Pers Date


Dahil naging kami, ang gusto ni Jeric, may terms of endearment.




Me: "Mahal na lang itatawag ko sa yo ha."



Jeric: "Ikaw po bahala, pero gusto ko ang tawag ko sa 'yo ay Pangga."



Pangga? 



Ang alam kong Pangga ay Panggasius.  Yung popularly known as Cream Dory.



Funyetah, ano ako isda???





















Hooonglake lang ng bunganga ha!




Me: "Mahal, parang ang lansa naman nun. Hindi ba isda yung Pangga?"



Jeric: "Hahaha! Lukaret ka. Ang ibig sabihin po ng Pangga ay 'mahal'"



Me: "Ay ganun ba yon? Hihihi.  Sige ako na si Pangga mo. Hihihi!"



Jeric: "Pangga, sumahod ako kanina. Date naman tayo."



Hongsweet devah?  Ako na ang ina-aya.  Hihihi!  Homaygash, anong isusuot ko???  






Dapat ba kita ang cleavage? 






Naka stilettos?  






Should i wear red lipstick? Teka baka sabihin nya malande.






Or mini-skirt kaya, pero baka hindi appropriate sa place.




Me: "Sure Mahal, saan mo gusto."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Jeric: "Sa Master Siomai Mahal."



And for the pers taym in my layf, sobrang excited akong makarating sa Master Siomai!



:)


posted under , | 64 Comments

Status Update: "It's Complicated." Part 2


Hindi ko rin naman masisi ang aking sarili kung bakit takot ako na pasukin ang isa na namang relasyon.  Sabi ko nga sa sarili ko, gulo lang 'to.


Bakit ko pa bibigyan ng pagkakataon ang isang lalaki na saktan akong muli?


Pero iba si Jeric.


Parang mas sasaktan ko ang aking sarili kung hindi ko sya bibigyan ng pagkakataon na mahalin ako.


Me: "Alam mo, naka-lima na ko ng relasyon.  Yung pinaka-huli, three and a half years kami.  Yun na yung pinaka-matagal kong relasyon."


Jeric: "Bakit kayo naghiwalay?"


Me: "Mahabang kwento. Pero sa lahat ng naging ex ko, yun yung pinaka-masakit kasi hanggang kaya ko, pinaglaban ko."


Jeric: "Ganun ba.... "


Me: "Oo, imagine, tagal ko syang iniyakan.  Tagal ko bago naka move-on."


Jeric: "Hindi naman ako nagmamadali.  Pero sana, bigyan mo ko ng chance."


Ayoko ng mag-inarte.  For the past 2 years eh, pumapatol naman talaga ako.  Pero pagkatapos ng sex, wala na.  Tapos na.  Siguro yung mga experience na 'yon yung nag selyo ng pagiging manhid ko sa relasyon.


Muli ko syang tiningnan.


Me: "Halika, sama ka sa kin."


Jeric: "San tayo pupunta?"


Me: "Basta."


Dinala ko sya sa motel. Gusto nya ko. Gusto ko syang tikman.  Pagkatapos ng tikiman, siguro tapos na yung sinasabi nyang ligawan.  At matatapos na rin yung pantasyang naglalaro sa isipan nya na magiging 'kami'.


Pero pagdating namin sa loob, di namin alam kung paano magsisimula.


Para kaming baguhan.  Nagkakahiyaan.


Me: "Gusto mong maligo?"


Jeric: "Kakaligo ko lang. Ikaw?"


Me: "Kakatapos ko lang din."


Tapos, naramdaman ko na lang na nilalapit nya yung mukha nya sa akin.


Hinalikan nya ko.


Nakiramdam ako ng una. Maselan ako sa halik. Pero nalasahan ko yung tamis ng labi nya.  Hanggang naging malalim na yung paghalik nya.  Lumaban ako.


Ang dami ko ng nahalikan.


Pero kay Jeric ang pinaka-matamis.


At di ko yon inaasahan.


Natapos kami.  Hinila nya ako payakap habang nakahiga.  Wala akong nadamang guilt.  Walang pagmamadali.


Jeric: "Happy ka ba?"


Noong oras na 'yon, iba na ang dating sa akin ni Jeric.  Nahulog na yata ako sa kanya.


Me: "Oo naman."


Jeric: "Magkikita pa ba tayo pagkapos nito.... o lalayuan mo na ko?"


Me: "Bakit naman kita lalayuan?"


Jeric: "Hindi ko alam. Yun yung pakiramdam ko.  Pero kung lalayuan mo ko pagkatapos nito.... sana hindi na lang natin ginawa."


Aaaaaahhhhhh!!!!


Me: "Hahaha!  Akala ko ako yung ma-drama sa buhay, pero mas ma-drama ka pa pala."


Jeric: "Uy, hindi drama yon.  Totoo yon."


Me: "Promise, magkikita pa rin tayo."


Jeric: "Hindi mo ko iiwasan?"


Me: "Hindi."


Niyakap nya ko at hinalikan.


Jeric: "Kung ayaw mong maging 'tayo', sabihin mo lang ha. Hindi ako magagalit, hindi ako magtatampo."


Me: "Bakit ba kailangang maging 'tayo' pa?  Pwede naman tayong magkaibigan.... tapos may ganito pa rin. "


Jeric: "Kasi, hindi ako sanay sa ganon.  Kasi gusto ko ikaw lang."


Funyeta, para akong tanga.  Pero totoo, kinilig ako.


Nag-ring yung telepono.


Sinagot ko.


"Sir, matatapos na po yung time nyo, mag extend ho ba kayo?"


Tiningnan ko si Jeric.... ang maamo at seryoso nyang mukha.


Me: "Oo, three hours extension."


Ngumiti sya sa akin.


At sinuklian ko 'yon ng sanlibong halik.


:)


*************


Sabi ni Adele, "Never mind i'll find someone like you..."


Pero mali pala sya.


Coz I found someone better.


Much, much better.


:)


Status Update: "In A Relationship."


Sharamdanna.........Shamdana....


Pasok Donna!





:p








posted under , | 61 Comments

Status Update: "It's Complicated."


Dalawang taon na simula ng ako ay ma-byuda.


At dahil sa sobrang frustration, iniluwal ko ang blog na itey.


Nagkaroon ako ng pagkakataon at opurtunidad na makabangon sa pamamagitan ng pagsusulat.... at ang sugat ay unti-unting naghilom.


Sa loob ng dalawang taon, kayo ang aking naging ka-relasyon.


And with exception sa dalawang followers/readers, naging platonic ang ating pagsasamahan.


Char.


************


Sabi nila, malalaman mong malandi ang isang tao kung hindi na nila mabilang ang lalaking dumaan sa kanilang buhay.


Hindi ako ganon.


Na-a-alala ko pa silang lahat.


Kung susumahin, 5 seryosong relasyon na ang aking pinagdaanan.


Sampung 'short-term' relationships.


At 120 'short-time.'


Chos.


Sa 5 serious relationships na 'yon, lahat sila, tumutugma sa mga lalaking gusto nina Mama at Papa para sa akin - mga professionals.


Pero sadyang hindi nga yata natuturuan ang puso.


Dahil nakilala ko si Jeric.


Jeric: "May boyfriend ka na ba?"


Me: "Ha? Wala pa sa isip ko ang mga bagay na 'yan?"


Jeric: "Bakit, kolehiyala ka?"


Me: "Gagu! Hihihi."


Jeric: "Pero alam ko, hindi mo ako magugustuhan."


Me: "Bakit naman?"


Jeric: "Kasi sa palengke lang ako nagta-trabaho. Yummy lang ako pero hindi mayaman."


Homaygash.


Tama sha.


Nga-nga.


Tiningnan ko sya.


Me: "Bakit, mukha ba kong matapobre?"


Jeric: "Hindi naman. Kasi bagay sa 'yo magka-boyfriend ng mayaman."


Me: "Ganun? Hindi naman ako mayaman."


Jeric: "Saan ka ba nagwo-work?"


Me: "Wala akong work ngayon. Dati nagsa-sideline lang pero ngayon, tambay."


Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.


Jeric: "Hindi ba nakakahiya kung sabihin ko sa 'yo na gusto kita?"


Me: "Hahaha!  Natawa naman ako dun."


Jeric: "Pinagtatawanan mo ko?"


Me: "Hindi ikaw, natawa ako dun sa sinabi mo na nakakahiya. Hindi ka dapat mahiya."


Jeric: "Pero simpleng tao lang ako."


Me: "Perro yummy."


Jeric: "Hahaha! Joke lang yon."


Jeric is 3 years my junior, so mga 19 years old sya. Ganyan.


Char.


Ewan ko ba.  I don't normally fall for someone like Jeric.  Pero I realized, nahuhulog loob ko sa kanya.


Jeric: "Matagal ka ba ligawan?"


Me: "Oo naman, mga 2 days... and take note. 2 banking days.  At dahil Saturday ngayon, hindi counted ang araw na 'to at bukas.  So mga 4 days, ganyan."


Jeric: "So, sa Martes, tayo na?"


Me: "Ang bilis mo naman.  Hihihi!"


Jeric: "Promise, kahit tayo na, araw-araw pa rin kitang liligawan."


Oh my....


Nakaramdam ako ng kilig.


At takot.


Kasi, okey na akong single.


Masaya na ako.


Pero heto, bumabalik yung kakaibang kilig.


Yung 'kilig' na kinatatakutan ko.


At alam kong pag pinasok ko ang bagay na 'to, may posibilidad na masasaktan uli ako.


Halos ikamatay ng puso ko yung huling relasyon ko.


Kakayanin ko pa ba na maulit yon?


Aaaaaahhhhhh!


Jeric: "Kung ayaw mo, sabihin mo lang.  Okey lang kahit 'kaibigan' lang..."


At nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.




*****

to be continued.









posted under , | 34 Comments

Kapag May Isinuksok...


Hellow!!!


Bago ang lahat, nais kong pasalamatan lahat ng nag-greet para sa ikalawang anniversary ng blog na itey.


Hindi man ako nilabasan, napaligaya nyo naman akong lahat sa mainit na pagbati nyo.


Hihihi!


Pramis.


Well, since eto yung pinaka-unang blog entry ng lolah nyo after the 2nd anniversary chorva, marapat lang na magsimula ako sa pagsusulat ng isang makabuluhang bagay, devah?


Although kailan ba naman akez nagsulat ng walang sense?


Hahaha!


Etchos!


Okey, marami ang nagtatanong sa akin kung paano ko daw na-a-afford yung 'luho' ko na massage including all variations... hahaha!


Parang tinapay lang, may variants pa.


Mayaman daw ba ako?


Malaki daw ba ang kita ko?


May libreng massage daw ba akez from the massage parlors?


So, dahil tinanong, pwes sasagutin ko.  Mapag-patol kasi ang lolah nyo. Hahaha!


Pers, hindi po ako mayaman.  At hindi rin naman kalakihan ang kita ng lolah nyo. Tama lang.


At wala rin po akong tinatanggap at natatanggap na libreng massage from any massage parlors.   Although may natanggap akong offer from them in exchange of 'mentions' dito sa blog, pero I chose not to accept.  I have my reasons. :)


Okey, so ano ang ginagawa ng lolah nyo to afford these massages?


Well, una, I have a sideline.  Pero linawin ko na agad, hindi pagpo-pokpok ang sideline ko ha. Although pumasok din sa isip ko yan dati.


Hahaha!  Etchos!


Dati pag magpa-Pasko, nag-i-interior decorate ang lolah nyo ng mga balur.  Mula sa pag decorate ng Christmas trees hanggang sa buong balur. And the income is WOW!


Pero hindi sha madali.  There was a time na pati bubong, pinapa-decorate sa akin.


Futah! Buwis-buhay talaga.


Bukod sa sobrang kafagod,  Haggardo Versoza at Stress Drillon din ang sideline na itey lalo na't ang mga client mo ay mga shusyalin at metikuloso.  And may times na sobrang kuripot. Hahaha!  Chos.


Kaya binitawan ko na sha.


Then, na-discover ko na kaya ko palang gumawa ng mga AVPs for weddings, birthdays, etc. So ayun ginagawa ko na sya on the side.  Pag keribels lang ng schedule ng lolah nyo.  At sinasabayan ko na rin sya ng rental ng projector.  Hahaha!  Hodevah, ako nah!  Chos!


Pero hindi naman madalas yang sideline na yan, kung bet ko lang saka ako nagko commit.  Most of the time, hindi ko bet.


Hahaha!


Kaya naman para ma-afford ng lolah nyo ang 'luho' nyang massage, mega-tipid sya.


Buti na lang wala akong bisyo.  I don't smoke.  At saka hindi ako namba-babae. Hodevah, revelation yan!


Nung bata pa akez, mahilig akong mag-alkansya.  Nag start akez mga 6 years old.


Naaalala ko pa, yung una kong alkansya, yung basyong container ng pulbos ng lola ko.



Parang ganitey...





















At sa pagtitipid ko, nakaipon ako ng sapat na moolah para sa aking unang BMX bike.


Akala nyo lalaki?


