blue ang motif. Hahaha! chos. :)



@Rico... Uu, isa akong patotoo na may future sa palengke. hahaha! chos! :)



@Shenanigans.... Talagang dapat i-recall ang signage? hihihi! :)



@Arki.... Haler, I don't eat balls and talk about it no. Hahaha! chos. :)



@Bien... Bakla, vongga ka naman sa SG. :p



@LJ... Thanks, simpleng dyowa lanp po ako. hihihi. :)

Anonymous said...

All things bright and beautiful,
All creatures great and small,
All things wise and wonderful:
The Lord God made them all.

lolz...iba tlaga ang in love...;)Bjay

Ms. Chuniverse said...

@Bjay.... I know. hihihi! chos! :p

A L P O said...

Memst,

Gawa naman po kayo ng kakakilig na eksena sa ulan.

Ung wholesome po.

Regards ! ! !

Brian said...

there's a legal way to avoid being a mistress, Mademoiselle, adoption! Oh di ba maraming paraan pag gusto? Hehehe best wishes! ☺

ZaiZai said...

kinilig ang takoyaki balls ko! madrasta na ang peg mo ms. chuni! so happy that you're happy hugs!

Ms. Chuniverse said...

@ALPO.... Hindi kaya trangkaso ang bagsak namin nyan? Hahaha! Saka pag umeksena ako sa ulan, bakat-utong yun. so hindi sha wholesome. hahaha! Chos!



@Brian.... Ay okey lang, keribels ko naman. Hihihi!



@Zaizai.... Peanut brittle ko lang ang kinilig. hihihi! chos! :p

Moon Sung-Min said...

ilang batalyon ng langgam ang dumating ms. chuni??? ahaha

ryofil bello said...

PIKTYUR ! PIKTYUR! PIKTYUR!
PIKTYUR! PIKTYUR! PIKTYUR!

-----idol kelan namin masisilayan si manong Jeric?

Desperate Houseboy said...

Congrats Mama Chu. Si Jeric na ba ang kikilalanin kong....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

AMA?

Siya na ba ang magpapabaon sa kin sa STI?

zordevan said...

this is my first time to read your blog and really enjoy it. i love the layout and i laugh at your post. keep up the good work

Anonymous said...

Buti nman at di lumabas ng queen ant madam!hahaha! Ikaw na talaga ang "instant mami" nawa'y maging mabuti kang madrasta. Hahaha!=)

Ms. Chuniverse said...

@Moon... ay, too many to mention. hihihi! char.



@Ryofil.... Hihihi! Sakim ako pagdating sa love. hahaha! chos! :)




@DH.... Ssshhh... quiet ka lang, hindi nya alam na may anak ako sa pagka-dalaga. hihihi. chos! :)




@Zordevan.... Salamat sa pagdalaw. :)

A L P O said...

Bakat utong din pala si Jeric...
Para lang yung boyfriend kong si Arthur Solinap... (",)!
Sa weekend mag di dinner kami ni Arthur... sa Minute burger... dyan lang sa tabi-tabi para di kami pagkaguluhan...

Anong plano nyo memst ni Jeric this weekend?

Ms. Chuniverse said...

@ALPO.... Buy one, take one din ba dyan sa Minute Burger? hahaha! Di pa namin na experience yan. Siguro naman, hindi na kami aabot dyan, hanggang Jollibee naman. hahaha! chos! Wala pang plano this weekend, bibisitahin ko kasi si Queen Mother. chos! :)

A L P O said...

Natutuwa naman ako sa inyo ni Jeric...

Minsan ko lang gamitin ang kapangyarihan ko bilang isang Sang're...

Kaya ngayon...

Inuutusan ko ang aking Brilyante...

Brilyante ng Hamog... Basbasan mo ang pagsasama nina Ms. Chuni at Jeric...
Protektahan mo ang kanilang pagsasama mula sa mga kasumpa-sumpang mga Impakta...

At ibigay mo ang kaligayahan na karapat dapat sa kanila.

Aking Brilyante, iparating mo kay Bathala ang hinihingi kong tagumpay para sa kanila...

...

Avisala muna sa ngayon Memst. ( Nakakawala ng lakas pag gumagamit ako ng kapangyarihan... magpapahinga muna ako. )

P.S.

T.C.

Anonymous said...

ako yung nag comment before, ngatan ang ATN hehe

Anonymous said...

Wait ko talaga yung blog entry tungkol sa CHUNI SUTRA!

Nyahahahaahaha

Tumbling ako kakatawa!

-technoboi

NicoRobin said...

Buti di nag dialogue si jeric ng "i never said that 'iloveyou'" hihi!..

Nimmy said...

You never fail to make me laugh Madam! At congrats pala. Instant mudra ang peg mo. Papasuso ka kaPag bet ni bagets ha. Hehe

hard.ass.kisser said...

ikaw na ang mahal na reyna! :D

Anne Trinidad-Legson said...

hi! dropping by from Joanne's blog... and i am now following you... :)

kakilig naman ng love story nio... and sobrang kabilib ang pagtanggap nio ni Pangga mo sa isa't isa, warts and all... ^_^

Ms. Chuniverse said...

@ALPO... Sana cash na lang yung blessings mo. hahaha! chos!


@Anon... Thank you!


@Technoboi.... Hahaha! May ganun ba? :p


@NicoRobin... Eh di hinampas ko sya ng patola. Hihihi.:)

Ms. Chuniverse said...

@Nimmy.... Hahaha! Hindi pa kaya develop yung utong ko. Char! :)



@HardAss Kisser.... Ay sana nga. :)



@Anne.... Thanks Anne and welcome to my blog. Rated SPG 'to ha. Hihihi! :)

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments