Byaheng Singapore
Nag-lamyerda sandali ang reyna sa Singapore recently. Pinagkalooban kasi sya ng budget ng kanyang benefactor.
Since pang-ilang byahe na rin (ang taray pero puro ASIA lang naman. Hahaha!) medyo sanay na aketch.
Hindi na ako gumigising ng madaling araw sa sobrang excitement. I’m way over that phase dahlin’. Dahil may budget, hindi na ako nag-travel agency. I bought my tickets online. Nag-canvass ako sa PAL at isinama ko na ‘rin ang Cebu Pacific for comparison. I was about to book sa PAL ng ma-isipan kong I check muna ang Singapore Airlines. Shock aketch! Mas mura pa sila sa Cebu Pacific at PAL!
Sa PAL, 256 USD or P11,801.60 sa P46.10 na exchange rate.
SA Singapore Air na voted as one of the Best Airlines ay 152 USD lang!!! or P7,008.12
Both prices ay para sa roundtrip ticket fare na.
Bigla akong book ng flight sa Singapore Airlines. Ay naku, naka-tipid din aketch ng P4,793 pesosesoses at Singapore Airlines pa ‘yan ha!
Online, nakapili na rin ako ng seat number at gusto kong in-flight meal. I chose a seafood platter. Feeling diet ang bruha. Hihihi! At ang pag check-in, online na rin! ‘Di ko na kailangan pang pumila pa sa counter nila sa NAIA! How convenient for a queen! Hehehe!
Pumili na ‘rin ako ng pinakamalapit pero murang hotel sa Orchard Road. Kailangan ko kasing tipirin ang budget para ‘di na ako maglabas ng sarili kong pera.
Pagdating sa NAIA, hindi na ako Ms. Punctual. Syempre adjusted na ang lola. This time, correct na ang pinuntahan kong aiport – doon sa luma. Ang hindi ko maintindihan, tayo na lang yata ang may terminal fee (P550.00) pero nuknukan ng pangit at dumi ng airport natin. Nang-gigitata ang mga CR. Saan napupunta yung terminal fee na ‘yon at hindi nami-maintain or na-a-update ang aura ng airport. Dapat vakla ang ilagay sa management dyan para gumanda.
Naalala ko na dapat pa ‘rin akong pumila sa booth ng Singapore Airlines ‘coz may check-in luggage ako. May pila na pagdating ko. ‘Yung nasa unahan ‘kong pila lumingon sa akin. My oh my. Ang gwapo at ngumiti pa sa akin. Isang cute na Indian na parang kamukha ni Eduardo Capetillo ng Marimar. Muntik na ‘kong mag-water-water right then and there.
Kung wala kayong idea sa hitsura ni Eduardo Capetillo, pwes ‘eto s’ya
Biglang lumapit yung ground attendant at tiningnan yung e-ticket ko. Nakita nya na may check-in receipt na ako kaya pinalipat nya ako sa pila ng First at Business class. Sushyal! Dahil walang pila, nauna na ako at naiwan si Eduardo. Gusto ko sana syang hintayin pero baka isipin nyang kaladkarin lang ako. Ako na ang kusang lumayo.
Anyway, binayaran ko na lang muna ‘yung Travel Tax (P1,620.00) at Security Development Charge (P200.). Kainis sa daming bayarin.
Noong boarding time na, nakita ko na naman si Eduardo. Nag smile ako at smile din sya. Hiya talaga ako to start a conversation. Unang pinapasok yung mga nasa inner part ng plane. Si Eduardo, hindi pa tumatayo. May possibility kaya na seatmates kami???? GOSHHHHH!!!!!! Kinikilig aketch! Hihihi!
Biglang tmayo si Eduardo at nakita kong papunta sya ng CR. Hindi ako sumunod. Boarding na kaya. Maiwan pa ‘ko.
Hanggang sa row na namin ang pinapa-board. Pasok na ako at pinakita ang seat number ko. Disappointed ako kasi may naupo sa tabi ‘kong babae. Meaning hindi ko seatmate si Eduardo.
Nang bigla syang dumating, hawak ang hand-carried luggage nya at nagmamadali. Huminto sya sa tapat ko. Nakatingin sya sa akin… one second… two seconds… three seconds… nagbilang talaga ako.
Kasi daw pag tumingin sa ‘yo ang lalaki ng more than 5 seconds at may eye contact talaga, it only means na interesado sa ‘yo ‘yung guy. Four seconds… Five seconds…
Eduardo: “Ahhhmmm… excuse me. I think you are occupying my seat.”
SAY WHAT!!!????!!!
Napalingon sa akin ang lahat na para bang sinasabing “you don’t belong there!”. Nataranta ako paghanap ng ticket at boarding pass ko. Tayo ako. Nakita ko sa bulsa ko. Kinompare ko yung naka print sa number at letter na indicated sa upuan, tama naman. I showed it to Eduardo. Pareho kami ng seat number. Ngumiti sya, ngumiti rin ako. Nag-ngitian kami.
Him: “Maybe it was just a mistake on their part. I’ll just ask the flight attendant to settle this.”
Me: “Or maybe we are meant to share the seat.”
In short, gusto kong kumandong sa kanya!
Ang kapal ko! Hahaha! Ngiting matamis lang uli ang isinukli nya. Dumating ang flight attendant, nakita nya na pareho nga kami ng seat number. Tinawag nya ang superior nya. Tinanong ng superior nya kung sino ang naunang umupo. Taas ako ng kamay. Present!
Nagsalita ang superior. Sabi nya sa akin.
Superior: “In that case, you can take that seat and you did reserved this seat in advance thru our website. Right?’
Me: “Yes, I did. But what about him?”
Concern ako kay Eduardo ‘coz wala nang bakanteng upuan sa E-class.
Superior to Eduardo: “ I’m so sorry for the inconvenience Sir but we will just upgrade your flight to Business Class. Is that ok sir?”
HA????!!!???
Hindi rin pala kami magkaka-tabi. Akala ko ay mas makikilala ko sya. Willing naman akong maupo sa kandungan nya kahit 3.5 hour flight ‘yon. Promise hindi ako magku-complain.
Nag-wave ng goodbye si Eduardo at sumunod na sya sa flight attendant papunta sa Business Class area.
Duguan ang puso ko.
1 comments:
Sayang ate!!!!
Post a Comment