Six years old, lalaki agad?


Oist, hindi pa ako ganon ka-landi noh?


So ngayon, at my age, lalaki nah.


Hahaha!


Alangan namang bike pa rin?


Char.


So ang tip ko, kung may bet kayong boylet, pag-ipunan nyo.  Pers, i-inquire kung magkano ang budget.


Parang ganitey.


Ikaw: "Boylet, magkano ang 'yong dangal?"


Boylet: "2K po."


Syempre tatawad ka.


Ikaw: "Ang mahal naman, wala bang Senior Citizen's discount?"


'Yan ay kung senior citizen ka na.


Ako kasi, hindi pa.  Kaya ang hinhingi kong discount ay...


Off-peak hour discount.


Hodevah.


Hahaha!


Now, linawin mo rin kay boylet kung ano ang inclusions ng package. Ilang oras, anong performance level.  Ganyan.


Mas maganda kung may kasulatan ang lahat ng pinag-usapan para walang lokohan sa bandang huli.  


Kung keri mo, gumawa ka ng contract tapos ipa-notaryo mo.  At least may pinanghahawakan ka, come what may, devah?


Now, kung alam mo na ang budget, it's time to raise the fund.


Mag set ka ng time-table.  'Wag mashadong matagal.  Baka mamaya, tumaas na ang rate ni koya at di mo na afford devah?


Siguro, pwede kang mag overtime sa work.  Magbawas ng extra rice.  Maglakad instead na sumakay pa.  Bawasan ang Starbucks or iba pang luho.  Ganyan.


Yung masi-save mo everyday, ipunin at ihulog sa isang alkansya.


Now, hindi naman kailangang bumili ka pa ng alkansya.


Pwede namang gamitin kung ano ang available sa balur nyo.


Tulad ng empty containers gaya nito....


 

Ay, nakalimutan kong banggitin, mas maganda kung may picture ka ni boylet, tapos idikit mo sa alkansya mo para nakikita mo yung goal mo everyday.  Hodevah?


Hahaha!


Ay, kung ganyan naman ang boylet, hindi lang extra rice ang sacrifice.  Skip ko na ang lunch.  Hahaha!


Pwede ka ring gumamit ng empty perfume containers gaya nitey....




























Tandaan, ang bawat perang hinulog mo is a step closer to your dream boylet.


Kung piso-piso ang hulog mo, malamang nasa retirement age na sya bago mo ma-achieve.  And by that time, libre na sya.  Hahaha!  Chos!


Well, you must also remember na yung pera na  'yon is your hard-earned money.  So pag na-achieve mo na yung budget, paka-isipin uli kung sulit ba ang paysung kapalit ng ilang oras na happiness.


Kung massage lang naman ang habol mo, approximately nasa P300-P500 lang yan.  And I say, sulit na itey.  Parang 2-3 susyaling kape lang ang katumbas nyan.  And I usually do this to reward myself. ;)


At dahil nalalapit na 'rin ang birthday ng lolah nyo, pinaghandaan ko talaga ito.


Minsan lang naman sa isang taon ang kaarawan devah?


Heto po ang aking alkansya...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.




























Hihihi!



Chos!



:)



******************


P.S.  If you still live with your parents, or may roommate ka 'wag mo ng lagyan ng pic. Alam mo na 'yan. Okey?


Mwah!




posted under , , | 50 Comments

Dos Por Dos



Today, my blog turns 2!



Yes, 2 years na tayong naglalandian mga shufatid!



And I am so proud to announce na sa loob ng 2 years na 'yon, 2 readers pa lang din ang naka-tikim sa aking alindog.  Hahaha!



Chos!



Before anything else, ladies and bekis.... let me say THANK YOU beri-beri mats!



417 Blog posts!




406 Blog followers!




1,235,028 page views!



Homaygash!



I love you all!



I never expect na a-abot sa ganito.  Hindi talaga. As in!



Sagad na sya ng bonggang-bongga!



And to my Tweeter followers, all 484 of them.... Mwah! Mwah! Chups! Chups! Talaga!



To my 361 Facebook kalandians.... Thank you na rin.  Hahaha!



At dahil momentous occasion itey, dapat ay may "this is the moment" celebration din devah?



Kaya naman si Jonas - ang aking self-proclaimed resident masseur (hodevah, resident ang peg? Naninirahang tagapindot/lamas ang titul. Parang sa akin na sha nakatira. Hahaha!)  ay nag volunteer at nagplano ng isang di malilimutang selebrasyon.



Me: "Hoy Jonas, ano ngang magaganap?"



Worried lang ako.  Baka kung anong gawin ng mokong na ito.



Magluluto ba sya ng Chopsuey at Menudo?



Parang Fiesta?



O-order ba sya ng Pansit sa Ambers?



Parang birthday?



O mag-o-overnight sya sa balur?




At mag-spooning lang kami buong magdamag.



:p



Hihihi!  Uu, hanggang spooning lang ang kaya kong ibigay sa kanya.



Hahaha!  Chos!



Jonas: "Basta Madam, di mo 'to malilimutan."



Hindi malilimutan?



Weh!




Yun ngang orgy ko last week nalimutan ko na.




Hahaha!




Etchos lang.




Me: "Ay naku, parang alam ko na yan."




Jonas: "Ano yon Madam?"




Me: "Kamasutra massage na naman 'yan."




Jonas: "Hahaha! Parang ayaw mo Madam?"




Me: "Hindi naman. Kase na-experience ko na yan so there's nothing new about it."




Parang walang gana ang drama ng lolah. Hahaha!






Jonas: "Madam, hindi 'to basta-basta Kamasutra Massage."



Me: "Eh ano?"



Jonas: "Twin Kamasutra Massage!"



Me: "Funyetah! Twin Kamasutra Massage?"





Jonas: "Paulet-ulet?"



Me: "Gago! Meaning 2 kayong magtu-Twin Kamasutra Massage sa akin???"



Jonas: "Hindi po. Lima kami, kaya nga po Twin di ba?"



Me: "Funyeta ka!"



Homaygash!  How appropriate naman to the occasion!  Twin Kamasutra massage on my blog's 2nd anniversary!




At bigla kong naisip.....




Sana lang 6th anniversary ko na!










Hahaha!



Chos!




***************



Facebook: http://www.facebook.com/chuni.chuniverse


Twitter: https://twitter.com/#!/MissChuniverse










Ms. Chuni's Night Out


Na-invite mag comedy bar ang inyong lolah.  Sobra syang excited dahil perstaym nyang makakapasok sa isang comedy bar.  Hodevah, inosenteng shunga lang ang peg. Char.


Eh nasa bucket list nya kaya na makapunta sa ganitong venue.   Hindi daw ganap ang pagiging beki kung di ka pa nakapasok sa isang comedy bar.



Kaya to document this momentous occasion, binitbit nya ang kanyang DSLR, at heto ang ganap.


Tanong: "Pogi, nakahawak ka na ba ng suso ng artista?"


















Pogi: "Hindi pa po."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


"O ayan... pagkakataon mo na! Hawakan mo na!!!"

.

"Oh, 'wag ka ng mahiya... dalawahing kamay mo pa!"


















"Teka, baka di maniwala yung mga friends mo na nakahawak ka na ng suso ng artista, dali, pa-picture tayo... ayun tingin ka sa camera!"




















"Pero ikaw ba, nahawakan na yang dibdib mo ng artista?"



"Hindi pa po."



"Pwes, ngayong gabi, masasabi mong nahawakan na yang dibdib mo ng artista!"




















Impeyrness, pinkish ang utong ni koya. Pencil eraser ang peg. Hihihi!




















"Oh, ayan, close na tayo. May friend ka ng artista."





















"Parang nahihiya ka pa? Friends na nga tayo, devah?"




















"Uy, wala namang malisya yon... sige, ikaw naman humawak."



















"Try mo dito..... wala talaga."



















"Eh... naluhuran ka na ba ng artista?"




















"Baka ma-off balance ka, hawakan mo ko sa ulo." 



















"Ang cute-cute mo talaga, kagigil ka."


















"Pa-kiss na lang Papa..."


















"Ayan na nguso ko...hihihi!"



















"Mmmmwwwuuuaaaaah!"




















Funyetang Sweet 'yan, answerte! Wala namang pagtutol na namutawi kay boylet.


Ang saya-saya pala sa comedy bar. Hahaha!


Uu, ambabaw ko lang.


Doon ko na-realized na mali ang pinasok kong career.


Pero hindi pa huli ang lahat.


Hahaha!


Devah mga boylets from the audience?



















Si Young Daddy...



















Si Boylet-Next-Door...



















At sya.....


















..... minahal ko na sya.


Hahaha!


Char.


********************


Haynaku, next week Gay Bar naman.


Chos!


:)


posted under , | 21 Comments
Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments