Nang Maghiganti Ang Starbucks


Well, all of you probably knows na yung kagagahang ginawa ko sa Starbucks.


Kung hindi mo pa nababasa, mag-back read ka na lang. Choz.


Last Saturday, bumalik uli ako ng Starbucks.


Nagulantang ang beauty ko.


Ang haba ng pila! The last time na nakakita ako ng ganito kahabang pila ay nung mag-igib ako sa poso sa probinsya namin na transparent kamison lang ang outfit ko. Uu, pinilahan ang beauty ko ng mga tambay. Pero ayun, hanggang tingin lang sila. Walang umangkin sa natatanging alindog.


Since pakialamera ang inyong lolah, nagtanung-tanong akey.


Me: "Anong meron?"


Bilat in Purple Shirt: "Ahh... Happy Hour po ng Starbucks your royal highness... 50% off sa lahat ng Frappuccino blended drinks."


Me: "Ah, ganun ba. Mabilis ba ang pila?"


Bilat in Purple Shirt: "Mabilis naman po, gusto nyo, kayo na ang ma-una?"


Me: "Ah hinde. Pipila akey gaya nyong lahat."


Bilat in Purple Shirt: "Bahala kayo."


Me: "Ano kamo?"


Bilat in Purple Shirt: "Sabi ko, ang ganda ng legs nyo. Bagay pala sa inyo ang fink shorts."


Me: "Ahhhh... thank you."


So pumila na ang lolah nyo. From 12:00 - 2:00 pm daw ang Happy Hour ng Starbucks at last day na daw nung Sunday. After 30 minutes or so, dumating din ako sa cashier.


Hamfutah, nanginginig na ang legs ko sa tagal ng pila.


Cashier: "Yes, sir? What's your order?"


Me: "The usual."


Cashier: "Starbucks Free Coffee Grounds Fertilizer Sir?"


Me: "Gagah... anong akala mo sa 'kin, lamanlupa?"


Cashier: "No, sir. Just kidding. That's Green Tea Frappucino sir?"


Me: "Mismo, and make that a venti."


Cashier: "Ok, sir. Can i have your name again sir?"


Hindi mo pah ako kilala??? Pwes, bumenta na ang Comtesse Nicole de Lancret. Chaka na pag inulit ko pa.


Me: "Chuni."


Cashier: "Chuni?"


Me: "Gusto mo complete name?"


Cashier: "Ok na sir, that's P87.50 po."


Wow, 50% off nga. Not bad.


Kung mahaba ang pila papunta ng kahera, mas mahaba pala ang waiting period. More than 30 minutes!!! OMG, sana wala na lang happy hour. Mas mahal pa ang per hour ko kesa sa na-save ko. Extra choz.



Ang daming tao talaga. Parang may prayer meeting sa waiting area. Dahil dyan, hindi na ako tumambay don. Naupo na lang ako sa bar area at naghintay tawagin ang pinakamagandang pangalan sa face of the earth.


30 minutes have passed and they haven't called my name.


Patience is a virtue but I am destitute of virtue.


So i stood up near the waiting area. Nakita ko yung lalaking sinusundan ko sa pila kanina na nakuha na yung order nya. But where is my effin Green Tea Frappuccino???


10 minutes more.


Lapit na akey.


Me: "Excuse me poging barista, how come you haven't called my beautiful name?"


The other people waiting there were looking at my ageless beauty as if inagawan ko sila ng eksena.


Poging Barista: "Your royal highness, can i see your receipt?"


Me: "Oh... here. Look oh, those people were served already pero i am way ahead of them."


Poging Barista: "Sandali sir..."


Then i heard him laughing with his fellow baristas.


Poging Barista: "Sir, i'm sorry but this must be yours."


Tapos, inabot nya sa akin ang isang Green Tea Frappuccino na bagsak na ang whipped cream.


Que horror!


Me: "I didn't hear you call my name." Tapos, pagtingin ko sa pangalang nakasulat sa cup... "Edge" ang nakalagay.


























Me: "Who da hell is Edge?"



















Poging Barista: "Yung isang barista po namin, nataranta yata, pangalan nya ang isinulat. I'll make you a fresh one sir if you like."


Me: "No need. Just give me your mobile number..."


Etchos.


So, ayun. Tingin ko, hindi aksidenteng nagkamali sa pangalan ko. Sinadya 'yan. May bahid ng paghihiganti ang ginawa nila.


















Pwes, i will not let this insolence act pass.


Gaganti ako.


Watch out Starbucks baristas.


Hindi dito nagtatapos ang laban.



Sa akin pa rin ang huling halakhak.


Bwahahaha!

(Enter thunderbolt and lightning)















posted under , |

37 comments:

Seriously Funny said...

"Patience is a virtue but I am destitute of virtue."

Wahahaha! Natawa ako dito ng sobra.

Hmmmmmm, ano ba ang magandang paraan para maghiganti sa mga poging barista ng Starbucks??? Ahihihi..

Anonymous said...

@madam chuni hahahaha! your starbucks adventures & misadventures never fail to make me laugh.. tawa ako ng tawa, tinatawag na pala ako nung isa kong ofcm8.. keber ko ba sa kanya.. mas importanteng basahin ang blog ng kondesa kesa pansinin sya.. choszt! *lagot ako nito..*

yelai abiel said...

baka gusto lang nya magpakilala sayo kaya name nya ang nilagay nya.

Yj said...

freshness ba si Edge?

NOX said...

kakatamad pumasok today! kalerki.

anyway, andaming ekek ng starbucks lately. like today, they gave me complimentary upsize.

anu bang merun???

Ewan said...

karma teh :D

Mr. G said...

maybe they want you to reach the "edge" or the precipice of your sanity and royal bearing and test your royal patience and see for themselves kung anong merong royal social graces ka meron! LOL...

I am a cheapskate, but like you said, my time is very precious. You will never see me lining up during mallwide sales. Kaloka ang dami ng tao. maaagnas ang ganda ng lolo mo sa kakapila.

Kiks said...

Very very fright'ning, Chuni. Very very fright'ning.

Hihihihi. Nakakaramdam ako ng pagbabalik, pagbabalikwas at paghihiganti (higanting tulad ni kuya?....)

Yuan said...

Starbucks - Waltermart Makati yan ah. Makatambay nga diyan minsan para makita na kita, your royal highness. hihihi! ^^

Anyway, masarap ang Green Tea Frappé with Hazelnut Syrup. Try mo.

Ms. Chuniverse said...

@SF... syempre ang tried and tested Ms. Chuniverse Vengeance. choz. :)


@Ewan... pwes, iikot muli ang karma. tse! :0


@Mr. G... despite what happened, grace under pressure pa rin ang lolah mo. :)


@Kiks.... hahaha! tingnan natin kung kayanin ng powers ko. hahaha! :)

Ms. Chuniverse said...

@Yuan... hahaha! now you know where my tambayan is. :)


@Anonymous...aw, really? thanks! :)


@Yelai... bilat si Edge. :)


@YJ... i cannot classify, hindi ako marunong tumingin ng sariwang bilat. choz. :)


@Nox... hindi kasi uso ang kape sa mainit na tag-araw. kaya kumekemberlu sila. choz.

Sean said...

ms. chunni, di ba may bastush na term na edging?

Anonymous said...

hahah so funny chuni... tawa ako ng tawa habang nag eexam yung mga pogi kong studyante... I've been reading your blog for quit sometime now. In fairness, i consider you as my fairy god lola..
Out na aketch need na ng yummy college boys and ganda ko..

ram said...

very funny!!!

Kapitan Potpot said...

At ako'y maghihintay para sa iyong paghihiganti. Lol. :)

Ms. Chuniverse said...

@Sean... meron? ano? hihihi.


@Anonymous... pwede akong mag substitute teacher pag lumiban ka sa klase. choz.


@Ram... :)


@Louie... pina-plano pang maige. hahaha! :)

zeke said...

dama ko yang revenge na yan! hahaha. at siyempre no di ko talaga maalis sa isip ko ang huling Starbucks encounter mo teh na uber nakakaloka.

naalala ka pala nung mga barista? kung hindi mo lang ginawa yung huli eh baka maisip ko na may something yung isa dun sayo. :))

-Part 2 ng Lakbay-Aral :) hihi

-GBreaker

Seriously Funny said...

Ms Chuni, tulungan kita sa paghihiganti. Ako bahala sa mga poging barista. Wahehehe!

Ms. Chuniverse said...

@Green Breaker... thanks! :)


@Seriously Funny..... eeeek, sa akin ang boylet, sa 'yo ang bilat. choz. :)

Jaderated said...

chuni, ikaw ba at si nimmy ay iisa?? hehe

Ms. Chuniverse said...

@Maldito... hahaha! nope, im just a fan of Nimmy's blog. :)

Mac Callister said...

haha jusko ang tagal ng pinag antay mo ha!!!wag na pumila sa mga promo na iyan sayang ang ganda!chos!

at dahil di ko alam ang nagyayari mag babackread ako sa gantihan na itech!hahaha

AstroDeus Shin said...

aabangan namin ang susunod na kabanata! bakit kasinsarap ba sila ng jelly frap?

RainDarwin said...

Mas malakas pa ba sa Chunami ang paghihiganti ni Chuni?

Kakatakot naman teh. Baka madamay si Mother Nature. Forgive and forget na lang.

Ms. Chuniverse said...

@Mac... uu, parang pumila lang aketch sa NFA rice. choz.


@Astrodeus.... well, susubukan kung nguyain at ng malaman natin kung magkasing-sarap sila. choz. :)


@Papa P... hanungnangyari na naman sa blog mo ha? nahuli ka na naman ni dingding?

imsonotconio said...

ay may kilala me edge ang name hahaha

Desperate Houseboy said...

putek, this starbucks trilogy makes me crazy mama chu. hehehe

peachkins said...

LOLz..tawa ako ng tawa dito...

Hi Ms. chuni..bagong padpad ako sa kaharian mo!

Eternal Wanderer... said...

sin virtud.

me quiero!

lolz

candy said...

Balik ka ulit sa weekend. Tapos use the powerful Comtesse Nicole de Lancret namesung mo! and this time, order not 1 but 2 green tea frap. Tingnan natin kung hindi sila mataranta sa pagsulat ng name mo! Talbog.

Shenanigans said...

buti na lang di ko sinubukan yang happy hour na yan... nyway, may special appearance ang blog ni nimmy ang taray!

Anonymous said...

haha winnur! aabangan ko ang iyong paghihiganti. Hahahah!!!

Anonymous said...

hahahaha natawa ako sa EDGE anlayo sa CHUNI bwehehe

Demonyitong Promdi said...

siguro Doña Chuni kaya nakaya mong magintay ng katagal-tagal e marami kang na sight na kaaya-aya ano? Aminin!!!

Anonymous said...

Jusme, napakapowerful naman ng blog mo ms.chuni, pagkabasa ko ng "(Enter thunderbolt and lightning)", kumulog nga!

Nimmy said...

Wow. May special participation ang blog ko. Pak na pak!

RoNRoNTuRoN said...

Grabe tawa ko dito. aliw na aliw ako sayo shet ka! lol.

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments