Ano Ang Ginagawa Nila?
Felix Bakat
Mga vakla, ito ay isang kwentong fiction lang ng isang baklang haliparot na itago na lang natin sa pangalang Chona. I repeat.... PIKSHYONNN!
...............................
Nag – decide ang baklang si Chona na hindi na sumama sa mga kaibigan nyang pupunta sa beach noong nakaraang summer. Kapos kasi sya sa budget pero syempre hindi na nya sinabi ‘yon kasi baka okrayin lang sya. Hindi nya feel matawag na purita. Naisip nya na umuwi na lang sa probinsya nila sa Batangas. Opo, isa syang Batangurlash.
Kaya noong umaga ding ‘yon, bitbit ang kanyang Louis Vuitton Cruiser Bag- na binili nya nang nagdaang pasko sa Vira Mall, sumakay sya ng bus sa Buendia.
Pagbaba sa istasyon ng bus ay nag tricycle pa ang muret kahit pwede namang lakarin. And take note, special trip - walang kasabay.
Habang tinatahak ang kalsadang papunta sa kanilang bahay ay nasamyo nya ang sariwang hangin at nasambit nyang…
“Fresh air…” sabay ngiti at sumilay ang kanyang mapuputing ngipin na bagong bleach lang.
Parang kumurap lang sya at hayun nga, nasa balur na nila sya. Tila isang modelong nag catwalk ang bruha habang naka angkla sa braso ang Louis Vuitton at nag-beso sa nanay n’yang noong oras na ‘yon ay nagta-tahip ng bigas.
Konting chika.
Makatapos mag-tanghalian, naisip niyang umidlip muna..
Nang magising ang bida mula sa kanyang siesta, nag-ikot-ikot sya sa bakuran. At tila namalikmata ang bruha. Dahil sa harapan ng kanilang bakuran ay may isang nilalang na nakatayo, naka-sando at may katawang mukhang anytime ay tutubuan ng abs.
Anyway, nakatayo ang hombre habang nakikipag-usap sa cellphone. Hindi naman nauunawaan ni Chona ang topic since a few meters ang distance nila.
Pawisan ang lalaki at tanging pulang basketball shorts lamang ang saplot. Hinagod nya ng tingin mula ulo hanggang… napa birds eye view si Chona at napa-nganga…
Parang ganito lang ang nakita nya…
Uuyy, hindi sya yang picture na ‘yan ha. Pagsasalarawan lang ‘yan. Fiction lang itetch, remember.
Bakat na bakat lang naman ang Pocketbell ni kuya!
Bising busy ang lalaki sa kausap sa telepono at paminsan minsan ay nagkakamot ng tiyan. Kaya naman ang bruhang bida ay kandahaba ang leeg sa pagsipat. Gumamit pa ng props at hinila ang hose ng tubig at nagsimulang mag-dilig ng halaman para hindi mahalata.
Sabi nya sa sarili nya…
“Mahabaging dyosa ng mga bekis syan na ba? OMG, kung sya ang ipinagkakaloob nyo para sa akin... i'm accepting!!!”
Kulang na lang ay tumulo ang laway ni Chona everytime sumisilay ang treasure trail ng papable na tambay.
“Ang bakat! Ang bakat bakat!!! Kabisado ko na ang hugis, kabisado ko na ang laki, kabisado ko na ang haba, kabisado ko na ang shape ng ulo…. Kabisado ko na!!!!
Sino ba ang lalaking itetch ang tanong nya sa sarili nya? Hindi pamilyar ang tabas ng fez. Parang alien lang sa kanilang barangay.
Hindi malaman ni Chona kung lalabas ba o magpapakilala sa poging mama. Dala ng ka-alembongan, nalimutan na n’yang nagdidilig nga pala sya ng halaman. Kasehodang malunod ang orchids ng nanay nya sa bumabalong na water.
Isang malakas na busina ng truck ang gumulat sa mutya.
Kasabay ng “honk” ay napatabig sya sa hawak na water hose. Nagwisikan nang water at na-anggihan ang lalaking may kakaibang… bukol.
Napatingin sa kanya ito ng matalim at biglang umalis. Muntik nang mabatukan ni Chona ang sarili nya. Hindi na sya nakapag-sorry or kahit beso man lang sa lalaking binansagan nyang FELIX….
Felix bakat.
At pumailanlang sa ere ang awiting...
Sayang ngayon lang tayo nagkatagpo,
Ngayon na rin magkakalayo;
Bakit kaya
Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana...
Nagtanong-tanong si Chona sa pinsan nya at nalaman nyang boyfriend pala si Felix ng kapitbahay nila sa likod at nagba-bakasyon din.
May dyowa na sya? Oh sayang talaga… hindi pa man... heartbroken na ang bruha.
Pero ang ating bida ay naniniwala sa kasabihang….
“Kung hindi pa kasal… ay hindi pa bawal”
Kaya naman hindi sya sumuko. Subalit ang lahat ay mau-uwi rin pala sa siphayo…
“Ang sakit! Ang sakit, sakit!!!” at nag-internalize sya.
Ganito ang nangyari:
Kumakain ng tig be-benteng halo-halo sa katabing tindahan si Chona ng makita nyang papalapit ang lalaking may mahiwang bukol.
Naka sando ito’ng muli at naka dilaw namang shorts.
As usual bakat.
BakaT na bakaT!!!
At sa unang pagkakataon ay nadinig ya ang boses ng papa.
“Pabele nga ng halu-halu. Yong regolar lang tig Piptin”.
Muntik ng malunok ni Chona ang buo-buong sago at pinipig sa tindi ng accent ng future papa nya. Pero hindi naman sya agad nawalan ng gana, bagkus ay inisip nyang…
“Accent lang ‘yan, laman-tiyan pa ‘rin yan.”
Lakas loob syang nagsalita….. at umalembong na ‘rin.
“Ikaw pala yung boyfriend ni Mia”.
“Aku nga. Ekaw yong nam-basa sa aken kahapon ‘de ba?” sagot at tanong ng lalaki.
“Uy sorry, di ko naman sinasadya ‘yon para na-anggihan ka lang.”
“Okey lang, nagolat lang ako.” sabay bigay ng matamis na ngiti.
“Ano na nga pangalan mo?” usisa ng Chona.
“Geo.”
“Gio?”
“GEO!”
“Ah, Geo. Akala ko Felix.”
“Felex? Baket naman Felex?”
Nangiti ang Chona ng pagkatamis-tamis matamis sabay sabing.... “wala lang...”
“Wird ka pala no?”
“Wird?”
“Oo wird!”
Napaisip si Chona ng sandali.... “aahhh... weird!”
“Yon nga sabi ko!”
Buti na lang pasensyosa ang lolah mo kung hindi baka binatukan nya na ang hombre ng panggadgad ng yelo.
Change topic ang drama.
“E bakit naman ‘di ka nag special ng halo-halo para may ube at leche flan?”
“Ukey na to, pang alis-enet ba.”
“Nag-iinit ka?”
“Sera! niluluko mu na aku ha.”
“Hindi a. Sabi ku lang kung naiinitan ka?”
“Slayt lang.” sagot nya.
Tila na deplete ang stock ng pasensya ng Chona. Mukhang mahihirapan sya. Hindi ito kakayanin ng powers nya. Kaya ng tuluyan nang nag walk-out sabay sabing...
“It’s your lost, not mine...”
“Anu senasabi mu?” tanong ni Geo.
“Ahhh wala... matutulog na lang ako!”
At doon natapos ang mahal na araw ng bruha.
Oo, hindi lahat ng attempt ay successful. Ganyan ang life, wag mag mukmok, so find na lang ng next target kumbaga.
............................
Happy weekend mga kafatid. Fiesta ng Don Bosco sa amin sa Makati Cityyyy! sa Linggo. Halina, punta kayo. Char!
Pasasalamat
From the ashes of a failed relationship, ipinanganak ang blog na itey. Kailangan ko kasi ng dibersyon para makalimot. Eh hindi naman ako sanay mag-mahjong at ang cheap lang ng bingo. Ayoko 'rin maglasing. Loser na loser lang ang dating.
Kaya naman instead na umattend sa orientation ng mga new members ng Tropang Tambay sa aming barangay, I chose to start a blog. Anyway, the tambays made me their honorary muse. Hihihi!
Kasi naisip ko, wala pang tambay na sumikat.
Eh ever since bata pa akey, gusto ko ng magka-pangalan. Sabi ko nga sa nanay ko, isali nya ako sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga. Hanggang ngayon, hindi ko maisip kung bakit hindi nya ako in-audition. Sayang. May anak na nga si Jessa Zaragoza at binata na si Aiza.
Pero heto nga, blogger kuno na aketch. Mas ok na itetch kesa i-pursue ko ang impending showbiz career. I value my private life kasi.
Enjoy naman palang mag-blog. Kasi, nagkakaroon ka ng pagkakataong ilabas ang emosyon mo pati na mga skeletons in my walk-in closet without being judged.
‘Yung mga bagay na hindi ko kayang i-share sa lola ko, o sa nanay ko, dito ko nai-shi-share.
So, dear readers, parang nanay at lola ko na kayo. I love you mga ateh.
Heto na nga, 7 months na akong nagba blog. Kaybilis ng panahon. Kung nabuntis ako, in 2 months time ipapanganak na ang baby ko... na walang ama.
When I started this blog, I am so happy to have 200-300 page views a day. And to have followers na kasing ganda at bait ko lang. Kahit yung iba slightly depreciated na. Char!
Oo, tinitingnan ko po kung may nagbabasa ba ng blog ko thru Stat Counter coz I don’t intend to keep this blog to myself just like what happened dun sa letseng diary ng Mara Clara (the original) na it took them almost 5 years to find at na discover na nasa ibabaw lang pala ng tokador.
Kaya alam ko na nag-grow ang followers since the time I started this blog. Recently medyo na surprise akey. I just realized na that this blog has an average of 1,500 page views na a day. Ang daming vakla!!! Char.
Pero nung Saturday, umabot sa 2,591 ang page views. Shock akey. Kaya I therefore conclude na walang datung ang mga vaklush nung Satuday na pang gimik kaya they decided to stay home or mag-internet na lang at mag blog hopping. At isa ang blog ko sa mga nakinabang. Hihihi!
Salamat pow!
Anyway, I am so thankful nga na sinusubaybayan nyo (at sanay binabasa nyo rin) ang blog ko. Hihihi! Salamat mga friendships! Mwah! Mwah! Mwah!
I would like to make beso to Desperate Houseboy and Nox! Hindi man tayo magkakasing bata, sa puso at diwa pareho lang tayong sariwa. Choz!
At pramis hindi ako binayaran ni Nox at Houseboy para i-greet sila. At hindi rin kami nag-siping or threesome. Choz!
Sya nga pala…
Kung may twitter na akey: misschuniverse
Ay may e-mail at facebook na rin din akey: misschuniverse@yahoo.com (add nyo naman aketch dahil si Bookie pa lang ang friend ko ‘don. Hihihi!)
Men In Uniform
Ms. Chuni Goes Techie
Ang Lihim Ni Friendship
Lahat tayo’y may itinatagong lihim.
Lihim na gusto nating sarilinin.
Subalit hindi lahat ng lihim ay kaya nating dalhin hanggang sa ating libing.
Dahil sa ayaw at sa gusto mo, may mga lihim na nakatakdang mabuking.
Charing!
…………………................
Kahit sagana sa dilig, si Friendship ay salat at uhaw naman sa pag-ibig.
Matagal na nyang ninais na mag change ng status sa Facebook at gawin itong “in a relationship” from “it’s complicated”.
Oo, complicated ang lovelife nya.
Why?
Subalit isang araw, bago tuluyang natapos ang 2010, natapos din ang kanyang paghihintay.
Dahil na rin sa pagpu-punyagi at perfect attendance sa Escuela de Baclaran ay nakilala nya si Jay-R – isang boylet na ang mudra ay halos kasing-age ni Friendship.
Kumulog at kumidlat. Dahil ang pagiging emperatriz ng mga cougars ay kanya ng tinanggap.
In short parang junakis lang ni Friendship ang bagong dyowa nyang si Jay-R.
Twenty si Jay-R.
Junakis sa pagka-dalagita.
But who am I to judge?
I am just but a beauty queen.
Pero sabi ko nga kay Friendship. I doubt if Jay-R is his soulmate. Friendship is probably in-love with the idea of being in a relationship and not with the boylet himself. Kilala ko sya. Mabilis syang ma-umay.
Pero, supporting role lang aketch sa tambalang Jay-Friend. At whiz ko feel maging Bella Flores sa buhay nila.
Inuwi nga ni Friendship sa aking balur si Jay-R. Ipinakilala sa akin. Matangkad ang hombre, slim, bata, sariwa.
Para lang silang tambalang Vicky Bello at Makisig Morales…. Este Hayden Kho pala.
At dahil nga sa pagbisi-bisita ni Jay-R sa balur ay madalas na syang ma-sight ng ibang residente ng compound. Naging curious sila sa presence ng batang hombre.
Karag pa sya ni Friendship sa badminton event namin with Dexter and the rest of the straight boylets from our compound.
Jay-R & PK playing, Dexter refereeing.
Kaya naman isang araw tinanong si Friendship ng crush kong residente rin sa compound na si codename PK (Papa Ko):
“Kaano-ano mo si Jay-R?”
Na-shock ang Friendship. Nag-palpitate sa direct inquiry. Hindi sya prepared. Walang maisip na isasagot. Kaya naman mega dedma at change topic ang naging drama ni Vicky este Friendship.
Gustuhin ko mang magpaka-honest, eh sino ba naman aketch para mag-offer ng information? Hindi gawain ng isang Binibining Pilipinas title holder ang makialam.
……………………………………
Si Jay-R ay nagta-trabaho sa isang factory ng condiments. Kung anong klaseng condiments, hulaan nyo na lang.
Ngayon, almost 2 months na ang mag-jowa. Halos every weekend silang magtagpo sa aking balur upang pagsaluhan ang magdamag. Pero gaya nga ng aking hinala, mukhang nasusuya na si Friendship sa sustansyang dulot ng kanyang bagitong papa.
Gaya ng isang bampira, kailangan nyang tumikim ng iba.
At isang araw ng Linggo, naglunoy sa kandungan ng ibang lalaki ang founding chairperson ng Makati Club - and I am not referring to the city.
Hindi kinaya ng Johnsons Baby Powder at ointments ang kati.
Sa feeling ng ibang Adan ay na-cure ang itching na kanyang ini-inda.
Pero nakatunog si Jay-R.
Alam nyang lumandi ang kanyang esposang Ilokana. Kaya mega text sya.
“Wer r u?”
Aamin ba si Friendship?
Oo, umamin sya. Malandi lang sya pero hindi sya sinungaling.
Nasaktan ang Papa Jay-R nya.
Ano na ang mangyayari sa tambalan na nakatakdang tumaob sa MELASON (Melai-Jason) love team?
Ano na ang nangyrari sa tamis ng pag-ibig?
Na pati Weeksary ay may cake.…
Mauuwi ba 'to gaya sa naglahong loveteam nina Madam Auring at Archie or Jimboy at Mahal?
‘Wag naman sana.
Pero ipinaunawa ni Friendship ang sitwasyon sa kanyang anak... este dyowa. At naunawaan naman yata ni Jay-R.
Kasi nung Saturday, muling naganap ang kanilang weekly chorva marathon.
Pati mga surot ay tila nahiya sa sugpungang naganap. nag take ng leave of absence ang mga insekto. Whiz nila type ma-witness ang pagniniig.
Pagkagising kinaumagahan ay kita na ang gilagid sa smile ni Friendship.
Tagumpay ang kanilang pagbabalik love team.
At sa sobrang gigil ni boylet kay Friendship, iniwanan lang sya ng souvenir.
Isang dambuhalang chikinini.
Na shok ang alembong na Ilokana sa na-discover.
Hindi malaman kung paano aalisin ang evidence ng kanyang kalandian. Todo kuskos ng labakara at maligamgam na tubig.
Hanggang sa mamula.
Syempre hindi natanggal.
Worried sya kung paano sya papasok .
Maglagay ng scarf? Bandana?
Vaklang-vaklang mga options.
Naghanap ng concealer.
Hindi pala nya kayang itago ang kanyang lihim…
Amfootah. Kinarir na lang nya.
Dedma na lang kung may makakita.
PS: Ang latest, ina-aya na ni boylet magpakasal si Friendship. Anong sinabi ng hair ni Rapunzel. Namannn!
Gusto ni Jay-R ipakilala si Friendship sa kanyang Nanay at gusto rin nyang makilala ang family ni Friendship.
Mamamanhikan na ba si Jay-R?
Gagawin kaya akong bridesmaid?
May oras pa ba para magpagawa ako ng gown kay Monique Lhuillier?
Babagay kaya sa akin just in case na fuchsia ang motiff?
Ang dami lang tanong sa isip ko.
Na-stress ako bigla.
Parang gusto kong mag somersault mula sa tuktok ng LKG Building sa Ayala.
- 1st Anniversary
- 2nd Anniversary
- Adoray
- Announcement
- Announcemet
- Apartment
- Award
- Baclaran Cinema
- Bakasyon a la Ms. Chuniverse
- Birthday
- Blind Item
- Blog
- Camiguin
- Caption This
- CDO
- Celebrity
- Christmas
- Chuni and Friends
- Condo
- Contest
- Cooking
- Craft
- Dog Loving Papa
- Drama
- Embarassing Moment
- Embarrassing Moment
- Erotic Story
- Family
- Fashion
- Fiesta
- Flood
- Food
- Food Review
- Furniture
- Gadgets
- Gay Bar
- Gift
- Gimik
- Girls
- Guest Blogger
- Heroism
- Holy Week
- Horoscope
- Hospital
- hot men
- Humor
- Hunk
- Jay
- Jeric
- Jokes
- Jonas
- Kasabihan
- Kiss
- Lady Gaga
- Landmark
- Larawan
- Lipat Bahay
- Lipat-Bahay
- Love Story
- LRT
- Madonna
- Mark
- Masahista
- Massage
- Me and Friendship
- Men In Uniform
- Money Talks
- Movie a la Ms. Chuni
- Moving Out
- MRT
- Ms. Chuni's Favorites
- Nanay
- New Year
- News
- Older Men
- Pahiyas
- Palawan
- Pantawid Pahada
- Paranormal
- Photography
- Pic Greet
- Picture Story
- Plagiarism
- Poem
- Priceless Moments
- Public Service
- Question and Answer Portion
- Quote
- Random story
- Random Thoughts
- Rant
- Restaurant
- Romance
- Royal Wedding
- Rumors
- Sex story
- Sirena
- Song
- Sports
- Starbucks
- Tattoo
- Technology
- Terror
- Tips
- True Blood
- True Story
- Tsismis
- Tula
- Tutorial
- TV Commercial
- Valentines Day
- Video
- weird fashion
- Yahoogroups
- Youtube
- Yummy Common Pipol
- Zombies
World Peace!
Kumonek!
Tungkol sa Reyna
- Ms. Chuniverse
- The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)
Mga Fellow Beauty Queens
Popular Posts
-
Hellow!!! Bago ang lahat, nais kong pasalamatan lahat ng nag-greet para sa ikalawang anniversary ng blog na itey. Hindi man ako nilab...
-
Hindi ko rin naman masisi ang aking sarili kung bakit takot ako na pasukin ang isa na namang relasyon. Sabi ko nga sa sarili ko, gulo lang...
-
Na-invite mag comedy bar ang inyong lolah. Sobra syang excited dahil perstaym nyang makakapasok sa isang comedy bar. Hodevah, inosenteng...
-
I enjoyed writing this piece, at dahil napapanahon (at walang bagong entry ang lolah nyo), i am repostingbthis blog entry. :) Hello Frie...
-
Today, my blog turns 2! Yes, 2 years na tayong naglalandian mga shufatid! And I am so proud to announce na sa loob ng 2 years na ...
-
Dahil naging kami, ang gusto ni Jeric, may terms of endearment. Me: "Mahal na lang itatawag ko sa yo ha." Jeric: "I...
-
Before magpatuloy sa pagbabasa, read muna The Offer para naman maka-relate ka. ******* So, may stay-in boylet nga si Friendship na g...
-
Maraming pagbabagong naganap sa mga frends ko lately. Si JR, may bagong Singaporean dyowa. Pulis-pulisan lang ang peg. Hooongshusyal ...
-
*********** Kamusta ka na? Alam mo, miss na kita. Hihihi! Alam ko na nung Friday ng gabi lang tayo huling nagkita. Ramdam ko p...
-
******* Sino ba ang gustong ma-reject? Wala naman devah? Pero whether we like it or not, nangyayari pa rin. Sa lahat. Walang excempted! Oo,...
Blog Archive
-
▼
2011
(223)
-
▼
January
(22)
- A Sandwich, A Baul and A Sleeping Hunk
- Ano Ang Ginagawa Nila?
- Felix Bakat
- Buti Na Lang Hindi Ko Sya Nanay...
- Pasasalamat
- Men In Uniform
- Ms. Chuni Goes Techie
- The Best Thing About Me Is...
- Ang Lihim Ni Friendship
- Suko Na Ako...
- Caught in the Act!
- Si Mudak at Junakis - The Revelation!
- Priceless Moments
- Magkano Ang 'Yong Dangal?
- Si Chef at ang Whipped Cream
- Akin Ka Na Lang?
- Sana Naging Kamay Na Lang Ako
- Maharot Na Nakaraan
- Happy Fiesta!
- Watch and Learn
- Kwentong Seryoso
- Isang Major Vonggang Announcement
-
▼
January
(22)
Recent Comments