Ra-Rampa Naahhhh!

Apat na dilag ang magtatampisaw sa karagatan…


Si Lady Marmarakol a.k.a. Friendship.


Si Sovietskaya Baculaw a.k.a JR.


Si Shamcey Chupachups a.k.a Raki.





















Friendship, JR & Raki


Yes, ganyan ang airport outfit nilang tatlo.



At syempre....


Ang fairest of them all…


Ako a.k.a Anne Curtis.

























Choz.


Mawawala ang inyong abang reyna ng few days.


Mga 6 days lang naman.


And 2 years.


Choz!


Sapagkat…


Napagkasunduan naming apat na maglunsad ng isang Outreach Program sa isla ng Palawan.


Yes, we will reach out to all the boylets.


Kawawa naman kasi sila... baka kapos na sa haplos at pagkalinga.


And we will share Pangkabuhayan Showcase, Financial Assistance, Moral Support and the most important thing of all… share our unadulterated bodies for their perusal.


Char.


Take note, uuwi pa ang Chairperson ng Gay-wad Kalinga- Singapura chapter na si JR para lamang ditey.


Si Friendship naman ay lakas loob nag-file ng leave of absence sa mala Lord Voldemort nyang bossing.


Si Raki ay wala lang.


Walang effort.


Basta kasama lang sya.


At ako…


I chose to celebrate my 18th birthday with them.


Yes, certified dalaga na ang inyong lolah.


Pwede ng tikman.


Pwede ng galawin.


Pwede ng angkinin.


Kaya mga kagandahan…


Paalam muna ako sumandali.


Sana lang pagbalik ko...


Humihinga pa kayo.


Choz!!!


I love you gurls!


:)

At Dahil Maginaw....

Paunawa: Bawal dilaan ang computer screen. Choz.










































































*************

Thanks John, napawi nila ang ginaw ko. Choz!

MRT Public Service Announcement


















Magandang umaga po sa inyong lahat.


Ilang pa-alala po lamang para sa aming mga mahal na pasahero.


Mahigpit pong ipinagbabawal ang pag-inom, pag-kain at paninigarilyo sa loob at labas ng istasyon ng MRT. Panatilihin po nating malinis at maayos ito.


Huwag po nating haharangan o sasandalan ang mga pintuan. Iwasan din po nating hawakan ang mga emergency safety devices sa loob ng tren.


Ang unang bahagi po ng ating tren ay nakatalaga po lamang para sa mga kababaihan, bata, senior citizens, buntis, mga may kapansanan at mga magulang na may kasamang maliliit na bata.


Ang mga natirang bahagi ng tren ay nakalaan po naman para sa mga kalalakihan at mga kababaihang gustong maging lalaki, mga babaeng hindi natatakot mahipuan o naghahangad mahipuan.


Para naman po sa mga beki at mga lalaking hindi takot tumabi sa mga beki, maaaring sumakay po lamang sa pinaka-huling bahagi ng tren. Mahigpit pong ipinagbabawal ang mga babae sa pinaka-hulihang bahagi.


Inuulit ko po, mahigpit pong ipinagbabawal ang mga babae sa hulihang bahagi.


Wala po kayong mapapala dito.


Sa mga kalalakihang sasakay sa hulihang bahagi ng tren, siguraduhin po lamang na ang suot natin ay manipis na pantalon o shorts para maging komportable ang ating pag-biyahe. Hanggat maaari, iwasan ang maong o makakapal na kasuotan. Bigyang pagkakataon ang mga hindi ka-gwapuhang kalalakihan na manatili na lamang sa upuan. At sa mga may hitsura naman, tumayo po lamang ng dikit-dikit sa bandang hulihan.


At kung sakali man na kayo ay may natipuhan, ihanda na ang pagpapalitan ng numero upang ito'y mayroong kahantungan. Kung sakali man na hindi kayo tipo ng inyong natipuhan, huwag ng makulit at 'wag na syang sundan. Stalker ang dating mo nyan.


Tandaan, ang nagaganap sa loob ng MRT ay dapat manatili sa loob ng MRT.


Nawa'y maging maayos po ang inyong paglalakbay.


Thank you for riding the MRT.


Maraming salamat po!


Char!


:)

posted under | 41 Comments

A Case of Plagiarism?

May nagbulong sa akin na isang mabuting kaibigan/reader/informer about this Tumblr account na parang may resemblance daw sa mga entries ko dito sa blog na itey.



Sa dami ng vakla dito sa mundo, i thought baka aksidenteng nagka-tulad lang.


To start with, this blogger, Sundalong Beki,










happens to have a friend whom he calls Friendship din.


Ok, baka coincidence lang. :)



I know that the term "Friendship" is not my original kaya i'm careful to judge if the person is indeed plagiarizing my blog entry/entries or not.


So mega-basa naman akey ng link na binigay sa akin at may mga napansin nga akong pagkakahalintulad. But i will leave it to you guys if this is indeed a case of plagiarism or not.


I introduced Friendship in my blog last July 28, 2010 thru my blog entry Si Friendship.

In my blog entry posted last May 04, 2011, Si Friendship at ang Yaw Yan)

I wrote....


Last Labor Day (Sunday), rumampa si Friendship sa Skul (Baclaran Cinema).


Sundalong Beki wrote...


Isang araw, niyaya ako ni Friendship sa school (read: lumang sinehan sa may Baclaran).


Well, in that particular line, wala masyadong kamukha but if you will read his entry, it will make you feel like parang may pagkakahawig nga sa mga kwento ko about Friendship and his/our encounters sa Skul (Baclaran Cinema). Parang the story was lifted from several postings i made about Friendship.


Also i noticed that Sundalong Beki would refer to himself as beauty queen, diwata, etc. which is ang ambisyosang tawag ko rin sa aking sarili. Pero i cannot claim na original ko rin 'yon, lahat yata ng vaklush, reyna at diwata ang tingin nila sa sarili nila. Hihihi!


Pero ang pagkakahalintulad ba ng aming pagsusulat ay bunga lamang nga ba 'malisyosong' imagination ko at ng aking reader/informer?


Pero tingnan nyo ito.


Sa aking huling blog entry, yung 1st year anniversary entry ko... na ipi-nost ko last June 17, 2011.




I wrote....















At sa blog entry ni Sundalong Beki na posted ONE (1) day after i posted mine, he wrote.....












I wrote....












Sundalong Beki wrote....












I wrote....










Sundalong Beki wrote....









I wrote.....












Sundalong Beki wrote....











I wrote...









Sundalong Beki wrote....








Here is Sundalong Beki's full entry...


























Now tell me, isa ba itong kaso ng plagiarism?



It is not my intention to start a war, pero vaklah, kung wala kang maisip isulat.... matulog ka na lang! Mukhang may pa-intellectual effect ka pa naman sa profile mo! Hihihi!


Char.


And also, the most important thing......



baka isipin ng mga readers, na ikaw ay ako at ako ay ikaw....and i cringe to the thought na isipin nilang.....
























iyan talaga ang fezlak ko!!! Choz! :)


Mahabaging mother earth!!!


Char uli.


Ok, World Peace!


Mwah! :)


***************************************



Thanks Winston! :)

posted under | 114 Comments

Piping Saksi

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat... basta't ang alam ko may nangyaring hindi maganda.


Boy: "Sorry na please..."


Girl: "Sorry mo mukha mo..."


















Boy: "Ano ka ba? Wala naman 'yon ah.."


Girl: "Anong wala? Wala ba 'yang nakalagay sa cellphone mo? May 'i love you' pa sya."


Boy: "Eh hindi naman ako nag 'i love you' sa kanya ah."



Bata pa ang lalaki. Nasa 19-20 siguro ang edad nya. May hitsura. Angat sa karaniwan. Malalim ang mata, makinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Sa tindig at porma nya, mababanaag mo ang katauhan ng isang pabling.


Maganda rin naman si babae. Mahaba ang itim na buhok. Ma-amo ang matang nalulumbayan ng lungkot at pait.


Girl: “Ilang beses mo ba akong lolokohin?”


Halata ang pagpipigil sa pagpatak ng mga luha.


Boy: “Hindi naman kita niloloko.”


Girl: “Pero paulit-ulit na lang…”


Boy: “Babe….”


Hindi kumibo ang dilag. Lumapit ang binata at hinawakan ang kamay nito. Dagling inalis ng nasaktang kasintahan ang palad ng kanyang nobyo at nagwika…



Girl: “Pwede ba?!...”


Mataas ang kanyang boses…


“Sorry na please….” Ang sagot ng lalaki.... mag pagsusumamo... may pagpapakumbaba.


Girl: “Puro ka naman sorry. Tapos ginagawa mo uli…”


Boy: “Promise…hindi na….”


Halata ang sinseridad sa mukha ng binata. Walang duda ang pagsisisi…


Girl: “Pero.... napapagod na ako….”


Kahit hindi na sumagot ang binata, ang galaw ng katawan nila ay nagsusumigaw sa matinding hindi pagkakasunduan. Sobrang nasaktan ang dalaga. Nagsusumamo ang binata.


Akmang aakbayan ng binata ang dalaga... subalit umiwas ito...


Boy: "Babe..... please....."


Gusto ko mang subaybayan ang kahihinatnan ng kanilang unos na pinagdadaanan subalit hindi ko na magagawa.


Sapagkat pumailanlang na sa ere ang makapangyarihang tinig....



"We are now approaching AYALA STATION...."



Kailangan ko ng bumaba.



At kasabay sa pagbukas ng MRT.... iniwan ko silang dalawa...



Ofo, naganap ang mala-telenovelang drama sa loob ng MRT.



At ang hindot na mag-dyowa ay wapakers kahit more or less ay 50 kaming pasaherong nakatanghod sa real life lovers quarrel nila.


Haaayyy.... ano kaya ang naging ending?


Sana hindi na lang muna ako bumaba.


Choz.


:)

posted under , | 25 Comments

525,600 Minutes

Sabi nga ni Jonathan Larson…


How do you measure a year?


In daylights? In sunsets? In midnights? In cups of coffee?


Hambilis ng panahon.


One year na ang blog kong itey.


Parang virginity ko lang.


Kay bilis nag-laho. (‘yan ang choz!)


Intact pa itey. Hahaha!


Gusto ko kayong tsupain lahat bilang tanda ng pasasalamat.


Pero alam ko naman na hindi ko kayang gawin ‘yon.


Malandi lang talaga ako sa blog na ‘toh.


Pero sa tunay na buhay, hindi matatawaran ang busilak kong budhi, ang dalisay kong puri at walang bahid kong moralidad.


Sabi ko nga sa isang tweet ko…


“Minsan kailangan ko talagang mag-panggap na malandi just to blend in.”


That is soooo true. Ang kumontra... chaka!


Because I know for sure, na kung pag-aararo ng bukid at pagha-halaman ang tema ng aking blog, baka 3 lang ang naging followers ko.


Isa don kalabaw pa.


And I am more than thankful sa mga nahumaling sa gandah ko… este blog ko pala.


I realized, may market pala talaga ang pagsusulat ng kalandian.


Char.


Ang dami lang naganap recently.


All of you know na by now na I was evicted sa balur na aking minahal at inalagaan ng mahigit sampung taon. Though I found a new toknakan center este balur.


Pangalawa, Friendship and I are separated na.


Akalain mo yon… ???


Can you imagine Darna without Ding?


Mara without Clara?


Batman without Robin?


And Nora without the Mole of Asia?


Ako rin hindi ko maisip devah? Hindi pa sya actually nagsi-sink in. Iniisip ko na lang na si Friendship ay namayapa na at somewhere, someday ay magtatagpo rin kami. Char.


Kung hindi man kami magkita sa isang lumang sinehan pwes sa kung saang pinakamalapit na suking hadahan.


Char uli.


Si Friendhip na ang tumatayo kong Ninang sa maraming pagkakataon. I feel so blessed knowing na may ka-chika na ako when I go straight to impyerno.


Choz.


Friendship, kahit nasa Mandaluyong ka na, I will always be here for you.


Alam ko, gagaling ka rin at makakalabas ka dyan.


Think positive.


Just like when you had your HIV test.


Sayang nga lang at negative ang result.


Choz.


Basta I will remember that you will always be Fink Five and I am Yellow Fur.

















At si Adoray.....



Sya si Fuuma Ley-ar



















Third….


Yes, may third talaga.


Ang major plan ko talaga ay just to try blogging so I can keep myself busy because my relationship with my ex that time was
slowly deteriorating.


Sabi ko, one year lang.


And this is it.


My blog turns ONE year old today!



I just hope na kayanin ko pah ang another year.


I never thought na I would get this much support.


Kahit ipinagkait ko sa inyo ang aking alindog, sinubaybayan nyo pa rin ang aking blog.


Sa ibang pinatikim ko… quiet na lang kayo ha. Baka isipin nila I’m so unfair. Char.


But seriously…














Ang laki ng growth, parang dyoga ko lang. Char.


I am grateful and of course beautiful.


Sa mga bloggers na naging inspirasyon ko, malaki man o maliit ang titi nyo, I want you to know na nagpapasalamat talaga ako. Hindi ko na kayo i-isa-isahin, baka kasi may makalimutan ako. I-skedyul ko na lang yung orgy as a gesture of my appreciation. Char.


Sa lahat ng readers, followers (public at private). Sa mga sponsors --- ay wala pala. Sa mga kafuso, kafamilya, kafatid, kachorva, kachenez… thank you!


Sa mg ka-Facebook koh at ka-Twitter (hoy mga vakla, add nyo koh! Hahaha!)


Sa mga nag-comments sa mga entries ko. Buti na lang wala pa kong hater… and I’m not looking forward. Just love me na lang pleassssse! ☺



Guys, I want you all to know that you are all worth blogging for. (pahiram, hihihi!)


And finally, to all the boylets out there…..


Tapos na ang babang-luksa….


Handa na akong umibig muli.


Choz!


...............................


And with this, let me share with you my all-time favorite song. From Jonathan Larson's RENT.... ladies,





And yes, you should indeed measure your life in love!



*******

Ano Ang Sinasabi Ng Nasa Larawan?

*****

Be creative because.....


























..... the person with the best answer will win an overnight date......




..... with the one and only....




.....the enchanting....




.....the captivating.....




.....the salivating.....




.....the voluptuous....




.....the homogenous....




.....the last of its kind....




.....the partially-virgin....




....ADORAY!!!!




Kaya join ka na!



:)



************


Disclaimer: The owner of this blog cannot be held liable if the winning person suffers from migraine, acute hemorrhage, nose bleeding and slight mental retardation which may result from or while using/consuming his prize.


If the prize is not claimed within 90 days, the winner will be hunted down and will be forced to accept his prize.


See posters and print ads for details.

posted under | 29 Comments

Sana....

****

... dalawa ang fuso ko.





































Pero....



Pwede rin namang... three...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
or kahit na four...


kaya ko naman.


char.


:)


******

A Day In The Life Of Adoray

*******



















Me: “Adoray, anong ulam?”


Adoray: “Ay, kumain na ko Madam.”


Me: “Bruha! Paki ko kung kumain ka na. Ako hindi pa!”


Adoray: “Eh bakit hindi kayo nag-take-out?”


Hamfaslufang chakaness ‘toh.


Me: “Eh bakit naman ako magti-take-out?”


Adoray: “Eh para may kainin kayo. Eh di ba gutom kayo? Haller... common sense.”


Me: “Adoray, hahanapin ka kaya ng mga magulang mo?”


Adoray: “Bakit naiba ang usapan? Bakit ako hahanapin?”


Me: “Kasi papatayin na kita eh. Itsa-chop chop ko ang katawan mo at itatapon sa ilog Pasig para kainin ng mga janitor fish doon! Para magkaroon ka ng purpose driven life!”


Adoray: “Madam you are soooo violent. Iyan ang napapala mo kakapanood ng CSI.”


Aba, amfootah. May alam. Napangiti aketch.



Me: “Kasi nga, malay mo I murder someone someday, at least I can get away with a perfect crime.”


Adoray: “Der is no sats thing as perfect Madam.”


Me: “Of course there is.”


Adoray: “Weeeeh!”


At tumayo ako. Naglakad at umikot sa kanya.



Me: “Can’t you see…. I’M PERFECT!”


Adoray: “Si Madam talaga dyuker.”


Me: “Anong dyuker?”


Adoray: “Yung palabiro… dyuker.”


Me: “Gagah, JOKER!”


Adoray: “Well, pardon my English Madam, as you know, I am not a call senner agent.”


Me: “Ok po senyorita Adoray. I will spare you from the beheading tonight. Ipagluto mo na ako.”


Adoray: “See Senyora........ na walang Fafa.”


At may hirit pang ganun ang bruha!


Me: “Gagah, magkaka-papa na ko.”


Adoray: “Sino? Yung masahista?”


Ayyy… si Ryan. I miss you na talaga Papa Ryan! Mwwwwwaaaaaah!!!


Me: “Hinde, magsasama na kami ni Dennis Trillo.”


Adoray: “Dennis Trillo? Yung artista Madam?”


Me: “Oo, at magha-honeymoon kami sa Paris ng isang buwan. Tapos pupunta kami ng Amsterdam. And then magku-cruise kami. Sya at ako lang.”


And I swear, muntik na akong mag-tumbling when Adoray responded.


Adoray: “Madam….”


Me: “Yes, Adoray….”
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Adoray: “Want what you can only afford.”





*************

And I Googled Adorays statement. Baka kasi napulot lang nya sa internet. Amfootah… ORIGINAL ang dialogue ng bruha!!!!


Daliii! Ipa-patent na ‘yan!


:)

posted under | 30 Comments

My Ever Dearest Ryan


***********


Kamusta ka na?



Alam mo, miss na kita. Hihihi! Alam ko na nung Friday ng gabi lang tayo huling nagkita. Ramdam ko pa nga ang lamas na ginawa mo sa aking flawless na katawan. Hanggang ngayon, natatawa ako habang naa-alala na umabot ng dalawang oras ang isang oras na dapat sana’y paghimas mo sa akin. Ang galing-galing mo talaga.


Hihihi!


Pero sa kabila ng nakahaing hubad na katawan, hindi mo pa rin inangkin ang aking alindog. I was actually hoping you would. I won’t stop you naman eh. Hihihi! Pero naramdaman ko ang pag-respetong inukol mo sa ‘kin. Doon ako humanga sa ‘yo. Ang lakas lang ng will power mo.



























Kahit patay ang mga ilaw at sing dilim ng gabi ang aking silid, nabanaag ko sa iyong mga mata ang matinding kalungkutan ng iyong malaman na iyon na ang huling gabi ko sa aking tirahan. Uu, may sixth sense ako. I can actually see dead people, walking around like regular people. But they don’t know they’re dead! Tingnan mo nga naman.



At lalo pa ngang kumulimlim ang iyong anyo ng malaman mong malayo pala ang aking lilipatan.


Pero ‘wag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan upang tayo’y muling magkita.


Nakaramdam din ako ng lungkot ng malaman kong iiwan mo na ang pagmamasahe upang bumalik sa pagmamaneho ng taksi. Subalit isang libo’t-isang tuwa naman ang pumalit ng sabihin mo sa akin na ako ay habambuhay mo ng magiging kliyente.


Inaamin ko…. kinilig ng over ang tumbong ko.


Hihihi!


Alam kong naipangako ko sa aking mga mambabasa na ibabahagi ko sa kanila ang iyong numero. Subalit matapos ang gabing ‘yon… parang ayoko na. Iba na kasi ang dating mo sa akin. Sabihin man nilang ako ay isang sakim. Waah na ako care. Selfish na kung selfish.


Kaya nga ako mermaid devah?


Naantig talaga ang puso ko ng malamang tanggap mo ang pakikipag-kaibigan sa akin. Alam naman nating lahat na dyaan nagsisimula ‘yan. Kaya bukas-makalawa, papatusin mo rin ako Friend. Hihihi!


Pero Ryan, seriously, kung pwede lamang sana ay gabi-gabi kitang kapiling. Haaaay…. Tanggap ko naman ang tatlong anak mo sa pagka-binata. Pwede akong maging step-mom despite my tender age. Handa akong tulungan kang itaguyod sila hanggang doctorate degree nila. Pero subukan muna nilang mag TESDA.


Kasi, ipagtatapat ko na sa ‘yo… hindi kita kayang bigyan ng mga anak.


Alam ko manghihinayang ka sa magandang lahi ko. Kasi nakunan (miscarriage) kasi ako dati at unfortunately, kasamang lumabas ang matres ko. That’s why. Sinubukan naming ibalik pero hindi pala sya covered ng DTI. No return, no exchange.


At least, with your 3 kids, handa akong maging ina para sa kanila. Makukumpleto ang pamilya natin. Hihihi!


Ryan, malapit na ang aking babang-luksa. Ang ika one year death anniversary ng aking huling relasyon. Gaya ng sinabi ko sa ‘yo, ikaw ang gusto kong kapiling pagdating ng araw na ‘yon. Gusto kong sa aking pag-idlip ikaw ang aking katabi. At sa aking pag-gising, ikaw pa rin.


Please ‘wag kang mag-doubt sa aking pure and unadulterated intentions. Hindi ako malandi gaya ng ibang blogger. Hihihi! One man beauty queen lang akey. Speaking op dat, pasensya ka na at hindi ko tinanggal yung crown ko nung huling session natin. I just want to prove to you na I really am a title holder and that….


I’m every woman. It’s all in me. Anything you want done baby, I do it naturally…


Ohhh…ohhh…ohhhh…


P.S.


Ipapaubaya ko na talaga kay Friendship si Derek alang-alang sa ‘yo. At gaya ng ipinangako ko sa ‘yo, kamay mo na lamang ang dadantay sa sariwang katawan ko. Uu, ikaw na ang bagong Coco Martin ng buhay ko. Mwah!


Lovingly yours,


Chuni.



*************************


Etchoz or not echoz?



Hihihi!


Note, hindi sya yung nasa peycture ha. Pagsasalarawan lang yan mga ateh. Hihihi!


Ang Pangarap...

***



...na boylet ni Adoray.

























May future kaya ang kanilang tambalan...?



*******

Kompronteyshen

********


Nagkaroon ng slayt confrontation between me and Chubaka - my feelinggerang opismeyt.



Opismeyt: "Anung pinagsasabi mong nagma-maganda ako hah?!?"




Me: "Are you taking that against me?!? Ako na nga itong naka-appreciate ng effort mo!!!"



Natigilan sya.


Parang nag-iisip pa sya ng isasagot.


Eh, time is gold.


So tumalikod na akey.



***********

posted under | 13 Comments

Tsismis Lang!

******

















Haynaku, mga paninirang puri lang 'yan.


Gawa ng mga inggitera.


'Wag kayong maniniwala.


Hindi ako 'yan.


Wth my years of extensive practice and experience, hinding-hindi mangyayari 'yan.


Saka, wala pang nag-reklamo.


Puro words of praises lang ang aking natanggap sa mga performances ko noh.


Kaya naman, halika na...


Pila na mga Fafa.....




















Don't be shy nah.


Oh, sinong mau-una?


Pwede ring sabay-sabay nah.


:)


Isang malaking echoz!



*********

Sirena: A Picture Story

************



Ito ang aming kaharian.....




















Ang malawak na karagatan na pinamumunuan ng aking mahal na ama...

















Si Haring Irvin.



Pero bago pa, naging hari si ama... dati na syang sex symbol...

















Napadami lang ng kain ng rice at medyo lumusog...


Opo, ako si Mutya...


















Mutya Crisostomo.



Ayon sa kwento, umibig sa isang taga-lupa ang aking ama. Dahil dito, itinakwil sya ng kaharian.



Lumaki akong hindi nakikilala ang aking ina....




Si Chenellyn....

























Pero hindi po Mercado ang kanyang apelyido.


Dahil na rin sa pangako ni ama na hindi na sya makikipagkita kay Ina, muli syang tinanggap ng kaharian.


Hindi ko man nakilala ang aking ina, hindi na ako nag-effort pa.


At ngayong akoy dalagang bukid na....




















Ang tanging pangarap ko lamang ay magkaroon ng mga paa.


Lumapit ako sa aking stepmom na syang tumatayong reyna ng aming kaharian....























Subalit wala akong makuhang matinong sagot kaya naisipan kong magdasal na lamang sa aming patron...


























Ang naging sagot ng patron ay ganito...



Kailangan daw may umibig sa aking taga-lupa ng walang pasubali para magkaroon ako ng mga paa at makapag-suot ng Louboutin.



Subalit sino naman ang lalaking iibig sa akin...


Si Fredo kaya...



























o isa sa mga mangingisda sa laot...




















Pero pinayuhan ako ng patron....


Mapanganib daw ang lupa para sa isang sirenang gaya ko...


Marami daw karibal na maaring ikapahamak ng aking pinapangarap na ligaya.


Gaya nila...



















Ang dami pala nila.


Ano naman ang magiging laban ko.


Hanggang sa nakilala ko ang isang mangingisdang allergic sa lambat....

























Noticed the rashes on his abs?


Pers lab ko talaga sya.


Gustong-gusto kong umahon sa dagat at magpa-sisid sa kanya.



Subalit matatanggap ba nya ako?


Mamahalin ba nya ang isang tulad ko.....



At muli kong inawit....


Up where they walk, up where they run
Up where they stay all day in the sun
Wanderin' free - wish I could be
Part of that world




Kaya habang nabubuhay ako sa pangarap...


Pansamantala muna kitang mamahalin...


Hanggang sa ang inaasam kong mga paa...


Ay aking makamit....



















... May kasunod pa kaya?


Wala na siguro.


Epekto lang ng walang tulog itetch.


Hihihi!


Mwah! :)



******

posted under | 41 Comments

Si Ryan, Masahista.

********



More than a month na rin akong hindi nagpapa-masahe.


Kaya naman after kong tulungan si Friendship na mag-empake ng gamit nya, naisipan kong ipa-lapirot uli ang mura at bubot kong katawan.


Char.


Punta agad ako sa website ng aking suking tindahan este spa daw.


Sayang wala na ‘don si Erwin – ang masahistang pumukaw sa natutulog kong halimuyak.


Nag-text akey.


“Sinong available for home service?”


Sumagot naman sila agad…


“Your Royal Highness (hodevah!), ang available po: Ken, Francis, Edmund, Sean, Ryan, Jin and Jojo.”


Dali-dali kongtiningnan ang mga fez ng masseurs sa website.


Si Ken at Edmund, na-try ko na.


Ok naman sila.


Pero gusto kong tumikim ng iba… este, magpa-lamas pala sa iba.


Hihihi!


Hindi ko type ang others.


Pero si Ryan walang peycture.


Bakit wala?


Nakakatakot ba ang fez nya?


Na-curious akey.


Me: “Ok, ba si Ryan?”


Spa: “Opo, bago lang sya pero magaling sa massage.”


Me: “O sige, 11:30 pm ha.”


Kasubuan na ‘toh. Hayaan mo na kung chaka. Masahe lang naman talaga ang habol ko.


Fairy Godmother: “Oh really? Tamaan ka man ng kidlat?”


Me: “Ninang, nanahimik ang kidlat, ‘wag mo syang idamay.”


Nag-confirm naman angad ang Spa.


Spa: “Ok po.”


Wala pang 11:30, nag text na.


Spa: “Nasa gate na po si Ryan.”


Bawal daw kasing mag text directly yung mga masseurs kaya yung operator pa ng Spa ang nagti-text.


Ok, binuksan ko ang gate.


Ryan: “Good evening Sir, may aso po ba kayo?”


Futakels, ‘tong ganda kong ‘toh, aso agad ang hinanap.


Well, well, well… may hitsura naman ang hombre. Pwede ko na syang lafain. Etchos lang. Hihihi!


Ryan: “Baka po kasi may aso, makagat ako.”


Hanukah, bago ang aso, ako muna ang kakain sa ‘yoh. Hahaha!


Me: “Halika, pasok ka… pasukin mo ako.”


Etchos lang ‘yan.


Mukha lang akong malandi pero hindi.


Defensive?


Opkors not.


Kahit subukan mo ng hinliliit mo, masikip pa rin ‘to noh.


Pinaakyat ko na sya sa kwarto ko. Napansin nya yata yung mga gamit ko na naka-empake.


Ryan: “Bagong lipat kayo Sir?”


Me: “Hindi, paalis na ako sa apartment na ‘to.”


Ryan: “Saan ang lipat nyo?”


Me: “Sa Forbes Park. North Forbes.”


Charot uli.


Ryan: “Sige Sir, umpisahan na natin.”


Haaayyy… eto nahhhh! Please be careful…


Ryan: “Dapa ka na Sir.”


Tapos ano? Nga-nganga na ba ako? Hihihi!


Ryan: “Relax ka lang Sir.”


Relax na ‘yan. Masikip lang talaga. Virgin eh.


Ryan: “Ang dami mong lamig Sir.”


Sige, painitin mo. Dilaan mo kaya? Hihihi!


Ryan: “Dati na kayong nagpapa-masahe sa ‘min Sir?”


Me: “Oo. Siguro mga 5 times na. Peyborit ko si Erwin.” Hihihi!


Ryan: “Ah, hindi ko na po sya naabutan. Bakit nyo po favorite si Erwin.”


Me: “Ah, magaling kasi syang mag-massage, huli nya ang tipo kong masahe. Mabait pa.”


Ryan: “Paano po ba ‘yung tipo nyong masahe.”


Sabay isang mahabang hagod ang ibinigay sa akin ng damuho diretso sa wetpaks ko.


Me: “Ahhhhhh…… ganyan…. Parang masahe mo lang. Hihihi!”


Ryan: “Buti naman at nakuha ko Sir ang gusto nyo. Ser…..”


Me: “Konti pah, kuhang-kuha mo naaahhhh!”


Ryan: “Hubarin ko na po ‘tong boxers nyo…”


Dis is rili it! Bago pa ako nakasagot, hinila na nya pababa ang boxers ko. Wala na, hubo’t-hubad na koh!


Me: “Ah.. ok….”


Para namang napipilitan pa akoh. Hahaha!


Grabe ang sarap ng masahe ni Ryan. It was very relaxing. He explored my body like no one else did. Mas marami pa yatang parte ng katawan ko ang nadaanan ng mga daliri nya compared to my ex. Hahaha!


















Uy, baka isipin nyo may nangyaring ganyan ha!


Excuse me, kung ako siguro si Bien, si Ternie o si Caridad.


Etchos lang mga kumare. Hihihi!


Sila po ang mga founding members ng KKK - Kadali-dalisay, Kabusi-busilak at Kalinis-linisan - Cabading Chapter.

















Opo, ang pagiging bading ay hindi namamana, hindi nakakahawa bagkus ito ay itinuturo.


Kaya enroll na!


Etchos!


Ay sya nga pala, ako po ang muse ng asosasyon.


Hihihi!


Teka, ang layo na ng narating.


Balik sa masahe.



Stretching-stretching lang po kami ni cutipie Ryan.


Walang extra curricular chuva.


Ako pah.


I don't patronize such thing.


Hihihi!


And when he asked me na tumihaya na, I realized wala akong towel sa room. So I covered my virgin forest with my hand.


Pero kinuha nya rin ang kamay ko at minasahe.


So, pinabayaan ko na lang syang makita ang family heirloom. Choz. Hihihi!


Umabot ng one hour ang massage ni Ryan.


Sobrang na-enjoy ko.


Mabait din sya. Simbait ni Erwin ko.


Talagang may ‘ko’. Hihihi!


Pero feeling ko, na take-advantage nya ang pagka-babae ko.


Which is actually I’m anticipating and hoping he would do without further notice.


Hihihi!


Matapos ang massage, I paid him.


Ryan: “Sir, wala po akong barya panukli.”


Me: “Sa ‘yo talaga lahat ‘yan. ‘Wag mo ng suklian.”


Ryan: “Talaga Sir?”


Me: “Oo, galing mong mag-massage eh.”


Ryan: “Sana Sir, kunin nyo uli ako…”


Me: “Oo naman, bukas uli. Gabi-gabihin natin. Hihihi!”


Haaayyy….


Bakit ngayon ka lang?


Bakit ngayon kung kailan tsugi na akey sa balur.


‘Di bale Ryan….


I will find a way.


Pramis.


posted under | 34 Comments

Sayonara Friendship

******



Noong Sabado, namaalam na si Friendship.


Namaalam as in lumisan na sya ng balur.


Hindi sya namatay.


Excited ang bruha sa bagong lilipatan.


Sa Mandaluyong.


Oo, sa loob. Hihihi!


Fit na fit sa personality nya ang kanyang bagong address.


Timing din dahil may psychological assessment ang hitad sa kanyang office.


Parang everything falls in its proper places for Friendship.


Kaya naman sa kanyang paglisan....


Isang bubbleshow mula sa mga tambay....






















Sayonara Friendship!


Isa kang alamat.


:)



******

Caption This





























*****

posted under | 31 Comments
Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments