Mga Pagbabago



Maraming pagbabagong naganap sa mga frends ko lately.




Si JR, may bagong Singaporean dyowa. Pulis-pulisan lang ang peg. Hooongshusyal devah?  And not only that, may bago syang condo.




Wala akong kamalay-malay dahil habang mahimbing akong natutulog, biglang nag ring ang intercom.




So, kahit antok na atok pa ang lolah, bumangon sya at sinagot ang intercom na obviously ay from Guardo Versoza.




Me: "Haller? Makikipag SOP ka na naman sa intercom? O sya, panty lang ang suot ko. Ready?"



Guardo Versoza: "Hahaha! Not tonight Madam Sleeping Beauty, may ini-expect ho ba kayong guest?"




Me: "Uu, si Brad Pitt."



Guardo Versoza: "Ang tanda na nun Madam! Pero hindi po si Brad Pitt ang nandito sa reception. Maitim po. Parang 50 shades of grey."




Hmmmm... wala naman akong in-order na morenong masseur.




Me: "Sinetch daw sya?"



Guardo Versoza: "JR daw po."



Putang inang bakla ito!  Nandito na naman sa Pinas? Eh kakauwi lang nyan last month! Buwan-buwan yata umuuwi!



Me: "Paakyatin mo na. And by the way, wag kang magpapa-hipo sa kanya."



Guardo Versoza: "Ay, nahipo na po nya kanina pa."



Amfutang JR talaga, basta gwardya!



So ayun, umuwi nga ang bakla dahil turn-over ng kanyang condo sa Davao City.








So instead na dumiretso ng Davao, sa Manila muna dumaong ang bakla.  At kahit Myerkules ng gabi yon, wala na kaming tulugan sa kwentuhan.  At yun nga confeermed na may bagong dyowa ang baklita.  Chinitong makinis na pulis-pulisan ang papa. Hoooongswerte ng bruha.



I-uuwi ni JR sa Pinas ang dyowa nya sa January.



At ipapakilala nya sa akin. Ako, bilang bridesmaid sa impending wedding nila.



Wish ko lang, hindi mangati si JR between today and sa January.  Or else, walang kasalang magaganap.



Lels.




*************


Si Raki ay may bagong work overseas.



Na-assign nga sa Middle East ang bruha. At nag flylalu na sya the other day.  Aymshure, pagkakaguluhan ang hitad ng mga arabong sabik sa exotic pet. Lels.



And aymprettyshure, sila ang susuko sa surviving relative ng mga Homo Habilis.



At pag-uwi ng bakla next year, wala na syang malolokong virgin pa sha.



Lels.




*************


Si Friendship naman ay may bagong toy.



And for the perstaym,  hindi sya boy toy.




Parang ganitey lang.


















Hooongtaray devah?




Ang lakas maka-tomboy!




Lels.




Uu, kinarir ng baklita ang pagmo-motor.




Frustrated tricycle driver kasi sya dati.




Eh since, hindi sya natanggap sa MANDATODDA (Mandaluyong Tryicycle Operators and Desirable Drivers Assoc.) -  nag join na lang ang baklita sa Yummy Riders Chorvahan group.




Tinanggap naman sya.




Wala kasing makuhang Muse, kaya sya na ang nag volunteer.




At saka hindi naman bukelya na half-man, half-vacuum cleaner ang lolah so pasok sya sa group.




**************



Well, ako naman.




Maliban sa 2 fine lines sa aking noo, wala ng bago.



The End.




Hahaha! :)



Mga shufatid, follow me on Twitter:  https://twitter.com/MissChuniverse ! :)






posted under |

26 comments:

Francis Balgos said...

na miss ko tong blog mo ah! ;)

Anonymous said...

My gulay, after 20,000 years Madam. :) -AttyMico

Anonymous said...

buhay pa pala ang reyna!!

LJ said...

Ms Chuni! Ang tataray talaga ng mga friends mo. :D

Moon Sung-Min said...

kamustasa kalabasa naman ang once a month update?? hahaha.. I miss you ms.chuni!

Wizzdumb said...

nagising!!! sinong prinsipe nag kiss kay sleeping beauty?

Cute Desert Boy said...

naku si Raki baka nandito lang pala tabi-tabi.

Dyosa said...

namiss kita Madamme...

Parang alam ko kung saan nagmula ang fine lines sa noo...

epekto ba ito nung mga nakaraang events sa buhay?

Mac Callister said...

Nakakatakot ang bike! Baka masira ang beauty nya!

Kodo said...

na miss ko mga post mo miss chuni!

Anonymous said...

Wellcum back Miss Chuni. Sobra kitang namiss. Pa-hug.

--Discreet Pasigueño

~Carrie~ said...

Hahaha! you're still funny as ever, miss chuni

Meowfie said...

ingat pouh mam chuni!

joanne said...

E bakit may fine lines? Ipa-botox na yan agad agad! Natawa naman ako sa convo with manong guardo versoza..

huwana said...

hooooongtaray ng blog mo! haha!

Anonymous said...

really like your blog....ask lang ako. Yung film na Masahista, totoo ba talagang may mga massage parlors sa Manila na nakahubad ang masseur while minamasahe ka? Sarap naman...Saan yun?

Anonymous said...

Miss chuni, may gift ako sayo :)

http://www.youtube.com/watch?v=eqHZywFSa1c&feature=plcp

ELAY said...

your post has quenched my undying thirst for your blog's updates. :)

Anonymous said...

d2 n aq s middle east ms chuni. c u nxt year

raki

Anonymous said...

hi ms chuni.. i miss r gimiks.

raki

Anonymous said...

miss r gimiks ms chuni

raki here

Ken Benedicto said...

You never fail to make me smile Miss Chuni, share ka naman ng experiences mo sa pag visit mo dito sa Bacolod! :)

Anonymous said...

Ηеllo! I coulԁ hаνe sworn I've visited this website before but after going through a few of the posts I realized it's new to
me. Anyωays, I'm definitely pleased I came across it and I'll bе bοok-marking іt
and сheсking baсk frеquently!
My site DealDash

Anonymous said...

thanks for sharing.

Anonymous said...

Hi Miss Chuni,

Sayang, di ko man lang nakita ung bel-ami entry mo.
Confirm na, sasama sa akin ung singaporean pag-uwi ko ng pinas sa jan25-27. ito ung itenerary namin:
Jan24-Manila
Jan25-Boracay
Jan26-Iloilo
Meron na kaming ticket, pwede ba kami jan magpalipas ng 1night sa place mo on jan24? thanks in advance.

JR

Anonymous said...

laughing out loud at maliban sa 2 fine lines sa noo... :)

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments