Bloody Valentine















Eksaktong alas tres kahapon, nag text ang EX ko.


Ex: “Ano na nga yung name ng resto na masarap yung halo-halo?”


Hmmmm…. more than one month na kaming walang communication tapos all of a sudden itanong ba sa akin kung saan masarap ang halo-halo?


Mukha ba ‘kong halo-halo connoisseur?


I don’t think so.


Me: “Ahhh… hindi ko alam.”


Ex: “Yung sa Greenbelt.”


Me: “Razons?”


Ex: “Yun nga. Thanks ha.”


Me: “Kakain ka don?”


Ex: “Hindi naman, naitanong lang po.”


Hindi na ako sumagot.


Sabi ni Friendship…


“Mukhang may Part-2 ang romance nyo? Kilig! Hehehe!”


Oo may Part-2. Kaso ang Part 2 – malamang Horror.


…………………………………..

Araw na ng mga puso ngayon. Kahapon, nag date na kami ni mother. Dapat Valentines day talaga. Nakalimutan ko, may pasok nga pala ng Araw ng mga Puso.


Nagpa- hair spa sya, nagpakulay ng buhok, nagpa-gupit at nagpa manicure/pedicure.


I gave her the money to pay for the services and for the tip.


Hindi ko talaga kayang mag stay sa salon.


Feeling ko, hinuhubaran nila ang pagkatao ko sa mga tingin nila at anytime ay sasabihin nilang…


YOU ARE ONE OF US!


So mega-tambay aketch at ikot sa mall.


Gustuhin ko mang mag beautiful eyes at mag flying kiss sa mga hombreng tambay din ng mall ay hindi ko magawa.


Behave ang lolah nyo.


After almost 3 hours, nag-text ang nanay ko.


“Tapos na. Puntahan mo na ‘ko dito.”


Punta naman ako.


Wow, na-shock ako. Nagpa make-up pa si mudra.


Me: “Nanay, palengke ang next stop natin. Bakit nagpa make-up ka pa? Mukha ka tuloy mag-ni-ninang sa kasal.”


Nanay: “Hayaan mo na. Ikaw na lang kaya ang bumaba sa palengke? Maiwan na ko sa kotse.”


Me: “Eh kung dyan sa Supermarket na lang tayo?”


Nanay: “Paano yung in-order kong rellenong bangus at lengua kay Brigitte?”


Me: “Sabi ko nga, palengke na lang.”


How can I say NO to that?


Ang date ko, ayaw ituntong ng palengke ang bagong foot spa nyang paa. Hahaha!


In fairness, masarap ang relleno at lengua ni Brigitte. Pero mas yummy ang fafa nya. hehehe.


So ayun, as usual, tiniis ko ang mga mapang-akit na titig ng mga matadero at tindero sa palengke na tanging apron lang ang mga suot.


Halos matunaw ako sa tingin nila.


I feel so…..


naked. choz.


………………………………….


Balik tayo sa Araw ng Mga Puso.


Don’t you find it unfair for us SINGLES?


Yung mga may dyowa lang ang nagsi-celebrate.


And they coined the acronym SMV pa – Samahan (daw) ng mga Malalamig ang Valentine.


How insensitive naman non, devah?


Wala ka na ngang ka-loveteam, in-stress out pa.


Sana…


Sana lang…


Kung may Araw ng mga Puso,


Sana mayron ding Araw ng mga Utak.


Para yung mga walang utak, sila naman ang hindi mag celebrate.


At dahil may Araw ng mga Utak, lagyan na rin ng Araw ng mga Appendix, Araw ng mga Baga, Atay at Balumbalunan.


And that’s the only time na masasabi kong fair ang pagkakaroon ng Araw ng mga Puso.


Bitter much.


Tse!


Char.


Pero teka, baka may mga hombre ring sawi at nangangailangan ng pagsuyo...


Oo nga!!!


Here i come mga Fafas!












Come and get me... hihihi!



posted under |

29 comments:

iurico said...

hahahahahaha - happy balentyms sa ating mga singles! mabuhay!

nOx said...

mama, mahilig ka tlga sa mga constru na fafa. hehe

happy puso! at happy p*ke na din! :)

Mac Callister said...

hahaha wala kang kupas to make me smile sa bawat post mo.

at pareho tyo di din ako makatagal sa parlor n puro bading!

at ang nanay mo, panalo!i love her~!hehhee

Kiks said...

kabog ang Araw ng mga Utak.

dapat icelebrate yan 2 months after Valentine's Day. for a myriad of reasons!

happy p---s din!

Mister Secrecy said...

ms. chuni... pa.request ng pic ng fafa ni brigite... hehe.. kaka.intriga... happy balentayms... ; )

Yj said...

alam mo na kung anong masasabi ko sa bwisit na balentayms na yan

putang ina lang!

but i would have dated my mom, too. kung wala sana siya sa malayo. yaiy

Ms. Chuniverse said...

@Iurico... single ka? wehhh?!? ;p



@Nox... correction! sila ang mahilig sa 'kin. ayyyy!!! ;-)



@Mac... Thanks! oo nasu-suffocate aketch. hahaha!



@Kiks.... dahil saging lang ang may puso. char.


@Mister secrecy.... hindi pwede. gusto mong gawin akong rellenong bakla ni Brigitte?!? =)


@YJ.... Gusto mo hiramin ang nanay ko? Hindi naman sya high maintenance. Lolz!

Echos Erita said...

Oo nga, ipauso nga natin yang Araw ng mga Utak. Unfair nga sa mga singles ang Valentine's Day. Pero mas unfair pag kung kelan magbabalemtimes, dun ka binreak ng jowa mo. I mean, binreak ako ng jowa! Nyeta!

Kaya, sa ngayon hindi Happy Valentine's Day ang aking sinisigaw, kundi: HAPPY INDEPENDENCE DAY!

Che! Bwesit.

Echoserita's latest blog post: Diskleymer

jc said...

happy valentines mschuni! mwah! :)

hard2getxxx said...

happy valentines miss chuni!! so what kung wala tayo kadate at least nakatipid tayo hahahahha

my-so-called-Quest said...

happy vday sir! :)

Ms. Chuniverse said...

@Echos... may mas masakit pa sa nakipag-break. Yun ay kung may nakita syang kapalit kaya nakipag-break.


@JC... Same to you! Enjoy later. =)


@Hard2get... isang malaking CHECK!!!!


@Doc Ced... Same to you. Mwah! =)

Jepoy Dee said...

mabuhay ang mga singles!!!! madadagdagan na naman ng kalyo ang mga kamay natin!!! WOOT WOOT!! bwahahaha.

happy vday ms chuni. mwah mwah tsup :P

Aris said...

natawa ako sa araw ng mga utak. haha! maligayang araw ng mga puso! group hug na lang tayong mga single. :)

Mu[g]en said...

Happy Valentines Miss Chuni!!

Ms. Chuniverse said...

@Jepoy... Hahaha! 'wag mo kasing kamayin. hahaha!


@Aris... ay, group hug!!!


@Mugen... Sa 'inyo din ni Baabaa! ;p

exanthiel said...

woot! saya ng post :D

agree...dapat magkaroon ng araw ng appendix, para naman mas madagdagan ang value nila di ba? :D

~Carrie~ said...

Natawa ako sa "araw ng mga utak" bit. Harch ka, mare! Hehe

Ms. Chuniverse said...

@Exanthiel... hahaha! kunsabagay.



@Caridad... parang kang bulalakaw, lulubog-lilitaw. Hahaha!

~Carrie~ said...

Till the next blue moon, mars. :D

Desperate Houseboy said...

Happy Valetines Mama CHu. Gusto ko yung Araw ng mga Utak para madepress ang mga walang utak(in short mga bobita). O kaya araw ng mga Ganda. Baka sakaling pasok na tayu dun.

Leo said...

swerte ni mudrax sa yo!!! bongga. happy valentines ms. chuni. :)

Ms. Chuniverse said...

@Carrie... at talagang matalinghaga. Sige mare...


@Houseboy... Pasok na pasok tayo don. Front seat pa. hihihi!


@Leo... Thanks! Happy Valentines day din sa inyo ni Nimmy! Enjoy! =)

Nimmy said...

grabe! 3 hours kang naghintay! grabe! hehehe

maligayang araw ng mga puso miss chuni!

ram said...

happy valentine...

Spiral Prince said...

happy balemtayms miss chuni!

orally said...

nalalasahan ko ang aftertaste ng entry na to. may konting pait hahaha.

Sean said...

happy v-day ms. chuni!!!

@orally: may nahalo atang apdo.

Ms. Chuniverse said...

@Nimmy... gagawin ang lahat, para kay inay. choz. =)


@Ram... akala ko follower ko na si Jollibee. Kasi feeling ko baklush din yan eh. choz. Happy Valentines day to you too. =)


@Spiral Prince... Thanks. Sa 'yo din. Mwah!


@Orally... Hahaha! May gaknown? =)


@Sean... same to you. mwah!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments