The Update


Before magpatuloy sa pagbabasa, read muna The Offer para naman maka-relate ka.


*******


So, may stay-in boylet nga si Friendship na gusto na yang ipa-adopt.



And since alam n'yang tuyot na tuyot (in other words, dry na dry) ang dati kong marshland, sa akin nya inalok ang boylet.



Sa maniwala kayo't sa hinde, i said "NO."



Friendship: "Sige na Friend, para naman madiligan ka."



Me: "Go away….. Anna."



Friendship: "Sino si Anna?"



Me: "Basta. Go away Anna."



Uu.  Relate na relate ako kay Elsa bilang Frigid…. este Frozen.



May panghihinayang, pero mas nangibabaw ang pagiging proud ko sa sarili ko na nagawa kong tumanggi.




Magsi-sing and dance pa sana ako ng "Let It Go" sa hallway ng condo pero na-alala kong may CCTV nga pala.  Fiesta na naman ang mga guard kung sakali.  Well, that's another story. Char.




Hindi na nag-text si Friendship.




Kaya naman nangumusta ako after  a few days.



Me: "Friendship?"




Friendship: "Yes?"




Me: "Do you wanna build a snowman?"




Friendship: "Fuki mong dry."



Me: "Kamusta?"




Friendship: "Di mashadong okay."



Me: "Why?"




Friendship: "Wala na si stay-in boylet."




Me: "Ha? Na-dispatsa mo rin?"




Friendship: "Kusa na syang umalis."




Me: "Nami-miss mo sya?"




Friendship: "Hindi naman."




Me: "Eh bakit hindi ka okay? Eh di ba yun nga ang gusto mo? Ang mag-evaporate sya?"




Friendship: "Oo. Pero kasama nyang nag-evaporate ang laptop ko, watches ko, my piggy bank, my clothes and my bed sheet!"




Me: "Ha?????"




Friendship: "Uu Friend, Hayuf sya!"




Me: "Teka, aanhin nya ang bed sheet?"




Friendship: "Wala syang patawad. Pati yun ni-nenok nya."




Me: "Gash. How sad. How very very sad. Is there anything I can do?"




Friendship: "Bigyan mo ko ng laptop."




Me: "Mapagbiro ka talaga Friend. Bigyan kita ng bed sheet."




Friendship: "I'm not joking."




Me: "So am I. Kailan mo kukunin ang bed sheet?"




**********


10 days nanirahan at binuhay ni Friendship ang boylet dahil nangangailangan daw ito ng matutuluyan. Ewan ko ba at naniwala agad ang bruha. Silang dalawa ni JR ang bukod-tanging naka-meet sa boylet.



Thursday, habang nasa work si Friendship saka ginawa ang pangungulimbat sa gamit ni Friendship.  Kaya pag-uwi nya, nagtaka sya at bukas ang pintuan ng condo nya.  Akala nya may surprise.  Yung may mga rose petals sa sahig, candles and the likes.



Kaso waley.



Mga gamit lang nyang nakakalat.  At least surprised pa rin sya devah?  Take note, na achieved ang surprise element pero sa ibang paraan.



After checking out kay JR na nasa Singapore na, hindi rin pala mashadong kilala nito ang boylet. Maygash talaga.



Sabi ko nga kay Friendship.



Me: "Pasalamat ka pa rin Friend at yun lang ang nawala sa 'yo…"



Friendship: "Uu nga at least nandun pa rin yung… puri."



Kung katabi ko lang sya, I will summon the spirits of Angelica Panganiban and Angel Locsin at bibigyan ko sya ng one-time, big-time na sampal para matauhan kaso nasa QC sya and me… in Makati.



Kaya to-follow na lang ang nyompal.



Gusto ko mang sabihin kay Friendship na ang tanga-tanga nya, well, hindi ko na sinabi.



Mababasa naman nya dito sa blog.




Pag nagka-laptop na uli sya.



Char.


posted under |

19 comments:

aboutambot said...

ay buti na lng na di mo sya sinalo hehe

88-Nutty Thoughts-88 said...

i'm glad na bumalik ka na Miss Chuni.
mga ganitong kwento kasi lagi kong inaabangan na ipopost mo.

kelan kaya ulit kakatok si adoray?

Anonymous said...

kawawa naman si friendship

Geosef Garcia said...

Kawawang Friendship. :( Well, at least walang nangyaring masama sa kanya mismo.

Francis Balgos said...

ur back!
pakisabi kay friendship, nganga moment muna.. hihihi!

Anonymous said...

"Go away….. Anna." Epic. XD

eskay said...

HRH Chuni! I'm ecstatic you're back :)

Nomad said...

Sana kinantahan mo ng kembot na. Hahahahaha!

http://www.youtube.com/watch?v=zGh6UA0BY8c

Anonymous said...

i'm a new fan..
love you chuni!

-Beb

Anonymous said...

I-post mo na ang fez ng hinayupak na yun your highness. Para at least aware ang mga becky at hindi na makapang biktima.

-been

Anonymous said...

Post mo pic nya please na walang piring para maiwasan namin

c - e - i - b - o - h said...

basta unahin mo na muna i-gift wrap yung bed sheet as gift bago yung kyompal of the world!

LOL!!

FiftyShadesOfQueer said...

Elsa! Hahaha. :))

Anonymous said...

Misschuni! Nagparamdam ka lang sandali nawala ka nanaman :(

Anonymous said...

Bakla! Nasan ka na ba? hindi ka na nagpaparamdam, talo ka pa ng mga multo dito!

nyoradexplorer said...

nakaka-miss ang mga istorya mo, madame!

Anonymous said...

miss chuni, mag balik ka naa

Anonymous said...

MADAM! SETYEMBRE NAA! MALAPIT NANG MAGPUTUKAN

Anonymous said...

I miss ur blog..isang taon na teh

Post a Comment

Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments