Kwentong Seryoso


Medyo iba ‘tong kwento ko.


Pero bahagi ito ng aking nakaraan.


Nung time na gusto kong takasan ang pagiging isang bakla.


………………………………………..


As early as first year highschool alam ko ng iba ako sa mga kaklase kong lalaki.


Pero in denial.


Akala ko parang stage lang ‘to na maglalaho.


Dumating ako sa point na nag-TH ako magpaka-straight.


Bumarkada. Nag-bisyo. Gumawa ng mga kalokohan.


Lahat ito ay ginawa ko para maiwasan ang pagiging isang bading.


Hanggang tila dumating na nga ang kasagutan sa nais ko.


Disiotso ako noon.


Nakilala ko si Jocelyn.


Twenty plus naman sya.


Nag-landian. Nagka-developan. Nagka-inlaban.


Para lang kaming sina Claudine at Rico Yan.
















Ako si Claudine.


Pero 'yun na nga… naging kami.


Tapos sabi nya one day – “Gusto mo, magsama na tayo?”


College ako non. Nangungupahan ng apartment kasama ang pinsang college student din sa Manila.


Yung pinsan ko, girlfriend naman ang bestfriend ni Jocelyn - si Armida.


So ayun, nakipag-live in nga ako kay Jocelyn.


Ganun din yung pinsan ko at si Armida.


Apat kaming nagsama-sama sa maliit na apartment. Nag-working student ako kahit supported ng pamilya.


Estudyante sa araw, callboy sa gabi.


Choz.


Service crew.


Nagkatuluyan ‘yung pinsan ko at si Armida. Apat na ang anak nila. Sila pa rin hanggang ngayon.


Natiis nila ang isa't-isa.


…………………………..


Isang gabi, I remember bumabagyo ‘non. Ako naman inaatake ng migraine at lagnat.


Si Jocelyn, sumugod sa ulan kahit walang payong. Naghanap ng bukas na drugstore para bumili ng gamot at pagkain na ‘rin. Ng dumating sya sa apartment, basang-basa sya. Tapos inasikaso nya ako. Pinakain, pinunasan at pinainom ng gamot.


Nakatulog kaming magkayakap.


Kinabukasan ok na ‘ko.


Pero sya naman ang nilalagnat. Ako naman ang nag-asikaso sa kanya.


Sabi ko ‘non sa sarili ko, siguro nga hindi ako bakla.


Kasi, mahal na mahal ko na ang babaeng ito.


Gabi-gabi kami kung mag sex. Parang honeymooners lang.


Sabi ko pa, pakakasalan ko sya.


Pero hindi pala kami pwedeng pakasal.


Kasi may asawa na pala sya.


Kasal na pala sya. Hiwalay lang sila.


Sobrang galit ko sa kanya ‘non. Pinalayas ko sya.


Two months after, nakita ko uli sya.


Hindi na ako galit sa kanya. Pero parang sya ang galit sa akin. Hindi na rin kami nagkabalikan.


Kasi, bumalik na sya sa asawa nya.


Mabilis lumipas yung panahon. Tapos sabi sa akin ni Armida na nanganak na daw si Jocelyn.


Isang baby girl.


Ako daw ang tatay.


Sabi ko… “Gaga. Paano magiging akin eh matagal na kaming hiwalay.”


Pero teka. Seven months palang kaming hiwalay.


Grabe ang kabog ng dibdib ko.


Pinakita sa akin ni Armida ang picture ng baby.


Kamukha nung baby picture ko.


May head dress din.















(Disclaimer: Not the actual baby picture. hehehe.)


Nakuha nya ang aking mga mata, ilong at pouty lips.


Kinausap ko si Armida kung pwedeng pakiusapan nya si Jocelyn na makita ko ang baby kahit isang beses lang.


Hindi pumayag si Jocelyn.


Tahimik na daw ang buhay nya. ‘Wag ko na daw guluhin pa.


Pero mapilit ako.


Inalam ko ang address nila ng asawa nya.


Pinuntahan ko.


Saktong nakita ako ni Jocelyn.


Ano daw ginagawa ko ‘don.


Minura nya ‘ko.


Pinalayas.


Hindi naman ako mang-e-eskandalo. Pero wala akong nasabi. Kusa na lang akong umalis ng hindi ko nakikita ang baby.


After one month, naglakas loob akong bumalik uli.


Pero hindi na sila doon nakatira. Umuwi na daw ng Bicol.


Hindi na rin sya ma-contact ni Armida.


Tuluyan ng nawala si Jocelyn at ang baby na nalaman kong ang ibinigay n'yang pangalan ay Pilar…


Natawa pa ako.


Kasi ako si Pepe.


Tapos… binalot ako ng matinding lungkot.


At kusa na lang napa-iyak.


Putang-ina.


Ako nga ba ang ama?


………………………………..


Ngayon ay malamang na nasa highschool na si Pilar.


Sana lang makita ko sya.


Kahit hindi nya ako makilala.


Kahit hindi ako magpakilala.


Siguro iyon na lang ang kukumpleto sa akin, aside of course ang isa brand new Papa.


'Yan ang isang kwento ng buhay ko.


Dahil kahit anong pagmamalinis man ang gawin ko.


Hinding-hindi ko maita-tangging..


Isa akong disgrasyada.



49 comments:

Aris said...

seryoso nga ba ang kuwentong ito? pero bakit natatawa ako? haha! :)

Eternal Wanderer... said...

madame chuni, isa ka palang ama sa pagkabakla! :P

Shenanigans said...

oh my gosh!


........................

i dont know what to say?!

is this true?

like..... for real?

Mugen said...

Shet, anong feeling ng pagiging preggy?

Leo said...

"Para lang kaming sina Claudine at Rico Yan. Ako si Claudine." hahaha... winner to... nakakatawa ung mga bitiw na salita... pero nakakalungkot at ma-drama ung kwento. :(

JR said...

naknamf - ganda mo! gusto mo pa ng isang anak? pwede ako maging ama hahaha

Lone wolf Milch said...

parang pang malala na kaya ni charing nunal or pang teleserye sa tv..ang storya mo

casado said...

ahahhaa leche ka ahahhaa...

4reals, may similarity pla ang kwento naten, about jan sa pagbubuntis ek ek ahahah...

pero ganun talga un, during those times, str8 tlaga ang mundo naten pag nagmamahal...hayystt..

pero just like Aris..natatawa din ako, bwahhahaha...ANG HIRAP MO KASING SERYOSOHIN!

ching!

buendiaboy said...

malanding bakla

tibo pala

yuck

choz!

Ms. Chuniverse said...

@Aris... hindi ko rin magawang seryosohin eh. =)


@Ternie... Hahaha! Feellingerang ama.


@Shenanigans.... Yes ditse. Trulili 'yan.

Ms. Chuniverse said...

@Mugen... nakaka-balisawsaw. =)


@Leo... 'Wag kang malungkot, happy aketch. siguro tinadhana talaga para mamukadkad ang taglay kong gandah.


@JR... Kasal ang gusto ko. KASAL!!! char!

Ms. Chuniverse said...

@Hard2get... Oo, ma-adventure ang istroya ko. May drama, action at porn. maraming-maraming porn.



@Soltero... Madali kaya akong seryosohin. TRY MO. Hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Buendiaboy... gusto mong ipa-gangrape kita sa mga kawal? Choz! =)

Anonymous said...

hahaha natatawa ako miss chuni. pasensya ha?
hahaha

isa lang ang pinatunayan nito, mashondabels ka na teh. highschool na si pilar. :))

Ms. Chuniverse said...

@Jepoy... Hahaha! Ma-aga kasi akong lumandi. in-denial uli. Hahaha!

c - e - i - b - o - h said...

totoo ba tlga ito ms.chuni??
ung totoo? anu nga ba tlga..

hehehehe

e para naman lahat sila tumawa sa kwento mu eh.. heheheh...

Ms. Chuniverse said...

@Ceiboh.. Oo, totoo yan. Ewan ko ba sa mga 'yan at ayaw seryosohin. =). Hindi lang nila siguro matanggap na chumo-chorva ako ng gurl before. lolz!

Sean said...

I laveeet! natatawa akong nakaka-relate. lalo na ngayong di ako mabuntis buntis haha!

Mike said...

OMG. nakakatawa na nakakalungkot ang kwento mo.

nubadi said...

tay? ako po si pilar! yung first runner-up mo! ching!

masuwerte talaga ako at nasa akin ang anak ko. isa akong ganap na nanay. tatay na lang kumpleto na kami! choz! hahahahahaha!

wala ka talagang kupas miss chuni! IDOL!

punked said...

ang lungkot.

pero natawa ako sorry. hahahaha

Ms. Chuniverse said...

@Sean.. baka mali ang pasok ng semilya kaya hindi ka mabuntis. choz!


@Mike...'Wag kang tatawa at iiyak sa kalye, baka ka mapagkamalan... alam mo na. char!


@DSM... Salamat. Buti ka pa nabi- braid mo ang hair ng daughter mo. teka, daughter nga ba?


@Punked... Don't be sorry. Hahaha!

kaloy said...

HOOMYGAWD - ama ka... ata!

;p

PS: Wish I had one pero kailangan akong gahasain nung bilat kung sakali. Ska mukha dapat syang lalaki... Hehehe. Api new year Ms. C!

jc said...

nakakabigla naman 'tong storya mo miss chuni. nakakalungkot. :(

pero natawa din.

*baliw-baliwan* hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Kaloy... mother na lang. choz! hahaha! happy New Year too.


@JC... ay naka move on na ko dyan. =)

Bleeding Angel said...

pag nakita mo siya, may lukso ng dugo...

nice story telling...

nubadi said...

son po miss chuni. sana lang di matulad sa tatay. lol

Ms. Chuniverse said...

@Bleeding Angel... thanks! nice profile pic. =)


@DSM... sana nga matulad. title-holder din. choz!

Ronnie said...

Wow, ano feeling ng tumitira ng bilat? (CHAR!)

Kidding aside, natuwa ako sa story na 'to. Nakita ko ang malambot at 'father-figure' side ni Miss Chuni.

;)

Echos Erita said...

Yung si Armida ba, hindi naman yun si Armida Siguion-Reyna? LOL

Dahil kung siya, ipapelikula mo na ang buhay kalandian mo, te! Charuz

Echoserita's latest blog post: Le Boif and His Echoserang Nephew

iurico said...

Nakaloka ang pasabogo mo Chunilee!!!

Sana nga makita mo na si Pilar. Para naman meron kang mapspasahan ng crown.

rr said...

Cool story dude.. Time will come malalaman mo din ang lahat. Cross ur fingers na yung destiny mismo ang gumawa ng paraan para magkakilala kayo.

Anonymous said...

ang kyot mo talaga kung seryoso ka hihi :D

oo nga isapelikula na sana ang buhay mo :)

ENCANTOS' said...

nakatikim ka din pala ng pechay!!! lols..

seriously.. nalungkot ako sa story mo..

sivrej said...

sulat ka sa wish ko lang para mahanap mo si Pilar hehe...

if given the chance na mkakasama mo xa i know magiging mabuting mamita ka ng Major Major!

bien said...

so totoo ang chismis.
meron kang matres

Ms. Chuniverse said...

@Ronnie... actually, masarap sya. try mo. hahaha! 'yun nga lang, hindi sing sarap ng patola.


@Echos Erita.... echos ka. Hahaha!


@Iurico... Oo nga eh. dapat kasi ngayon pa lang inuumpisahan na ang training nya.

Ms. Chuniverse said...

@RR... Oo nga. Grand reunion itetch pag nagkataon. =)


@Hazeyokriyu... Oo cute talaga ako. +0


@Silvrej... Oo nga no, tapos bigyan pa ko ng pangkabuhayan package. Winnur! hahaha!


@Orally... Yes my dear, at hindi sya isang kathang isip lamang. =)

Meowfie said...

OMG

NOX said...

madame chuni, gusto ko matuto kumain ng pechay pero nasusuka talaga ako. any tips?

Anonymous said...

hehehe...

Nakakatawa nga yung pagkakwento mo Ms. Chuni!

anyway sana magkita na kayo ni Pilar, I'm sure maiintindihan nia lahat.

:)

Ms. Chuniverse said...

@Meowfie... revelation ba 'teh? hehehe! =)


@Nox... Pechay intolerant ka. 'Wag na i-attempt. Mag concentrate sa ibang uri ng gulay - gaya ng talong. Char! =)


@Mr. Chan... Sana nga. At ng malaman nyang ako ang tunay nyang... INA. choz! =)

Ewan said...

diko pa nasisight ang fez mo Teh Chuni!

dddooont tell me..... ikaw si Ogie Diaz????!!!!

Ms. Chuniverse said...

@EWAN... ikaw ba yan Chocoleit? Miss you na. choz! =)

Echos Erita said...

Oo, echos ako, kasi nga Echoserita. Smaller version ng echosera. chos!

Echoserita's latest blog post: Ayoko Na Sa'Yo, Chuckie

Anonymous said...

Malamang may Facebook account yung bata.

Na-try mo na bang i-search? :)

Anonymous said...

Aww. Congratulations na lang sa'yo! xDDD

Seeking09 said...

This is so tragic... It made me happy kasi may anak ka pala. i want to have my own child too pero ang sad kasi hindi mo siya nakita...


Any news after this post???

wandering emo said...

Ngayon ko lang to nabasa ah. Nakakalungkot naman. Pero malay mo baka dumating yung time na magkikita rin kaung mag-ama este mag-mommy :)

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments