PALAWAN: DAY 1 (Part 1)
Dumating na nga ang pinakahihintay na araw.
Ang pag-conquer sa Palawan.
Alas sais, dumating kami sa NAIA Terminal 3. Perfect for our 7:30 flight. Friendship was carrying his bag. At ako…. 5 luggage lang naman.
Yes, I am not that prepared for this weeklong vacaycay.
Kasama ko si Ryan.
Yes, ang aking Ryan.
Kaso, sabi ng mamang guard hindi pala pwede ang kandong sa airplane.
Kaya naiwan na lang si Ryan sa gate ng airport.
Naisip ko ring ilagay na lang sya sa loob ng luggage ko total one hour lang naman ang flight. Konting tiis lang sya don, kaya lang naisip ko rin na baka ma-excess na ako sa weight limit.
15 Kg. lang kasi ang allowed. Eh Ryan is about 65 Kg. Eh di ang mahal ng excess baggage fee ko non devah?
Kaya I kissed him goodbye na lang at nangakong pagbalik ko, isasama ko na lang sya pagpunta ko ng Cubao.
Frustrated ang boylet.
***********
Habang nakapila kami ni Friendship sa AirPhil booth, lumapit sa amin ang isang nilalang - si Raki. Doon na yata nag-overnight ang bakla sa airport.
The two bekis, Friendship & Raki arrived in flip-plops. While I, the essence of being a woman, sashayed with my 6-inch heeled bakya.
Beso-beso ang mga bakla in front of an amused audience.
Chosera. Ngayon lang yata sila nakakita ng mga dyosang nagkatawang-lufa.
Well, I can’t blame them.
Kaming tatlo pala ang sabay-sabay ang flight via AirPhil.
Si JR ay via saranggola lang.
Choz.
Sa Zest Air daw nakabili ng ticket ang bruha at 10 minutes ahead kami. Sa Puerto Princesa airport na lang daw kami magkita-kita.
Heniway, we had a quickie breakfast at Jollibee sa loob ng airport and then we paid our terminal fees and checked-in na
Ang Friendship, nakakita ng mga shops at gusto na agad mag-shopping.
I told him to restrain himself.
Kuha naman agad sya ng leash from his hand-carried bag.
Pag-upo pa lang namin, akala mo scanner ang mga mata ng dalawa.
May namataan na.
Isang lalaking tall, dark and handsome.
Footah parang si Eduard lang!!!
Ang sarap ng hitsura.
May nagsabing… “Finders Keepers.”
Ano ‘to, Lost and Found?
We eventually called him C15 because of his seat number. Hihihi! Stalker ang mga vakla.
I informed the two bekis na type ko ang otoko.
Type din daw nila.
Hamfutah.
Mas bagay kami.
Care daw nila.
Maygasshhh!!!
Doon ko na-realized…
I was not with friends….
But with two hungry bekis.
My fierce competitors.
Punyeta.
So, contest pala 'toh?
Well, well, well….
Then, I will give them a good fight.
Buti na lang, kasama sa in-empake ni Adoray ang crown at sash ko.
I was about to wear my tiara but then I realized.
Kaya kong mapasa-kamay ang otokong ito without using my crown and beauty title.
Opkors!
So I sit in front of this hunky guy, gave him my sweetest smile.....
and waved my American Express credit card.
Nangawit na ang braso ko kaka-wave pero dedma!
I gave up.
It was Raki’s turn.
He sat in front of the boylet and make alembong with his iPhone 4.
Amputsa hindi rin sya pinansin!
Hahaha!
So it was friendship’s turn.
Friendship yawned.
Oo, humikab sya.
Ang laki ng bunganga ni Friendship.
And the boylet gave him a smile.
Footah!!!
Winnur ang bakla!
Well, to cut the story short, hindi rin na-getsing ni Friendship si C15. Kasama pala ni boylet ang asawa nya.
Na-amused lang sya sa laki ng bunganga ni Friendship kaya sya napa-smile.
***********
After one hour of flying, dumating kami ng Puerto Princesa. Very systematic naman ang procedure pagbaba ng airplane…
Age before beauty.
So as usual, unang bumaba si Friendship at huli akong bumaba.
Si Raki, doon sa unclassified passengers exit. Choz.
Ikot-ikot agad ang aming mga mata sa paghahanap ng mga gwapo.... wala
Haaaaayy, walang gwapo sa airport. Pero kung hindi ka masyadong choosy... merong mga pwede na.
After 20 minutes, lumabas na ng airport si JR.
At ang bakla, karay-karay ang “ex-dyowa” nya – si Pol.
Patay.
For sure, Imbyernadette Sembrano ang vacay nya. Ay, bahala sya. Kukuha na lang sya ng batong ipu-pukpok sa ulo nya eh solid marble pah.
We organized ourselves at nag-assign ng mga assignments.
Si JR ang in-charge sa itineraries at hotel/tour bookings.
Si Raki ang finance officer.
Si Friendship ang assistant finance officer.
At ang major responsibility ay sa akin naman napunta…. ang maging beauty icon hanggang sa duration ng vacation.
Wow, effortless naman 'yan on my part. But i expected it din naman. Choz.
So, limang bakla ang dumayo ng Palawan.
So, the five of us went straight muna to our hotel para i-moved ang reservation. Because instead of spending the night at Puerto Princesa we all decided to go straight to El Nido.
Sa third day na lang kami mag-stay sa Puerto Princesa.
At ang hotel ng mga bekis sa Puerto?
Eto…
***************
Expenses:
AirPhil Ticket (one-way) Manila -Puerto Princesa: PhP 1,008.00
Airport Terminal Fee : PhP 200.00
Jollibee Breakfast : PhP 85.00
Tricycle from Airport to Hotel : PhP 10.00
My expenses Day1/Part 1: PhP 1,303.00
25 comments:
Kayo ba yung nasa pic? Eto hula ko...
Raki, Pol, JR, Friendship at ikaw. tomo? ahihihi
sabi mo kasi anka flip flops si raki at friendship. Mag ex jowa naman sila Pol at JR so malamang magkatabi sila. BFFs kayo ni friendship kaya malamang magkatabi kayo.
Wow! Travelogue! Sige, I will await the next chapter of your adventures in Palawan!
*excited*
@Anon... Hahaha! In that pic, naka-tsinelas na lang din akey. Binagayan ko na lang sila. Choz! Konting halukay na lang, tama na ang hula mo. :)
@SF... uu, sa huli na ang kahalayan. choz! :)
hi madam chuni, curious, the guy in the middle, is that the ipod nano 4th gen he's wearing as a watch?? I saw this type from a friend and I've wanted to buy ever since.. hehehe san nya nabili?? heheheh
uhm, i think ikaw yang middle guy. hehehehe
@Mr. Hush.... ay, hindi ako si middle guy. Sya si Dax. Nasa 2nd part sya ng story. :)
About the watch, hindi yata sya iPod. Parang Divi watch lang. Hahaha!
:)
teka teka... bat parang maton kayong lahat. beki ba kayo or matador? hehehehe. pwede tumikim kahit isa sa inyo? hahahaha!
hahaha! na-miss kita ms. chuni! pakita mo tan lines (or the absence of) mo ha.
@HRH Queen Chuni: i was laughing till the last sentence.. benta ang Duchess Pension.. ahahaha! :P but then, again, where else would a lady courtier and her consorts stay?? nothing less but a place befitting your stature..
*hindi naman siguro ikaw yung naka-pink?? hmm..*
wow... excited na ako sa Day2 mo..
haay,, i remembered nung pumunta kami na palawan, dahil waley kaming ID na mapakita sa check-in counter, last kami binigyan ng boarding pass at binigyan kami ng seats near the wings,,
ay sorry,, kwento mo pala ito mschuni.. char!!
@DSM... may araw pa kasi, nagiging mga contessa yan pag sumapit ang gabi. hihihi! Hindi pwedeng isa lang ang tikman, kailangan all of the above. choz! :)
@Sean.... Tama ka... wala akong tan lines! Hahaha! :)
@Nate.... Oo nga, dukesang-dukesa ang mga vakla. Hahaha! Si Raki yung naka fink. Beki na nga nag fink pa. Redundant devah? Choz! :)
@Ceiboh... Nagustuhan ko naman ang AirPhil. At least walang mga dancing bilat. Because i told Friendship na pag sumayaw 'tong mga stewardess na itetch, lilipat ako ng plane. Choz! :)
bwhahahahhah!!
nakakatawa ka talagang magkwento ms chuni!!
looking forward sa part 2..
si raki yung naka-fink diba? parang bet ko sya teh, hahaha.. tama ba judgment ko na sya pinakaborta sa inyo? hihihi...
-virgintween
sabay lang pala tayo..
just got back from palawan..
I spent 3 nights at el nido since thur
maulan.. masaya pa rin ang tours
walang chukchaktieness sa day 1?
ay ang mga reyna! gaganda ha..iba na talaga ang limpak limpak ang salapi..
rampah kung rampah!
huhula rin ako ha..
si Doña Chuni yung naka bakfak! dun naka silid ang mahaba at kulot mong heyr!
pak ang tripuli na ituh! ;D
Aliw na naman ako mama. Looking forward for churvahan part. hihihi
Kaw yung naka plaid shorts and black tees! I recognized that "long-legged legs!" from your previous post - about a motocycle accident w/ ur bro! ;) palagi mo ko pinapasaya... u remind me so much of my ex... it amazes me how u can be so "bakla" and look maton at the same time! haha
parang eksena sa Quarter turns ang mga lola!
I've got my nano as a watch na nabili ko lang ng 150 pesos dyan sa st. francis square laloo. ay chos eksena pala to ni HRH Chuni. Hihi.
Hmm... either your the one in the far left or right kung nilagyan mo ng timer tong camera mo. char!
Can't wait for your next post!
Teh yung tatlong magkakatabi sa kaliwa, parang mga chismosa lang at pinagchi-chismisan ang nagtatangkarang mag-jowa sa kanan lolz. And I have the feeling ikaw yung naka-islander at si friendship ang magnininang sa binyag hahaha
@Edwin... serious pa akey ng lagay na yan. choz! :)
@Virgintween... yes sya si raki. pinaka borta? hahaha! choz. :)
@Simurgh.... ay, sayang. sana na meet ka namin. :)
@Candy.... futakels, chukchaktienez agad? higad ka rin? hahaha! hindi pa tapos ang day 1. may part 2 pa. hahaha! :)
@Promdi... Hahhaa! Ang galing galing mo. Pero evening gown ko yung laman ng backpack. Hihihi! :)
@Albert... pareho lang pala tayo ng nilu-look forward. hihihi!
@Anonymous.... ayyy, galing! hahaha! ako nga. :)
@Mr. G... uu nga, parang elimination. at eliminated na yung 3 sa gilid. choz! :)
@Bitchmenot... ok lang yan, ang blog na itey ay pagkakawangggawa din. choz! :)
@Bien... Bwahahaha! may ninang talaga. yung naka ID? hahaha!
hahaha. nakakatuwa ang vacay part 1 anu pa kaya ang vacay part 2. hehe. let the battle begin. hehe. nakakamis ka Ms.Chuni. siguro besides sa evening gown na nasa loob ng backpack kasama din dyan ang 2 liters of water fountain of youth mo. hehe. ^^,
walang magkaibigang sa hotdog na masarap! whahahah!!!
Post a Comment