Adik Nga Ba Ang Lolah Mo?

****


Sabi ni Zuki, addict na daw ako.




Addict sa massage.




On an average, twice a week ako magpa-massage. Pinakamadalas na yung 4x a week.




So parang hindi naman.




Uu kebs na kung malamog ang lolah mo.




Zuki: "O sige, let me ask you... what does SSS stands for?"




Me: "Gagah, para kang tanga! Okey... Social Swedish Shiatsu."




Zuki: "Fuki mo! Adik ka nga! You need a Spantervention."




Me: "Anong Spantervention yan bakla? Bagong spa? Pengeng number."




Zuki: "Gaga, hindi yun spa. Parang sa mga adik, intervention."




Me: "Ahhh.. i know that na. Pero I don't think i need one. Gaya nga ng sinabi ko sa yo, hindi naman ako spa addict."




Zuki: "Hindi ka nga spa addict pero lagi ka namang nagpapa- home service sa mga hombreng masahista dito sa balur mo."




Me: "Friend, alam mo naman, single ang lolah mo and I need this naman. Masyadong pressured ako recently sa work."




Zuki: "I know, pero sayang ang salapi. How much do you spend each session ba?"




Me: "Kuripot ako. Mga P500-P600 lang naman. Saka wala naman akong bisyo. I don't smoke - like you. I don't drink - like you. I don't party - like you. And most of all... I don't look - like you."




Zuki: "Hayuf ka! At least, etong fez na 'to may dyowa."




Tiningnan ko ang fez nya. Baba. Noo. Pisngi. Ilong. At in-explore ko ang possibility kung magkakapalit kami ng mukha.




Ayyy! Okey na akong single forever and ever. Char.




Pero Oo mga friends, may dyowa na si Zuki. Kaya sinong maysabeng fair ang mundo???????




Me: "Hindi naman ako naghahanap ng dyowa no."





Zuki: "Kasi aminin mo na na hanggang ngayon umaasa ka pa! Na kahit 2 years na, hanggang ngayon, mahal mo pa sya! Para kang shomod ng dyowa ko --- BITTERRRR!"




Me: "Ay futah ka! Nilunok mo??? Hahahaha!"



Zuki: "Bakit ikaw, hinde?????"




Me: "Ah... eh... once lang. Hihihi!"




Zuki: "Pa-dalisay effect ka pa! Sabi nung boylet na dinala ni Baronessa dalawang beses mo syang shinufa tapos nilunok mo lahat!




Maygasssshhh!!! My refutation is going down the drain!!!!




Me: "Opkors not! Press release nya lang 'yon! Teka, tama na! Ayokong i-discuss ang madaldal na boylet na 'yon. Sya ang bitter, kase, hindi ko pinatulan yung alok nya na maging kami. Kaya dinudungisan nya ang pagkababae kong stain-free!"




Zuki: "Bakla... aminin mo na... bitter ka."




Me: "Hindi ako bitter friend. Tanggap ko lang na yung mga katulad ko - tall, sexy, desirable, gorgeous, oozing with sex appeal, successful at walang body odor ay hindi pang dyowa."




Zuki: "Teka, dapat ba akong ma-offend sa sinabi mo?"




Me: "Opkors not. Ganito lang yan, iba't-ibang klase tayo. Ibang breed ako, ibang breed ka. Yung breed mo, yun yung dyino-dyowa. Yung breed ko, habang tumatagal sa pagiging single, tumataas ang value."




Zuki: "Ay parang antique? Ganon?"




Me: "Fuki mo talaga!"




Zuki: "I see, o sige bakla, alis na ko. Ibibili ko pa ng rubber shoes ang dyowa ko."




Rubber shoes? Na naman??? At hindi na talaga ako nainggit kay Zuki. Char.




Since wala naman akong lakad that day, internet na lang ang lolah nyo. Habang nag-o-open ng e-mail, lo and behold! Nagulat ang lolah nyo sa isang offer!















Homaygash! Ang mura!!!



Teka, basahin ko muna ang Fine Print!

























Kailangan talaga taga Village or Condo?




Pero no worries, pasado aketch!




So, using my credit card, bumili aketch ng isa.




Pero i realized, sayang naman yung offer. Ang laki rin ng masi-save ko.




Haynaku, kalimutan ko muna si Anthony at Niko ng Arimundingmunding Spa!




Malay natin, may ma-discover aketch na mas poging masseur dito, devah?




So ayun bumili uli akez...

















Nang LIMA!




Uu, lima yung binili ko.





Hihihi!





Tutal, matagal din naman yung validity so hindi sya basta-basta mag-e-expire.




So ayun, tapos kong bumili, tumawag na ako para magpa-reserve in advance.




Me: "Haller! Pwede bang magpa-book? May voucher akez."




Receptionist: "Saan sila sir?"




Me: "Sa Makati."





Receptionist: "Sir, exclusive lang po sa mga condo at villages yung voucher natin."




Me: "I know. Don't you worry miss, hindi ako squatter." Char.





Receptionist: "Okey sir, saan po sila?"





Me: "North Forbes Park. Kapitbahay ko si Tessie Sy. Yung anak ng may-ari ng SM. Alam mo yon? Yung may MOA!"




Chos!




Receptionist: "Ganun ba sir, kayo sir, ano naman ang pag-aari nyo?"




Me: "Wala. Alindog lang."




Char.




Receptionist: "Kailan po sked natin sir?"





Me: "Sa March 31, 10:00PM. Pwede ba male therapist and padala nyo?"





Receptionist: "Wala po kaming male therapist. Puro babae po."




HANUDDDAAAAAWWWWWWWW????????????? THIS CANNOT BEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!





Receptionist: "Hellow sir? Are you still there??????"





Ito na siguro yung sinasabi ni Zuki ----- Spantervention.



Char.




******

posted under | 40 Comments

Gusto Ko Lang Naman...

.
.
.
.
maging bride.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
























Corachon: Ang Unang Baklang Aswang




char.



********

posted under | 26 Comments

Supercalifragilistifutanginangsyeeettttt!!!

*****


Friday, 5:30 pm.



Kinakati na ang wetpaks kong lumabas ng opis.




Because this is the day!




This is the moment!




That one moment in time.... make it shaaaaaaayyyyyyyyyn.



Char.




Oo, itey na ang continuation ng last post ko.




So, pagtuntong ng 6pm, impunto eh umiskyerda na akez ng opisina.




Kulang na lang ay balyahin ko hilahin palabas ang mga kapwa ko pasahero sa LRT para lang makasingit.




7pm, dumating akez ng balur.




Diretso sa banyo. Naligo. Naghilod hanggang magasgas ang epidermis. Char.




Tapos nagsabon ng three times. I have to smell good. Matapos mag-shower ng 30 minutes, halos ubusin ko ang isang bote ng Borneo 1834 perfume para mas kabigha-bighani ang lolah.




And then nag-toothbrush ako ng 10 minutes pati gilagid binrush ko 'teh. Then nag-gargle ng concentrated na Listerine. Ang hapdi. Pero keribels.




Then nahiga na ako sa kama. Kinuha ko ang flier at tumawag sa Arimundingmunding spa.




Me: "Hello, pa home service naman ako."




Receptionist: "Sure sir, kunin ko po yung complete name and address."




Matapos kong ibigay lahat pati Zip code, area code at country code, saka ko sinabi ang aking special request.




Me: "Pwede sana si Niko ang papuntahin mo."




Receptionist: "Si Niko sir?"




Me: "Hinde, si Pedro. Ano ba sinabi ko?" Char.




Receptionist: "Sorry Sir, day-off po ni Niko."




Enter Miriam Defensor Santiago.... "WAAAAAAAHHHHHHHHH?????"




Bakeeeeetttt??????





Nasaaannnn ang hustissssyyyyyyyaaaaaaaaaa!!!!!




Me: "Ha? This cannot be! Fertile na fertile pa naman ako ngayon!!!"




Receptionist: "Day-off talaga sya Sir eh. Gusto nyo po padala na lang ako ng iba?"




Iba? Sinong iba? Kaytagal kong inasam at pinantasya ang gabing ito - mga 5 days. Tapos iba????




Me: "O sige, bahala ka na. Padala mo na lang kung sinong available."




Receptionist: "Si Anthony sir ang pupunta dyan. In 10 minutes po, nandyan na."




Ano pa bang magagawa ko? Sayang naman ang preparation ko noh at ang expensive Borneo? Char.




However, bagsak na yung excitement ko. So nanood na lang ako ng tv habang naghihintay.




10 minutes.



20 minutes.



30 minutes.



Dis is it. Ika-cancel ko na lang.




Hellow middle finger!




Char.




Tawag uli akez sa Arimundingmunding Spa.




Me: "Kung hindi pa nakaka-alis yung masseur ko, paki cancel na lang."



Receptionist: "Ay sir, naka-alis na po. Pasensya na. Pakihintay na lang po.



So wait uli akez.




Hanggang sa medyo naidlip na ang lolah nyo.




At tumunog na nga ang intercom.




Pinilit ko ang sariling tumayo at sagutin ang intercom.




Guardo Versoza: "Ms. Chuni, magpapalamas ka na naman? May masahista dito."




Me: "Pakyu ka Guardo! Lamasin kita dyan eh. Gow, pa-akyatin mo na."




Char.




Hindi ko pa naibababa ang intercom ay may nag-doorbell na.




Excited much?





At binuksan ako ang pinto.





Voila....





[enter blog title here, ayoko na kasing ulitin. Baka sabihin, redundant.] Char.




Hongwafuuuuuuuu!





Ang koya parang si James Dean ang effect.





Eh highschool pa lang ako laglag na ang pasador ko sa mga posters ni James Dean eh.





Yun tipo bang barumbado ang peg pero fasyon.




Ganun ang arrive nya.




Ay naku, nalimutan ko na si Niko at ang duguang fuso ko. Ang sayah-sayah ng lolah nyo. Back-to-back ang smile. Char.




Masahista: "Pasensya na sir, na -late ako. Naligo pa kasi ako eh." At sya ay ngumiti na nagpa-moist sa tigang kong bukid. Char.




Me: "Ay, okey lang noh. Anu na ngang name mo? Hihihi" kinikilig pa ang futah.




Masahista: "Anthony po."




Me: "Ano ka ba? Wag mo na kong po-puin. Bata pa akez. Siguro mga 2 months lang ang age gap natin. Ilang taon ka na ba?"




Anthony: "Twenty po."





Ay futah, ambata! Hahaha!




Anthony: "Pwede maki-gamit muna ng CR sir? Mag hugas lang ako."




Ay, ano ang huhugasan? Bakit maghuhugas? Kailangan ba ng assistance????? I volunteeeeer!!!!!




Char.




Anthony: "Kamay lang po."




Nahiya naman ako. Hahaha!





After maghugas.





Anthony: "Start na tayo sir?"




'Wag muna, bukas na lang. Kwentuhan muna tayo. Hahaha!




Me: "O sige, halika doon tayo sa bedroom no. 24."




Hodevah, ang laki ng bachelors pad ng lolah mo. Hahaha! Chos!





Ang perky-perky ko nung time na yon. Tinalo ko pa ang na-posess na mag-dyowang Nimmy at Leo - combined.




Char.




Buti na lang, na remember ko mula sa advice ni Zuki na 'wag na 'wag kong bubuksan ang aircon pag nagpapa-massage.




Noong una, hindi ko na getsing ang logic. Pero after 30 minutes, doon ko na-realized.




Nainitan si Anthony.




Anthony: "Sir, pwede bang maghubad?"





Ay futttaahhhh! By all means!




Char.




Ang kinis ni Anthony. Ang flawlesssss! Oo, maraming ssss.





Char uli.




Anthony: "Sir, one hour ba tayo?"




Me: "Ayoko ng one hour, gusto ko FOREVER!"




Anthony: "Hahaha! Ikaw sir ha. Baka magselos ang boyfriend mo."




Me: "Wala kaya akong boyfriend. Single ako 'noh. Willing, available and able."




Anthony: "Pareho pala tayo sir. Single din ako."





Ahahahaha! Thank you fairy godmother!




Char.





At paano natapos ang gabi?





Syempre happeeeee!





Chos!




:)





Oo hanggang dyan na lang.





Hanggang dyan lang ang approve ng MTRCB.





Chos!




:)




At sa mga naghahanap ng pic, futah, mag-imagine na lang kayo. Hahaha! Chos!




***************

Random Lang Uli

*******



Na-miss nyo ba akez?



Hahaha! Chos!




Pasensya na po kung madalang mag-blog ang lolah nyo nowadays.




Alam nyo naman, beaucon season ngayon and as usual I have to defend my crown for the twentieth time. Chos.




Nagreklamo nga akez sa mga organizers.




Kasi gusto nilang gawing thru text votes ang scoring.




Haller?




Lahat kaya ng mga boylets ko at mga boylets ng friends ko ay laging walang load. kung hindi pa namin sila pasahan ng load, hindi pa sila magti-text.




So paano naman yan?




Luz Valdez ang lolah nyo.




Sabi ko nga, ipasa ko na lang kaya ang crown kay Ternie, kay Carrie o kaya ay kay Bien.




Disqualified daw.




Wala daw 'busilak' factor ang mga bakla. Puro press release lang daw yung mga 'dalisay kyeme' ng tatlo but not an ounce of truth.




Hahaha! Chos!




O sige, kay YJ na lang or most popularly known as the Manila Bitch.




Murahin ba naman ako ng mga judges.




Bastusan daw ba itey?




So ayun, I have no choice but to defend my crown.




Minsan nakakapagod din.




Yung mga oras na dapat ay ichino-chorva ko na lang, nauubos pa sa rehearsals.




Haissst... to be a beauty queen nga naman. Chos.




Kaya nung minsang na-stress akez, bumaba ako ng pedestal at nag catwalk sa kapitbahay kong Waltermart Makati. Daanin ko na lang sa window shopping.




Nasa tapat akez ng Don Bosco ng may humarang sa aking tall, dark and papalicious na mensung.




Me: "Re-reypin mo ba akez? Tara lets start!!!"




Mensung: "Ah hindi po, bibigyan ko lang po kayo ng flier. Eto po."




Ganon? Ka-disappoint naman. Tiningnan ko ang flier na yellow.





"Arimundingmunding Spa... now open!"




Maygash! Bukas na uli sila!




Hinila ko si mensung sa sulok.




Me: "Kailan pa kayo nagbukas uli?"




Mensung: "Kahapon lang po."




Me: "Bumalik na ba sa inyo si Ryan?"




Mensung: "Wala na po si Ryan sa amin."




At akoy natigalan. Hanggang napahagulgol ako't napaluhod sa gilid ng kalye.




Char.




Mensung: "Kilala nyo po si Ryan?"





Me: "Oo... sya ang.... ang...."




Hindi ko nagawang tapusin ang aking dialogue. Ambigat sa dibdib 'teh.




Mensung: "Sana sir, ako na lang...."




Napatingin ako kay mensung at sa kanyang middle finger. Wow!





Me: "Ano na nga ang namesung mo?"




Mensung: "Ako po si Niko..."





Right then and there, naka-move on ako bigla. Oo parang kape lang - instant!






At matapos ang palitan ng isang matamis na ngiti, kumandirit akong tumawid ng high-way.





At sinabi ko sa sarili kong... sa Friday, ako ay liligaya.





Hihihi!




:)



**********

Enter You

*******


10 years ago, binigyan ako ng ex ko ng isang gift na VCD.



After a week, tinanong nya ako kung napanood ko na.



Sabi ko hindi pa, kasi busy ako.



Nagalit sya.



At dinakdak nya ang isang taong litanya at reklamo nya sa aming relasyon.



All started because of a VCD movie.



Nag break din kami after another week.




Almost two years din kaming mag-un.




After non, siguro mga 2 months after the break-up, sinimulan ko ng i-dispose yung mga memorabilia nya. Pictures, gifts, cards, etc.



Tapos nakita ko yung VCD na binigay nya.



Hindi ko pa rin pala napapanood.




So, ayun sinalang ko sya sa VCD player.








Ganda pala nung movie.




Ang tanga-tanga ko lang.




Pero hindi naman ako nagsisisi. Wala na talagang patutunguhan yung relasyon namin. Nag trigger lang yung break-up dahil nga dun sa movie.




Tapos nalimutan ko na uli lahat.




********



Past forward. 10 years or so after.




Nung Saturday afternoon, nasa Starbucks ako. Nagka-kape sa isang sulok ng bar table, mag-isa habang nagba-blog hop.




Tapos biglang nabulabog ang tahimik kong mundo dahil sa isang estrangherong katabi ko.




Nakikinig sya sa iPod nya pero bigla syang kumanta ng malakas...




Him: "Enter you... voila it's showtime..."




Napatingin ako sa kanya... pamilyar kasi sa akin yung kanta.




Hanggang sa napangiti ako.




Una, cute kasi sya.




Tapos parang wala syang pakialam sa mundo.




Hanggang napansin nyang nakatingin pala ako sa kanya.




Napahinto sya bigla at tinanggal yung headphone nya.





Him: "Sorry! Malakas ba?"




Ngumiti ako sa kanya.




Me: "Hindi naman. Okey lang."




Him: "Senya na ha. Na carried away ako sa kanta."




Me: "Okey lang. Pamilyar sa akin yung song."




Him: "Enter you?"




Me: "Yun ba 'yung title?"




Him: "Oo."




Me: "Di ko ma-recall pero yung lyrics at melody, sobrang pamilyar sa akin."




Him: "Theme song sya ng isang movie."





Me: "What movie?"




Him: "Trick."




And then all the memories went back. Para akong nag-time travel.




Him: "Napanood mo na yung movie?"




Muli akong napangiti.





Me: "Oo, but that was a looong time ago."




Him: "Are you...."




Me: "Gay? Hahaha! Nasa hitsura ba?"




Him: "Hindi nga eh..."




Me: "Ikaw?"




Tumango sya.




Me: "By the way I'm Pepe."




Him: "I'm Kenneth."




At nagkamay kami. Simula ng kwentuhan. Mabait si Kenneth. Maamo ang mukha. Hindi yung usual na kinakikiligan ko. Pero theres something in him na attracted ako. Siguro dahil matalino sya at may sense kausap. Mula sa movie napunta hanggang gadgets at architecture ang usapan namin. And i realized, we have so many things in common.




Hanggang naglakas loob ako na kunin ang kanyang number.




Me: "Okey lang?"




Him: "Oo naman."




At kinuha din nya ang aking numero.




Me: "Bakit ka nga pala nandito?"




Him: "Hinihintay ko lang yung boyfriend ko dyan sa Cityland, may pasok kasi sya pag Sabado."




ENTER YOU
from "Trick"

I've heard that all the world's a stage
And we are only players acting out some predetermined page
But it is lonely as can be
With nobody opposite me... Then...

Enter you - Voila it's showtime
You brought the house down with a dance and a dumb ditty

Enter you - In less than no time
This ugly drama has become pretty

Up went the curtain, My lines felt wrong
Intermission seemed so far away
The plot uncertain, The scenes too long
Life was like an uninspiring play

But now you're here - We meet stage center
I thought my storyline was through
Then enter you

Now you're here - We meet stage center
I thought my storyline was through
Then from the blue
Enter you










***************

Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments