Muntik Na Akong Makapatay!


Ok ba sa title? True to life ‘yan. Read on.

………………………………………..


Magaling akong magdala ng sikreto. In short, hindi ako madaldal. Dito lang sa blog ko naibubuhos ang aking emosyon.

Umuwi ako ng Farmville last weekend. Four days akong nawala sa bahay. At ang taong wala, syang nagiging paksa ng kwentuhan.

Sa compound dito sa Makati, bukod-tanging si Friendship at Dexter lang ang nakaka-alam ng tunay kong katauhan. Dexter is our housemate. Kung malandi ako, mas malandi sa akin si Friendship at si Dexter naman ay hindi kayang i-measure ng barometer sa kalandian. Sasabog ang pang-measure. Gwapo kasi kaya kinakarir.

The rest of the compound ay clueless sa aking natatanging oral talent.

Kanina, kinausap ako at si Friendship ni Dexter.

Dexter: “May sasabihin ako…”

Me: “Ano ‘yon?”

Dexter: “Kasi, nagku-kwentuhan kami nina Jared, Erwin at Pancho 2 days ago…”

Me: ‘Eh ano naman ngayon?”

Si Friendship ay walang spluk. Nakikinig lang ang badet.

Dexter: “Tinatanong kasi nila kung bakit hindi na daw nagagawi dito sa compound si Doc.”

Kinabahan ako sa patutunguhan ng kwentong ito.

Me: ‘Eh anong sinabi mo?”

Dexter: “Sabi ko, nagbagong buhay na?”

Me: “Gaga! Ano exactly ang sinabi mo?”

Dexter: “Makukulit kasi sila. Tinanong pa kung ano daw ba dito sa house si Doc.”

Me: “And then… ano ang sagot mo?”

Dexter: “ Tingin ko hinuhuli nila ako. Sabi nila, hindi naman daw taga-dito si Doc tapos laging pumupunta and then all of a sudden, bigla na lang naglaho.”

Me: “At nagpa-huli ka naman??? Friendship, paki-abot ang kutsilyo magdi-dinuguan tayo…”

Dexter: “Friday ngayon ate… dapat munggo.”

Me: “Pwes, hahaluan ko ng laman-loob mo ang guisadong munggo. Hala, tuloy ang kwento…”

Dexter: “Tinanong nila sa ‘kin kung may syota daw ba dito sa house si Doc… sabi ko ‘meron’. Napasagot na lang ako.”

Kinakabahan ako. Humigpit ag hawak ko sa kutsilyo…

Dexter: “Pero… hula nila si Friendship ang dyowa ni Doc.”

Muntik na akong matawa. Si Friendship tumaas ang kilay.

Me: “Mas bakla ka palang tingnan sa akin Friendship. Eh di end of story na.”

Dexter: “Hindi pa. sabi ko hindi si Friendship ang dyowa ni Doc.”

Me: “Punyemas! Sinabi mong ako????”

Tumango ang Dexter. Itinaas ko ang kutsilyo at handang i-unday sa namumutlang Dexter. Pero hinde. Hindi ko dudungisan ng berdeng dugo ang porselana kong kamay.

Alam na pala ng compound kung mag-ano kami ni Doc. So alam na ng compound ang aking lihim. So what?

Me: “Sige, pinapatawad na kita…”

Dexter: “Bakit mo ko papatawarin, hindi naman ako nagso-sorry ah…”

At sinaksak ko na nga si Dexter. Sampu. Dalawampu. Tatlumpu. Hindi ko na mabilang kung ilang unday ng saksak. Basta ramdam ko na lang ang mainit na talsik ng dugo nya sa aking mukha.










Snap!

Guni-guni ko lang pala – yung saksakan chuva.

Anyway, sige na. Di baling malaman na nila. Ano bang masama don? Eh at least ngayon pwede ko ng isuot yung negligee ko at maglakad sa compound.

Dexter: “Hindi pa tapos ang kwento kuya…”

Ganon? May continuation pa?

That moment, handa na akong makulong talaga. Whatever kung anong degree. Pero I’m sure MURDER talaga ang magiging kaso ko.

Ang headline: “Bakla, pinatay sa kurot ang isa pang dalahirang bakla!”

Me: “Sige, ituloy mo lang ang kwento…”

Dexter: “Sabi nila, bakla ka pala daw.”

Me: “Eh obvious pa ba? Kinwento mo na nga na mag-syota kami ni Doc. Hayaan mo’t magpapagawa ako ng taurpaulin at iba-bandera ko sa gate bukas!”

Dexter: “Pero, in fairness, hindi ka daw halata.”

So dapat akong magpa- partee? Ganon?

Me: “Wala naman kasi akong suot na sash na may print na ‘BAKLA AKO’.”

Pero nangiti naman ako don. Ang galing ko lang talagang magdala. Si Friendship pa ang napagkamalang dyowa ni Doc.

Dexter: “Sabi nila, bakla din daw si Friendship. Sabi ko ‘OO’.”

Si Friendship, nag blush kahit morenong ilokano.

Dexter: “Tapos, sinabi nila baka mahawa daw ako sa inyo.”

Me: “Ano kami SIPON? Anong sagot mo? Umamin ka na rin na bakla ka?”

Dexter: “Syempre hindi no.”

Ang Friendship umuusok na ang ilong. Gustong gawing Bopis si Dexter. Hahaha!

Mamaya uuwi ako ng bahay, ano kaya ang mangyayari? Tutal 'OUT' na ko sa compound, pwede ko na kayang landiin ang gwapong si Jared? Hmmmmmnnn….

posted under , |

48 comments:

Eternal Wanderer... said...

nagutom tuloy ako sa thought ng bopis hihihihi

p.s. hindi masarap gawing dinuguan o bopis ang mga chizmera. mas angkop silang maparatangang: death by pechay!!!

nOx said...

ako naman madame chuni, lately lang ako nilaglag sa opisina ng dalahira kong office mate. malay ko bang makikita nya ako sa malate last weekend. oh, the tragedy!

LASHER said...

Hi Ms. Chuniverse! Welcome to Narnia! ;-)

P I L Y O said...

WINNER TO TEH!!!

yun naman pala eh, sila ang mukhang bakla hindi ikaw! Nakikinita-kinita ko na teh, mala-Robin Padilla ang iyong kilos!

Ms. Chuniverse said...

@Ternie... umiisip nga ako ng paraan how to get even. hahaha!

@Nox.... sabi ko naman sa 'yo, wag mong isu-suot ang gown pag nasa malate. eh di, joy to the world na?

@Lasher... White Witch isdatchu? hehehe! *Beso*

Jepoy Dee said...

ms chuni, natawa ako at natakot din dun sa pic. hahahaha.

gudlak sa paguwi. :P ikwento mo ha kung anong sabi nila :P

Ms. Chuniverse said...

@Pilyo... hindi Robin Padilla, Paquito Diaz daw. Hahaha!

@Jepoy... magpapa-gabi ako ng uwi. Inom muna ng mga 3 bote. Tapos, bitbit ko na 'yung tarpaulin. Hahaha!

Nimmy said...

ayyy! winnur! ikaw na ang discreet! hihi

naiimagine ko lang reaction niyo nung sinabi ni dexter na hindi sya umamin. hahaha

Anonymous said...

“Wala naman kasi akong suot na sash na may print na ‘BAKLA AKO’.” <<< Gusto ko 'to, Ms Chu! Beauty queen ka talaga over!!! Hahaha!

Thanks for sharing. Naaaliw ako sa mga kuwento mo!!! :D

-Jay

Ms. Chuniverse said...

@Nimmy... Hindi naman ako masyadong na-offend. Gusto ko lang mag-boil ng Baguio oil at ibuhos sa kanya.

@Jay... Pero magpapa-gawa na ko ng ganyang sash sa makalawa. hahaha! thanks for visiting. ;P

orally said...

Teh bentang - benta!
favorite ko to:

Me: “At nagpa-huli ka naman??? Friendship, paki-abot ang kutsilyo magdi-dinuguan tayo…”

Dexter: “Friday ngayon ate… dapat munggo.”

Ang tanong: dedmatology na lang or ilalaglag din si dexter?

Ms. Chuniverse said...

@Orally... hindi ako mahilig manlaglag eh pero marunong akong manglalag ng subltle lang. hahaha! Dexter will have his time. Bwahahaha! (hiram ko yung laugh kay Soltero).

shenanigans said...

kamusta na? emo ka this past few days ah.. hehe! nakakatawa toh!

nice to know OUT kna jan *kala mo kapit bahay kung makapag nice to know lang* hihi!

Ms. Chuniverse said...

@Shenanigans... Hello! ok naman ako, heto nagha-hasa pa rin ng kutsilyo. yung tubig, kumukulo na. Si Dexter na lang talaga ang kulang. Hahaha!

Eto, house na ko. Parang wala lang sa mga naka-discover ng aking hidden identity. Kinakausap naman nila ako. Parang wala lang. Siguro nga kasi hawak ko pa rin ang kutsilyo. Hahaha!

john chen hui long said...

you're so hilarious! i don't have many gay friends here so i miss exchanges like that.

P I L Y O said...

naaaliw ako sa mga comment.

naiimagine ko teh na naka-sash kang ang nakasulat "bakla ako"... tapos iikot-ikot ka sa compound.

tapos nde pa rin sila naniniwalang bakla ka... (kasi may dala kang kutsilyo, hahahah)

Ms. Chuniverse said...

@John... pag kami-kami lang, ganyan usually ang dialogue. tapos pag dumating ng iba, behave na. hahaha!

@Pilyo... ngayon naghihintay na lang ng may magpakita ng motibo. hahaha!

P I L Y O said...

teh, siguro ngayong nalaman nilang bakla ka na... kukuyugin ka ng mga manliligaw... malalaman mong halos lahat pala ng lalaki sa inyo ay bakla bwhahahahah.

pag nangyari yun teh, pwede bang mag-bedspace sa inyo? maglalagay din ako ng sash tapos iikot din ako sa compound nyo, ahehe.

Ms. Chuniverse said...

@Pilyo... naghahamon na nga ng inuman. worry ko lang baka samantalahin ang puri ko kung sakaling malasing ako. hindi ko matatanggap ang reputasyong kaladkarin.

sige, mag bedspace ka rito. wag ka ng gumawa ng sash, isasama ko na lang sa tarpaulin ang namesung at picture mo.

Anonymous said...

parang... gusto ko din jan sa compound nyo. hahaha. magdadala din ako ng kutsilyo.. at nipper.

tim said...

wow, convincing buddy... cool:)

caloy said...

halabet! hahahaha! pero natakot talaga ko sa picture. seryoso. kala ko tinuluyan mo talaga. hahahaha

Mac Callister said...

hahaha sobra mo ko pinangiti sa post na to! nakakatawa naman!

hay naku dapat pagkasaksak mo ng ilang beses sa dex na yan,yun kidney niya sinaksak mo pa din ng bukod para mas masaya paghihiganti mo hahaha

Ms. Chuniverse said...

@Tim... thanks! ;)

@Caloy... hahaha! muntik lang. joke! ;)

@Mac... may pina-plano na kong paghihiganti. bwahahaha! (again, hiram ko lang yung tawa kay Soltero). ;)

shenanigans said...

bakla! baka maging serial killer kana jan.. haha! "baklang serial killer" taraaaaaaaay! lol

nasa black party ka ba kagabi?

Ms. Chuniverse said...

@Shenanigans... ay, hindi bagay. pang super hero ang ganda ko. hahaha!

wala ako sa black party. masyado kasi akong pure. OP ang beauty. hahaha! did you have fun?

Anonymous said...

buti you didnt kill. hehehe


---
iamnixpetrov.blogspot.com

hondafanboi said...

miss chuni... lika ka nga... pa kurot sa singit. hehehe... me lurvvvs da kwento... palong-palo at ikaw na nga teh ang discreet (agree akembang so komento ni marseng nimmy) lolz...

pero teh... kung u si paquitz... keri ba akeiwa na lang si mang max alvarado? ching!

Ms. Chuniverse said...

@iamnixchuva... i did. pero secret lang. hahaha!

@Hondafanboi... ang ganda ng likod. sinong naghihilod nyan? aminin.

sige, ikaw na si max. tapos ako si paquito. isa na lang ang kulang - si bomber moran at kumpleto na ang line-up ng mga original rapists sa local movie.

Bloiggster said...

nakangiti ako habang binabasa ang entry nato! PANALO ka gurl! :)

Ms. Chuniverse said...

@Bloiggster... salamat! ;)

shenanigans said...

sobra! ang daming tao siksikan libre nota! haha! lahat na ata ng bakla sa metro andun

Ms. Chuniverse said...

@Shenanigans... ganun ba? kaya pala wala akong makuhang nota kagabi at tila nag evaporate ang mga badet dyan pala nag concentrate. at ang smile mo, hawiin... umaabot sa gate namin. hehehe!

Ewan said...

teh chuni paki post nga yung picture ni friendship at dexter... curious lng me eh hehhe

yan walang halong pang-aasar tong comment ko sau :)

Anonymous said...

Kalowka at kaaliw ang eksena. At least, malaya ka ng kumendeng sa compound ala Venus Raj. Sakit ata sa bewang at balakang mag walk ala Robin P. - audie g.

Ms. Chuniverse said...

@Ewan... guso mong ako ang gawin nilang dinuguan? hahaha! 'pag pumayag, hingan ko muna ng mayor's permit.

@Audie G.... sinasanay ko pa ang sarili ko. baka kasi makita ng mga taga outsiders ng compound. hahaha!

Ashaman Lester said...

Panaloooooo!!! Ang galing ng article Ms. Chu... (Clap. Clap. Clap)

jc said...

laftrip 'to. bakit ngayon lang ako napadpad dito?? winnur ka ms. chuniverse!

Ms. Chuniverse said...

@Ashaman... salamat ditse. *beso*

@JC... salamat din JC. *hipo*

Ewan said...

teh chuni kahit anogn parte lang ng katawan nila...

curious lng me talaga... gusto kong malaman kung sino ang pinaka maganda sa inyong tatlo e

Mike said...

gurl! nakakaadik ka! hahahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Ewan... trust me, ako ang pinaka-maganda. hahaha!

@Mike... thanks gurl! =)

Anonymous said...

its my first time to visit your blog... ang galing... nakaka aliw... two thumbs up with matching head up down under...

PANALO!! isa na eto sa mga bibisitahin kong blog...

Anonymous said...

me mga ilang buwan n rin cguro ako n ngbabasa ng blogs mo. natutuwa ako s mga blogs mo. ang kukulit nyo lahat!

Ms. Chuniverse said...

@Anonymous 1 & 2... Salamat mga ditse. =)

Pinoy AdvenTurista said...

wahahaha!!! nilaglag kayo ni dexter... pero cya hindi umamin... lolz!!!

Anonymous said...

grabe ka ms. chuni, ur so talented!

Anonymous said...

i am subscribing leche! haha...

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments