Byaheng Singapore

Nag-lamyerda sandali ang reyna sa Singapore recently. Pinagkalooban kasi sya ng budget ng kanyang benefactor.

Since pang-ilang byahe na rin (ang taray pero puro ASIA lang naman. Hahaha!) medyo sanay na aketch.

Hindi na ako gumigising ng madaling araw sa sobrang excitement. I’m way over that phase dahlin’. Dahil may budget, hindi na ako nag-travel agency. I bought my tickets online. Nag-canvass ako sa PAL at isinama ko na ‘rin ang Cebu Pacific for comparison. I was about to book sa PAL ng ma-isipan kong I check muna ang Singapore Airlines. Shock aketch! Mas mura pa sila sa Cebu Pacific at PAL!

Sa PAL, 256 USD or P11,801.60 sa P46.10 na exchange rate.

SA Singapore Air na voted as one of the Best Airlines ay 152 USD lang!!! or P7,008.12

Both prices ay para sa roundtrip ticket fare na.

Bigla akong book ng flight sa Singapore Airlines. Ay naku, naka-tipid din aketch ng P4,793 pesosesoses at Singapore Airlines pa ‘yan ha!

Online, nakapili na rin ako ng seat number at gusto kong in-flight meal. I chose a seafood platter. Feeling diet ang bruha. Hihihi! At ang pag check-in, online na rin! ‘Di ko na kailangan pang pumila pa sa counter nila sa NAIA! How convenient for a queen! Hehehe!

Pumili na ‘rin ako ng pinakamalapit pero murang hotel sa Orchard Road. Kailangan ko kasing tipirin ang budget para ‘di na ako maglabas ng sarili kong pera.

Pagdating sa NAIA, hindi na ako Ms. Punctual. Syempre adjusted na ang lola. This time, correct na ang pinuntahan kong aiport – doon sa luma. Ang hindi ko maintindihan, tayo na lang yata ang may terminal fee (P550.00) pero nuknukan ng pangit at dumi ng airport natin. Nang-gigitata ang mga CR. Saan napupunta yung terminal fee na ‘yon at hindi nami-maintain or na-a-update ang aura ng airport. Dapat vakla ang ilagay sa management dyan para gumanda.

Naalala ko na dapat pa ‘rin akong pumila sa booth ng Singapore Airlines ‘coz may check-in luggage ako. May pila na pagdating ko. ‘Yung nasa unahan ‘kong pila lumingon sa akin. My oh my. Ang gwapo at ngumiti pa sa akin. Isang cute na Indian na parang kamukha ni Eduardo Capetillo ng Marimar. Muntik na ‘kong mag-water-water right then and there.

Kung wala kayong idea sa hitsura ni Eduardo Capetillo, pwes ‘eto s’ya

Biglang lumapit yung ground attendant at tiningnan yung e-ticket ko. Nakita nya na may check-in receipt na ako kaya pinalipat nya ako sa pila ng First at Business class. Sushyal! Dahil walang pila, nauna na ako at naiwan si Eduardo. Gusto ko sana syang hintayin pero baka isipin nyang kaladkarin lang ako. Ako na ang kusang lumayo.

Anyway, binayaran ko na lang muna ‘yung Travel Tax (P1,620.00) at Security Development Charge (P200.). Kainis sa daming bayarin.

Noong boarding time na, nakita ko na naman si Eduardo. Nag smile ako at smile din sya. Hiya talaga ako to start a conversation. Unang pinapasok yung mga nasa inner part ng plane. Si Eduardo, hindi pa tumatayo. May possibility kaya na seatmates kami???? GOSHHHHH!!!!!! Kinikilig aketch! Hihihi!

Biglang tmayo si Eduardo at nakita kong papunta sya ng CR. Hindi ako sumunod. Boarding na kaya. Maiwan pa ‘ko.

Hanggang sa row na namin ang pinapa-board. Pasok na ako at pinakita ang seat number ko. Disappointed ako kasi may naupo sa tabi ‘kong babae. Meaning hindi ko seatmate si Eduardo.

Nang bigla syang dumating, hawak ang hand-carried luggage nya at nagmamadali. Huminto sya sa tapat ko. Nakatingin sya sa akin… one second… two seconds… three seconds… nagbilang talaga ako.

Kasi daw pag tumingin sa ‘yo ang lalaki ng more than 5 seconds at may eye contact talaga, it only means na interesado sa ‘yo ‘yung guy. Four seconds… Five seconds…

Eduardo: “Ahhhmmm… excuse me. I think you are occupying my seat.”

SAY WHAT!!!????!!!

Napalingon sa akin ang lahat na para bang sinasabing “you don’t belong there!”. Nataranta ako paghanap ng ticket at boarding pass ko. Tayo ako. Nakita ko sa bulsa ko. Kinompare ko yung naka print sa number at letter na indicated sa upuan, tama naman. I showed it to Eduardo. Pareho kami ng seat number. Ngumiti sya, ngumiti rin ako. Nag-ngitian kami.

Him: “Maybe it was just a mistake on their part. I’ll just ask the flight attendant to settle this.”

Me: “Or maybe we are meant to share the seat.”

In short, gusto kong kumandong sa kanya!

Ang kapal ko! Hahaha! Ngiting matamis lang uli ang isinukli nya. Dumating ang flight attendant, nakita nya na pareho nga kami ng seat number. Tinawag nya ang superior nya. Tinanong ng superior nya kung sino ang naunang umupo. Taas ako ng kamay. Present!

Nagsalita ang superior. Sabi nya sa akin.

Superior: “In that case, you can take that seat and you did reserved this seat in advance thru our website. Right?’

Me: “Yes, I did. But what about him?”

Concern ako kay Eduardo ‘coz wala nang bakanteng upuan sa E-class.

Superior to Eduardo: “ I’m so sorry for the inconvenience Sir but we will just upgrade your flight to Business Class. Is that ok sir?”

HA????!!!???

Hindi rin pala kami magkaka-tabi. Akala ko ay mas makikilala ko sya. Willing naman akong maupo sa kandungan nya kahit 3.5 hour flight ‘yon. Promise hindi ako magku-complain.

Nag-wave ng goodbye si Eduardo at sumunod na sya sa flight attendant papunta sa Business Class area.

Duguan ang puso ko.



20 Most Memorable Pinoy Movie Lines

According sa show na ANG PINAKA, these are the top 20 Most Memorable Pinoy Movie Lines…

Nag-iisip pa aketch kung paano gagamitin ang mga ito sa tunay na buhay. Gusto ko sanang gamitin kaninang madaling araw kay ex-hubby doc ang linyang

“Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”

Pero natakot aketch. Baka kasi ma carried-away din sya at syompalin ako. Masakit sa fez. Kaya ‘wag na lang. Anyway, mga vaklush heto na ang…



20 MOST MEMORABLE PINOY MOVIE LINES


20) “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?”

-Tony Santos Sr., “Sister Stella L.”

19) “Cheeta-eh! Ganda lalake! Sinungaling! Sinungaling ka talaga! Panget! Panget ka pa rin!”

Rene Requiestas and his echo in “Starzan 2: The Legend Continues”

18) “Kung hindi mo ako kayang mahalin tulad ng isang tunay na asawa, e di mahalin mo ako bilang isang kaibigan. Kung ayaw mo pa rin no’n, bigyan mo na lang ako ng respeto bilang isang tao.”

-Vilma Santos, “Relasyon”

17) Alice: “Ate, mamatay ako pag kinuha mo sa akin si Alex.”

Lorna: “Ipalilibing kita!”

Alice: “Ate please.”

Lorna: “Nu’ng inagaw mo sa akin si Alex, muntik na rin akong mamatay. Ngayon naagaw ko na siya sa ‘yo, ikaw naman ang mamatay!”

-Alice Dixson and Lorna Tolentino, “Nagbabagang Luha”

16) “Kung saan, kailan at paano ang labanan, magpasabi ka lang. Hindi kita uurungan!”

-Sharon Cuneta, “Dapat Ka Bang Mahalin?”

15) “Wala akong pakialam. Ibalik mo sa akin si Junjun! Ibalik mo sa akin si Junjun!”

-Vilma Santos, “Paano Ba Ang Mangarap?”

14) Sharon: “Ang hirap sa ‘yo, Delfin, maaga kang pinanganak.”

FPJ: “Ang hirap sa ‘yo, Georgia, huli ka nang ipinanganak.”

-Sharon & FPJ, “Kahit Konting Pagtingin”

13) “Sabel! This must be love!”

-Carmi Martin, “Working Girls”

12) “Gutay-gutay na ang katawan n’yo! Pati ang kaluluwa n’yo, gutay-gutay na rin ”

-Sharon Cuneta, “Pasan Ko Ang Daigdig”

11) “Akala mo lang wala.. pero meron!! meron!! meron!!”

-Carlo Aquino, “Bata, bata…Paano ka Ginawa”

10) “Pwede bang makausap ang asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan?”

-Laurice Guillen, “Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi”

9) “Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!”

-Vilma Santos, “Saan Nagtatago ang Pag-ibig”

8-7) “Hayop… Hayuuup… Hayuuupppp!”

-Nora Aunor, “Ina Ka Ng Anak Mo”

“Walang personalan. Trabaho lang.”

-Rudy Fernandez, “Markang Bungo”

6) Ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik"

-Maricel Soriano, “Kaya Kong Abutin ang Langit”

5) “Gaano kadalas ang minsan? Once, twice, three times more?”

-Hilda Koronel, “Gaano Kadalas Ang Minsan?”

4)“My brother is not a pig! My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!”

-Nora Aunor, “Minsa’y Isang Gamugamo”

3) “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!”

-Nora Aunor, “Himala”

2) “Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”

-Vilma Santos, “Palimos ng Pag-ibig”

At ang PINAKA MEMORABLE PINOY MOVIE LINE is…



1) “You’re nothing but a second-rate, trying hard copycat!”

-Cherie Gil, “Bituing Walang Ningning”




Hindi ka vakla kung hindi mo ‘yan nahulaan.

Mapagpanggap!

Tse!

Panel: Jose Javier Reyes, Bibeth Orteza, RJ Nuevas, Mel Mendoza-del Rosario, Galo Ador, Dado Lumibao

posted under | 5 Comments

Staff Meeting

I am currently preparing for a scheduled staff meeting on Friday. My boss decided not to be there so I have to facilitate, she reiterated:

Big Boss: “Ms. Chuniverse, do not let anyone turn this into a bull session.”

Ako pah!

Deep inside may naglalarong dialogue sa dibdib ko.

“Punyeterong J ‘yan, napaka-tigas ng ulo. Ang shonga-shongang umintindi ng instructions. Ano gusto nya spoon-feeding??? Oo, isasalaksak ko kutsara sa bunganga nya! Puro sya sa reklamo eh puro palpak naman ang trabaho nya. Hijo de puta.”

“At iyang si A, feeling nya ay boss na s’ya. Hallerrr???? Mas mataas kaya posisyon ko sa kanya. Hindi komo nag-resign ang immediate head nya ay otomatikong sya na papalit? Ambisyosa! Maghintay sya! At baka magulat sya dahil gagamitin ko lahat ng powers ko not to make it happen. Bruhang ‘to!”

“Eto namang si M, backstabber talaga. Sinabi ko ng hindi pwede, humirit pa kay Big Boss at siniraan pa ako sa staff. Huh! Tingnan lang natin ang galing mo. Pasalamat ka at ipinasa pa kita sa interview. Pero wait mo na lang hija pagdating ng evaluations mo. Hindi ka pa permanent noh! Nasa akin ang huling halakhak! Chaka ka!!!”

Huminga ako ng malalim…

There should be peace within.

Ayaw ng bull session…

Let peace be with me….

Kaya ko ‘to…

Please naman….

posted under | 1 Comments

Si Friendship

Matagal na kaming magka-kilala ni Friendship. Pa-straight pa kami ‘non…bata… sariwa… fresh grad kaya hindi na ma-ituturing na kolehiyala.

‘Eto ang kwento…

Nagka-kilala kami ni Friendship sa boarding house ni Sukne – ang dalahirang landlady namin na tanging pag-upa ng apartment at i-convert itong boarding house ang source of income.

One thousand eight hundred (P1,800.00) ang upa ng bawat isang boarders. Pag may electric fan ka, plus P200. Pag magcha-charge ka ng cellphone, plus P100. Outgoing at incoming calls, P5.00 per 3 minutes. Kung may laptop ka, plusP500. Ang plantsa, one hour every week ganon din ang laba – hindi naman one hour pero once a week lang.

At ang curfew, 10pm. Tinalo pa namin si Cinderella na magpa-palit ng anyo at the strike of midnight. Ila-lock talaga ni Sukne ang gate at main door kaya matutulog ka sa labas pag inabutan ka ng curfew. May boarder na sumubok na kumatok ng madaling araw, gising na ang buong baranggay pero never nag open ng door ang oversized na landlady.

Sampu kaming boarders sa loob ng isang kwarto na may limang double deck. Para kaming sardinas in olive oil sa dami. Olive oil, kasi magma-mantika ka sa sobrang init.

Take note, pati sa kusina ay may isang double deck na may dalawang boarders naman. Ang ligo at morning ceremony mo ay dapat maximum of 15 minutes lang or else, male-late ang mga susunod sa ‘yo dahil isa lang ang banyo. Kaya kahit na sa Makati ako nakatira at nagta-trabaho, kailangan ko pa rin gumising ng 5:30am para ma-una at makarating sa office ng hindi male-late.

Bagong salta pa lang ang reyna sa Makati kaya hindi ako masyadong choosy noon. And besides, nung mag-inquire ako, may naka-brief na boarder na cute kaya paysung agad ako ng one month advance at one month deposit. Hindi ko alam last week na pala nung boarder na ‘yon at mega travel na sya abroad. Hindi ko man lang s’ya natikman. Anyway may iba pa namang cute boarders na mahilig mag-ala- Bench uncut fashion show. Syempre wiz nila know na may girl sa grupo. Ako ‘yon.

Two months na akong boarder ng dumating si Friendship. Nag click kami instantly. Isa syang Ilokano (na eventually ay na-discover ko ngang isa pala syang Ilokana). Mabait sya at ako naman ay isang maldita. Kung kambal kami, sya si Agua at ako si Bendita. Pero hindi ko alam na verde rin ang blood-type nya. In short, dalawa pala kaming Eba. Hindi ko man nabasa ang kanyang aura ay unconsciously hindi ko naman sya natipuhan. Take note, may hitsura si Friendship.

Fast forward.

Eventually, nag-plano at nilayasan din namin ni Friendship ang boarding house ni Sukne at kumuha kami ng sariling apartment. Sa Makati rin. In fact 2 blocks away lang kay Sukne. Malaki pa ang bagong apartment namin kaysa sa boarding house ng tsubibong landlady. Two-storey at may 2 malaking kwarto. Tig-isa kami ng room ni Friendship.

Maliban sa electric fan at kutson, wala na kaming gamit. Hanggang unti-unti, buy kami ng tv, ng ref, ng sofa at maging ultra vongga at sushyalin ang dati’y aalog-alog na apartment.

Isang sabado, chumovah ako sa ‘school’ (‘yung sinehan sa kwento ko about POLA). May I watched ako sa balcony area ng nagsu-show na dalawang hombre na nakaupo sa harap ko. Game ang dalawa at ok lang na pinagpi-fiestahan ng mga vaklang miron ang palitan nila ng body fluids. Biglang may lumapit na isang guy. Na-shock ako ng makilala ko ito. Si Friendship!!! At mega comment sya sa chumo-chorvah…

Friendship: “Wow, ang galing mo… ako naman pwede? Hehehe!”

Bigla akong yumuko at nagtakip ng belo sa mukha. He cannot see me here. Kahiya. Paano na lang ang reputasyon ko???

Pero wait, bakit s’ya nandito rin?

Siguro tanga lang talaga ako but for so many years na kasama ko si Friendship, hindi nag-buzz ang gaydar ko. Wala kahit isang bar na signal. At sobrang galing nyang magtago ng katauhan.

Nang lumipat ng pwesto si Friendship ay dali-dali akong lumabas ng ‘school’. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ku-komprontahin ko ba ‘sya o ignore lang. But since hindi ako mapapakali ay I decided na kausapin ko na lang sya pag-uwi nya ng house.

Pagdating ko sa bahay, naligo muna ako. Paglabas ko ay nandoon na sya sa sala at at nanonood ng tv . Naupo muna ako sa study table ko na nasa sala din at nag internet. Nang matapos na yung movie ay nag-paalam na syang matutulog na. Tinanong ko sya kung pwede ko muna syang makausap. Pumayag naman sya.

Hindi ko naman alam kung paano ako magsisimula. Isang hingang malalim at....

Me: “Bro, (yan kasi tawagan namin…eeewwww!) nakita kita kanina sa sinehan...”

Friendship: “HA!!!!??????”

Me: “Oo, nandon din ako kanina. Nakita kita.”

Hindi agad naka imik si Friendship. Nakangiti pero parang namutla and to think na moreno s’ya.

Me: “Wala naman sa akin ‘yon, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na hindi issue sa akin ‘yon. Kahit ano pa gawin mo... buhay mo ‘yan. I cannot judge you kung ano man gawin mo sa buhay mo.”

Friendship: “Nakita mo ginawa ko kanina?”

Me: “Alin? May tsinupa ka?”

Friendship: “’Nay...” sagot nya.

Me: “Hindi ko nakita pero alam ko naman ang kalakaran do’n. Ok lang naman yon. Nagawa ko na rin yon. Nagulat lang ako kasi hindi ko akalain na ganon ka rin.”

Friendship: “May sasabihin din ako sa ‘yo.”

Me: “Ano ‘yon?”

Friendship: “Nakita na rin kita don. About two weeks ago. Papalabas ka na. May kasama ka. Nagtago nga ako kasi baka makita mo ko.”

Me: “Ha?”

Friendship: “Oo, kaya nga after nung makita kita, iniiwasan ko ng pumunta don. Pero kanina... akala ko hindi ka pupunta kasi hapon na nandito ka pa sa bahay kaya akala ko ‘di ka lalabas kaya naglakas loob akong bumalik don.”

Me: “Ah... bakit di mo ko kinausap nung nakita mo ko?”

Friendship: “Kinakabahan kasi ako. ‘Di ko alam kung pano kita i a-approach kaya i decided na sarilinin ko na lang.”

Me: “I see. Pero ako, kasi, di ako mapapakali nyan kaya i decided to talk to you now.”

Friendship: “Buti nga at kinausap mo na ko.”

Me: “Kasi... ayoko namang iwasan yung ‘school’ para di kita makita don. Kaya naglakas loob na kong kausapin ka kasi para kahit magkita man tayo don... di tayo magka ilangan.”

Friendship: “Oo nga eh... sige... marami pa tayong pag-uusapan.”

Me: “I know... parang kalahati lang kasi ang pagkaka-kilala ko sa ‘yo after this...”

Friendship: “Di bale... now... we can be very open to each other...”

Me: “I agree... Pero tulog na tayo... antok na ko eh.”

This happened about 3 years ago. At iyon ang naging simula ng mga adventures naming bilang mga diwata. At wala ng kyeme-kyeme. Lahat na yata napag-usapan namin. Kaya ayun, super friends pa rin. At ang dating ‘bro’…’sis’ na ngayon.

posted under | 4 Comments

Newfound Love

Una akong nagmahal sa isang TwinHead Centrino…

Hanggang aking nakilala itong si Sony VAIO.

Subalit, datapwat… dumating ang soulmate ko….
















Note: Hunky, sweaty guy sold separately. Hihihi!

Hinding-hindi ko na sya ipagpa-palit kahit na kanino…

Wala ng iba pa…. Meet my Macbook Pro!

At salamat sa PowerMac for the 15% discount.










Eyelovettt!!!


Why Mac?

posted under | 3 Comments

POLA - Ang Vaklang Isinumpa

I wrote this story last March of 2008 for my previous blog (R.I.P) . I revised it a little pero true story po ito. Enjoy!

………………………………………………………………………………

Naka-kwentuhan ko sa ‘school’ (tawag sa isang sinehan na may ‘milagrong’ kaganapan) kahapon si Pola. Tambayan ng mga vaklush at kolboys ang school na naging popular na rin dahil sa mga aktibidades at raids. Yes, katakot sya. I mean ang school, hindi si Pola.

Si Pola ay regular na parokyano sa ‘school’. Saturday and Sunday ang schedule nya dito. Ang alam ko, opening hanggang closing sya don. Grabe ang stamina ng lola noh?

Sabi nya may crush daw sya sa akin. Ewan ko ba sa bruha. Hindi ako proud don. Itong si Pola ay nuknukang mahilig manghipo. Sa halip na beso-beso o handshake, naka-sapo agad ang palad nya sa mga bukol ng kakilala nya. Lason na lason ang diva.

Medyo matagal ko na syang kakilala. Ma PR ang Pola at mabait naman talaga. Nang makasalubong ko sya, hindi ko agad nakilala. Nag-a-adjust pa kasi ang tsinito kong mga mata sa karimlan. Na- recognize ko lang sya ng mag-hello sya sabay dakot sa aking boom chikiwawa.

Me: "Gaga ka Pola, sinabi na sa 'yong ‘di tayo talo."

Pola: "Sige na Chuni, taluhin mo na ako, ok lang." pakiusap nya.

Me: "Bruha ka, tamaan tayo pareho ng kidlat."

Pola: "Di kaya tayo tatamaan ng kidlat dito - sinehan kaya ito."

Me: "Yun na nga e, ang daming hombre dyan ako pa napag-tripan mo."

Pola: "Sige na pagbigyan mo na ko. Kahit once lang."

Me: "Eeeewwwww!!! Hindi ka ba kinikilabutan dyan sa sinasabi mo? Ano ako, timberlu? Ay naku Pola, hindi ako titigasan sa 'yo. Goodbye!"

Pola: "Uy wag ka ng umalis, kwentuhan na lang tayo. Wala akong ma-hada. Gusto ko lang ng ka- kwentuhan, share ko mga stories ko sa 'yo"

Naawa naman ako sa kanya at wala namang gwapong hombre in sight kaya I decided to stay and be a shoulder to lean on sa emoterang palaka.

Kung makakasalubong mo si Pola, hindi mo agad mapagkakamalang vakla. Straight-acting din ang drama sa buhay ng bruha. Mas mukha nga syang kargador kaysa sa akin. I mean, mas mukha syang mhin. Lumalabas lang ang kavaklaan nya kapag nadidinig nya ang awiting Xanadu at pag may na-sight na boylets. Pag cute ang boylets, shining, shimmering, splendid ang sparkle ng eyeballs n’yan.

Ayon sa kanya, 28 years old pa lang daw sya. Hindi ko na kinontra ang ilusyonadang bruha. 28 sya sa madilim na sinehan pero pag na-arawan tatambad sa ‘yo ang masakit na katotohanan. Parang vampire na takot sa ultra-violet rays.

Naupo kami ni Pola sa tapat ng isang gumagaralgal na electric fan at ilaw na kulay pula.

Me: "Basta vakla ‘wag mo na ‘kong hihipuan ha. Kinikilabutan talaga ako."

Pola: "O sige na, kwentuhan na lang."

Kinwento ni Pola kung paano sya unang nakatikim ng burat - sa kaklase nya noong highschool. 16 yearsl old sya. Alam na daw ng mga kaklase nya na girlalu sya noon pa man. Yung mga bully sa school, favorite syang tuksuhin. Deadma lang daw s’ya. Minsan daw may pu-pwesto sa likod nya sabay kadyot at magtatawanan na daw. May occasion na may hihipo sa puwet n’ya.

Me: “Wow, eh di ang saya naman.”

Pola: “Kinda. Pero alam ko naman na biro lang ‘yung mga ‘yon. Gusto lang nilang may napagta-tawanan at ako ‘yon.”

Pero isang araw daw bago ang intramurals nila ay ay nag-overnight sila sa school kasi kailangang mag-ayos ng wedding booth ng org nila. Akala daw nya ay marami sila pero nag-uwian daw ‘yung iba at naiwan ‘sya kasama ang 3 kaklase. 2 babae, 1 lalaki at sya na nga.

Natulog daw yung 2 babae sa isang room. Jo-join daw sya sana sya sa 2 pero lumapit sa kanya yung 1 kaklase nila at bumulong na mamaya na sila matulog. Tapusin na daw nila yung

decorations ng booth. Ang pangalan ng boy classmate ay Lando. Si Lando ay member din ng varsity nila at may kalakihang tao. Naging ma-usisa daw si Lando ng makatulog na yung 2 babae.

Lando: May boyfriend ka na ba?

Pola: Huh? Ako? Bakit mo naman nai-tanong ‘yan?

Lando: “Wala naman. Gusto ko lang malaman.”

Pola: “Wala pa ‘no.”

Lando: Ok.

Hindi na daw sinundan ni Lando ang tanong. Pero nagulat sya ng maghubad ng t-shirt si Lando. Parang si Machete daw ang tindig at porma ng mulattong si Lando. Nagsalita daw ito na “Ok lang? Mainit kasi.”

Hindi na s’ya sumagot. Mangha ang bruha sa katawang nakatambad sa kanya. Delicioso. Ilang minuto pa ang lumipas at napansin nya na panay naman ang kamot sa harapan ni Lando. At bawat kamot ay tila may nabu-buhay na laman sa loob nito. Bumubukol. Tumitigas.

Pag tumitingin sya, nahuhuli ni Lando ang tingin nya sabay ngi-ngiti ito. Nag-uunat din ang hombre na para ba ‘daw ipinapakita ang mabuhok na kili-kili nito. Ma-talahib. Takam na takam man ang bida, todo self-control pa ‘rin ito. Wala pa kasi syang experience ‘noh at hindi n’ya alam kung parte pa rin iyon ng mga nakasanayan na n’yang mga biro.

Hanggang lumalapit na daw sa kanya si Lando at idini-dikit ang katawan nito sa kanya habang patuloy na nag-aayos ng dekorasyon. Ang init na daw ng pakiramdam n’ya. Maya-maya pa ng konti, ‘yung mismong nota na ang ikini-kiskis sa palad at braso nya. Hanggang na-inip na daw siguro ang lalaki at kinuha ang palad nya sabay pasok sa loob ng garterized shorts nito.

Nadama nya agad ang tingarong tarugo ng kaklase. Nginitian sya nito na para bang sinasabing…. “Sige…. Hawakan mo, pisilin mo, lamasin mo… iyong-iyo ‘yan…” Actually, interpretation ko lang ‘yan.

Para que pa ang pagpapa-demure eh matagal na nyang gustong ma-devirginized ang bunganga nya kaya wiz na sya nagpatumpik-tumpik at mega open ang ngala-ngala. Right then and there, sumayad ang kauna-unahang nota sa lalamunan ni Pola. Kahit donselya, kinaya nya ang bilugan, mahaba at matabang tarugo ni Lando na napapaligiran ng manipis pang balahibo.

Pakiramdam ni Pola ay diz is rili it na talaga. Ang pinakai-ingatan nyang pagka-birhen (choz!) ay tuluyan ng magla-laho pero ang sarap kaya non ‘noh. Sa madali’t sabi, tsinupa nya si Lando, hangang nilabasan na ‘ito.

Me: “Nilunok mo?”

Pola: “Sabi nya eh…”

Flashback!

Lando: “Lapit na ‘kong labasan Pola… ahhhhh….ahhhhhh…. lunukin mo….. lunukin mo tamod ko…..ahhhhh…ahhhhh…. ahhhhhhh….aaahhhhhhh……… aaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Me: “Ano lasa?”

Pola: “Lasang tamod. Heller?!? Ano ka virgin?”

Me: “Gaga! Iba-iba ang lasa ng tamod ‘noh.”

Pola: “The sweetest thing I ever tasted!”

Me: “Me ganon? Eh ano pa nangyari?”

Pola: “Eh…..”

Me : “Ano nga? Kwento mo na ‘noh.”

Pola: “Hindi ko alam, nakita pala nung guard ‘yung ginawa namin. Ayun, lumapit sa ‘min. Isu-sumbong daw kami.”

Me: “Huh! Ano ginawa n’yo?”

Pola: “Nakiusap. Kata-katakot na pakiusapan. Maniyak-ngiyak na nga ako. Hanggang sa umabot sa lagayan. Binigay ko allowance ko para di na sya mag-sumbong.”

Me: “Hay, kamalasan naman ng first time mo.”

Pola: “Ok lang ‘yon, enjoy naman ako.”

Me: “Buti na lang ako hindi pa nahu-huli. Girl, Ilang beses ka ng nahuli?”

Second daw syang nahuli sa CR sa MRT Shaw Boulevard. May nag-e-exhibitionist daw. Yun pala pulis. Kaya ng akmang hahawakan na nya ang tarugong matulis, hinuli sya. Hinihingan daw sya ng P 2,000.00. Pero dahil sa walang kapera-pera ang vakla, walang cellphone o alahas, at wala rin namang kaibigan na mau-utangan, tumawag sya sa Tita nya para 'tubusin' sya. Kasi pag ‘di daw sila naglagay, tutuluyan sya. Kaya hiyang-hiya sya sa Tita nya. Noon lang ‘din nalaman na vakla ang pamangin ‘nya.

Third daw nahuli sya sa sinehan. May nilapitan daw syang cute na mama. Hinipuan nya at pumayag naman daw. Nang isubo na nya ang burat nito bigla daw nagpakilalang Baranggay Tanod ito at isasama daw sya sa Baranggay. Nagpakita pa ng ID at posas ang mama. Hayun nauwi din sa areglo. Buti na lang pumayag sa P 300.00.

Tapos nahuli din daw sya sa sinehan sa Greenbelt. May-tsinu tsupa syang officeboy ng may lumapit na mga security guards. Buti na lang daw may pera ang officeboy at ito ang nagbayad para di ma-eskandalo. Pero pagka-bayad parang diring-diri daw sa kanya ito at nagmamadaling umalis.

Last daw syang nahuli sa Makati Cinema Square. May CR daw kasi doon na kilala as cruising place. The usual scenario, may napapakita ng burat. Kaya naman ang mga vading na nasa loob watch to the max sa show ng hombre. Naki-hipo ang Pola, naki-haplos at di daw sya nakapag-pigil at sinubo nya. ‘Di pa daw nya naipapasok sa bibig ang buong burat ng mama ng biglang hinawakan sya ng isang naka civilian na security guard. Kasabwat pala ang hombreng tsinu-tsupa nya. Nakuha sa areglo kapalit ng cellphone nya - 3210.

Me: "Vakla, buti pumayag, wala ng value 'yon a." sabi ko.

Pola: "Oo nga e, humihingi pa nga ng cash. Buti na lang ang pera ko nasa medyas ko."

Me: "Ang kati mo kasi."

Pola: "Meron bang baklang hindi makati?”

Me: "Oo nga pero hindi naman lahat kasing malas mo. Lagi ka yatang nahuhuli. Parang sumpa."

Pola: "Ang taray mo naman. Na-hurt ako."

Me: "Uy sorry, joke lang."

Pola: "Ang sakit mong magsalita. Pero sige pa-embrace na lang."

Me: "Ayan ka na naman vakla. Sabi ko sa 'yo di tayo talo."

Pola: "Sige na... pa embrace lang. Before ako umikot at humanap ng hombre."

Me: "Embrace lang ha."

Pola: "Oo naman."

Me: At niyakap ko nga ang malanding vakla.

"HOY ANO YAN HA!!!????" a voice from behind.

Nagulat kami pareho sabay lingon. Security Guard pala!

Me: "Puta ka Pola... ANG SUMPA!!!"

Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments