Another Jeepney Encounter

At dahil umabot na naman sa 1 centimer ang aking shining shimmering hair at kahit sobrang iksi pa, naisipan ko na namang pumunta sa aking favorite barbershop. Tutal umiinit na naman ang weather.









Hiyang na ako sa skinhead. Unang-una, madalang naman yata ang baklang kalbo kaya in a way, panakip hinala rin yan.


Isa pa, wash and wear. Walang susuklayin at walang styling.


Sa cheappanggang barbershop lang naman aketch nagpapa-gupit.









Kasi naman wala namang ibang gagawin kundi ahitin ng makina ang ulo ko eh magpapa-sosyal na salon pa ba ketch? Hindi na noh. Sayang lang ang moolah.


Sa favorite barbershop ko ay ok naman. Libre na ang masahe, libre pa ang hipo. Hihihi! Basta ipatong mo lang ang kamay mo sa arm chair eh, iki-kiskis na ni kuyang barbero ang kahindigan nya sa likod ng kamay mo. Bahala ka na lang namnamin ang tigas ng tarugs nya. Choz.


So gora na akey sa barbershop. Pero disappointed aketch. Wala si kuyang suki. So pumatol na ako sa available na barbero. Hindi ko sya type kaya ipinatong ko na lang ang kamay ko sa hita ko. Choz.


Barbero: “Anong sa atin kuya?”


Me: “Pwede bang i-rebond tapos lagyan mo ng highlights na blonde?”


Barbero: “Niloloko mo naman ako eh ang iksi-iksi ng buhok mo.”


Me: “Eh yun na nga kuya, ang iksi ng buhok ko, sa tingin mo ano pa ba pwedeng gawin dyan…. Kulutin?”


Barbero: “Gusto mo i-shave natin? Zero."


Me: “Ah eh, sobra naman ‘yon. Numero uno lang.”


Barbero: “Ok.”


Natapos din naman ang gupitan ng walang nagaganap na hipuan ang session namin. Nung masahihin nya ang likod ko, ramdam ko ang galit sa loob nya. Ang sakit ng masahe ng gago. Hahaha!


At dahil dyan, P5.00 ang tip nya. P45.00 kasi ang gupit. Kaya hindi ko na kinuha ang sukli ng binayad kong P50.00. Oo, ako na ang generous.


So, sakay na aketch ng jeep pauwi. Ewan ko ba, tuwing sasakay na lang ako ng jeep ay tila may nagaganap na kamalasan. Pero kiber. Today is my day and I will not let anything chaka goes along the way.














Pag-upo ko ng jeep, may kasunod pala akong pasaherong sumakay at naupo sa tabi ko.


Amfootah, kung maka-bukaka ng hita akala mo sinlaki ng pakwan ang betlog nya.


Kainis.


Akala ko naman aayos sya ng upo pero talagang nakabukaka lang sya.


Gusto ko syang kausapin at sabihing…


“Ateh, tomboy ka. Wala kang itlog na mai-ipit kaya pwede ba, konting kipot naman ‘yang hita mo.”


Ako nga na sinlaki ng makopa ang bayag ay hindi bumubukaka ng ganon no?


Ah este, wala nga pala akong bayag, clitoris lang. Hihihi!


Haaay, hindi na lang ako kumibo. Napilitan tuloy akong kiputan ang pagkaka-upo at ipitin ang aking itlog na maalat. choz.


Peron ng mas ibukaka pa nya ang hita nya, aba, lumaban na rin ako at ibinukaka ko na rin ang hita ko. Tagisan na lang ng pagbukaka.


Anyway, ayoko ng basagin ang trip nya. Kung feeling nya ay may itlog nga sya… then let it be.


Dedma ko na lang ang timberlu. Nilabas ko ang iPod touch ko at nagsimulang makinig ng music. I was minding my own habang binabasa ang lyrics sa screen ng aking iPod.


“Tsamina mina eh eh

Waka waka eh eh

Tsamina mina Zangalewa

Anawa aa..”


Syempre yung ulo ko nagsi-sway habang inaawit yan. Hahaha!


Buti na lang, malapit lang ang bababaan ni bukakang tomboy kaya lumuwag na sa jeep. Hihihi!


At pagbaba nya, doon ko nasilayan ang lalaking qualified tumikim sa aking sought-after na puri.


Isang lalaking naka motorsiklo ang sumunod sa jeep na aking sinasakyan. Amfootah, ang sarap paliguan ng halik na basa.


Umusod ako ng upo malapit sa dulo ng jeep para mas masilayan ko sya.


Naka- sando at shorts lang ang papa. Mga 21 years old. Fresh meat!


Haayyyy….. gusto kong sabihing…


“Pwede ba akong umangkas?”


Syempre hindi ko sinabi. Siguro kung ako si Orally (Bien), baka ginawa ko nga.


Napatingin sya sa akin at nakita nyang nakatitig ako sa kanya.


Na-conscious ang papa at napangiti.


Eh syempre, ngiti rin ako.


Oo, nag-ngitian kami. Hihihi!


Binasa ko ang labi ko at kumindat.


Napatawa sya.


Alam ko na parang ang landi-landi ko nong oras na ‘yon. Pero katwiran ko, hindi naman nya ako kilala at hindi ko rin naman sya kilala.


At higit sa lahat, whiz ako know ng mga passengers ng jeepning itetch.


And then nag-overtake na si papa.


Haaay…naiwan ang puso kong duguan. Char.


Hihihi!


Kinikilig pa rin ako actually. At napapangiti ako sa sarili.


Hayyy… ang gwapo nya, sayang.


Tapos napalingon ako sa katabi ko sa kanan.


POOTAHHHHH!!!!


Si Ramil! Isa sa mga neighbor ko sa compound!


Nakangiti sa ‘kin. Ngiting parang may alam.


Alam ko na alam nya ang kalandiang kagaganap lamang.


Nakita nya ako.


Pootah!


Me: “Kanina ka pa?”


Ramil: “Oo.”


Ang tanga ko lang mag-tanong. Obvious na natataranta ang malanding gagah.


That was so uncomfortable.


Pumara ako bigla.


Ramil: “Bababa ka na?”


Me: “Ah oo, may dadaanan pa kasi ako.” Kahit wala.


At humarurot na ang jeep.


Hinintay kong makalayop at naglakad-lakad ako.


Doon ko na-realize….


Malas talaga ako sa jeep.


Haiissst.


Well, maliit lang ang Libertad. Sana magkita kami uli ni papa.


Pramis, kahit hindi nya hilingin…. Ibibigay ko na.

posted under , |

32 comments:

jc said...

ahahahaha! si Ramil ba ay qualified ding tumikim sayong sought-after na puri? feeling ko bet ka nya... ahihi.

Ms. Chuniverse said...

@JC... ahh, disqualified sya. hahaha!

Anonymous said...

pag nagkwento ka akala mo nasa kahabaaan ka nang north luzon express way, napaka linis at rumtuonda pa ito ng south express way, pasakay naman....salamat sa malinis at nakakatawang praktikal na blogs mo....isali natin sa film outfit...baka yayaman ka...ako ang manager ha...email me jeddaho@yahoo.co.uk...i am in abu dhabi uae...

Ako si Diosa said...

Next time try mo Ms. Chuni sa Kuliglig, baka doon na ang swerte mo.

Ang sarap talagang lumandi sa di mo kilala..

Ms. Chuniverse said...

@Anonymous... hehehe! salamat sa offer pero hindi ko pa feel magkaroon ng movie career. busy pa aketch sa work at libanagan ko lang po ang mag blog. =)


@Diosa... hahaha! gagah, walang kuliglig sa libertad. teka, iyon yung pang-araro ng bukid devah?

masarap talagang lumandi espescially kung walang nakakakilala sa yo. hahaha!

willy said...

Churva, ito gumawa na ako ng gmail address para di me maging anonymous sa iyo, pag uwi ko jamming tayo ha para gawa tayo blog tapos non, punta tayo ng taguig area, type mo..??

Seriously Funny said...

Ang cute! Para lang dalaginding na malinis at busilak ang eksena with the motorcycle boy. Hahaha!

pongpong pagong said...

GOOD morning ms chuni..

ayos.. ok na sana yung harot mode,
me kakilala pala.. , panira trip hahah

Jaytee said...

first time commenter here. i love reading ur blog. ur like the gay version of nicole eala. but that would be redundant ahaha. If you only have a reality show I would surely watch it. keep up the fun! ;)

orally said...

Ay shettt. Teh di ako basta umaangkas, that's so unladylike kaya. Ginagawa ko rin ang pagpatong ng kamay sa armchair pag type ko ang barbero. Ang subtle lang di ba? Tsamina mina eh eh. Panalo ka talaga MsChuni! At salamat sa pagkaladkad ng namesung kez. Ako na ang kaladkarin

Ms. Chuniverse said...

@Willy... anong meron sa taguig area? hihihi!


@Seriously Funny... oo naman, dalaginding pa aketch. char. =)


@Pongpong... baka tinamaan ako ng karma. hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Jaytee... welcome! malay natin magka-show nga. hahaha! choz. magpo-protesta lang ang mga katoliko sarado de kandado. =)



@Orally.... Pareho pala tayo ng style. hahaha! sariwa pa kasi sa utak ko ang CR day-off mo 'teh. hahaha!

ıǝɹɯɐı said...

ang landi mo teh. hahahah. kakaloka. pero in fairness, you kept your cool kahit under pressure.

RainDarwin said...

HAHAHAHAHAAHHAHA.

yan ang napapala mo sa kalandian mo teh!

pero teka, semikal ka na, pano mo maisusuot ang crown mo? pamapataas din yun ng market value di ba?

Ms. Chuniverse said...

@Iamrei... minsan kasi hindi ko mapigilan lalo na pag ka-landi-landi ang mensung. hihihi!



@Papa P.... Nilagay ko muna sa bag yung crown. Tutal suot ko pa rin naman yung sash at hawak ko nga yung scepter. so ma ri-recognize pa rin nilang ako ang title-holder. char.

Anonymous said...

hahaha! natawa ako sa tsamina mina eh eh. hahaha.. ang landeee mo teeeh!

anon101

Kiks said...

pwede ka nang magmotorcycle diaries, friend...

Ms. Chuniverse said...

@Anon.... slayt lang namannnn! =)


@Kiks... hahaha! Oo nga friend, pero konti pa lang 'yan. kailangan dagdagan ko pah. char. =)

Anonymous said...

looking forward sa upcoming entries mo - sana ma-include mo rin kung ano ang reaksyon uli ni ramil if magkita uli kayo..

i find this interesting - na tingin mo nabisto ka.

but then wala ba talaga syang idea tungkol sayo?

thanks.
edwin

iurico said...

I know what you mean about getting a haircut now that we've a semi-shaved head (hair). From 400+, 40 pesos na lang binabayaran ko.

Mike said...

hahahaha! hayan kasi tignan mo muna ang paligid-ligid bago umalembong.

Ms. Chuniverse said...

@Edwin.. Thanks... lalaki ako sa balur. hihihi!


@Iurico... haaissst, ano ba yang profile pic mo!!! Humarap ka! dali!!!! Hihihi!


@Mike... Oo na. akala ko kasi alembong muna bago tingin. char. =)

Nimmy said...

ang harot harot mo tita chunie! kakatuwa. hihi. idol! :)

candy said...

ms chuni, tumayo ka ng isang buwan sa libertad and im sure makikita mo ulit si papa motorbike. the gay who can't be moved part 2 ang drama mez.

Mr. G said...

parang gusto ko ding magpakalbo...pero #2 lang. The last time was in 2005. Tamang-tama sa tan kong magandang katawan noon! LOL! Inulit ko ulit 3 years after. Jusko! Ang tagal tumubo! Ganun pala pag tumatanda! LOL! Matagal nang tumubo ang buhok. Nataranta ako kaya halos 2x a day ko massage ng conditioner para ma-activate ang hair follicles.

Pero kasi mukhang mainit ang kamay ni Manong Barbero. Chaka kasi at dikit nang dikit sa siko ko! LOL! Hindi ko sya type! So ipinasok ko din ang siko! Ayun, na-imbyerna yata ang Lolo at naglabas ng bad energies at sa buhok ko napunta. May kasabihan kasi ang mga matatanda na pag "mainit" ang kamay ng barbero, nagtatampo ang buhok. Kaya ngayon, friendly ako sa mga barbero kahit na chaka. Hahaha. Baka kubikong ang buhok ko pagkatapos...

cArLo said...

haha nakakatuwa ^_^ di ko kaya yang ginawa mo sa jeep! yung kindat sabay dila factor... buti ka pa!
nice blog a, follow na kita :)

Ms. Chuniverse said...

@Nimmy.. kailangan ko na kasing ilevel up ang kaharutan. #tigangmuch hahahha!


@Candy... good idea. halaika, samahan mo ko. char. =)



@Mr. G.... Hahaha! 3 years na akong semi-kal. =)


@Carlo... Ow... thanks! =)

Princess Purakikinang said...

Winner ang experience! Nakakawala ng longkot!!! Bonggels! To the maximum levelaious!

Yj said...

akala ko foreshadowing ang pagbanggit ng kamalasan sa unang bahagi ng post...

akala ko ay humarurot ang motorsiklo ni papang pogi sabay hablot ng i-pod mech...

mas malas pa pala ang nangyari hahahahahaha

arki beki said...

hi misschuniverse! aliw ako sa mga post mo, light lang kaya nakakaaliw!!!! i love your encounters!

if you have time please visit naman my blog, www.arki-torture.blogspot.com. i'm new sa pagba-blog kaya medyo nangangapa pa. Sa mga arki students o arki na, arkibeki is here to stay bitches :)

ruumj said...

ahahahaha aliw talaga ako sayo magkwento! hahahaha

super ligaya ang moments... !

JeremyCroise said...

kinilig ako dito teh pramis. kay ramil. choz

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments