Terminal
Ganito na lang ba tayo uli…
Hindi mo ako kikibuin.
Hindi mo ako papansinin.
Sana kung galit ka….
Sabihin mo sa ‘kin.
Nahihirapan na ‘rin kasi akong magmukhang tanga.
Kahapon, hinintay kita.
Tapos nung dumating ka…
Tumingin ka lang sa ‘kin.
Isang blangkong tingin.
45 minutes kaya kitang hinintay.
Hindi mo napansin bago ang polo ko?
Hindi mo nahalatang maputla na ako sa gutom kahihintay sa 'yo?
At umaalingasaw kaya sa tapang ang bagong perfume ko...
Pero hindi mo na-appreciate ang effort ko.
Parang wala lang sa ‘yo.
Unawain mo naman ako.
Napapagod din ako.
Marunong mainip.
Noong isang araw, hinintay kita.
Hindi ka dumating.
Na-late ako ng isang oras sa opisina kahihintay sa ‘yo.
Hindi ko naman isinusumbat…
Alam kong wala tayong usapan na maghihintay ako.
Pero ginusto ko.
Gusto ko kasing maramdaman mo na nandito lang ako.
Naghihintay…
Nag-aabang…
Pansinin mo naman ako.
Kagaya ngayon…
Katabi kita…
Pero ang layo ng tingin mo…
Gusto kong sabihing…
“Ano ba? Heto ako…”
Pero kailangan ko pa bang i-verbalize yon?
Dapat na-sensed mo na.
Dapat na-realized mo na.
May pride din ako.
Hindi lang ikaw.
Sana ikaw naman ang mag-effort.
Sana ikaw naman ang maghintay sa ‘kin.
Sana ikaw naman ang papakin ng lamok habang kandahaba ang leeg sa pag-aabang sa aking pagdating.
Kaso… alam kong hindi mo gagawin.
Sino lang ba ako?
Wala.
Kapwa mo lang pasahero.
Ilang beses kong ibinulong sa aking sarili...
"Kapag lumingon ka... akin ka..."
Futah ka, lumingon ka naman.
Kahit once lang.
Please...
Bukas… hihintayin uli kita.
Sa istasyon ng bus.
Gigising uli ako ng ma-aga.
Kahit ubusin ako ng lamok.
Kahit hindi ako siguradong darating ka.
Kasi hindi kumpleto ang umaga…
Kapag hindi kita nakita.
Sya nga pala....
Ano na nga name mo?
25 comments:
like like like! <3
California King ang pangalan nya.... Driver?
well, as they say, my queen, "good things come to those who wait.."
@Yelai... :)
@Kiks... Hahaha! My fave song.. pero hindi sya tsuper. :)
@Nate... sana naman 'wag mauna ang dengue bago ko sya matikman. choz! :)
naka relate ako, pero ibang story naman po ang pagwe-wait ko sa kanya, inaabot din ako ng ilang oras sa paghihintay...
I think I know that place.. Hmmm.. Makadaan nga dyan minsan. Baka sakaling masilayan ko ang Ynang Reyna. (^_~)
psst Pepe, musta na? hahaa - thanks sa reaction mong nde bayolente ahaha :P
@McFrancis... hindi pa naman ako umabot sa oras. may hangganan ang aking kalandian. choz!
@IanV17.... Hahaha! Kumaway ka pag nakita mo ako ha. Hihihi!
@Soltero.... Hahaha! Ok naman. Don't you worry, hindi ko ipahihinto ang inyong kasal. Choz! :)
hahaha, nakarelate akets.
:D
ano to? love at first sight?
crush?
nagdadalaga?
pls. lang ha....
kiyeme... hahahahaha
@Green Breaker... isa ka ring stalker? hihihi!
@YJ... Futahkels! Hahaha! Pero uu. char. :)
hay...ako din may ganitong drama. pero officemate. bwiset.
makipagkilala ka na kasi!!! gow!!! walang mangyayari sa patingin tingin hehe
bagong biktima ng iyong alindog?... vongga! :-)
ang sweet..
-nagmamahal-
Nakita mo na ba sya ulit Mama Chuni? :)
da hu itong bago mong chenelarp na inaabangan?!
Kalokah matapos gawing parausan ng mga palawan boylets, nagsusumixteen ka ngayon teh!
O sya, sana wag syang magka-stiff-neck pag napalingon sya sayo
@iClark...hodevah, ramdam mo akoh. hihihi!
@Mac... Kung makapagsalita naman ire akala mo kaya rin nya. hahaha! wait ka lang, bume-bwelo pah. char.
@Candy... Hahaha. dis taym, mukhang ako ang victim. char. ;)
@Anon... uu, ganyan ako ma-fall. char. :)
@Callboy... kahapon. dis taym, tinulugan naman nya ako. hihihi. ok lang, pinagsawaan ko namang masdan ang fez nya. sa isip ko, kami na. choz! :)
@RonRon...pareho tayo ng kwestyon.. da hu? choz! :)
@Bien... Ditse, iba naman ang Palawan Boys, dinayo talaga yon para maghasik ng kalandian. hahaha! :)
GERMAN ESPIRITU LINER INC. byaheng BUL-BUL (bulacan-bulacan) jan ako sumasakay tuwing pauwi sa trinoma!
hhmmmm jan ka ba sumasakay?
Parang baliw lang? Ahahaha! Nice one.
I've taken this bus before. It passes by Guiguinto Tabang and goes all the way to Cubao, right?
OMG! ganda naman ng blog mo...natawa ako sobra sa ganda....galing ng imagination mo...thumbs up....
uy dumidiretcho smin tong bus n to ah..actually s bulakan bulacan ang terminal nyan..who's that guy b?hehe
Post a Comment