Kumpirmasyon: A Short Story
Matagal na ng huling pumunta sya sa sinehang 'yon.
Pero parang wala pa ring ipinagbago.
Madilim. Mainit. At puno ng nagpa-paroot-paritong mga parukyano. Tila mo'y mga gamu-gamo silang naglisaw at umi-ikot sa munting liwanag ng lamparang kinahuhumalingan. Walang direksyon, walang kapaguran.
Pero bakit nga ba sya nagbalik dito?
Marahil ay nais nyang balikan ang dating kanlungang nagsilbing mundo nya noong panahong sya ay naghahanap ng pagtanggap.
Iyon nga ba ang dahilan?
O baka naman umaasang matatagpuan ang isang nilalang na dati ay dito rin nya namasdan.
O nais lang nyang patunayan sa sarili na sya ay tatanggapin pa rin sa kabila ng ilang taong lumipas na kabataan.
Pagbungad pa lang sa entresuelo ay may mga kalalakihan ng nakatayo... tila naghihintay. Lahat ng mga mata ay nabaling sa kanya na para bang tina-tantya kung papasa sya sa kanilang panlasa.
Dire-diretso syang tumuloy sa loob. Sumandal sa haliging natatapatan ng maingay na electric fan.
Ilang sandali pa lang syang nakatayo ng may lumapit na lalaki sa kanya at tumayo sa tabi nya. Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kanyang kaliwang dibdib at nagsabing...
"Serbis Sir?"
Tiningnan nya ang mukha ng lalaki. Sa kabila ng dilim ay nakatulong ang munting liwanag mula sa maliit na pulang bumbilyang katabi ng electric fan upang aninagin ito.
Kung ihahambing sa ibang mga parukyano ay may taglay na kakisigan ito. May katangusan na ilong, bilugang mata at makapal na labi.
Nginitian nya ito at sinabing..."Sorry, pare 'di ako nagpapa-service."
"Wan pipti lang Sir. Magaling ako. Di ka magsisisi." Pilit ng lalaki.
Muli nya itong nginitian at nagpa-alam. Naglakad sya papunta sa kabilang bahagi ng sinehan. Muli ay sumandal sya sa haligi at ipinako ang tingin sa pelikulang ni hindi nya napansin kung ano ang titulo.
Lumang pelikula. Magaspang ang kalidad. Sa halagang P80.00, hindi ito ang binayaran ng mga parukyano.
Aliw.
Nang tuluyang masanay ang kanyang mga mata sa dilim, nagpasya syang umakyat na sa itaas na bahagi ng sinehan.
Doon karaniwan nagaganap ang libreng ligaya.
Bawat paghakbang nya, may mga nakakasalubong syang ilang kalalakihang nagpakita ng interes. May huma-haplos, may huma-hawak.
Sinuklian lamang nya ng ngiti ang mga ito at diretsong naglakad.
Napansin nya ang isang lalaking nakatayo sa pinaka-taas na bahagi.
Tinahak nya ang direksyon nito.
Lumapit sya at tumayo sa tabi nito.
Naka-sando ang lalaki. Nasa 28 ang edad. May taglay na kakisigan.
Tumingin sa kanya ang lalaki.
Nginitian nya ito.
Parang sinisipat ng lalaki ang mukha nya.
Umismid ang lalaki. Umiling-iling na may halong pangku-kutya.
Nakadama sya ng kurot sa pagka-tao sa ginawa nito.
Ganon ang kalakalan ng sinehan. May tuma-tanggi. May tina-tanggihan.
Ngayon sya ang talo.
Tanggap nya 'to.
Nilisan nya ang lalaki at naisipan nyang maupo na lamang sa gilid ilang dipa ang layo mula sa lalaking ito.
Paminsan-minsan ay nililingon nya ang lalaki na ilang beses ring nilalapitan ng iba.
Nakita nya ang mga magaspang na pag-tanggi nito. Yung ilan ay itinu-tulak pa.
Maya-maya pa ay umalis na ang lalaki.
Muli ay tumayo sya at bumalik sa pwestong kanina'y ino-okupa ng lalaki.
May isang lumapit at walang sabi-sabing hinawakan ang kanyang gitnang bahagi. Marahan nyang inalis ang kamay ng lalaki at nginitian ito kasabay ng pag-tanggi.
Ilang minuto ang lumipas, may umakyat na isang binatang naka-puting t-shirt at maong na pantalon. Kasunod nito ang naka-sandong lalaki na kanina'y magaspang na tinanggihan sya.
Nakatingin ang lalaking naka-t-shirt sa kanya. Tumayo ito sa tapat nya.
Tumitig sya sa lalaki.
Noon nya natanto ang kakisigan nito. Di hamak na mas makisig ang lalaking ito sa lalaking naka-sando.
Humakbang ng isa ang lalaki.
Halos magka-dikit na ang katawan nila.
Tumayo ang lalaking naka-sando sa tabi nito at niyakap ito.
"Tara, doon tayo, iwan mo na yan..." ang sabi ng naka-sandong lalaki.
Pero tiningnan lamang sya nito at muli ay ibinalik sa kanya ang maamong tingin.
Nagtitigan sila.
At walang sabi-sabi'y hinalikan sya ng lalaking naka-t-shirt.
Matamis ang halik.
Na naputol ng muling hilahin ng lalaking naka-sando ang gwapong binata.
Hindi nya alam kung makikipag-hilahan ba sya at aagawin ang binata mula dito.
Pero nagsalita ang binata at tinanong sya.
"Gusto mo ba syang kasali?"
Nagulat sya pati na rin ang lalaking naka-sando.
Tatlo.
Magkasalo.
Hinalikan nya ang lalaking naka-t-shirt.
"Ayoko ng tatlo. Gusto ko dalawa lang tayo."
Tumingin ang lalaking naka-t-shirt sa naka-sando at nagsabi... "Sorry, ayaw nyang kasama ka."
Natigilan ang lalaking naka-sando.
Hindi sya handa sa ganoong kaganapan.
Pero bago tuluyang umalis bumulong sya sa lalaking naka-sando at sinabing...
"Oh, choosy ka pa kasi 'teh. Oh di ngayon knows mo na kung sino sa atin ang mas maganda."
Sabay walk-out with the boylet.
The end.
Recent Comments