Piping Saksi

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat... basta't ang alam ko may nangyaring hindi maganda.


Boy: "Sorry na please..."


Girl: "Sorry mo mukha mo..."


















Boy: "Ano ka ba? Wala naman 'yon ah.."


Girl: "Anong wala? Wala ba 'yang nakalagay sa cellphone mo? May 'i love you' pa sya."


Boy: "Eh hindi naman ako nag 'i love you' sa kanya ah."



Bata pa ang lalaki. Nasa 19-20 siguro ang edad nya. May hitsura. Angat sa karaniwan. Malalim ang mata, makinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Sa tindig at porma nya, mababanaag mo ang katauhan ng isang pabling.


Maganda rin naman si babae. Mahaba ang itim na buhok. Ma-amo ang matang nalulumbayan ng lungkot at pait.


Girl: “Ilang beses mo ba akong lolokohin?”


Halata ang pagpipigil sa pagpatak ng mga luha.


Boy: “Hindi naman kita niloloko.”


Girl: “Pero paulit-ulit na lang…”


Boy: “Babe….”


Hindi kumibo ang dilag. Lumapit ang binata at hinawakan ang kamay nito. Dagling inalis ng nasaktang kasintahan ang palad ng kanyang nobyo at nagwika…



Girl: “Pwede ba?!...”


Mataas ang kanyang boses…


“Sorry na please….” Ang sagot ng lalaki.... mag pagsusumamo... may pagpapakumbaba.


Girl: “Puro ka naman sorry. Tapos ginagawa mo uli…”


Boy: “Promise…hindi na….”


Halata ang sinseridad sa mukha ng binata. Walang duda ang pagsisisi…


Girl: “Pero.... napapagod na ako….”


Kahit hindi na sumagot ang binata, ang galaw ng katawan nila ay nagsusumigaw sa matinding hindi pagkakasunduan. Sobrang nasaktan ang dalaga. Nagsusumamo ang binata.


Akmang aakbayan ng binata ang dalaga... subalit umiwas ito...


Boy: "Babe..... please....."


Gusto ko mang subaybayan ang kahihinatnan ng kanilang unos na pinagdadaanan subalit hindi ko na magagawa.


Sapagkat pumailanlang na sa ere ang makapangyarihang tinig....



"We are now approaching AYALA STATION...."



Kailangan ko ng bumaba.



At kasabay sa pagbukas ng MRT.... iniwan ko silang dalawa...



Ofo, naganap ang mala-telenovelang drama sa loob ng MRT.



At ang hindot na mag-dyowa ay wapakers kahit more or less ay 50 kaming pasaherong nakatanghod sa real life lovers quarrel nila.


Haaayyy.... ano kaya ang naging ending?


Sana hindi na lang muna ako bumaba.


Choz.


:)

posted under , |

25 comments:

Anonymous said...

Hahaha! May nangyaring ganyan dati sa harap ng condo kung saan ako nakatira. Pero this time, 2 beki ang nag aaway. As in nagsisigawan sila sa bangketa. Gusto ko nga sana bumili ng popcorn at maupo sa bangketa para makita kung paano matatapos ang usapan nila. Hahaha!

----- Seriously Funny

Ewan said...

haiz sana iwan na nag girl si boy

mga lalaking manloloko!

c - e - i - b - o - h said...

isa kang chismosang chuni!!! LOL

grabe naman yun,, tsk tsk tsk

Ms. Chuniverse said...

@SF....hahaha! hindi ko keri yan. pag may LQ akey, tahimik lang ako. Tapos hawak ko lang sa likod yung butchers knife. char. :)


@Ewan... pwede. tapos bahala na tayo kay boylet. Sa yo sya every monday, akin naman the rest of the week. o ayan... fair. choz! :)

Ms. Chuniverse said...

@Ceiboh.... akala ko nga Wow Mali! Hihihi. :)

my-so-called-Quest said...

i don't get why do they need to cheat? bakit nga ba? may kulang ba? hahaa. dito nagrant. :P

Leo said...

inis ako sa ganyang mga scenarios sa public places. ayoko nakakakita ng magjowang magkaharap, naguusap ang mga mata, magkaholding hands na animo'y sila lang ang tao sa pedestrian. sabi ng friend ko,

'nag-aaway ang mga yan.'

pwes, mag-away na lang sila sa ibang lugar, wag dun sa may mga nakakakita sa kanila.

sagot si friend, 'oo nga, the NERD!'

Ms. Chuniverse said...

@MSCQ..... aba, aba, aba... parang may pinagdaanang kahalintulad. hahaha! choz! :)


@Leo.... winnur ang friend mo!!!! hahaha! :)

Sedge_Sanctuary said...

haha. parang isang telenovela nga tapos nabitin ka pa. dapat ang sinabi ng makapangyarihang tinig ay:
"Mapapatawad ba ni Girl ang Boylet niya. Abangan ang nagbabagang tagpo sa susunod na kabanata sa tele-MRT." hehehe. Thank you again Ms. Chuni sa lahat. ^^

Nate said...

@HRH Queen Chuni: you really have a way of making stories appear more interesting than usual.. forgive me, my Queen, if i expected something roll-on-the-floor funny towards the end, when it's actually something serious.. this was a fun read.. for me, what sold it was: Sapagkat pumailanlang na sa ere ang makapangyarihang tinig.... "We are now approaching AYALA STATION...." ahahaha! catchy phrases FTW! :D

Anonymous said...

chizmoza!

-the real title holder of miss chuniverse

Sean said...

ay sayang! wala bang roundtrip sa mrt? or pag di na siya pinatawad, i-comfort mo na lang si boylet. for charity lang naman opkors.

Ms. Chuniverse said...

@Sedge... Hahaha! Tele-MRT... i like! :)


@Nate.... Hehehe! What a beautiful name. I was actually hoping for a happy ending. Mag kiss sila right then and there tapos palakpakan na kami. Hihihi!


@Anonymous.... how can you be real title holder eh wah ka nga name? char.


@Sean.... ay tama ka dyan, alam mo naman ako, mahaba ang pasensya at malalim ang pang-unawa. Kukupkupin ko sya ng walang pasubali. Choz! :)

Nate said...

@HRH Queen Chuni: accept my sincerest gratitude, madam.. it's an honor, that you find my name beautiful.. i was an anonymous reader/ commenter before.. now, i'm a follower.. in fact, I consider you as one of my Muses.. it would even be a greater honor if you would read my blog where your name was mentioned..

http://ampmcoffeebreaks.blogspot.com/

ardent1 said...

tawa ako ng tawa dito Ms. Chuni. Akala ko another fiction story na naman yun pala sa mrt pa nangyari haha..

Eh gwapo naman pala yung guy kaya lapitin sa tukso haha

Ms. Chuniverse said...

@Nate.... I like your blog. Please write more. And thank you for the mention, tumaas lalo ang market value ko. hahaha! Char. :)


@Ardent1.... Ohdevah may twist chuva ang drama nila. hihihi!

Nate said...

@HRH Queen Chuni: aww.. *blushes* thanks, my lady.. i will try to write more.. for some reason, hindi ako maka-comment sa sarili kong blog.. hahaha! so dito nalang.. thanks again, madam..

Mr. G said...

bitin naman! trip ko pa naman yang ganyang mga eksena! LOL!

Ms. Chuniverse said...

@Nate.... Hahaha! your welcome. :)


@Mr. G.... weh, akala ko ang trip mo yung mga bondage-bondage. ganyan. choz! How's Mr. Goodbar? Hihihi. :)

Ewan said...

teh chuni sige sayo na si boylet! diko type makisawsaw! akin na lang yung girl! sawa nako sa boys e! heheh

RoNRoNTuRoN said...

ang haggard. sa MRT. ahahahaha.

Ms. Chuniverse said...

@Ewan... ay, sure. nga pala... ang daming warts sa leeg nung gurl. hihihi! choz! :)


@RonRon... uu nga, ang aga-agang drama rama. hihihi! :)

candy said...

ochosera ka ms chuni ha.. hehehe.. gwapo ba yung boy.. sana sinulsulan mo yung girl na mag-break na sila..hihihi...

Lalaking Palaban said...

wahahahaha! sobrang tawa ko dito. naku ms chuni sana umeksena ka nalang or kinunan mo ng video! hihihi!

hot_bicycle said...

wahaha miss chuni mimosa pudica ka din pala hihihi

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments