Chuni And The Upper East Siders



Maliban kina Friendship, Raki at JR mayroon pa kong ibang circle of friends. Although sometimes, kung titingnan mo sila ng matagal, mukha silang rectangular. Kwatro-kantos ba. Choz!


Sila yung mga medyo shusyalin. Yung tipo bang Hanro or Mansilk or Calvin Klein yung mga underwear nila instead na Bench. Choz!












Hodevah shusyal!


Ako kasi So-En lang.


Pero may mga friends din akong 3 for 100 ang briefs. Pero ibang kwento na 'yon mga vakla. Choz!


Last Friday, nag-text ang friend kong itago na lang natin sa pangalang Baronessa.


Baronessa: "Are you free to eat lunch with us?"


Me: "With whom?"


Baronessa: "With Zuki & Galandriel."


Me: "Where at?"


Baronessa: "McKinley, BGC."


Since hindi naman ako mashadong busy at libre ang lafang...


Me: "Okey. I'm good."


Baronessa: "Will pass for you at 11:00 in front of your building. My reservation is at 12. I don't want to be late."


Demanding ang bruha. Hahaha! Ako pah. Eh Ms. Punctual nga ako devah?


Me: "Sure!"


Okey. Let me tell you about dis group.


Baronessa is a banker. Isa syang boy-next-door na pamhintang nagkakanlong sa kanyang biceps. Uu, may maskels ang futah. Dati syang boylet ng isang vaklush din na nasa larangan ng fasyon. Pero si Baronessa ay in-abandon matapos makakilala ng yummy model si fasyonerang vaklush.


Na-hurt ang Baronessa.


Na-insecure dahil ipinagpalit sya sa isang hunky mowdel. Chubby-chubihan pa kasi sya non. So, ginawang boarding haus ni Baronessa ang Fitness First. Nakipag-orgy sya sa mga dumbbells at kung anik anik na weightlifting equipments.


And voila... isa na syang borta!


Nag-escalate lang ng 100 points ang market value nya. Ang side-effect lang, matrona magnet sya.


Zuki naman is a call-senner agent/trainer/pimp. Bampira sa gabi, entrepreneur sa umaga. Ang vaklang hada lang ang pahinga. Mas focused syang kumita kaysa mag-lakwatsa.


Ang golden rule ng bruha... "Ang vaklang walang pera, ay vaklang walang hada." Aktwali, applicable lang naman sa kanya ang quotable-quote na yan. Kasi, wala naman talaga syang choice kundi magbayad. Ang mga trip kasi nyan, artistahin ang level. Eh hindi naman afford ng gandah lang nya ang mga type nya. So, kailangan talagang mag-invest ng bruha para ma-achieve ang pangarap nyang hada.



Si Galandriel ay isa namang high-end computer techie. Namamasukan sya sa isang malaking telecommunications company na isinumpa ko not so long ago. Borta rin ang bruha. TDH. Isa syang tall, dark and higad. Sing-kati ng alipungang binabad sa baha, pero hindi naman halata. Sya kasi ang hinahabol.


Pati mga bilat ay na-a-akit sa kanya. Ang hindi nila alam, kahit vegetarian sya, petchay is not included in his diet. Hobby naman ni Galandriel ang pumunta ng Thailand. Doon nya kasi malayang nai-spread ang mariposa wings nya. Medyo kilala kasi ang familya nya sa probinsya ng mga chicken inasal kaya afraid syang i-explore ang pagiging Mariah Carey nya sa Pinas. Pero pag kinati ang bruha, kakamutin nyah. Char.


At paano ko naman sila naging friends? Mahabang kwento. Basta na-realized na lang nila isang araw ang masakit na katotohanan........ na may mas magadah pa pala sa kanila....


....at ako yon. Choz!


Kahit nagtataka kung anong meron at nagkaroon ng impromptu get-together ang mga beki, ni-reserved ko na lang ang questions. Later na lang, after the commercial break.


I told my boss na i will be going out for lunch at 11:00 and i might take the rest of the day off.


She said: "Chuni, saan ditey ang lafang? Solo rampage ba itetch?"


Aba, fishing si Boss. Mukha ba 'kong tilapya na papatol sa uod ng pamingwit?


Me: "No madam. Sa McKinley lang tas rarampa akiz kyogeder with my contessa friends. Hanap kametch ng boylets."


Boss: "McKinley? Churchill! Wagi! Hadahan grande itey! Baka mashonders na otoko lang ang ma-getsing mo ha."


Me: "Opkors not madam. Sudem akembang mang-bingwit ng mashonders. Chopopong kyota lang akez pumapatol. You know dat."


Boss: "Klapeypey! Ikaw nah! Careful vakla!!!"


Me: "Yes madam. Oh, Zsa Zsa Padilla, Babush! "


Impunto alas onse, nasa driveway na akiz ng building namin. Tumawag ang Baronessa.


Baronessa: "Are you there na?"


Me: "Yup, dito sa driveway."


Baronessa: "What driveway?"


Me: "Driveway ng building namin."


Baronessa: "Di ba i told you to wait sa Greenbelt?"


Me: "Futah ka! Sabi mo in front of our building!"


Baronessa: "Hahaha! Just kidding. Lapit na ako."


Me: "Bilisan mo vakla! Gutom na akez."


After 48 years, dumating ang hayuf.


Baronessa: "Sorry! Did i keep you waiting?"


After kong putulin ang mga ugat na tumubo sa binti ko kaka-wait, sumakay na akez sa carlalu ng bruha.


Me: "Not really. Para 20 minutes lang naman akong nakatayo. Asan yung dalawa?"


Baroness: "Nasa Greenbelt na sila, doon natin pi-pik-apin."



*********************

Ano ang magaganap sa pagsasama ng title-holder at 3 semi-finalist?


Bakit nagkaroon ng impromptu reunion ang mga bekis?


Sino ang mas-mashonda sa apat?


At bakit suka ang sawsawan ng lumpia?


to be continued. :)













posted under |

31 comments:

Jaderated said...

Asar to be continued pa ehehehe

james said...

Haha. very funny..not familiar with the other gay lingo though.

Sa Kalye ni Felipe said...

parang maci-climax na tapos nag "something came up i have to go now." Bitin ha. LOL

Ms. Chuniverse said...

@Jaderated.... Patience is a virtue. Choz! Hehehe! :)


@James... Thank you. I really am not sure kung tama yung mga words na ginamit ko. Still learning. :)

Leo said...

ms.chuni! nawindang ako sa convo niyo ni bossing mae hernandez! hahaha. winner lang.

ano kaya ang ganap ng pagkikita? may mangyayari bang sampalan? san nagiinvest si Zuki? ano ang pinagmulan ng ambidextrous na tao? charot lang.

Ms. Chuniverse said...

@Ipe... Hahaha! Blue balls na bah? Choz. :)


@Leo...LOL! Sana lang masagot ang lahat ng katanungang yan sa susunod na kabanata. Choz! :)

b said...

bitin. pero OT muna, check this acct.

http://www.facebook.com/profile.php?id=100000260817940

Nate said...

@hrh queen chuni: hahahaha.. *gulong sa tawa* but, honestly, my lady, some words from your other language are rather foreign to me.. in context, though, i was able to understand what you meant..

churchill (sosyal?) klapeypey (applause?)

tama ba?

hahaha!! ikaw na!!

NOX said...

parang kilala ko yung tga globe, mem. secret kung bakit. char!

Ms. Chuniverse said...

@B.... Homaygash, sya ang nawawala kong soulmate!!! :)

Choz!


@Nate.... Korek!!! hahaha! Marunong ka na rin. :)


@Nox.... Hahaha! Malamang! :)

jajacabz06 said...

haha..aabanga ko to ms. chuni

♥ jeni ♥ said...

ai excited agad ako sa continuation! hihi! anu kayang meron? :D

Sean said...

ay exciting ang cast of characters. sana may pictures ms chuni hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Jajacabz... :) tatlong chapters itey. Choz!


@Jeni.... Pagandahan lang. Choz! :)


@Sean.... Hahaha! Try! Pero, baka ipa-salvage akez. :)

gillboard said...

di ko naintindihan ang usapan ninyo ng boss mo. lolz

wala ba translation?

Wilberchie said...

fluent sa beki languange ang bossesang mez ms chuni!! winnerley ha!!! ay excited for the juicy parts!

Kiks said...

hahahaha, for a blog post na to be continued, andaming nagcomment. lavet!

Ms. Chuniverse said...

@Gillboard... Waley. I-date mo ko at ita-translate ko sayo. Hihihi! :)


@Wilberchie... Hahaha! Nagsasanay pa lang. :)


@Kiks.... Thanks! :)

Soul Rakish said...

Pinaulit-ulit kong basahin para maintindihan ung ibang dialogue. You have the gift of pambibitin. Can't wait to read the next part. At tama si Sean, interesting characters.

Ms. Chuniverse said...

@Soul Rakish... sa kwento lang akesh magaling mambitin, sa ibang bagay- full satisfaction ang handog ko. char. :)

bien said...

Ay lumelevel-up ang circle of friends! lavet.

I'm loving their names Zuki and Galandriel- very walt disneyesque. Of course you will always be ariel.

JohnM said...

Don't tell me nag-o*gy kayo? Awww! joke lang. Eto seryoso, sumakit ang ulo ko sa bekimon language mo te!

Nimmy said...

Me: "Futah ka! Sabi mo in front of our building!"


Baronessa: "Hahaha! Just kidding. Lapit na ako."


Me: "Bilisan mo vakla! Gutom na akez."


ugali ko din yan minsan. mangaasar lang. ahahah

Anonymous said...

parang nabasa ko na somewhere yung banker na nagpapayat at sya ay nag level up ng sobra. tapos ung ex jowa nya naman ang napabayaan ang sarili. frends pala kau. hope masarap ang food sa lunch date nyo.

Ms. Chuniverse said...

@Bien....Opkors! hahaha! :)



@JohnM.... Eeeeeeewwww! Hahaha! :) Ako rin, in-effort ko yang beki language na yan. :)



@Nimmy.... Aha! Isa ka pala sa kanila. Hahaha!



@Anon.... Malamang! Hihihi! :)

Seriously Funny said...

The Adventures of Ms Chuni and Her Sosyaling Court! Hahaha!

Anonymous said...

Kailan..kailan...ang karugtong....tutong..utong....:=)

Danny said...

wagi talaga ang post na ito...

Anonymous said...

pwede makilala si galandriel..parang gusto ko sya makilala..im an engineer also miss chuni..baka gusto nya lang din.. alex.tecala@gmail.com

Meowfie said...

where is the second part :(

Anonymous said...

Te, nasaan na yung continuation?

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments