Weekend With Adoray
At dahil wala naman akong gagawin that weekend, at Mothers Day na rin, naisipan kong umuwi ng balur ni Queen Mother.
So tinawagan ko si Adoray.
10:30 am.
Me: "Adoray, paalis ako ng Makati, uuwi ako ngayon dyan. Hindi na ako magbi-breakfast at dyaan na ako magla-lunch. Gusto ko, ipagluto mo ako ng peyborit ko ha."
Adoray: "Sabihin ko po ba sa nanay nyo?"
Me: "Baket, nanay ko ba magluluto?"
Adoray: "Pwede naman, u-utusan ko sya."
Me: "Gaga! Gusto mo talagang mawalan ako ng mana 'noh?"
Char.
Adoray: "O sige, madam, pero i need a favor."
Me: "Ano 'yon?"
Adoray: "Pabili naman ako ng latest issue ng Time Magazine."
Amfotah! Tuma-Time Magazine pa. Nahiya naman ako. Char.
Dumating ako ng balur ng 12:30 pm.
Gutom na gutom.
Me: "Adoray, nasaan si Queen Mother?"
Adoray: "Nagpa-foot spa."
Me: "O sige, heto ang Time Magazine mo. Maghain ka na, gutom na gutom na ako."
Adoray: "Madam, hindi pa luto."
Me: "Bakeeet? Eh kanina ko pa sinabi sa 'yo na dito ako magla-lunch ah. Hindi nga ako nag-breakfast devah?"
Adoray: "Eh kasalanan ko ba yun? Eh sabi mo ipagluto ka ng peyborit mo."
Me: "Baket, adobo ang peyborit ko. Mahirap ba 'yun? Matagal ba yun?"
Adoray: "Ayyyy... adobo ba? Akala ko kasi...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.... di bale Madam, 2 hours na lang luto na sha. Ang hirap kasi magpa-uling!"
Char!
:)
15 comments:
akala ko isang masarap na lalaki ang nakatuhog, letchon pala hahaha
Yah, ako din, yun din ang ine-expect ko, ahahaha,.. just like what youVe said before hindi naman kasi food blog itong blog mo, thats why,...
pero in fairness effort si adoray jan kaya wag mu na lng xang pagalitan, lakas lang maka piyesta!..
@Jenny... Hehehe! Parang ang hayok lang sa lalaki ng peg ko ha. chos! :p
@NicoRobin.... So dapat lalaki talaga? :) Uu naman, na-appreciate ni madir yun. hahaha!
Pareho kami ng naisip ni Jenny. Ineexpect ko lalaking nakahiga sa kama with rose petals and candles. Haha.
.
.
Joke lang. Labyu Ms. Chuni. Mwaah!
-DB
ayun! si Adoray, I miss Adoray.
@HRH Queen Chuni: ang dame kong tawa.. ahahaha! :P
sino naman kaya ang kakutsaba ni adoray at nawawala ang malutong na balat sa bandang pige ng lechon ... pa imbestigahan na yan!
-Red
ambongga talaga ni adoray miss chuni! hehe! pero siguro nga mas maganda kung lalake na lang ang inihain nya sayo.. di mo na siguro mapi-feel ang gutom mo nun! LOL
Hands down na ako kay Adoray, Mademoiselle. Love ka nga nya. Solo ba nyang ni-prepare yung lechon? Ay teka, bawiin ko ang unang statement, masama ata ang balak ni Aodray sa'yo at pinatataas ang cholesterol mo Hehehe ☺
miss chuni may account ba kayo sa pr? :D
Eh di bongga, pakk!..
laugh to d max ako pag si adoray na ang bumanat..di keri ni miss chuni!!!
kitang kita ang ebidensiya na gutom na gutom ka na....
kumurot ka na ng balat oh!
tsk tsk
Akala niya kasi favorite mo ang... pag subo? Char!
hanep sakit ng tyan ko sa kakatawa at napakoment ng tuloyan....
it made my day ms. chuni
racer
Post a Comment