A Sandwich, A Baul and A Sleeping Hunk
Ang kaso, yung nasa unahan ko, lahat yata ng items na binibili nya ay either mali-mali ang barcode or walang presyo. Kaya pabalik-balik ang merchandiser sa loob ng grocery at customer service para alamin ang mga barcodes. Tapos may i pa-check pa muna ang customer ng mga prices ng lahat ng items nya bago i-punch ng kahera. Eh sandamakmak ang shinopping nya. Kaya naman pagkatagal-tagal ng transaction.
Hindi kinaya ng powers ko ang paghihintay dahil patience is not my virtue. Gustuhin ko mang lumipat, ang haba lang ng pila sa ibang mga kahera kung lilipat pa ako. Four cashiers lang yata ang naka duty. Kaya naman nagpa-alam ako sa cashier at in-abandon ko na ang grocery at umuwi na lang.
Ang bilis lang ng karma. Nagutom aketch and i was craving for this....
So, rampa ang beauty ko sa Glorietta para lumafang. Eto ang aking Double Down. In fairview masarap talaga sya. Kasi dark meat yung part ng chicken na ginamit although the bacon is nowhere to be found. Bakit kaya???
Tapos, rumampa ng minor ang lolah nyo. Napadaan ako sa Play & Display. Tamang-tama, naghahanap ako ng bagong baul to put some of my skeletons - hindi na kasi kasya sa walk-in closet ko. At itey ang nakita ko.....
Naka-sale ang foldable baul na 'yan. I bought it for P299.00 (hindi ko ma recall ang original price. Hahaha!). Nakita itey ng crush kong si P.K. sabi nya, P120.00 lang daw 'yan sa 168 Mall.
Ganon?????
Maka-rampa nga this weekend sa Divisoria. Pwede nya kaya akong samahan? Kasi baka maligaw akey. Hihihi!
And then, habang pauwi na akey, na-ispatan ko ang future hubby ko.
Natutulog lang sa gitna ng Glorietta. Doon sa mga sofabelles 'don.
Ang puti nya at ang kinis. Ang laki rin ng arms. At parang ang bango-bango lang nya. I made sure na naka-silent mode na ang phone ko at naka-off ang flash bago ako nag click. Succeesss!!!
Hahalikan ko sana sya para magising sa kanyang pagka-himbing kaya lang nahihiya aketch.
Baka kasi hindi pa sya prepared sa aking kagandahan. Char!
21 comments:
award mam!
Hahahahaha! Napa action filled naman ng araw mo Ms. Chuni.
Lol
hang lande!
hahahaha you are the best!!! Ang sarap basahin ng blog mo pampaalis stress sa busy monday hahahaha :)
imbernation nga yung ganung customer. sana hinila mo ang buhok teh.
@Nox.. salamat sa jury. choz! =)
@Canonista.... Oo, slight. hihihi!
@Herbs... lol talaga. =)
@Ewan... Ishlayt lang pow. hahaha!
@Bleeding Angel... "yang pagba blog din ang therapy ko bago simulan ang bawat stressful na araw. hihihi!
@Orally... Malapit ko ng hilahin. Conscious pala sya sa prices nung mga items eh di sana tiningnan nya muna bago kinuha sa mga shelves.
Hi Chuni Dahrling;
Its so maalat kaya yang KFC double down or maybe nasanay lang ang aking palette tongue sa mga von Essen Platinum Club Sandwich .
Love U chuni
Alta Sosyedad Society President
@Alta Sosyedad... Hahaha! Oo nga medyo maalat sya. But my palate is so average kaya keri na ang Double Down. Pero type ko ring tikman yang von Essen chuva sandwich na yan - yan ay kung afford ko. hahaha! Thank you! =)
Mama chuni, malay mo eh sleeping beauty ang epek niya at ikaw ang knight niya. ahihihi
chuni, mukhang kilala ko yong pic na kinunan mo! kalerkey ka. hahaha.
-anon101
Nice one Ms. Chuni. hangkyut ni kuya... :)
dapat inilagay mo na lang sya sa mamahalin mong baul. para pagkagising nya, ikaw na ang una nyang masisilayan.
huhuntingin nga kita Ms.Chuni pagnadayo ako sa DBTI. haha. pa-autograph lng po (with dedication pa!) lol.
-runway_1533
haha. talagang nakaharap ka pa ng kinunan siya, baklita ka! hahaha
Oo nga, medyo maalat ang double down. I seriously can't relate to all the hype-up for this product. Kahit dito sa kabisayaan, nagkakaubusan ng double down.
Hahahaha grabre katakot nmn kunan baka magising, kalaki pa nmn ng arms
medyo sumaglit sa utak ko ang scene na naghahalayan kayong dalawa sa sofa sa gitna ng glorietta.
@DB... naisip ko rin yan, yun nga lang alam nyo naman na demure ako. may reputation to protect. char! hahaha!
@Anon101.... ganun ba, sabihin mo.... nandito lang aketch. hehehe!
@Miguel... oo ang kyut nya talaga. 30 minutes ko syang binantayan habang natutulog. psycho lang ang dating ng lola mo. hahaha!
@Kiks... good idea, i chop chop ko ba? hahaha!
@Runway... hindi mo ako makikita sa DBTI. Hindi ako faculty. pramis. Hehehe!
@Iurico... oo at magkalapit lang kami ng unan ko ng pic. Nakatingin nga yung isang mama habang kinukunan ko ng pic. nag-iisip siguro kung ano ginagawa ko. hahaha!
@Curiouscat... natakot din ako nung una. baka kasi dyombagin ako. Kaso gaya ng namesung mo... na curious pa rin ako. hihihi.
@Sean... Parallel thinking!!!! Sumaglit din sa isip ko yan. Parang torohan lang. hahaha!
hahahaha, Chuniverse. Perfect. Mala-Boxing Helena.
Post a Comment