Birthday Gurl

**************



Sukratah Enyi Korvah!

Desukeh Potrah Chemeni Kortah...

Tsuktsak Chorvah Warla!!!




Okey, ang mga naunang talata ay ang talata ng....
.
.
.
.
.
.
.
... sumpa.


Kung binasa mo itey at hindi ka nagpadala ng pic greet, ikaw na ang nagsumpa sa sarili mong sex life.


Choz!


Hahaha!


Salamat sa lahat ng nagpadala ng pic greet nila.


Ang dami nila!!!


Humigit-kumulang.... 12.


Hahaha!


Mga baklang 'toh. Minsan lang ang humiling ang lolah nyo...


Tseee!!!


Heniwey, salamat kay Jomz na unang nagpadala...
























At sa aking kafatid na to whom i will forever be grateful, si Winston...

























Kay Anon101 na nagpadala ng Kikiam.....


















Sana lang hindi ito ang maging dahilan ng pagsasara ng blog ko. Etchos!


Thank you din kay Little Red Riding Dude na nagpadala ng pic greet via Twirrer...


























Haaay, ang yummy mo dyan, parang gusto kong ipahid sa katawan mo yung icing ng keyk tapos.... hihihi! Choz!


At salamat din kay Golly Ball sa kanyang star-studded tarpaulin greetings....

























At kay Ditas na nagpala nitetch....











































Hindi ko pa rin maunawaan until now ang relasyon ng dalawang peycture na pinadala ni Ditas sa bertdey ko. 'Teh, sabi ko pic greet hindi portrait mo. Choz! Hihihi! Pero thank you 'teh, na-appreciate ko sya. Now ayoko ng maging Darna. Choz!


Salamat din kay DSM sa pic greet na itey....
























Salamat din kay Jeni sa very cute na pic greet na itey....

























At kay Lonewolf na sasagut daw sa inuman.... hahaha! Tara na!!!


























Appreciated ko rin ang pinadala ni Sedge Sanctuary, imagine, nagtulos pa sya ng kandila.... hihihi!



















At na-touch naman talaga ako ng mismong hada ni Bien straight from 7-11 Singapore ang bumati sa akin....

















Etchos lang! Baka patayin ako ni Bien. Hahaha! Hindi daw nya hada 'yan.


Okey, sabay-sabay tayong lahat...



WEEEEEEHHHHHHHHH??????!!!!!!!!???????



After 5 bottles of beer, i'm sure keri na ni Bien yan. Choz!


At syempre, ang nagdulot sa akin ng pinakamatamis na ngiti......

















Haissssst, gaya ng sinabi ko sa 'yo, hindi ko lang sya gusto...


Gustong-gusto ko!!!


Laveeettttt!!!!



Hahaha!


Guys, thank you very much for the effort!


You made my day extra special. :)


And for the rest....


Gud lak na lang sa sex life.


Choz!



Love you all!


Mwah!

:)







posted under , | 54 Comments

The Other Boleyn Gurl

Maliban kay Friendship, isang tao lang ang nakakikilala sa tunay na katauhan ng inyong magandang lingkod, sya ay walang iba kundi si...



Queen Elizabeth.



Choz.



That person is no other than...... my kumare



my soul sister....



my sister from another mother...



my idol sa pagsusulat...



Na itatago ko na lang sa pangalang,



Priyanka Chopra.



Yes, beauty queen din sya.



Heto ang aming kwento.


*************************


A few years ago.



Namamayagpag ang kalandian ng inyong lolah under a different screen name sa isang yahoo.group. Doon nya nakilala ang equally stunning at equally halifarot na si Priyanka.



At dahil magkasing level ang kanilang kiri, nagkasundo sila. Kahit di pa nila knows ang true identity ng bawat isa, naging mag-kumare sila.


That time, hindi pa fully developed ang mamary glands nilang dalawa.


In short... nini pa.


Char.


Hanggang may mag-initiate na isa sa kanila na magkakilala sila beyond their showbiz names.


And what a small world indeed.


Surprise!


Surprise!


Magkakilala pala sila in real life.


Schoolmates pala dati ang dalawang beki sa isang eskwelahang pinapatakbo ng mga madre de cacao.


And not only dat.


Si Priyanka ay pinsan ng barkada ni Chuni. Na somewhere in time ay naging crush din nya. Hihihi! Oo, ngayon hindi nah!


Bitter much?


Not really. Coz hindi na yummy ang pinsan ni Priyanka. Choz!


But the world pala is much smaller than i thought.


Priyanka made another shocking revelation.


Sya pala ang nawawala kong....

.
.
.
.
.
.
.
.
. ina.



Choz uli.



Priyanka pala is the super duper bestfriend of my bitter ex.


Yes...


But eventually, after sometime, bitter ex and yours truly have communicated and moved on. Thanks to Priyanka.



Yes my dears, only Priyanka and Friendship knows who i really am....


...a simple gurl.



Choz!


So pasensya na kayo if i don't do meet ups.


Para just in case magkabulgaran na ng pagka-tao....



....dalawa lang ang ma-murderin ko.


Hindi masyadong messy sa hands.


Choz!


Ladies and gentlemen, meet your....















Beauty Queens!


Choz!



:)


***************************************


Sa mga naunang nagpadala ng pic greet.... THANK YOU!


Naaaliw lang ako sa mga ginawa nyo. Hahaha!....


















Sa mga hindi pa nagpapadala, oist, may time pa. Send nyo na....


misschuniverse@yahoo.com


At sa mga hindi magpapadala isinusumpa kong maging zero sana ang sex life nyo for one year! Hahaha!


Choz!


Mwah!


:)

Diva...

***********




























May isang umagang `di mo hahagkan

Ang mata kong `di ka magigisnan

Turuan mong ako'y h'wag masaktan

Kahit ako para sa `yo

Ay `sang hiram At hindi dapat magdamdam

Di mo lang alam na kahit pa mali

Naging langit ang bawa't sandali

Magmula nang halik mo'y dumampi

Pag-ibig mo pag-ibig ko kapwa hiram

Wala ka bang pakiramdam





Di ba ako'y tao lang na

Nadadarang at natutukso rin

Maiaalis mo ba sa `kin na matutuhan kang mahalin

Sa bawa't sandaling hiram natin

Di ba ako'y tao lang na

Nadadarang at natutukso rin

Maiaalis mo ba sa `kin na matutuhan kang mahalin

Sa bawa't sandaling hiram natin hah hoo

May isang umagang `di mo hahagkan

Ang mata kong `di ka magigisnan

Turuan mong ako'y h'wag masaktan

Kahit ako para sa `yo

Ay `sang hiram At hindi dapat magdamdam

O hiram na kung hiram bawa't saglit

Wala ako isa mang hinanakit

Basta't kapiling ka'y langit

Walang sa `yo ay papalit

Hinding-hindi ako sa `yo magdaramdam

Kahit......


...Jiram



Pramis... ijojoli ko naman!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
. after 2 years!



Etchos!


:)

Gusto Ko Rin

Sa Friday,


Oo, this coming Friday,


ang lolah nyo ay magdi-debut.


Kaya naman ako ay may wish.


Hindi boylet.


‘Coz I know na where to get.


Char.


Gusto ko rin ng…


























Kinupit ko lang kay Manila Bitch...


Uu, gusto ko ng


Pic greet.


Sana padala nyo before Friday.


So I can post it here.


The most creative pic greet...


will be announced as The Most Creative Pic Greet.


Hodevah.


May honor.


Hihihi!


Darlings, paki-email sa…


misschuniverse@yahoo.com


Tenk yu!


:)

posted under | 24 Comments

Kasabihan: "Kung Hindi Ukol...

***


.... Hindi Bubukol."


























Ohdevah, bukol na bukol?


Char.


Kumalembang tuloy ang tonsil ko sa lalaking itey.


Sana lang maka-kwentuhan ko 'sza.


Kahit overnight lang.


Ganyan kasi yung mga tipo kong ka-kwentuhan.


We can talk about anything under the mirrored ceiling.


Like my current peyborit which is Angry Birds.


Choz!


Hihihi!


Kaaliw talaga ang mga Angry Birds!


Sarap galitin.


Choz!





*****


On a different nota... este note...

Gulat naman akey sa reaksyon ng mga beki sa previous blog entry ko na "Si Jay"















Palung-palo ang ratings!


Choz.


Pag tungkol talaga sa kalandian, ang daming nakaka-relate.


Choz uli!


At dahil may mga humiling, syempre ako na ang mapagbigay.


Bukas ang karugtong ng muling pagkikita namin ni Jay.


Oo na....


...naglandi ako nung weekend.


Char.

:)

posted under | 32 Comments

Nagbago Na Sha...

****

Alas tres ng hapon.


Kadarating ko lang ng bahay galing sa haus ng isang kapitbahay/friend.


Diretso ako sa kusina, kumuha ng isang basong tubig....


Nanay: "Nandyan ka na pala. Nagluto ako ng biko. Paborito mo. Gusto mo ipaghain kita?"


Me: "Busog pa ko eh. Kumain ako ng kutsinta kina Orlet."


Nanay: "Masarap ‘to. Hinaluan ko pa ng langka, maraming latik at malambot yung niyog gaya ng gusto mo."


Me: "Mamaya 'Nay, ako na lang kukuha dyan mamaya."


Nanay: "Bakit ba ayaw mo?"


Nagulat ako.


Me: "‘Nay, hindi sa ayaw ko, busog lang talaga ako."


At nataranta ako sa sumunod na eksena.


Biglang umiyak ang nanay.


Humagulgol.


Kinabog ang Maricel Drama Presents...


Nanay: "Hirap na hirap akong gumawa ng biko na paborito mo pero hindi mo naman pala kakainin! Ako pa ang nagkayod ng niyog nyan! Kung tutuusin hindi ko naman kailangang magluto ng biko pero dahil paborito mo 'yan, pinagtyagaan ko! Buti pa ang kutsinta ni Orlet napansin mo! Hu-hu-hu!"



Homaygash! Hanung drama itey. Lumingon ako sa paligid, baka may hidden camera. Wow Mali? Wala naman. Pero ang mga kapatid ko, nakatingin lang sa akin na parang sinisisi ako.


Futahkels...


I did not kill anybody!!!


Char.



Me: "O sige, kakaininin ko na po ang biko. Tahan na…"


Nanay: "‘Wag na!!!"



Huh? Nagalit. Ibang eksena na bah ito direk?


Sisa, ikaw ba ang nanay koh?


So.... ako si Basilio?



Homaygash!



Bakla si Basilio???



And where da hell is Crispin?


Char.



Nanay: "Kung kutsinta ni Orlet ang mas gusto mo, ‘yun na lang ang kainin mo!"


Punyetang kutsinta 'yan.


Nagulo ang tahimik kong mundo!


Dahan-dahan akong nag slice ng biko. Binudburan ko ng niyog at kinain.


Me: “Wow, sarap nga! Mas masarap pa sa kutsinta ni Orlet!”


Nanay: “Weeeh! Niloloko mo lang ako…”


Me: “Excuse me ‘Nay… ano naman ang mapapala ko kung lolokohin kita? Ibibigay mo ba sa 'kin ang titulo ng fishpond? Natikman mo na ba ang kutsinta ni Orlet? Pinagbigyan ko lang ang palakang 'yon dahil walang gustong kumain ng kutsinta nya.”


Napangiti si Nanay…


Nanay: “Masarap ba talaga?”


Me: “The best biko everlu… ang biko equivalent ng Krispy Kreme!”


Nanay: “Salamat ha…”


Me: “Salamat ‘Nay…”


Lapit naman ang mga kapatid kong judgmental.


Kuha sila ng kutsara at naki-kain ng biko.


Kanya-kanyang puri, wala namang originality.


Muling sumilay ang ngiti ni Nanay.


Doon ako nakaramdam ng lungkot… pero hindi ko ‘yon pinahalata.


Tama ang sabi ng doctor.


Eto na ang mga sintomas.



Nagbabago na sya.



Hindi na sya ang dati…



Pero kailangan naming tanggapin lahat.



Higit ngayon, kailangan nya ang aming suporta.



Dahil kami ang kanyang pamilya.



Kaya hindi namin sya hahayaang haraping mag-isa ang pagsubok na ‘to.



Karamay nya kami…



Habang sya’y….



….nagme-menopause.



****

Terminal

Ganito na lang ba tayo uli…


Hindi mo ako kikibuin.


Hindi mo ako papansinin.


Sana kung galit ka….


Sabihin mo sa ‘kin.


Nahihirapan na ‘rin kasi akong magmukhang tanga.


Kahapon, hinintay kita.


Tapos nung dumating ka…


Tumingin ka lang sa ‘kin.


Isang blangkong tingin.


45 minutes kaya kitang hinintay.


Hindi mo napansin bago ang polo ko?


Hindi mo nahalatang maputla na ako sa gutom kahihintay sa 'yo?


At umaalingasaw kaya sa tapang ang bagong perfume ko...


Pero hindi mo na-appreciate ang effort ko.


Parang wala lang sa ‘yo.


Unawain mo naman ako.


Napapagod din ako.


Marunong mainip.


Noong isang araw, hinintay kita.


Hindi ka dumating.


Na-late ako ng isang oras sa opisina kahihintay sa ‘yo.


Hindi ko naman isinusumbat…


Alam kong wala tayong usapan na maghihintay ako.


Pero ginusto ko.


Gusto ko kasing maramdaman mo na nandito lang ako.


Naghihintay…


Nag-aabang…


Pansinin mo naman ako.


Kagaya ngayon…


Katabi kita…


Pero ang layo ng tingin mo…


Gusto kong sabihing…


“Ano ba? Heto ako…”


Pero kailangan ko pa bang i-verbalize yon?


Dapat na-sensed mo na.


Dapat na-realized mo na.


May pride din ako.


Hindi lang ikaw.


Sana ikaw naman ang mag-effort.


Sana ikaw naman ang maghintay sa ‘kin.


Sana ikaw naman ang papakin ng lamok habang kandahaba ang leeg sa pag-aabang sa aking pagdating.


Kaso… alam kong hindi mo gagawin.


Sino lang ba ako?


Wala.


Kapwa mo lang pasahero.


Ilang beses kong ibinulong sa aking sarili...


"Kapag lumingon ka... akin ka..."


Futah ka, lumingon ka naman.


Kahit once lang.


Please...


Bukas… hihintayin uli kita.


















Sa istasyon ng bus.


Gigising uli ako ng ma-aga.


Kahit ubusin ako ng lamok.


Kahit hindi ako siguradong darating ka.


Kasi hindi kumpleto ang umaga…


Kapag hindi kita nakita.


Sya nga pala....


Ano na nga name mo?

Ano Ang Sinasabi Ng Larawan?

Ang tambalang gigimbal sa nananahimik nyong diwa...


Hala...


Caption this...

























At kung hindi ka pa kuntento... etoh pah!









































































Enjoy your breakfast, lunch and dinner.... yun lang!


Choz!


:)

posted under | 27 Comments

The 1st Ms. Chuniverse Cup (Part 2)

Sa kabila ng pagtagaktak ng mga pawis...


Tuloy pa rin ang laban.


Team Hubaderos vs Team Tigang.


Tumalbog ang mga bola...


Umalog ang mga betlog...



Char!


At sa pagtatapos ng laban.....

































































































































































































































































































































Nanalong Best Muse si Friendship.


Winnur naman si JR as The Best Team Manager.


At ako....


well....


Nag eat-all-you-can na lang ako.


Char!!!


:)

Para kay AYIE....

Kung ako'y naging bilat, malamang ako ay naging si Ayie.





















Ayie & Angelu Blanco - char! a.k.a. Kambal sa Uma.



Ahmmm....


Not because kamukha ko rin si Angelu.


Haller!


And not din because i'm malandyeee....


But because just like Ayie, pouty rin ang nguso ko. Choz!


Ayie is a a family person, at tingin ko, ganun din ako. Seriously.


Isa syang mabait na nanay sa isang napakagandang bata na parang hindi nya anak.


Choz!


Aminin mo 'teh, napalit ang bata sa hospital 'noh? Ilabas mo na ang diary!!!


Si Ayie ang isa sa mga unang follower ko dito sa life-changing, thought-provoking at mentally-engaging na blog ko na 'toh. Char!


Aktwali, nagba blog din sya dati dito sa Blogger.


At yung mga entries nya pag nabasa nyo, may maiiwan laging tanong sa isip nyo...


"Babae nga ba talaga ang gumawa nito?!?"


Oo, ganun katindi. Hahaha! Etchos!


Kidding aside, Ayie is a dedicated mother and a diet survivor.


Yes, she survived all kinds of diet including the Skyflakes diet.


Di ba 3 ang laman ng isang pack ng Skyflakes?


Breakfast, lunch and dinner nya na 'yon.


Tapos, yung huling kagat ng Skyflakes, bubudburan nya ng konting asukal - yun na ang dessert.


Char.


Kahit nagti-tremor na sya sa work, Skyflakes pa rin ang tinitira nya.


Keri naman nya.


Nagtagumpay sya.


At nabawasan sya ng......


.....gastos.


Choz!



Now, she is doing water therapy daw after reading my blog entry about it.


And now, gaya ko, normal na ang kanyang quarterly period.


At mas maganda at sexy na sya kay Angelu Ferigno - yung original na Incredible Hulk.




















Honggandah ng lolah ko noh? Manang-mana sa 'kin. Choz!


But even though Ayie and I haven't personally met, I had the chance to know her by reading her former blog about life, her family at ang mga dugyot nyang roommates. Hihihi!


Doon ko nakita how dedicated she is to fulfill her duties as a mother despite her being so far away from her beautiful daughter.


Yes, Ayie is an OFW.


Overseas Fasyon Worker.


Kahit anung taas ng temperatura sa gitnang silangan, puma-fasyon pa rin ang lolah. Ikaw na ang maging Jolina Magdangal ng disyerto. Char.


Pero bilib ako sa kanya, coz she was sacrificing a lot just to give her family a better chance, a better life.


Nagta-trabaho sya buong araw and 80% of which ay inuubos nya sa kaka-reklamo. Choz!


Isa syang tunay na bayani.


Kaya nga pag-uwi nya, kailangang bigyan sya ng importance.


Isasarado ang NAIA Terminal 1.


Mag parachute na lang sya pababa.


Kasabay ng confetti.


Unahan sila.


Choz.


Ayie, I know na banned ang blog ko dyan sa ME at baka hindi mo mabasa itong blog entry ko na 'toh.


Kaya naman ang lakas lang ng loob ko magsulat ng ganito. Hihihi!


Sorry i forgot your birthday.


Hindi kasi nag-alarm yung cellphone ko.


Pero i want you to know na kahit were miles away, feeling ko, nasa tabi-tabi lang ang presence mo.


Parang yung lolo ko lang na namatay 7 years ago. Oo, ramdam ko pa rin sya.


Choz!


I love you dear and i wish you a vonggang 31st birthday!


You are definitely my sistah from another motha.


And as i promised... heto na ang pic greet na ni request mo sa akin kahapon....



















Pasensya na, hindi ko keri yung ginawa ni Manila Bitch.


I realized, tao pa rin ako.... hindi higad.


Choz! Love you YJ! Hahahaha!


Pero dear, sabi mo nga i still have until the end of the month.


Kaya, nag-iipon pa akey ng lakas ng loob. Try ko mamayang tumira ng Shioktong at baka magawa ko rin...


Kahit 1/4 ng nagawa ni YJ. Choz!


Kung hindi man, try to understand na lang ha. Kasi nga may refutasyon pa akey. Choz!


Love you Ayie!


Happy Birthday!!!!


Mwah!


:)


Visit AYIE's Tumblr account. Click HERE.




***

Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments