Mundo Nya Ay Nagunaw
"Busy ka ba?"
Tanong ni Zuki.
"Hindi naman. Bakit?"
"Pwede bang pumunta dyan sa flat mo?"
May himig-lungkot ang boses ng baklita.
"Sure."
After 45 minutes dumating na sya. Pinaupo ko sya sa sofa at inalok ng maiinom.
Me: "Gusto mo ng patis?"
Zuki: "Gaga."
Me: "Anyare bakla? Bakit ganyan ang fez?"
Zuki: "Break na kami ni Jeremy....."
Me: "OMG! Akala ko noon pa?"
Zuki: "Gagu. Mag wa-one year na dapat kami. Nung weekend, nakipag break sya."
Me: "Bakit daw?"
Zuki: "Hindi ko alam. Sa text sya nakipag-break."
Me: "Ang sama naman. Sana kahit sa Skype."
Zuki: "Anong gagawin ko? Mahal ko sya Friend. Gusto ko syang ipaglaban."
Me: "Tanga. Kanino mo sya ipaglalaban, eh may third-party ba?"
Zuki: "Oo, feeling ko."
Me: "Maghahabol ka, ganon?"
Zuki: "Oo...."
Me: "Bakla, konting respeto sa sarili. Kung ayaw na nya, hayaan mo sya. Bakit hahabulin ang isang taong nakikipag break sa text?"
Zuki: "Pero mahal ko sya Friend. Nung Sunday, tinatawagan ko sya pero ayaw nyang sagutin yung phone. Ang sakit-sakit. Para akong mamamatay."
Me: "Uy, wag muna ngayon Friend. Tight ang budget ko. Sisiw lang ang mai-a-ambag ko sa burol mo."
Zuki: "Sisiw? Ano ako, rape victim na nangangailangan ng hustisya?"
Me: "Rape? Ambisyosa ka naman. Murder lang. Tapos tsi-nap-chop."
Zuki: "Friend.... anong gagawin ko?"
Me: "Pwes, magpaka-busy ka. Wag mong bigyan ng pagkakataon ang gwapo, mabango at makisig na ex mong si Jeremy ng pagkakataon na isipin sya!"
Zuki: "AAAAHHHHHHHHH..........."
At dahil sa pinagdadaanan ng bakla, hindi muna sya pwedeng kausapin.
Isasailalim sya sa stress debriefing.
Char.
Ang Lihim
Matagal ko ng hinala ito.
Pero takot din akong alamin yung katotohanan. Kasi baka hindi rin ako handa sa kung ano man ang malalaman ko.
Noon pa, napansin ko na ang pagiging iba ko sa aking mga kapatid.
Lahat sila around 5'10 - 5'11" ang height.
Ako 5'7".
Lahat sila moreno/morena.
Ako maputi.
Tapos almost 4 years after ikinasal yung parents ko saka ako ipinanganak.
Nandoon talaga yung hinala.
Bisperas ng Pasko.
Inabot ko sa Nanay ko ang kanyang pamasko. Perang nakalagay sa isang sobre.
Nanay: "Magkano to?"
Me: "Ah.... dapat po ang sinabi nyo 'Thank you!"
Nanay: "Ah okey... thank you!"
Me: "You're welcome!"
Nanay: "Ok, magkano 'to?"
Hindi ko na sinagot. Katumbas lang naman yon ng isang buwan kong sahod.
Dimiretso ako sa kwarto at muling napag-isip. Ito na marahil ang tamang pagkakataon. Bumalik ako ng kusina at inabutan ko ang aking ina na binibilang ang laman ng sobreng inabot ko kanina.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili.
Me: "Nay..... pwede ba akong magtanong?"
Nanay: "Ano 'yon?"
Me: "Nay....... ampon lang ba ako?"
Halata ang pagka-gulat nya. Napatigil sya sa pagbibilang ng pera.
Nanay: "Ha? Bakit mo nasabi 'yan?"
Me: "Matagal ko ng nararamdaman. Pero hindi ko naman magawang itanong sa inyo."
Nanay: "Bakit? Nagkulang ba kami ng ipinakitang pagmamahal sa 'yo? Itinuring ka ba naming iba? Kinapos ba kami sa pagkalinga?"
Ramdam ko ang bigat sa bawat katagang kanyang binitawan.
Me: "Hindi naman po. Pero nandoon lagi 'yung pagtataka at paghihinala."
Naramdaman ko ang pagbagsak ng kanyang mga balikat. Ang pamumugto ng kanyang mga mata.
Me: "Nay, nasa hustong gulang na ako para malaman ang katotohanan. Hindi ako magagalit, hindi ako magtatampo at hindi ako mawawala sa inyo. Gusto ko lang malaman kung anak nyo ba talaga ako."
Nanay: "Hindi ko alam kung paano sisimulan...."
Me: "Pwede naman sa 'Once upon a time..."
Napangiti si Nanay. Pero ngiting may pait.
Nanay: "Panahon na nga siguro para malaman mo ang katotohanan..."
Sumikip ang aking dibdib.
Parang hindi ako makahinga.
Hinawakan ko ang palad nya bilang tanda ng suporta sa kung ano mang lihim na ipagtatapat nya.
Me: "Ano po 'yon Nay?"
Nanay: "Anak........
Me: "Nay......"
Nanay: "Umandar na naman ang kagaguhan mo! Ano na naman yang pumasok dyan sa kukote mo? Kadarating mo lang... bored ka na agad? Aber sino na naman sa tingin mo ang tunay na mga magulang mo?"
Me: "Pwedeng isa sa mga Ayala. Tapos ipapamana nila sa akin ang Greenbelt 5."
Nanay: "Haller???? Luwa ang mga mata non at ikaw, singkit ka!"
Me: "Ok payn! Eh di si Henry Sy na lang!"
Char.
****************
Ganyan kami minsan ng nanay ko...... Adik.
Happy New Year everyone! :)
- 1st Anniversary
- 2nd Anniversary
- Adoray
- Announcement
- Announcemet
- Apartment
- Award
- Baclaran Cinema
- Bakasyon a la Ms. Chuniverse
- Birthday
- Blind Item
- Blog
- Camiguin
- Caption This
- CDO
- Celebrity
- Christmas
- Chuni and Friends
- Condo
- Contest
- Cooking
- Craft
- Dog Loving Papa
- Drama
- Embarassing Moment
- Embarrassing Moment
- Erotic Story
- Family
- Fashion
- Fiesta
- Flood
- Food
- Food Review
- Furniture
- Gadgets
- Gay Bar
- Gift
- Gimik
- Girls
- Guest Blogger
- Heroism
- Holy Week
- Horoscope
- Hospital
- hot men
- Humor
- Hunk
- Jay
- Jeric
- Jokes
- Jonas
- Kasabihan
- Kiss
- Lady Gaga
- Landmark
- Larawan
- Lipat Bahay
- Lipat-Bahay
- Love Story
- LRT
- Madonna
- Mark
- Masahista
- Massage
- Me and Friendship
- Men In Uniform
- Money Talks
- Movie a la Ms. Chuni
- Moving Out
- MRT
- Ms. Chuni's Favorites
- Nanay
- New Year
- News
- Older Men
- Pahiyas
- Palawan
- Pantawid Pahada
- Paranormal
- Photography
- Pic Greet
- Picture Story
- Plagiarism
- Poem
- Priceless Moments
- Public Service
- Question and Answer Portion
- Quote
- Random story
- Random Thoughts
- Rant
- Restaurant
- Romance
- Royal Wedding
- Rumors
- Sex story
- Sirena
- Song
- Sports
- Starbucks
- Tattoo
- Technology
- Terror
- Tips
- True Blood
- True Story
- Tsismis
- Tula
- Tutorial
- TV Commercial
- Valentines Day
- Video
- weird fashion
- Yahoogroups
- Youtube
- Yummy Common Pipol
- Zombies
World Peace!
Kumonek!
Tungkol sa Reyna
- Ms. Chuniverse
- The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)
Mga Fellow Beauty Queens
Popular Posts
-
Na-i-blog ko na ito dati. Pero hindi ko pa nagagawa. Though, ilang beses na 'rin akong nag-attempt gawin. Kaya lang nahihiya talaga ako....
-
May nagbulong sa akin na isang mabuting kaibigan/reader/informer about this Tumblr account na parang may resemblance daw sa mga entries ko d...
-
Tumunog ‘yung cellphone ko. Me: “Hello?” Caller: “Sir, remind ko lang po ‘yung call time nyo, 9pm tonight. Studio 4 po tayo.” ...
-
Hindi ko rin naman masisi ang aking sarili kung bakit takot ako na pasukin ang isa na namang relasyon. Sabi ko nga sa sarili ko, gulo lang...
-
******* At sa pagpapatuloy ng ating kwento... Halos kasabay ng pagkakakilala ko kay Jeff, nakilala ko rin si John. "play me a song your...
-
Recently ay may 2 boylets na dumating sa buhay ng lolah nyo. Ang una ay si Jeff. [image removed] Heto ang kwento... Nagwi-window shopping an...
-
Ang sama ng pakiramdam ko. Dala marahil ng nararamdaman kong.... sore throat. Sa simpleng karamdaman, hongdami lang n...
-
Hindi ako mapakali. Parang nako-konsensya ako na nagsinungaling ako kay Jeric tungkol sa aking sarili. Kaya nung Friday, magkasama ...
-
If there are readers here who are from Globe or in any way connected with the company, please, don’t get offended; I am just sharing my rece...
-
What I am about to share with you guys is something personal. Open book naman ang love life ko sa inyo and hindi na secret ang aking n...





Recent Comments