Ang Nawawalang Towel
Before di ko talaga bet tumira sa isang condo.
Not because arte lang but I find it creepy.
Lalo na yung naglalakad ka sa hallway na mag-isa lang.
Saka my first exposure kasi sa condo ay nung minsang dumalaw ako sa isang platonic friend.... oo platonic, let me clarify that, singlaki kasi ng pinggan ang fez nya kaya platonic chos.....
Haynaku, nag segway na. Platonic friend kasi lives in a condo na itago na lang natin sa pangalang Citylandia. Hahaha!
Kalerqui yang condo na yan. May refutation daw kasi na ang mga inhabitants dyan na either kabit, fokfok o beki. Sorry na lang sa mga readers na nakatira sa pambansang condo na yan. Hihihi.
Eh ayoko namang ma-hashtag na fokfok ako 'noh.
Saka, hoongsikip ng hallway. Amoy ulam pa. Found out na wala kasing exhaust ang mga kusina. Kaya yung mga tenants na nagpi prito ng kung ano-ano, nagli-linger sa hallway ang scent ng menu for the day nila.
But things changed when I was offered to live in my current bachelorette pad.
Hoooongshusyal naman kasi.
Pero kalokah rin 'tong condo na itey.
Super strict! When I moved in, they gave me a list of appliances na pwede lang bitbitin and their corresponding dimensions and wattages.
So buysung na akez ng mga basics like refrigerator, electric stove, microwave, etc. The only thing na di ko binili ay yung washing machine. Sobrang mahal kasi. When I went to Abenson kasi with my list, isang brand lang ang tumutugma sa dimension at wattage at kalokah sa mahal.
So I did the most intelligent thing.
Nagpa-laundry na lang akez.
Hihihi!
Yung una kong laundry shop sa Amorsolo Street na malapit lang naman sa building charges P25.00 per kilo. Mura na devah?
Pero nalokah ako nung 3rd time kong magpa-laba.
Nagulat ako na may panty sa laundry bag ko at bacon na ang garter!
Eeeeewwwwww!!!!!
Alam kong hindi akin yon coz in my 19 years of existence, never pa akong nag-suot ng underwear.
Lels.
So lipat agad akez ng suking labandera.
May nakita naman akez na malapit lang din, sa Salcedo Street naman.
But this laundry shop is more expensive. P50.00 per kilo ang charge nila at nangako sila na never silang nag mix ng clothes with other customers.
So gorla na.
In a week nasa 7-10 kilos lang naman ang mga labahin ko. So pasok pa rin sa budget.
Malinis at mabango naman ang laba nila.
And so far, walang naligaw na panty or whatever sa mga damit ko.
Wala rin namang nawawala sa mga pinalalabhan ko.
Until last week.
Inaayos ko na sa closet yung mga gamit ko ng mapansin kong may nawawala.
Yung towel kong blue.
So baba ako ng laundry shop.
Me: "Manang, nawawala yung towel kong blue."
Manang: "Anong klaseng towel sir? Hand towel ba?"
Me: "Hindi. Yung malaki." At parang tanga lang akong ini-stretch ang arms ko to demonstrate kung gano kalaki.
Manang: "Naku, itatanong ko sa mga kasama ko sir. Parang wala akong napansin eh."
Me: "Basta kulay blue 'yon. Teka, may picture yata ako. Sandali."
Sabay kuha ko ng phone ko.
Me: "Parang ganito yon Manang...." at ipinakita kay Manang ang hitsura ng towel.
Noon ko napansin ang ubod tamis na ngiti ni Manang.
Napa-kunot-noo ako.
At na realized ko kung bakit.
Haynaku....
Malanding labandera!
Chos!
:)
Recent Comments