Chuni And The Upper East Siders (Last Part)
To read the first part, click HERE.
***************************************
Dagli kong tinanong kay Baronessa kung anung meron at may biglaang piging.
Baronessa: "Heartbroken si Galandriel."
Me: "Haaaa? Eh hindi ko nga alam na may jowa sya!"
Baronessa: "Hindi ko rin alam. Si Zuki ang nagsabi sa 'kin."
Me: "So, 'yan ang purpose ng get-together?"
Baronessa: "Hindi alam ni Galandriel na alam mo at alam ko na heartbroken sya. Papatayin tayo ni Zuki pag nalaman ni Galandriel na sinabi sa akin ni Zuki."
Me: "Eh di mainam, para tapos na ang misery ni Zuki. Sagot ko na ang unang gabi ng lamay."
Baronessa: "Gagah! 'Wag mong mabanggit."
Hahaha! Ako na ang magaling magtago ng secret. O sha sige, iba-blog ko na lang. Hahaha!
Baronessa: "Galandriel need us.... her sisters."
Tiningnan ko ang vakla, at nagwika..
Me: "Hoy vakla, pinanood mo na naman ang The Sisterhood of The Travelling Pants noh?"
Baronessa: "Hahaha! Futah ka."
Me: "Basta ako si Lena Karigalis. Type ko kasi lahat ng boylets nya. And feeling ko may dugo akong Greek. Parang Greek goddess bah."
Baronessa: "Eh ako, si Bridget Vreeland?"
Me: "Hinde... ikaw si Carmen."
Baronessa: "Futah ka talaga! Dapat si Zuki si Carmen!"
Me: "Hinde! Si Zuki si Christina."
Baronessa: "Sino si Christina?"
Me: "Ang nanay ni Carmen!"
Tawanan kaming dalawa.
Pagdating sa Greenbelt, naka-abang na ang mga beki. Dress to kill ang Galandriel, mukha namang dibidi trader ang Zuki. Para silang mag.... amo. Choz! Sakay naman agad ang dalawa sa likod ng carlalu ni Baronessa.
Galandriel: "Kamustasa Chuni..."
Zuki: "Chuni, vakla, buhay ka pa pala..."
Mga palengkera. Hodevah, pag ako ang kasama nila, sila ang nakiki-level sa akin at hindi ako ang tumataas sa level nila.
Me: "Heto, mas lalong gumagandah at bumabata compared sa inyo. Hihihi! Kayo, kamusta? Galandriel, kamusta ang lovelife?"
At tiningnan ako ng dagger look ni Zuki at Baronessa. Futah, ang tabil lang ng dila ko.
Galandriel: "Zero..."
Me: "I see... " lumingon ako kay Zuki... "..vakla, hindi na kita kakamustahin tungkol sa lovelife coz i'm sure wala naman! Kamusta na lang ang mga hada?"
Zuki: "Futah ka Chuni! Eh ikaw may lovelife? Matapos kang iwan ni Doc?"
Me: "I beg your pardon! Ako ang nang-iwan..."
Zuki: "Well, iyan ang press release..."
Me: "Opkors not. Dats the truth!"
Zuki: "O, sha, sha, so kamusta ang lovelife?"
Me: "Dormant..."
Zuki: "Hahaha! O tingnan mo nga! Ikaw din pala!"
Me: "Choice ko 'yon 'teh... ikaw FATE mo 'yan."
Tawanan sina Baronessa at Galandriel.
Zuki: "Antipatikang vakla..."
Me: "Nasaktan ka sa katotohanan?"
Zuki: "Gagah!"
Me: "Teka, saan ba exactly ang lafang?"
Baronessa: "Ah basta.... i have a new discovery, my treat. "
Makalipas ang ilang sandali pa na puno ng mga panlalait, nag-arrive kami ditey....
Zuki: "Shutanginamess Baronessa! Akala ko ba kakain tayo? Eh simbahan yan! Ipapa-pray over mo ba si Chuni?"
Me: "Gagah! Mas marami ka kayang demons sa katawan."
Si Galandriel, tawa lang ng tawa. Feeling ko tuloy nag-level down akez sa uri ni Zuki. Choz!
Baronessa: "Shunga! Hindi nyo ba alam 'toh?"
Me: "Opkors i know! Hindi naman akez social climber gaya ng others dyan."
Zuki: "Are you referring to me?"
Me: "No naman, you choose between you and yourself. Etchos lang yan bruha. Teka, eskwelahan to ah. I-e-enroll mo ba si Zuki? Sobrang mahal dyan. Dapat sa TESDA."
Zuki: "Futah ka Chuni... fokfok!"
Me: "At least ako ang binabayaran, hindi ako ang nagbabayad..."
Zuki: "Fuki mo."
Although I heard about Enderun na before, pers taym kong makarating ditey. After mag-park, diretso na kami papunta ng entrance ng building na mukhang church. Hindi maka-hakbang papasok si Zuki, umuusok sya. Kaya kinaladkad na lang namin ang bruha.
Tinanong kami ng unipormadong guard.
Guard: "Where to?"
Ang fierce ng accent ni Manong Guard. Kinabog ang fake British accent ni Zuki! Namutla ang vakla.
Baronessa: "101"
Dagling binuksan ni Manong guard ang doors. Oo, doors. Dalawa kasi sya. Choz. Parang password lang na binanggit ang "101" at binuksan na ang mga pintuan. Bubuksan din kaya ito kung "102" ang sinabi? Try mo 'teh.
Pagpasok, bumungad sa amin ang reception area at mga shusyaling estudyante. Naka coat and tie ang mga poging students. Pati mga bilat... fasyon. Ang shusyalin ng place. I really think i belong. Choz!
Dire-diretso ang lakad ni Baronessa. Sunod lang kami. We were greeted by a group of students.
Group of students: "Bonjour!"
Chuni: "Muy Bien!"
Zuki: "Gagah... Dora the Explorer, isdatchu?"
Chuni: "Eh gusto ko Muy Bien eh, paki mo?"
Binuksan uli ang doors and we were led to this...
Homaygassh! How opulent!
Parang dining room lang ng bahay namin sa Bulacan. Choz!
We were then again led to our table. Ang ganda ng setting. Churchill!
Baronessa: "This, my friends, is my newest discovery, the 101 Restaurant."
Zuki: "Amen..."
Me: "Anong 'amen', hindi nga 'toh church 'noh."
Irap ang beki. Lapit naman ang isang babae at lalaking naka-coat and tie, obviously ay mga students. Nasa likod nila ang isang Frenchman.
"Bonjour" uli.
"Muy Bien" na naman uli akez.
Nagpakilala yung dalawa at in-explain kung ano ang lafang for the day. Ang galing mag spluk! I remembered that Galandriel is vegetarian.
Me: "Vakla, okey lang ba sa 'yo ang food?"
Galandriel: "Friend, i realized, kung shumod nga nilulunok ko, hindi naman 'yun gulay devah?"
Ayyy, winnur! Hahaha!
Nag-excuse ang Zuki at kailangan daw nyang pumunta ng mens room. Gusto ko sanang ipa-podlock ang CR pagkapasok nya. But since I support and promote animal welfare, that is unbecoming of my cause naman devah? So, hayaan na syang makalabas ng maluwalhati.
Tinanong kami ng coniotic na papable waiter/student kung ano ang gusto naming inumin. Gusto ko sanang sabihin... "Pwede bang ikaw?" Pero kapos ako sa oras para i-translate sya sa English at lagyan ng British accent kaya I ordered Watermelon Shake na lang.
Baronessa and Galandriel both ordered pale pilsen.
Waiter: "And what about your friend?" referring to Zuki na pumunta nga ng restroom.
And in my best fake British accent i said,
Me: "He'll have tap water. Unfiltered opkors."
Napangiti si papable waiter. Tawa ng tawa naman sina Baronessa at Galandriel.
And then Galandriel became suddenly serious.
Galandriel: "Guys, why are we doing this?"
Baronessa: "Ahhhhmmm... why not? Matagal na rin tayong hindi nagkakasama. I just thought na magkita-kita uli tayo that's why I invited you guys here. Saka, the food here is great and you'll be surprise about the price."
Me: "Expensive, i supposed."
Baronessa: "Basta... this is my treat remember?"
Galandriel: "This has nothing to do with my recent break-up right? Sinabi ni Zuki?"
And with my best Kris Aquino acquired acting talent i said...
Me: "Homaygassh!!! Noooooo!!!! Really? Zuki never mentioned anything. And who is dat stupid guy who broke your heart?"
Kung nandoon lang ang mga miyembro ng mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino, ako na ang winnur sa Best Actress award. Hands down. Choz!
Baronessa: "Wala ka namang sinasabi sa amin ah."
Galandriel: "Ah, wala 'yon. Let's not talk about him. Just another a-hole."
Me: "Opkors we should talk about it. Sino sza? Eto ngang si Baronessa, luhaan din last year devah?"
Baronessa: "Gagah! Ako lang bah?"
Me: "For the record, hindi ako umiyak. Hindi ko sya iniyakan."
Baronessa: "Oh, really?"
Me: "Oh... yeah. Why should I? It's his loss not mine and dear sisters, the same goes to you and you. We three are beautiful creatures not to mention, desirable. No man is worth our tears. Kung gugustuhin lang natin, ang daming boylets dyan. Remember, ang mga uri natin ang iniiyakan, hindi tayo ang umiiyak."
Choz!
Nag-smile naman ang dalawa.
At bumalik na pala ang Zuki.
Zuki: "Did i miss anything?"
Me: "Wala naman. Nothing that concerns you. Oh, vakla, I ordered water for you. But you can order anything you want to drink. Should I call the waiter?"
Zuki: "Ah, champagne na lang."
Me: "Spell champagne."
Zuki: "Tama ka vakla, water na lang for me."
At tawanan ang group. Seriously, i miss my friends specially ang mga tawa nila. How ironic na nagkasama kami uli because of an unfortunate circumstance.
The waiter served us bread and 3 different type of spreads. Sorry i forgot to take pictures. Pero sarap ng tinapay! Walang sinabi yung Malunggay pan de sal sa panaderyang malapit sa amin. Choz!
And then salad was served...
Okey, let me try to explain each dish. Sabi ng waiter, Green salad daw itey in vinaigrette with roast breast of duck and toasted bacon.
Yum! Yum!!!
The roast duck is... roasted to perfection! Char.
Galandriel: "Ano sa tagalog ang 'duck'?"
Zuki: "Bibe?"
Baronessa: "Gagah, iba ang bibe."
Zuki: "Oh, eh ano sa ingles ang bibe?"
Baronessa: "Goose?'
Zuki: "Gagah ka rin, gansa ang goose. Teka, si Chuni ang taga-bundok. Mas alam nya yan. Chuni, ano na nga sa tagalog ang duck?"
Me: "Pato."
Zuki: "O, kitams nagkaroon ng purpose ang vakla."
Tawanan sila.
Dahil masarap ang food, ayoko ng mag-side comment.
Remember, there is victory in silence.
Choz!
After ng salad, main course naman....
Pagpasensyahan na ang quality ng picture. Camera feature lang ng phone ang ginamit ko ditey. For the main course, we had Poached Chicken on a bed of mashed potato and gravy.
The chicken looks so small in the pic but its not. Malaki kasi yung plate.
And this is the best poached chicken na natikman ko everrr!!!
Kunsabagay, hindi naman available sa karinderia ni Aling Metring ang poached chicken. Choz!
Pero masarap talaga itey! Sobrang tender at juicy ng chicken. At yung mashed potato is a bit sweet and creamy. Saraaap!
Finally, we had our dessert....
Waiter: "For your dessert, this is Chever chevelu in shemper kudas with shimmering eklavu."
Hala, nagdugo ang ilong ni Zuki.
Waiter: "Are you okey sir?"
Me: "Oh he's payn. Don't mind him. It's his nose's monthly period. That's all. Hihihi!"
Choz!
Okey, baka nobody will take me seriously nah. Eh in real life i'm a serious person kaya. I will try again my best to explain our dessert.
It's like a souffle of some sort. Beneath the lightly crusted cream are slices of fruits in season. It wasn't spectacular but it's good. And i liked it. :)
Matapos ang dessert ay nagkaroon na kami ng time to ogle sa mga cuties sa paligid.
Honggugwafu lang ng mga estudyante. Parang gusto ko silang orderin.
Choz!
Sadly, wala silang pic. Nahiya kasi akong mag picture taking eh. Baka magalit at kausapin ako in French. Hihihi!
Nag-alok ng kape si Baronessa but we told him sa ibang place na lang kami mag-kape. Nagpa-pantal na kasi si Zuki. Hindi talaga sanay ang balat nya sa mga shusyaling lugar.
Or baka naman dahil sa tap water?
Homaygasshhh!!!
Nice.
Hihihi!
I told you, there is victory in silence.
Choz!
Galandriel: "Guys, thank you so much for doing this. Baronessa, thank you for treating us. You are the rope that binds this friendship. Chuni, i am humbled by your presence (Choz!) you are trully beautiful and intelligent, not to mention kind (Choz! hahaha) and Zuki, despite your inadequacies (Choz!) you have been a good friend. Guys i love you!"
Oo, muntik na kaming mag-group hug at kumanta ng "If We Hold On Together..." right then and there.
Kaso hindi namin memorized ang lyrics.
So kebs na lang.
Choz!
The bill arrived.
I took a peek.
Futah!
PhP 300.00 each lang ang lafang namin?
How Zuki!
este...
How CHEAP!
Most likely, the expensive tuition fees of these students subsidized our meal.
Loooovveeeeee!!!!!
Now, i have a new favorite place to eat in style.
:)
The group went off to a nearby coffee shop and continued the consensual verbal abuse against each other. Yes, we argue and we fight and oftentimes insult each other, but at the end of the day, were still good friends who love, trust and value each other.
The beauty of gay friendship! :)
**********************
What would you think if I sang out of tune,
Would you stand up and walk out on me.
Lend me your ears and I'll sing you a song,
And I'll try not to sing out of key.
Oh I get by with a little help from my friends,
Mmm,I get high with a little help from my friends,
Mmm, I'm gonna try with a little help from my friends.
-The Beatles, With A Little Help From My Friends (1967)
*******************************
The 3-course meal is priced at P300.00/pax. Drinks are not included.
To visit 101 Restaurant, Click HERE.
30 comments:
oh my gosh! tawa ako ng tawa sa conversation ninyo ms.chuni... panalo ang barahan at okrayan! :)
kaya lang baka magka-skin asthma rin ako sa sushal na place, at baka ma-utal kapag kausapin ako ng waiter! lol.
winner 'tong entry na to. kakagoodvibes! :)
@Leo... Why not bring Nimmy here? Oo nga!!!! Celebrate one of your monthsaries here. :)
@leo: ako rin.. ahahaha! hagalpak.. i miss you sa chwirrer.. si nimmy lang nakausap ko knna eh.. happy monthsary sa inyo!! :D
@hrh queen chuni: madame delancret, i think this is one of the best i've read from your posts.. comic, yes, but really classy.. fine dining for no less than the finest of royalties, you and your courtiers..
these ones made me laugh:
And in my best fake British accent i said, Me: "He'll have tap water. Unfiltered opkors."
"Oh he's payn. Don't mind him. It's his nose's monthly period. That's all. Hihihi!"
and these made me anemic (i need a bloodbag, oh, make that two):
"Oh... yeah. Why should I? It's his loss not mine and dear sisters, the same goes to you and you. We three are beautiful creatures not to mention, desirable. No man is worth our tears.
"For your dessert, this is Chever chevelu in shemper kudas with shimmering eklavu."
consensual verbal abuse
you've quite a bevy of courtier friends, my Queen.. here's to more stories of good friendship *raises a glass of champagne*
Salut!
@Nate... Hahaha! Glad you enjoyed reading this one. It was fun writing and recalling what transpired last friday. Thank you dear. :)
Tawa ako ng tawa dito! Hahahaha.
Ms Chuni, 300 per person lang talaga? Sinilip ko kasi yung website and it was 300 per dish. Hehehe. Yung executive set meal nila (appetizer, main course, dessert) ay 650...
you already! you already so! ikaw na ms. chuni! ikaw na talaga! (pahiram lang Baklang Maton). he he he. dahil sa entry mong ito, ipinapatong ko na sayo ang korona ng pagiging Empress of Hilarity. so funny ms. chuni!!! ha ha ha ha ha ha! i so luv u. mwah mwah mwah!!! thank you uli for making my day.
esf
OMG, gogorah aketch jan sa Restaurant 101 bilang bet ko rin i-peg si Zuki hahahahaha!
tawa ako nang tawa sa mga conversations. lol. picturan si Galandriel cutiepie gow! hahahah.
naka-attend na akez ng wine appreciation ekek nila. winnur si kuyang wine connoisseur.
makabisita nga sa 101. ang mura ateng. OA.
Panalo! Tawa ako ng tawa dito sa upuan ko habang binabasa ko ang post mo madam.
@SF.. yup, PhP 300 lang for the salad/soup, main course and dessert. Tell them you'll have the Prix Fixe! :)
@ESF... Uy, salamat sa crown. Hihihi! :)
@JC... Gow! Isama mo si Baabaa. Hihihi!
@Nox.... Indeed! :)
ma-try nga...
ang mga guwapong estudyante.
hahaha!
@Mike... Hihihi! Thanks! :)
laftrip much,
basta tunay mong barkada, asaran lang usap okey na hahaha
@Sean... Hahaha! Sige nga. :)
@PongPong... exactly! :)
"The group went off to a nearby coffee shop and continued the consensual verbal abuse against each other. Yes, we argue and we fight and oftentimes insult each other, but at the end of the day, were still good friends who love, trust and value each other. "
--Best part ms chuni! <3
And yung "How Zuki!" HAHAHAHA
Dami kong tawa. Thank you for this. LOL!
Ay, may secret war sila ni Zuki. hahaha!
"Zuki, despite your inadequacies " - hahahaha!
@UnbreakableJ.... Thnaks! :)
@TanTan.... hahaha! aktwali, labs ko yan. walang halong chos. :)
mukhang pangmayaman yung pagkain. pero anak ng mga mayayaman ang mga estudyante ng lugar na yan. kainggit lang.
It's worth the wait. Your blog is informative as well as comic. Pinipigilan kong tumawa dito sa opis dahil seryoso ang nature ng trabaho ko. Mahirap pala magpigil ng tawa. Di pa rin mapigil ang pagdungaw ng ngiti.
@Gillboard... i-experience naman natin ang pagsilbihan ng mga mayayaman. hihihi! :)
@Soul Rakish... Oh, thank you! :)
ung dessert parang creme brulee kaya lang bakit may fruits? sarap.
Guard: "Where to?"
Ang fierce ng accent ni Manong Guard. Kinabog ang fake British accent ni Zuki! Namutla ang vakla.
DITO AKO TUMAWANG PIGIL ANG HININGA!BAKA MAKITA NI MUDIR (ARAB BOSS)PAGKAMALAN PA AKONG MENTAL..LUV THIS POST!
I don't know what to say... bow!
Kaaliw. Pwede kayo rumaket sa Comedy Bar ni Zuki ah! Sushal mag laitan! Kabog silang lahat!
Ayan, uber promote ka mama.
I'm chure mga bekibells ang guests nila for the next two weeks. Hahaha!
sinilip ko rin ang website, na-disappoint ako. bakit walang link ang mga waiters and servers?
at bet ko rin ma-experience alilain ang mga anak-mayaman!
wala bang free massage?
@Travis... ay oo tama kah! ahahaha! :)
@The Cure.... Hihihi! Thanks! :)
@Wizzdumb... :)
@Albert... Balahuraan itey. Hahaha! :)
@Bien....Uwi ka muna ng Pinas sa Monday. Doon tayo mag lunch. Hahaha! Choz! :)
reali??? i never thought na may commercial dining area ang enderun... mapuntahan nga...
Ms Chuni, salamat sa info. Me and my beki friends will check out the place (and the cute waiters). Hihihi!!!
Hilarious! I was laughing so hard reading this post and the one prior. Thanks. Ed/nyc
Post a Comment