Finally, Nagawa Ko Na!


Na-i-blog ko na ito dati.


Pero hindi ko pa nagagawa.


Though, ilang beses na 'rin akong nag-attempt gawin.


Kaya lang nahihiya talaga ako.


Pag nandun na ako, napapa-atras ako.


Wala akong lakas ng loob.


Pero kahapon, bored na bored ako sa balur.


And i feel like doing something.....


...stupid or crazy or whatevah.


Kaya naman, lakas loob ko ng ginawa ang matagal ko ng balak....


Bitbit lang ang gandah, punta na aketch sa coffee shop. Yes, i decided to leave my crown, sash and scepter.


...........................................


Sayang, bilat ang kahera.


Cashier: "Can i take your order sir?"


Me: "I'll have one honey-glazed donut and a Hot Green Tea Latte."



Cashier: "What size sir?"


Me: "Venti."


Cashier: "For here Sir?"


Apat na customers ang nasa likod ko. Kinakabahan ako....


Me: "Yes, please..."


Cashier: "Ok, that's PhP 200.00 sir. Can i have your name please?"


Nararamdaman ko yung kabog ng dibdib ko. Alam mo 'yung feeling ng first realization na nawala yung cellphone mo or yung wallet mo? Or 'yung nakita mo ang dyowa mong pumasok sa Club Bath? Ganun! Ganun exactly yung nararamdaman ko...


Punyetang ex ko.


Anyway, going back to the kwento...


Cashier: "Sir, your name please..."


Me: "Ahmmmm....... (a moment of silence).... Comtesse Nicole de Lancret."


Tumaas ang kilay ng bilat na cashier. May halong pagtataka ang expression ng bruha. Siguro kasi, ngayon lang sya nagkaroon ng customer na may dugong bughaw.


Cashier: "I'm sorry sir..."


Me: "Sorry ka dyan!!! Are you deaf? Bow before your queen you insolent peasant!!!"


Well, sa imagination ko lang sinabi 'yan.


Napalingon ako sa mga taong nakapila sa likod ko. Hindi ko sila kilala. Sabi ko sa sarili ko..."kaya ko 'toh!"


Like a true royalty and with conviction, i repeated...



"COMTESSE NICOLE DE LANCRET."



Halata kong nawi-windang ang kahera sa narinig. Half-open ang bunganga nya.


Keri ko 'to. Keri ko 'to! Sabi ko sa sarili ko.


Cashier: "What about your nickname sir?"


Hanung nickname?!???? Cannot be!!!!


Me: "No, I want you to write my full name. And please, write it in front of the cup, under the logo. Let me spell it out, COMTESSE - C, o, m, t, e, s, s, e. NICOLE - N, i, c, o, l, e . DE - d, e. LANCRET - L, a, n, c, r, e, t.


At nakita kong sinusulat na nga ng bilat ang namesung. Pero napansin ko rin na nakatingin sa akin ang lahat. Yung kasama nyang cashier at isang barista. Pati yung nakapila sa likod ko ay parang nakikinig.


Hinihintay kong may tumawa. Buti na lang wala naman.


Pero feel kong gustong-gusto na nilang humalakhak.


Feeling ko nagpa-palpitate na 'ko. Gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko. Pero taas noo pa 'rin aketch.


This is even worst nung coronation night at tatawagin na ang first runner up at title-holder sa beauty contest at dalawa na lang kaming natitirang contestant.


I paid the cashier. Got my receipt and went to the waiting area.


And the worst part is not over yet....


Tinawag ng barista ang namesung.


Barista: "One green tea latte and a honey glazed donut for Kom-tes-seee Nicole de Lan-krettttt!"


Footahhh!!!


Gusto ko pa sanang i-correct ang pronounciation nya pero kiber na lang.
Nakalingon lang naman ang karamihan ng customers at parang hinihintay nila kung sino ang lukaret na may-ari ng namesung.


Para akong foie gras na nagmi-melt sa butter ng kahihiyan.


Para tuloy ayoko ng kunin. Kaya lang sayang. Ngayon pa ba ako a-atras???


Gusto kong sabihin sa kanilang lahat na...


"Yes, i was born to nobility.... you commoners!"



Lapit na lang ako sa baristang slightly cute and i gave him my receipt.


Tinatakan nya yung resibo at ibinalik sa akin.


Pansin ko na pinipigilan ng barista ang pag-tawa.


Barista: "Enjoy your latte sir!"


Titi mong supot!


Mabilis kong kinuha yung order ko and settled sa sulok ng coffee shop - far from their prying eyes.



Pero feeling ko, may mga matang nakatingin sa 'kin. Para akong nahuhubaran.


Footahkells talaga, dapat take-out ko na lang!


Hindi ako mapakali.


Kaya hindi ko na inubos ang donut at lumayas na ang beauty ko bitbit ang green tea at diretso uwi sa bahay.


Haayyyyy.......





















Success na s'ya kung tu-tuusin.



Kaya lang i failed pa rin.



'Coz i forgot to wear my.....




















...butterfly wings!




..................................................................


to read my previous entry, click here.


posted under , |

64 comments:

Kiks said...

hahahahahahahahaha, putah ka, comtesse nicole de lancret!

makabili nga rin sa Starbucks.... hmmm, name....

vhinong said...

Isa malaking CONGRAshuuuulllayshenssss! Kung isa ako dun sa mga customers e malamang sa loob-loob ko e ang lakas ng tama ng lolah mo! hahahahaha

Try ko rin, Move! Give Way! Dito na si Marithe Francois Girbaud!!! nyahahahaha

Ms. Chuniverse said...

@Kiks... well, bagay sa yo ang Paquita Nakamura Schenkenberg! Tarush! Pang adik lang. hahaha!



@Vhinong... Oo... achievement 'toh!!! hahaha!

pinknamedyas said...

OMG! I never thought na may makakagawa nun. Panalo ka teh! Pasok sa banga! Ikaw na!

(Inspired daw akong gumaya rin ... makaisip nga ng name.)

Lone wolf Milch said...

miss chuni french ka ba? kasi yung namesung mo sounds french

Jpy Dee said...

i wan to do this too. pangalan ni beyonce ipapalagay ko bwahahahahaha.


congrats ms chuni. bkit wala ka sa bb pilinas last night? lol

iurico said...

hahaha Adiiiiiiiiiiiiiiiik!

Ms. Chuniverse said...

@Creexs.... gow! paduguin ang ilong ng mga barista! choz.


@Hard2get... french-frenchan lang ang lolah mo. hahaha!


@Jepoy.... Ayoko kasing ipasa ang korona, kaya hindi na lang ao um-attend. :)


@Iurico... matapang pala ang pinaghalong rugby at lysol. choz.

astroboi said...

wahahaha!pakker!galing mo tlga miss chuni!panalo..!daig mo ang lahat ng winners sa Bb. Pilipinas kagabi..ikaw naaah!ay layk it!!!!

Ewan said...

adik

Ewan said...

char

Ms. Chuniverse said...

@Astroboi... ganun ba? wala na kong balak bumalik sa coffee shop na 'yon. hahaha!



@Ewan... brouha ka! hahaha!

NOX said...

wapak! naisakatuparan mo din ang matagal ng ninanais. binabati kita, chuni lee!

Anonymous said...

Nice one!@!! Gayahin ko nga yan... mas hahabaan ko pa name ko para maloka sila! haha!

Yj said...

ahahahaha bongga ka teh...

everytime the cashier asks me for my name i always say BABYGURL...

and you should see the look of the barista na nagtatawag sa waiting area pag nakikita nila ako na super balbas sarado...

hindi lang dalawang beses na may nagtanong sakin...

"ikaw si babyguuuuuuurl?"

bwahahahahahahaha

Ms. Chuniverse said...

@Nox... oo,ngayon kailangan kong i-level up ang susunod na challenge. choz!


@Anonymous.... baka i-abot na lang sa 'yo ang cup at pentel pen, ikaw na daw ang magsulat. hahaha! :)


@YJ... hahaha! hayufff. sa'yo yata ako nagmana. choz. :)

audie said...

Naloka ang mga ofc. mate ko s lakas ng tawa ko. Winnie Santos ka, Winnie Monsod, Winnie Cordero at Windy Villarica. Ahihihi!

Seriously Funny said...

Ooooohhhhh, I LOVED Ever After!!!! Fan ako ni Drew Barrymore eh. Hihihi. Tapos ang laki ng tambok ni Dougray Scott dun sa costume nya. Wahehehe!!!

Eternal Wanderer... said...

madame chuni, kung ikaw ay condesa, ako naman ay duquesa.

echoz!

Ms. Chuniverse said...

@Audie... parang puro thundercats yang winnie mo. :)


@Seriouly Funny... pareho pala tayong sa bukelya ang atensyhun. choz.


@Ternie... Duquesang walang bahid. choz. :)

JC said...

sobrang tawa ko dito. naaalala ko pakiramdam ko nung una ko to ginawa. Ngayon, di na sila nagtatanong at officially, I am known to them as Madelaine no matter how I try to correct it.

Tamang trip lang pero liberating. Pero nung sinubukan ko namang gawin to, di ko naman plano magtago. Yong mga kasama ko pa ang nahiya. Hahaha.

rl ea said...

sana magawa ko rin yan.. kaso wlang starbucks sa davao... santa santita pa naman ang name ko :p

Ms. Chuniverse said...

@Pepe... hellow! what a beautiful namsung.


@rl ea.... hahaha! really? walang starbucks dyan?

yelai abiel said...

OMG pasaway ka miss chuni hhihihi!

Viewfinder said...

wahahaha at dahil jan you're invited to my viewing of Prince William's wedding.. ipapasundo kita ng karwahe.. and would make sure you're name will be announced correctly with french nasal at di sya maing lang-krett

Mike said...

OMGGG! adik kaaa potangena hahahahaha!

Seriously Funny said...

Ms Chuni, ang hirap naman kasing hindi mapansin eh. Malaki kasi talaga. Hahaha!

JR said...

tarantada ka talaga! gusto kita kurutin sa singit leche ka! hahaha

LOL @ titi mong supot! tinamaan ako char!

jc said...

ahahahahahahaha! adik ka mschuni! pero atlis, naisagawa mo na ang matagal mo nang plano. haha! PAK na PAK!

Anonymous said...

the best post ever! lol

rl ea said...

yup wla nga dito sa davao.. woot!

Ms. Chuniverse said...

@Yelai... pantanggal antok lang. hihihi!


@Clarence... invited na ako ni Aunt Elizabeth. choz. hihihi!


@Mike... gayan aketch pag walang tsupa ng 2 weeks. choz!


@Seriously Funny.... oo, extra-large ang notabels ng loloh mo. yum! ;)


@JR.... hawak ko na ang itak, tutuliin na kita!!!

on second thought, tikman ko muna. wala pa kong natikmang jupot.

hahaha!


choz.


@JC..... yan din ang tingin ko sa sarili ko nung time na yon. hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Anonymous... ay, na-touch naman ako don. hihihi!



@RL EA... ganun ba? well, mangutang ka na lang sa tindahan at ipalista mo sa namesung na gusto mo. yun nga lang, baka batuhin ka ng toyo ng tindera. :)

rl ea said...

wahahahaha! loka! isusulat ko nlng s mug ko ang namesung na santa santita.. hihihihihihihi...

rl ea said...

malaki? malaki? gusto ko makakita ng malaki! woooot!

Lalaking Palaban said...

nyahahaha! I LOVE YOU COMTESSE NICOLE DE LANCRET!

kaw pala un? hehe...

Mugen said...

Ikaw na ang Kontessa!

Masubukan nga to, tamang trip lang:

Marie-Charlotte Hippolyte de Campet de Saujon

Pero siyempre, papaturo muna ako sa kabiyak ko paano siya i pronounce.

Wahahahaha.

Anonymous said...

Bwahahahahahahahhahahahahahaha! Man...this is so hilarious! I mean your royal truorange highness...this is so hilarious. I almost fell off my chair laughing! I have been reading your blog for a while now and i've got to applaud this one. Keep them coming. Marcus =)

Anonymous said...

potah ka. lakas ng tawa ko dito sa opisina. hahahahaha.. bravo hija! ikaw na talaga! hahahaha

sakit ng tyan ko katatawa.pukesa ka ever.

-anon101

Anonymous said...

@miss chuni: omg!! this is, by far, the best i've read.. hahaha! i can't do anything but bow before nobility.. *drops a curtsy* but isn't it supposed to Baroness Danielle de Barbarac??

Ms. Chuniverse said...

@RL EA... =)


@Lalaking Palaban.... mismo! :)


@Mugen... baka harot. batukan ka ni baabaa mo nyan. hahaha. char. :)



@Marcus.... thanks pow. :)



@Anon.... try ko pa ibang namesung ko. pero ibang branch naman. hahaha

Ms. Chuniverse said...

@Anonymous... hahaha! you know the story. and yes, just like in the story, i have to give my mother's name first. sa next visit na lang ang namesung na danielle. hihihi!

rl ea said...

hihihihi..

JohnM said...

Mhy Gasss, almost a week din akong di nakapagbasa ng post mo miss chuni. Oo ikaw na miss chuni, ikaw na. potah ka! Talagang pinahirapan ang cashier? Hahaha! Dahil dyan, ililipat na sayo ang korona ng Bb Pilipnas-(Ch)universe. bow!

candy said...

kalorky! congrats chuni!!! ikaw na!!!

Pong said...

feeling ko commoners lang ako, di ko sure kung tama din pagpronounce ko sa name.. hahahah >_<

anyways, pakialam na nila, Confidence plus righ attitude equals palong palo hehehhe ^^

Nimmy said...

panalo 'to miss!

next time sabihin mo name mo is FREE. para ganito ang eksena...

One green tea latte and a honey glazed donut for FREE!

hehehehe

Anonymous said...

O_O

...

speechless.

wicked_1441 said...

This is awesome Ms Chuni. As always, enjoy na enjoy ako reading your blog.. And this entry is a real classic. =)

bien said...

I-D-O-L
Winnur teh.
kom-tes-see talaga ahahaha

what about your nickname sir?
kala ko sasagutin mo ng Drew Barrymore

on a different note di ko feel yung bagong logo ng sbux

Ms. Chuniverse said...

@JohnM.... Hahaha! Pati Ms. Tourism at Ms. International, type ko rin. hahaha.


@Candy... hindi ko magagawa ito without your support. char. :)


@Pong... oo, lakas ng loob at kapal ng mukha lang ang puhunan ko. hahaha!


@Nimmy... witty! hahaha!


@Exanthiel... :)


@A1441.... owww... thanks! :)


@Ben... hahaha! dyan lang ako magaling, sa ibang bagay - ikaw na. hahaha. tama ka 'teh, di ko rin feel yung new logo.

Anonymous said...

@M[u]gen: "Marie-Charlotte Hippolyte de Campet de Saujon" --- nice.. hahaha! but don't forget her designation.. "Lacomtesse" Marie-Charlotte Hippolyte de Campet de Saujon

Anonymous said...

@ms. chuni: wag na danielle.. try mo ang mother nung name na gusto ni M[u]gen.. *hingang malalim with french accent* Louis-Angélique de Barberin de Reignac... royalty na royalty ang dating..

--- "hahaha! you know the story. and yes, just like in the story, i have to give my mother's name first. sa next visit na lang ang namesung na danielle. hihihi!"

Ms. Chuniverse said...

@Anonymous... paksyet, mukhang hindi ko kakayanin yan. dinudugo na ilong ko! hahaha!

What if limang beki ang pumunta ng starbucks at magbigay ng ganyang mga namesung?

hindi kaya magwala ang barista at buhusan ng kumukulong tubig ang mga jaliparot na beking customers?

what a sight it would be. hahaha!

Anonymous said...

@miss chuni sorry naman!! hahaha!! :P --- "What if limang beki ang pumunta ng starbucks at magbigay ng ganyang mga namesung?

hindi kaya magwala ang barista at buhusan ng kumukulong tubig ang mga jaliparot na beking customers? "

Anonymous said...

hahahaha nakakatuwa..next time pag bumalik ka don at nag ask ulit ng name sabihin mo ito...
supercalifragilisticexpialidocious lol

arki beki said...

Miss chuni kaaliw ka talaga! Talagang panalo tong blog mo, Nung mabasa ko nga 'to tawa ako ng tawa d2 sa amin, para raw akong baliw kakatawa mag-isa he he. May entry ako sa blog ko inspired by this. If you have time naman please visit: www.arki-torture.blogspot.com. Thank you thank you :)

Anonymous said...

Bonggang blog to! Ilang post palang nababasa ko, enjoy na enjoy na ko. hahaha! pano ba binabasa yang frech namesung mo miss chuni?

Mr. G said...

josko! akala ko nagbibiro ka lang! LOL! hmmmm...gives me an idea...hahaha.

Anonymous said...

fotah! sumakit tyan ko s kakatawa! Uber deserving k tlga s Best Blog award!

kenzer said...

Thanks! you made my day! I never stopped laughing.

Payaso said...

wow my gosh ang daming nagcomment na dito, winner ka ms. chuni! WINNER!

Anonymous said...

gusto kitang maging kaibigan. saya mo! ingat parati. blog parati.

Anonymous said...

i like much!!

Bigla ko naalala ung copy ko ng movie..PS di ko makita!

One of my all-time fave movies.. Ever After..

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments