Kumpirmasyon: A Short Story


Matagal na ng huling pumunta sya sa sinehang 'yon.


Pero parang wala pa ring ipinagbago.


Madilim. Mainit.  At puno ng nagpa-paroot-paritong mga parukyano.  Tila mo'y mga gamu-gamo silang naglisaw at umi-ikot sa munting liwanag ng lamparang kinahuhumalingan. Walang direksyon, walang kapaguran.


Pero bakit nga ba sya nagbalik dito?


Marahil ay nais nyang balikan ang dating kanlungang nagsilbing mundo nya noong panahong sya ay naghahanap ng pagtanggap.


Iyon nga ba ang dahilan?


O baka naman umaasang matatagpuan ang isang nilalang na dati ay dito rin nya namasdan.


O nais lang nyang patunayan sa sarili na sya ay tatanggapin pa rin sa kabila ng ilang taong lumipas na kabataan.


Pagbungad pa lang sa entresuelo ay may mga kalalakihan ng nakatayo... tila naghihintay.  Lahat ng mga mata ay nabaling sa kanya na para bang tina-tantya kung papasa sya sa kanilang panlasa.


Dire-diretso syang tumuloy sa loob. Sumandal sa haliging natatapatan ng maingay na electric fan.


Ilang sandali pa lang syang nakatayo ng may lumapit na lalaki sa kanya at tumayo sa tabi nya. Walang sabi-sabing hinawakan nito ang kanyang kaliwang dibdib at nagsabing...


"Serbis Sir?"


Tiningnan nya ang mukha ng lalaki.  Sa kabila ng dilim ay nakatulong ang munting liwanag mula sa maliit na pulang bumbilyang katabi ng electric fan upang aninagin ito.


Kung ihahambing sa ibang mga parukyano ay may taglay na kakisigan ito. May katangusan na ilong, bilugang mata at makapal na labi.


Nginitian nya ito at sinabing..."Sorry, pare 'di ako nagpapa-service." 



"Wan pipti lang Sir. Magaling ako. Di ka magsisisi." Pilit ng lalaki.




Muli nya itong nginitian at nagpa-alam.   Naglakad sya papunta sa kabilang bahagi ng sinehan.   Muli ay sumandal sya sa haligi at ipinako ang tingin sa pelikulang ni hindi nya napansin kung ano ang titulo.


Lumang pelikula. Magaspang ang kalidad. Sa halagang P80.00, hindi ito ang binayaran ng mga parukyano.


Aliw.


Nang tuluyang masanay ang kanyang mga mata sa dilim, nagpasya syang umakyat na sa itaas na bahagi ng sinehan.


Doon karaniwan nagaganap ang libreng ligaya.


Bawat paghakbang nya, may mga nakakasalubong syang ilang kalalakihang nagpakita ng interes.  May huma-haplos, may huma-hawak.


Sinuklian lamang nya ng ngiti ang mga ito at diretsong naglakad.


Napansin nya ang isang lalaking nakatayo sa pinaka-taas na bahagi.


Tinahak nya ang direksyon nito.


Lumapit sya at tumayo sa tabi nito.


Naka-sando ang lalaki. Nasa 28 ang edad. May taglay na kakisigan.


Tumingin sa kanya ang lalaki.


Nginitian nya ito.


Parang sinisipat ng lalaki ang mukha nya.


Umismid ang lalaki.  Umiling-iling na may halong pangku-kutya.


Nakadama sya ng kurot sa pagka-tao sa ginawa nito.


Ganon ang kalakalan ng sinehan.  May tuma-tanggi. May tina-tanggihan.


Ngayon sya ang talo.


Tanggap nya 'to.


Nilisan nya ang lalaki  at naisipan nyang maupo na lamang sa gilid ilang dipa ang layo mula sa lalaking ito.


Paminsan-minsan ay nililingon nya ang lalaki na ilang beses ring nilalapitan ng iba.


Nakita nya ang mga magaspang na pag-tanggi nito. Yung ilan ay itinu-tulak pa.


Maya-maya pa ay umalis na ang lalaki.


Muli ay tumayo sya at bumalik sa pwestong kanina'y ino-okupa ng lalaki.


May isang lumapit at walang sabi-sabing hinawakan ang kanyang gitnang bahagi.  Marahan nyang inalis ang kamay ng lalaki at nginitian ito kasabay ng pag-tanggi.


Ilang minuto ang lumipas, may umakyat na isang binatang naka-puting t-shirt at maong na pantalon. Kasunod nito ang naka-sandong lalaki na kanina'y magaspang na tinanggihan sya.


Nakatingin ang lalaking naka-t-shirt sa kanya. Tumayo ito sa tapat nya.


Tumitig sya sa lalaki.


Noon nya natanto ang kakisigan nito.  Di hamak na mas makisig ang lalaking ito sa lalaking naka-sando.


Humakbang ng isa ang lalaki.


Halos magka-dikit na ang katawan nila.


Tumayo ang lalaking naka-sando sa tabi nito at niyakap ito.


"Tara, doon tayo, iwan mo na yan..." ang sabi ng naka-sandong lalaki.


Pero tiningnan lamang sya nito at muli ay ibinalik sa kanya ang maamong tingin.


Nagtitigan sila.


At walang sabi-sabi'y hinalikan sya ng lalaking naka-t-shirt.


Matamis ang halik.


Na naputol ng muling hilahin ng lalaking naka-sando ang gwapong binata.


Hindi nya alam kung makikipag-hilahan ba sya at aagawin ang binata mula dito.


Pero nagsalita ang binata at tinanong sya.


"Gusto mo ba syang kasali?"




Nagulat sya pati na rin ang lalaking naka-sando.


Tatlo.


Magkasalo.


Hinalikan nya ang lalaking naka-t-shirt.


"Ayoko ng tatlo. Gusto ko dalawa lang tayo."




Tumingin ang lalaking naka-t-shirt sa naka-sando at nagsabi... "Sorry, ayaw nyang kasama ka."




Natigilan ang lalaking naka-sando.


Hindi sya handa sa ganoong kaganapan.


Pero bago tuluyang umalis bumulong sya sa lalaking naka-sando at sinabing...


"Oh, choosy ka pa kasi 'teh. Oh di ngayon knows mo na kung sino sa atin ang mas maganda."


Sabay walk-out with the boylet.


The end.




posted under , |

27 comments:

Jenny said...

a short, random story na hango sa buhay mo ba ito Miss Chuni? :P hahaha

aboutambot said...

Ang bilis ng karma ni "lalaking nakasando." Winner ang bumalik sa sine, parang ikaw lng, Miss Chuni! Hindi kaya ikaw nga yon?

Ms. Chuniverse said...

@Jenny.... I would like to invoke my right against self-incrimination. Char. :)



@Ambot.... No comment. Hahaha! Chos. :)

@nubadi said...

in short, wala pa ring kupas ang iyong alindog MissChuni. pero sana masusulat din ang mga nangyari na sumunod. gusto ko malaman paano nagcecelebrate si MissChuni sa kanyang victory. hahaha. you never fail to make me smile, MissChuni.

Ms. Chuniverse said...

@Nubadi... Uu, walang expiration. Hahaha! Etchos lang. Sige, try nating gumawa ng victory post. hihihi! And thank you for dropping by uli. Mwah! :)

garampingat said...

ikaw na tlaga teh...
ambunan mo nmn ako ng yong ganda hihihi....

Aristotle said...

sayo na ang korona! sana tinuloy mo na ang story at i-narrate mo kung paanong lahat ng tao sa sinehan ay nagtulong tulong para itirintas ang mahaba mong buhok! hahaha!

Anonymous said...

I like your story. Sometimes when you provide us with deep, profound stories, you show us a glimpse of your life: half lost, half contented, but always waiting to be found.

And you never fail to twist it with your funny antics. :) -Atty.Mico

Ms. Chuniverse said...

@Grampingat... Ipahihiram ko sa 'yo ang mahiwagang kamison. chos! Dinaan ko lang sa foundation 'teh. :)



@Aristotle.... Sige, sa part 2. Hihihi! :)



@Atty. Mico... Alam mo tama ka, profound talaga ako. Ayaw lang maniwala ng iba. Ewan ko ba. Hihihi! Thank you. :)

JC said...

fierce exit! hahaha. lavet!

koro said...

Hahaha.. totoo ba 'to? Buti nga dun sa naka-sando hahaha. Ano kaya ang nakita nung naka-tshirt dun sa napili nya? :D

Ms. Chuniverse said...

@JC.... Lukaret lang yung bida. hihihi! chos!



@Koro.... Syempre oozing alindog 'noh. Hahaha!

bien said...

Baclaran, Cubao o Recto?

Anonymous said...

magingat kay aida macaraig

Anonymous said...

Makisig din ba ung lalaking bida (na pinili nung naka-tshirt)?

Ms. Chuniverse said...

@Bien... As usual, BC 'teh. :)


@Anon... Uu, mag-iingat daw sya. Hihihi!


@Anon.... Parang. Hahaha! Chos! :p

E.R. said...

Hahahahahaahahah! lahat na lang ng post mo napapatawa ako ng malakas, kahit nasa office ako!

ang haba ng hair ni ate haha

mickel said...

#fact

NicoRobin said...

Ukie larn yan teh, there are too many fish in the sea

Anonymous said...

ayyy!!! winnur teh! lupet ng narration! haha
jake

Anonymous said...

Naka-relate ako. Pero Cubao ang venue ko.

Diwang Bughaw said...

Winner na winner ito, teh! Luvet! Luvet! Luvet!

Bee Goddess said...

I have been an avid reader. Dahil sayo Chuni, Bumalik ako sa pagbablog. I have realized what I have been missing.. An OUTLET for my hidden emotions.

Care to read my posts? I have written 3 posts so far :D

Anonymous said...

parang imbento n lng to..

Lasher said...

Pak!

Mirisi!

LOL!

Anonymous said...

last march (during my yearly vacation) na-bisita ko rin ang BC....

me lumapit din sa akin....serbis daw...ang drama, kelangan lang daw nya ng pamasahe....tinanggihan ko kc di ko feel....kahit magkano lang daw....malaki naman daw yung kanya....tapos later on talagang pinahawakan pa nya sa akin....

yun na....yun ang pagkakamali nya....

the nerve na sabihin na malaki ang kanya e....mas malaki ng di hamak yung sa akin!!!

walk out ako bigla.....

jomari said...

lupit teh! karma nga naman. pero thinking back, hirap humanap ng "lost youth and glory" but sometimes you get lucky hahahaha try and try until you succeed! that's the spirit!!! go go go gurl.

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments