The Update


Before magpatuloy sa pagbabasa, read muna The Offer para naman maka-relate ka.


*******


So, may stay-in boylet nga si Friendship na gusto na yang ipa-adopt.



And since alam n'yang tuyot na tuyot (in other words, dry na dry) ang dati kong marshland, sa akin nya inalok ang boylet.



Sa maniwala kayo't sa hinde, i said "NO."



Friendship: "Sige na Friend, para naman madiligan ka."



Me: "Go away….. Anna."



Friendship: "Sino si Anna?"



Me: "Basta. Go away Anna."



Uu.  Relate na relate ako kay Elsa bilang Frigid…. este Frozen.



May panghihinayang, pero mas nangibabaw ang pagiging proud ko sa sarili ko na nagawa kong tumanggi.




Magsi-sing and dance pa sana ako ng "Let It Go" sa hallway ng condo pero na-alala kong may CCTV nga pala.  Fiesta na naman ang mga guard kung sakali.  Well, that's another story. Char.




Hindi na nag-text si Friendship.




Kaya naman nangumusta ako after  a few days.



Me: "Friendship?"




Friendship: "Yes?"




Me: "Do you wanna build a snowman?"




Friendship: "Fuki mong dry."



Me: "Kamusta?"




Friendship: "Di mashadong okay."



Me: "Why?"




Friendship: "Wala na si stay-in boylet."




Me: "Ha? Na-dispatsa mo rin?"




Friendship: "Kusa na syang umalis."




Me: "Nami-miss mo sya?"




Friendship: "Hindi naman."




Me: "Eh bakit hindi ka okay? Eh di ba yun nga ang gusto mo? Ang mag-evaporate sya?"




Friendship: "Oo. Pero kasama nyang nag-evaporate ang laptop ko, watches ko, my piggy bank, my clothes and my bed sheet!"




Me: "Ha?????"




Friendship: "Uu Friend, Hayuf sya!"




Me: "Teka, aanhin nya ang bed sheet?"




Friendship: "Wala syang patawad. Pati yun ni-nenok nya."




Me: "Gash. How sad. How very very sad. Is there anything I can do?"




Friendship: "Bigyan mo ko ng laptop."




Me: "Mapagbiro ka talaga Friend. Bigyan kita ng bed sheet."




Friendship: "I'm not joking."




Me: "So am I. Kailan mo kukunin ang bed sheet?"




**********


10 days nanirahan at binuhay ni Friendship ang boylet dahil nangangailangan daw ito ng matutuluyan. Ewan ko ba at naniwala agad ang bruha. Silang dalawa ni JR ang bukod-tanging naka-meet sa boylet.



Thursday, habang nasa work si Friendship saka ginawa ang pangungulimbat sa gamit ni Friendship.  Kaya pag-uwi nya, nagtaka sya at bukas ang pintuan ng condo nya.  Akala nya may surprise.  Yung may mga rose petals sa sahig, candles and the likes.



Kaso waley.



Mga gamit lang nyang nakakalat.  At least surprised pa rin sya devah?  Take note, na achieved ang surprise element pero sa ibang paraan.



After checking out kay JR na nasa Singapore na, hindi rin pala mashadong kilala nito ang boylet. Maygash talaga.



Sabi ko nga kay Friendship.



Me: "Pasalamat ka pa rin Friend at yun lang ang nawala sa 'yo…"



Friendship: "Uu nga at least nandun pa rin yung… puri."



Kung katabi ko lang sya, I will summon the spirits of Angelica Panganiban and Angel Locsin at bibigyan ko sya ng one-time, big-time na sampal para matauhan kaso nasa QC sya and me… in Makati.



Kaya to-follow na lang ang nyompal.



Gusto ko mang sabihin kay Friendship na ang tanga-tanga nya, well, hindi ko na sinabi.



Mababasa naman nya dito sa blog.




Pag nagka-laptop na uli sya.



Char.


posted under | 19 Comments

The Offer

Last week, umuwi si JR from Singapore.


Sa mga hindi nakakakilala, si JR ang morenang engineer na friend namin from Singapore na pinaglihi sa alupihang dagat.  So you can imagine the tentacles.


Medyo matagal na hindi nakauwi ang bruha, mga 4 months, kaya to say na sya ay sabik is an understatement.


Imagine a pusang naglalandi sa gabi na gumulong sa higad powder.  Ganyan.


Nasa NAIA pa lang ang baklita, umuungol na ng mating call.


At nadinig ko 'yon habang busy ako sa pagpapa foot spa sa Bulacan.


Since I am not available. Silang dalawa na lang ni Friendship ang nag meet.  Hindi ko na alam ang detalye ng pagta-tagpo ng dalawang kiri, basta ang ending, nagsi-send na lang sila sa akin ng mga pics ng mga boylets na na-getsing nilang dalawa.


Mahihiya ang NCAA.


Puro varsity players lang naman ang mga boylets na kinarir nila.


Nakadama ako ng panghihinayang.


Panghihinayang sa mga kinabukasan ng mga boylets.


Char.


Vice Ganda lang ang levels nila.


So, after non, wiz ko na knows kung ano pa ang nangyari. Kasi naman I am a productive member of this society, kaya busy ako.


Hanggang nabalitaan ko na lamang kay JR na may isang boylet na nag-board and lodging sa balur ni Friendship sa QC.


Ohmaygash, may binahay na ang Lolah?


Wala naman syang nabanggit sa akin?



Sinetch it etch???



So I made an inquiry.



I texted… 'Status' and send it to 9990.



After knowing na may load pa ako, I texted na Friendship.



Me: "May katotohanan ba ang kwento ni JR na may boarder kang boylet?"



It took a while for Friendship to respond.



May subo pa siguro.



Char.



After a while sumagot din sya.



Friendship: "Truly.  Wala na kasi akong choice. Naaawa ako sa kanya."



One thing you must know about Friendship, maawain talaga syang tao.  Lalo na pag pogi.



At pumapatol.



Char.



Kung isasa-pelikula nga ang life story nya, first choice nyang gumanap ng role nya ay si Rosa Rosal.



Aktwali, ilang beses ko ng ni-nominate sa CNN Hero of The Year 'yang si Friendship.  Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin napipili?



So confirmed.



May boylet ang bruha.



But wait, paano na si Sabado boylet nya, na bumibisita sa kanya every…. Saturday?



Friendship: "Yun na nga eh, mas bet ko si Sabado Boylet.  Napasubo lang ako dito."



Literally and figuratively.



Friendship: "Gusto mo i-adopt mo na lang 'to?"



























Hindi ako nakasagot agad.



Matapos kong magpalit ng napkin at panty, nag-text back ako sa kanya.



Me: "Hindi pwede Friendship, alam mo namang may vow of celibacy ako."




Friendship: "Kris Aquino?"



Alangan namang PNOY?



Gagah.



Mabait naman daw ang boylet, hindi abusado at marunong tumulong sa gawaing bahay gaya ng pagluluto, pagwa-walis habang naka-brief lang.



May silbi naman pala.



Pero gusto ng i-dispatsa ni Friendship ang nabanggit na boylet dahil miss na miss na nya ang kanyang Saturday Boylet na feeling nya ay kanyang soulmate.



Maygash.



Napi-preyssure ako.



Char!






















posted under | 19 Comments
Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments