Gaya-Gaya
Dahil ginawa ito ni Fox at Hard2getXXX
Pwes, gagawin ko rin s’ya.
Kasi naman walang nagtatanong sa inyo eh.
Pakiramdam ko tuloy, katawan ko lang ang habol nyo. char.
So, Q&A na tayo.
What's your greatest luxury?
Ayokong sabihing rest kasi pang masipag na tao lang ‘yon kaya ang isasagot ko dyan ay sex.
Can you cook?
Yes! If you are familiar with the movie Como Agua Para Chocolate, then akong-ako ang character na si Tita! Hahaha!
What's your greatest regret?
Not taking that opportunity to work sa isang TV network when the job was offered to me many years ago. Eh di sanay ang dami ko na rin na-blowjob na artista at hindi dalawa lang. Choz!
Are you ticklish?
Yes, ganyan talaga pag hindi masyadong malandi, hindi nauubos ang kiliti.
If you were given the chance to be a woman for the day, What's the first thing you'd do?
Take a picture of my vagina and clitoris and mms it to all my vaklush friends with the message… MGA VAKLA ETO NA ANG ESSENCE OF BEING A WOMAN!!!
If you could go anywhere at this moment, where could it be and why?
Inside Derek Ramseys underwear. Do I have to elaborate?
What is your ideal night out when you're at home?
Night out tapos when I’m at home? I’m confused!
Simple lang naman ako. Ang gusto ko lang naman, may u-uwiang asawa, mga anak at pagsilbihan ko sila. Tapos yung asawa ko, payag sumapi sa swingers club. Char.
What do you hate the most in the world?
Leeches.
What is your favorite journey?
My first solo trip abroad. Mukha akong tanga. Tangang maraming pera nung time na ‘yon.
What do you most value in your friends?
The fact that they don’t borrow money from me.
Who is your favorite hero in fiction?
Darna. Pero ayoko ng lunok ng lunok ng bato para lang magka-powers.
Hindi kasi ako lumulunok. Though I have nothing against to those who does. Hahaha!
Actually, ayoko ng hero. Gusto ko ang powers ng villain na si Mystique ng X-Men.
Una akong magta-transform as Angelika Panganiban, tapos palit anyo ni Jennilyn Mercado – all in one day. At kung kaya pa, gagayahin ko rin si Vicky Bello at ng masubukan nga yang galing ni Hayden Kho.
What turns you off?
Bad breath, body odor, nose hairs, freeloaders, mayabang, sinungaling, mapanlait, mga walang utang na loob,… mga hayuuuuuppppp!!!
Do you miss someone right now?
I do.
Name three things that you can't live without?
Oxygen. Water. Food. I think I can survive with the basic.
Pero pag mas profound: Internet, Cable TV, Coke zero. Ayan, profound yan ha.
Are you a bully?
Never.
Is your room messy?
Oo, pag may kasamang lalaki.
Saka, kasalanan ko bang maganda lang ako at hindi masipag?
Have you ever lied about your age?
Yes. When I tried to watch Schindler’s List alone.
Sabi ko 18 na aketch when in fact I’m just 16. Nakapasok ba akey? No. Ayaw maniwala ng takilyera. Baby face kasi akey. Hahaha!
Now, go figure my age!
Pagbabalik...
Tanong: “Bhe bakit hindi ka na nag t text?”
Sagot: “Pasensya ka na Bhe, wala akong maitu-tulong sa ‘yo ngayon.”
Tanong: “Anong tulong? Humihingi ba ako ng tulong sa ‘yo? Ibahin mo ako Bhe, hindi ako gaya ng ibang nakilala mo. Hindi pera mo ang habol ko.”
Sagot: “Sensya na.”
Tanong: “Ok lang Bhe. Kailan tayo magkikita uli?”
……………….
Palitan ng text message nina Friendship at boylet nyang 21 years old.
Sa matagal na panahon…..
ngayon ko lang na-realized….
kaibigan ko pala si Rapunzel.
I miss you guys! Thanks for bearing with me.
Si Tita Rose
Kung mayron akong maitu-turing na pangalawang ina, s'ya na 'yon.
Siya ang pinaka-maganda at favorite kong si Tita Rose.
Asawa sya ng kapatid ng Nanay ko. Magkatabi lang ang bahay namin kaya madalas akong nasa kanila.
Lagi syang may pasalubong sa akin.
Ipinagluluto ako ng kung ano-ano, ipinaghihimay ng hipon kapag kumakain at hinahayaan akong pakialaman ang kanilang stereo.
I remember lagi nya rin akong isinasama sa mga lakad nya. Mas madalas pa nga nya akong isama kumpara sa Nanay ko. At mukhang mas paborito pa nya ako kahit sa mga anak nya.
Sobrang bait nya sa akin.
Until one time nagulo ang mundo ng pamilya ko.
Nag-away ang Nanay at Tatay ko.
Sa edad kong walo, hindi ko maunawaan kung bakit.
Umabot sa puntong nilayasan namin ang Tatay ko.
Lumayo kami.
Doon ko unti-unting naunawaan kung bakit – may kerida pala ang Tatay ko.
Nalayo ako sa mga dating kalaro, sa mga pinsan, kamag-anak at kay Tita Rose.
Pinilit naming mabuhay ng ma-ayos. Ako, ang Nanay ko at ang tatlo kong mga kapatid.
Hindi nag-tagal ay muling sinuyo ng Tatay ko ang Nanay ko.
Noong panahong ‘yon, malayo na ang loob ko sa Tatay ko. Umabot ng mahabang panahon ang sama ng loob ko sa kanya.
Muli syang tinanggap ng Nanay ko. At muli ay bumalik kami sa aming tahanan.
Pero hindi na gaya ng dati. Parang iba na ang kapaligiran. Wala na rin doon ang Tita Rose ko.Lumipat na pala sila ng buong pamilya niya para sa Maynila na manirahan.
Taon ang lumipas.
Muling bumalik sa aming lugar ang pamilya ni Tita Rose. Bumagsak ang kanilang kabuhayan. Pumanaw na ang kapatid ng Nanay ko na asawa nya.
Hindi na ako bata.
Hindi na rin kami ganoon ka-close ni Tita Rose.
Tuloy ang buhay at ako nga, mas pinili ko na 'ring manirahan sa syudad.
Dito ako sa Makati napadpad.
Tila kahapong tinalikuran ko ang buhay sa probinsya. Madalang akong umuwi - isang beses sa dalawang buwan. Minsan ay nakikita ko si Tita Rose na naka-upo sa silyon sa harapan ng kanilang bahay. Nababalutan na ng katandaan ang kanyang magandang mukha.
Tanging ngiti at tango lamang ang aming pagbati sa isa’t-isa. Simpleng pag-kilala sa presensya ng bawat isa. Wala na ang kulitan at kwentuhan.
Sa tingin ko ay may mga pagkakataong gusto nya akong lapitan at kausapin pero marahil siya ay nahihiya. Tila nilipad ng panahon ang dati naming pagiging malapit sa isa’t-isa.
……………………………..
Kanina, habang ako ay nasa opisina, nakatanggap ako ng text.
“Si Kuya Alfred ito, pwede ka bang tawagan?”
Panganay na anak ni Tita Rose si Kuya Alfred. Halos lumaki na rin akong hindi na malapit sa kanilang magka-kapatid. Kaya ako’y nagtataka. Sa halip na sumagot, ako na ang tumawag.
“Oh, Kuya Alfred, ano balita?"
Kuya Alfred: “Nasa hospital si Tita Rose mo. Na stroke nung isang linggo. Pasensya ka na sa abala Pepe. Diretsuhin na kita, wala na kasi kaming ibang malapitan. Wala na kaming pambayad sa hospital at pambili ng gamot…”
Hindi ako nakasagot agad. Binalot ng lungkot ang aking puso sa natanggap na balita.
Me: “Kamusta s'ya?”
Kuya Alfred: “Hindi na sya masyadong makapag salita… pa-utal-utal…paralyzed ang kalahati ng katawan nya… pero tinatanong ka nya… kung makaka-dalaw ka ‘daw ba.”
Me: “Magkano ba ang kailangan…”
Kuya Alfred: “Twenty thousand. Pero utang ‘to Pepe. Pagtutulungan naming magka-kapatid na mabayaran ka.”
Me: “Wala iyon… Tatawagan ko si Ana ngayon. Punta ka sa kanya. Ibibigay n'ya sa iyo ang pera.”
Kuya Alfred: “Maraming salamat Pepe… makaka-dalaw ka ba?”
Me: “Hindi ako sigurado…”
Kuya Alfred: “Sige, maraming salamat Pepe… S’ya nga pala, hindi nya alam na sa ‘yo kami lumapit…”
……………………………………………………………………………….
Tumuloy ako sa banyo after ng pag-uusap namin.
Ibinuhos ko ang luha.
Halo-halo ang emosyong bumabalong sa aking dibdib.
Kasabay ng pagbabalik ng nakaraan na tila eksena sa pelikulang nagaganap sa aking harapan.
Si Tita Rose…
Ang paborito kong si Tita Rose – ay siya ring babaeng naging kerida ng aking ama.
………………………………………………………………
Salamat sa pag-tangkilik.
Ms. Chuniverse will take an indefinite leave of absence from this blog.
..................................
Postscript: Tita Rose passed away 6 days after this blog entry was posted.
- 1st Anniversary
- 2nd Anniversary
- Adoray
- Announcement
- Announcemet
- Apartment
- Award
- Baclaran Cinema
- Bakasyon a la Ms. Chuniverse
- Birthday
- Blind Item
- Blog
- Camiguin
- Caption This
- CDO
- Celebrity
- Christmas
- Chuni and Friends
- Condo
- Contest
- Cooking
- Craft
- Dog Loving Papa
- Drama
- Embarassing Moment
- Embarrassing Moment
- Erotic Story
- Family
- Fashion
- Fiesta
- Flood
- Food
- Food Review
- Furniture
- Gadgets
- Gay Bar
- Gift
- Gimik
- Girls
- Guest Blogger
- Heroism
- Holy Week
- Horoscope
- Hospital
- hot men
- Humor
- Hunk
- Jay
- Jeric
- Jokes
- Jonas
- Kasabihan
- Kiss
- Lady Gaga
- Landmark
- Larawan
- Lipat Bahay
- Lipat-Bahay
- Love Story
- LRT
- Madonna
- Mark
- Masahista
- Massage
- Me and Friendship
- Men In Uniform
- Money Talks
- Movie a la Ms. Chuni
- Moving Out
- MRT
- Ms. Chuni's Favorites
- Nanay
- New Year
- News
- Older Men
- Pahiyas
- Palawan
- Pantawid Pahada
- Paranormal
- Photography
- Pic Greet
- Picture Story
- Plagiarism
- Poem
- Priceless Moments
- Public Service
- Question and Answer Portion
- Quote
- Random story
- Random Thoughts
- Rant
- Restaurant
- Romance
- Royal Wedding
- Rumors
- Sex story
- Sirena
- Song
- Sports
- Starbucks
- Tattoo
- Technology
- Terror
- Tips
- True Blood
- True Story
- Tsismis
- Tula
- Tutorial
- TV Commercial
- Valentines Day
- Video
- weird fashion
- Yahoogroups
- Youtube
- Yummy Common Pipol
- Zombies
World Peace!
Kumonek!
Tungkol sa Reyna
- Ms. Chuniverse
- The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)
Mga Fellow Beauty Queens
Popular Posts
-
Hellow!!! Bago ang lahat, nais kong pasalamatan lahat ng nag-greet para sa ikalawang anniversary ng blog na itey. Hindi man ako nilab...
-
Hindi ko rin naman masisi ang aking sarili kung bakit takot ako na pasukin ang isa na namang relasyon. Sabi ko nga sa sarili ko, gulo lang...
-
Na-invite mag comedy bar ang inyong lolah. Sobra syang excited dahil perstaym nyang makakapasok sa isang comedy bar. Hodevah, inosenteng...
-
I enjoyed writing this piece, at dahil napapanahon (at walang bagong entry ang lolah nyo), i am repostingbthis blog entry. :) Hello Frie...
-
Today, my blog turns 2! Yes, 2 years na tayong naglalandian mga shufatid! And I am so proud to announce na sa loob ng 2 years na ...
-
Dahil naging kami, ang gusto ni Jeric, may terms of endearment. Me: "Mahal na lang itatawag ko sa yo ha." Jeric: "I...
-
Before magpatuloy sa pagbabasa, read muna The Offer para naman maka-relate ka. ******* So, may stay-in boylet nga si Friendship na g...
-
Maraming pagbabagong naganap sa mga frends ko lately. Si JR, may bagong Singaporean dyowa. Pulis-pulisan lang ang peg. Hooongshusyal ...
-
*********** Kamusta ka na? Alam mo, miss na kita. Hihihi! Alam ko na nung Friday ng gabi lang tayo huling nagkita. Ramdam ko p...
-
******* Sino ba ang gustong ma-reject? Wala naman devah? Pero whether we like it or not, nangyayari pa rin. Sa lahat. Walang excempted! Oo,...
Blog Archive
-
▼
2011
(223)
-
▼
February
(22)
- Death of Friendship
- Hard Gay Confronts Yahoo!
- Gaya-Gaya
- Bareta o Powder?
- May Asim Pa
- Pagbabalik...
- Si Tita Rose
- Blind Item
- Wala...
- Bloody Valentine
- The Copier Guy
- Caption This
- They BLOCKED My Blog!
- Red Letter Day
- Ang Mga Sumagot sa Aking Tanong.
- Mayron Akong Tanong...
- Taong-Bahay
- Bakla o Palaka?
- Why I Love Sports
- Sila Ang Dahilan...
- Why I Hate Globe
- Heto Na Ang Ina-abangang Link
-
▼
February
(22)
Recent Comments