Ang Bangungot ng Lolah Mo
*******
Nagpatawag ng immediate family meeting si Baby Bro sa balur ni Madir.
So, gorabels naman akez kahit naka-curlers pa ang hairlalu ko.
Aba, ang Adoray, nauna pang naupo sa dining table.
Me: "Excuse me, since when tayo naging related?"
Adoray: "And why is dat?"
Me: "Coz this is a family meeting. And I don't recall na may kafatid akong chipmunk."
Chos!
Adoray: "Tseh! Madam, mas mukha pa nga akong family member compared sa 'yo. Mas mukha akong normal!"
Bruha talaga! Hahaha!
Me: "I mishu Adoray..."
Adoray: "I mishu too madam..."
At nag-beso ang dalawang adik.
Me: "Punta ka sa balur sa weekend."
Adoray: "Baket madam? Isasama mo na ko? Na realized mo ng kailangan mo ako?"
Me: "Uu, for the weekend lang. Linisin mo ang bagong balur ko."
Adoray: "Tapos ano? Ano ang mapapala ko? Ganyan ka naman eh, I was never a partner to you, I was only your tsimini-a-a!!!"
Me: "Gagah, bibigyan kita ng passes ng Metro Manila Filmfest! Lahat ng movie na kasali. Hodevah, sushyal!"
Adoray: "Talaga?!? Showing pa ba ang filmfest madam?" excited ang bruha.
Me: "Oo naman, delayed kaya ang filmfest sa Sorsogon."
Char.
At kasabay ng isang irap, tumalikod na ang lukaret.
So, nandun na si Madir, si Padir, si Sisterette at ang kanyang Hubby at si Younger Bro at si Baby Bro - ang aming youngest.
At tama ang kutob ko, hindi magandang balita ang magaganap sa family meeting na itetch.
Mag-a-asawa na si Baby Bro!
Sa sobrang bigla, naisubo ko lang ang hindi pa natsa chop na crispy pata. And i realized how stretchable my mouth can be. Char.
Nag-flashback lang sa isip ko ang mga previous Senate inquiries at Congressional hearings kung baket single pa ang inyong lolah!
Homaygash! Ayheyt weddings, kung hindi ako ang bride. Ayheyt binyag, kung hindi ako ang ina ng bibinyagan!!!!
Ayheyt it! Ayheyyyytttt it!!!!!
But impeyrness masarap ang crispy pata ha.
Char.
And being the eldest brother at 21, napo-forsee ko na ang mala-machine guns na tanong (at insulto) left and right na ibabato sa akin pag lumabas na ang press release ng naka-ambang wedding bells ni Bunso!
Tinalakay ko na ang issueng 'yan sa previous blog entry ko.
Na depress ako.
The pamanhikan was immediate as well as the wedding date.
Teka, may advance deposit na ba si Baby Bro sa dyowa nya kaya nagmamadali?
Ewan. Hindi ko na problema 'yon. Ang problema ko ay kung paano ko mami-maintain ang grace under preysure habang ginigisa ako sa mga katanungang...
"Ikaw Chuni, kailan ka mag-a-asawa?"
Homaygashhh! That is soooo.... blasphemous!
Sa March na ang wedding ni Baby Bro.
And worst, i haven't decided kung sino ang tatahi ng gown ko. I just couldn't think, you know.
Everyone is going gaga, specially my sisterette who happens to organize weddings and parties kaya sya na ang in-charge sa venue, caterers and other suppliers. My madir, at 55, ay mas bet pa yatang maging bridesmaid. Char.
It's gonna be a big wedding. About 600 guests. Yun ang gusto ng pay-rents, perstaym nila kasing magpapakasal ng lalaking junakis.
Since sila naman ang gagastos so kebs na lang.
Pero hinde! Assuming 10% ng 600 guests ang mag-tatanong na lang sa akin, kung baket wala pa akong asawa at kung kailan eh di nasa 60 tao rin 'yon.
At mas lalo lang akong na-depress, 'coz old rose ang motiff. And i look better in pastel colors. Chos!
Pero I have plans.
Pers, after the wedding ceremony sa Church, hindi na ako go-gorabels sa reception. Magkaka-migraine ako ng vonggang-vongga at mag-di-disappear na lang! Hindi ko lang alam kung papayag si Madir sa aking disappearing act.
Pumasok na rin sa isip ko na mag-out-of-town, or out-of-the-country or kahit out-of-the-world pero this early, sinabihan na akez ni Madir na 'wag na 'wag akong mawawala sa kasal ni Baby Bro.
So, naisip ko, kumuha o 'umarkila' ng isang dyowang bilat on the day of the wedding.
Oo, isa lang, kasi kung dalawa ang kukunin ko, baka mag-mukha na kaming grupo ng Destiny's Child 'noh. Ay, bet ko pa namang maging si Beyonce! Char.
Dapat maganda ang bilat na magpapanggap kong dyowa, syempre bata at sariwa din 'noh. Para pag nag-tanong ng "Oh, ikaw, kailan ka mag-aasawa?"
Pwes, sasagutin ko na lang sila ng vonggang-vonggang "Uy, pare, bata pa kasi itong GF ko, (sabay kiss, eeewwww!) kaka-18 lang, hindi pa sha ready. Hehehe!"
Chos!
Haayyy, kadiri!!!! Kinikilabutan ako! Pero magandang excuse 'yan devah? At ako pa ang kai-inggitan ng mga barako at babaero kong mga pinsan. Wish ko lang kayanin ng bangs at sikmura ko ang pagpa-panggap.
Pero dapat hindi madaldal ang bilat at baka madulas kami sa role playing.
Dahil dyan, "Ah-huh" lang ang kanyang script.
Oo, kahit ano ang itanong sa kanya, "ah-huh" lang ang sagot nya.
Di bale ng magmukha syang tanga. Refutasyon ko ang nakasalalay and that my dear is, priceless.
Char.
And ang last and final plan ko will not need any explanation. Bago pa man magsimula ang reception, ako ay magta-transform bilang isang ganap na Dyosa with matching production number.
Parang si Manila Luzon lang....
And my production number will be more dramatic, magdi-descend lang slowly ang lolah nyo from the ceiling of the reception venue kasabay ng mga rose petals at fake smoke.
Oo, parang Dyosa lang talagang bumaba kay mother earth!
And i'll probably have 12 back-up dancers para ma-occupy ang dance floor and yes, may mga lifting-lifting din, devah!
After my performance, i'm sure wala ng Q&A portion kung kailan mag-aasawa ang lolah nyo.
Because the answer is YES....
As in yes, i will die a virgin.
Char.
Ang tanong lang,...
Will I be held criminally liable kung atakihin sa fuso ang pay-rents ko after the performance?
Chos!
:)
*********
40 comments:
hongdami ko na namang tawa dito! naku! galingan mo ang pagpili ng magiging kasama mong bilat miss chu! dapat fit for a queen din ang magiging lady in waiting nya! teka, baka pwede mo naman pakita samin ung picture nung gurlalu para ma-compare namin sayo? choz!
@Jeni.... Ay, magkakaroon ng go-see para sa mga aspiring bilats. Hihihi! Chos! :)
miss chuni, bakit hindi magpatahi kay Inno Sotto ng gown nasusuotin mo. Para bagay sa personality mo na mahinhin, demure, virginal, malinis. Parang si Shalani Soledad lang. ang hirap pala mambola ano? nyahahahaha
try mo din magrecord ng sasagutin mo. para hindi ka pagod kakaanswer sa lahat ng magtatanong. hahahaha. goodluck miss chuni. :P
Miss Chuni hindi ba sila magtataka at lalong magtanong na bakit ngayon mo lang sila sinabihan about your bilat? haha
ang suggestion ko lang dapat hindi lang maganda at sexy ang bilat, dapat smart, witty at hindi tactless para hindi mapurnada ang mga plano..since malapit na ang wedding, start the screening of bilats na! ahaha
Tas when they call for all the single men and women, yun mapapayosi akong bigla nang di matawag sumali. Buti sana dun ako sa mga bilat na makikipagagawan sa itatapong bulaklak.
Oo nga naman, Ms. Chuni, kailan ka ba mag-aasawa? naunahan ka pa ng bunso mong kapatid? :)))
@Jepoy.... Bet ko yung recorded message na 'yan! :p
@Jenny... Pag shunga kasi ng slayt, sila na rin ang magsasabi sa aking... "uu nga, wag ka munang mag-asawa." hahaha! :)
@DSM.... Ay, totoo yan. Naghahanap na akez ng mapagtataguan. Hahaha! :p
@Koro... Pag mature na ang dede ko. Chos! :)
O kaya, rehearsed line ang sagot: "Kapag legal na" hehe,
@HRH Queen Chuni: PRICELESS.. hmm.. sa recent posts namin ni C andun ang word na yan..
ay, parang uso ang word na yan lately... pansin mo?? wahahah! : --- "Di bale ng magmukha syang tanga. Refutasyon ko ang nakasalalay and that my dear is, priceless."
get ready for the barrage of questions Chuni he he ... ako napagdaanan ko na yan ... graduate na ako sa mga ganiyang eksena ... napagod na lang sila sa katatanong na hindi ko naman sinasagot but only with a silly and wide smile and grin he he he ... kaya wala nang nagtatanong at this point in time ... at 40 di pa ba nila alam ang real score ko ? ... saang planeta sila nanggaling huh ? ...
miss chuni... hmmm baka naman its the time na para kayo ay mag-"OUT".
pero ipapramis nyo sa payrents at braders nyo na kahit "OUT" na kayo isa pa rin kayong barako at walang magbabago sa inyong physical na katangian...
for sure di sila aatakihin....
malay mo miss chuni isa pa lang patibong ang wedding para umamin ka chosss!!!!!
:)
suggestion lang.. :)
@Anon.... Pwede! Nag iisip na nga akez ng barakong answer. Hihihi! Chos!
@Nate.... Yes my dear, tayo na ang priceless at may priceless moments. Hihihi! :)
@Edgar... Gathering din kasi ng mga etchoserang froglets ang wedding, binyag at reunions. Hahaha! :p
@Anon.... Napaka-galang mo naman. Hihihi! Seriously, i really am not ready to come out. Perhaps, pag ulila na siguro akez. :)
parang naiimagine ko na ang mga eksena ngayon pa lang. My Binondo ang peg miss chuni with tha panggap panggap moment! hehehe anyway Goodluck at sana maging bongga at maayos ang lahat. Magbarong ka man, para di halata wag mo pabayaan ang iyung title bilang Dyosa by wearing Victoria Secret's underwear!
@Bleeding Angel.... Dali, ikaw na lang escort ko. Hihihi! And by the way, hindi akez nag-a-underwear. Hihihi! Chos! :)
hahaha! yan din ang masaklap na tanong ng mga kamag anak ko! kaya iwas din ako ng family gatherings!
goodluck sa wedding na yan!
Mademoiselle Chuni, ang daming guest, 600 talaga?
Attend ka nlng ng reception pero sa simula at katapusan ka lang magpakita... parang Alpha and Omega lang yung drama! ☺
Aabangan ko ang mangyayari sa kasal na yan Ms. Chuni :)
Ako na lang! Haha.
Sana makakuha ka ng stolen ng mga gwapong barako. :)
@Mac... goodluck sa akin. :)
@Brian.... Yup, ganyan kadami magpakasal sa province. :)
@TonYam..... Ako, hindeee! hindeeeee!!!!!! Hahaha! Chos! :)
@Aike.... Ay uu, legal na ang pag-gamit ko ng cam nyan. Hahaha! Chos! :)
parang na fi-feel ko rin ang pressure para sayo miss chuni... hahaha
after 48 yrs nabuksan ko uli to...
sayasaya ko lang...
site is blocked kc lage...
buti na lang OUT na ko...
gudluck sa QnA portion Ms Chuni hihihi...
congrats sa kapatid mo.
ermmm di ko alam kung paano ka babatiin. :P
ay..na miss ko si adoray...choz.
go..pakasal na na din chuni ..
~marc
may naghahanap p b dyan ng matinong karelasyon?
grabe binasa ko uli yung nasa link in its full glory. if my memory serves me right, eto yata ang entry mo na first time ko nag-comment. o diva ibang iba ang replies mo nun, very virginal hahaha
time flies..
Ganyan k na mag salita wala pa ba nagdududa sayo???? Ngek??
Baka mas magulat kung may kasama kang bilat???
@Wizzdumb... Sabi ko na nga ba, ramdam mo. Hihihi! :)
@Garampingat.... Welcum back 'teh. :p
@Gillboard.... Hahaha! Happy fiesta na lang. Chos!
@Marc... Na-miss ko rin ang bruha. Hahaha!
@Anon... Try mo ko. Hihihi! :)
@Bien... Oo mare, binago na ako ng panahon. Hahaha! Chos. :)
@Anon.... Ay, you don't know me my dear. Hihihi! :)
pinakamagandang props ang camera. when they started to ask eh just say lang na kukunan mo muna sila ng picture. kapag nangulet sabihin mo madami ka pang pipicturan sabay paalam at alis. haha.
hahahaha mamatay ako kakatawa dito sa bahay mo!! lels!! naunahan ka pa ba ni baby bro?! ayy churi churi just take it as a happy family wedding affair wag isiping naunahan ka PRETEND!! hahahaha
@Juan.... Korek na korek ka dyan! Thank you! Yes, ako na ang designated cameraman/videographer/lighting assistant rolled into one beautiful divah! Hihihi! Will do dat! Thanks! :)
@Quin.... Pero hindi ko maiwasang ma-conscious. hihihi! Chos! :)
inabot ako ng more than 30 minutes catching up on your posts at sumakit ang brain ko sa kakatawa.hahaha---oi.pa-sleep over naman sa condo ng friend mo na ikaw ang nagmamay-ari ng 1.5 years for free.ikaw na!!!!at naka bb ka pala---anu PIN mo?akin na dali!!!lols
mag-asawa ka na rin kasi miss chuni...piliin moh lang yung shunga para di ka ma besto...dami nyan jan sa tabi...
Jake
miss chu!
tara! pakasal na tayo. sa las vegas.
ms chuni, ganyan ka makipag-usap kay Adoray sa harap nila? e hindi kaya nara-radar ka na ng family mo kasi ung mga salita nio ni Adoray? or, sa tingin mo kaya hindi ka binubuking ni Adoray sa parents mo kung anong totoong kulay ng dugo mo?
Homaygesh Ms. Chuni. Keri lang naman na magpanggap na may belatsina kang jowabels, but wouldn't it be more ok if you will just tell them the truth? I've been in the same boat as you are when my brothers got married, but I decided to tell the truth and goodness hindi naman sila inatake sa puso. But they disowned me as their son and accepted me as their daughter.
Napanood mo na yung pinoy video na horror version ng I will always love you? Yun ang bagay na production number!
Ms. Chuni, madali lang yan. Pag may nagtanong sa'yo kung kailan ka mag aasawa, tingnan mo cla sa mata ala Ate Guy, tapos kantahan mo nong theme song ng Mulan na may linyang "Look at me, I will never pass for a perfect bride or a perfect daughter..."
Tingnan natin kung mag tatanong pa ulit yon. Lol!
- Brixxx
Di ko kinaya ang pagpanggap na may jowabels na merlat mars! Hahaha.
hahaha hiring someone para maging jowa good luck madam..
kaya ako para akong DH kasi di ako umuuwi sa province kahit na 2 hrs lang byahe kakawindang kasi mga tanong ng familya.. kakahaggard..
GOOD LUCK MADAM sa pl.ano mo :)
21? chosera! hahaha!
Post a Comment