Si Tita Rose


Kung mayron akong maitu-turing na pangalawang ina, s'ya na 'yon.


Siya ang pinaka-maganda at favorite kong si Tita Rose.











Asawa sya ng kapatid ng Nanay ko. Magkatabi lang ang bahay namin kaya madalas akong nasa kanila.


Lagi syang may pasalubong sa akin.


Ipinagluluto ako ng kung ano-ano, ipinaghihimay ng hipon kapag kumakain at hinahayaan akong pakialaman ang kanilang stereo.


I remember lagi nya rin akong isinasama sa mga lakad nya. Mas madalas pa nga nya akong isama kumpara sa Nanay ko. At mukhang mas paborito pa nya ako kahit sa mga anak nya.


Sobrang bait nya sa akin.


Until one time nagulo ang mundo ng pamilya ko.


Nag-away ang Nanay at Tatay ko.


Sa edad kong walo, hindi ko maunawaan kung bakit.


Umabot sa puntong nilayasan namin ang Tatay ko.


Lumayo kami.


Doon ko unti-unting naunawaan kung bakit – may kerida pala ang Tatay ko.


Nalayo ako sa mga dating kalaro, sa mga pinsan, kamag-anak at kay Tita Rose.


Pinilit naming mabuhay ng ma-ayos. Ako, ang Nanay ko at ang tatlo kong mga kapatid.


Hindi nag-tagal ay muling sinuyo ng Tatay ko ang Nanay ko.


Noong panahong ‘yon, malayo na ang loob ko sa Tatay ko. Umabot ng mahabang panahon ang sama ng loob ko sa kanya.


Muli syang tinanggap ng Nanay ko. At muli ay bumalik kami sa aming tahanan.


Pero hindi na gaya ng dati. Parang iba na ang kapaligiran. Wala na rin doon ang Tita Rose ko.Lumipat na pala sila ng buong pamilya niya para sa Maynila na manirahan.


Taon ang lumipas.


Muling bumalik sa aming lugar ang pamilya ni Tita Rose. Bumagsak ang kanilang kabuhayan. Pumanaw na ang kapatid ng Nanay ko na asawa nya.


Hindi na ako bata.


Hindi na rin kami ganoon ka-close ni Tita Rose.


Tuloy ang buhay at ako nga, mas pinili ko na 'ring manirahan sa syudad.


Dito ako sa Makati napadpad.


Tila kahapong tinalikuran ko ang buhay sa probinsya. Madalang akong umuwi - isang beses sa dalawang buwan. Minsan ay nakikita ko si Tita Rose na naka-upo sa silyon sa harapan ng kanilang bahay. Nababalutan na ng katandaan ang kanyang magandang mukha.


Tanging ngiti at tango lamang ang aming pagbati sa isa’t-isa. Simpleng pag-kilala sa presensya ng bawat isa. Wala na ang kulitan at kwentuhan.


Sa tingin ko ay may mga pagkakataong gusto nya akong lapitan at kausapin pero marahil siya ay nahihiya. Tila nilipad ng panahon ang dati naming pagiging malapit sa isa’t-isa.


……………………………..


Kanina, habang ako ay nasa opisina, nakatanggap ako ng text.


“Si Kuya Alfred ito, pwede ka bang tawagan?”


Panganay na anak ni Tita Rose si Kuya Alfred. Halos lumaki na rin akong hindi na malapit sa kanilang magka-kapatid. Kaya ako’y nagtataka. Sa halip na sumagot, ako na ang tumawag.


“Oh, Kuya Alfred, ano balita?"


Kuya Alfred: “Nasa hospital si Tita Rose mo. Na stroke nung isang linggo. Pasensya ka na sa abala Pepe. Diretsuhin na kita, wala na kasi kaming ibang malapitan. Wala na kaming pambayad sa hospital at pambili ng gamot…”


Hindi ako nakasagot agad. Binalot ng lungkot ang aking puso sa natanggap na balita.


Me: “Kamusta s'ya?”


Kuya Alfred: “Hindi na sya masyadong makapag salita… pa-utal-utal…paralyzed ang kalahati ng katawan nya… pero tinatanong ka nya… kung makaka-dalaw ka ‘daw ba.”


Me: “Magkano ba ang kailangan…”


Kuya Alfred: “Twenty thousand. Pero utang ‘to Pepe. Pagtutulungan naming magka-kapatid na mabayaran ka.”


Me: “Wala iyon… Tatawagan ko si Ana ngayon. Punta ka sa kanya. Ibibigay n'ya sa iyo ang pera.”


Kuya Alfred: “Maraming salamat Pepe… makaka-dalaw ka ba?”


Me: “Hindi ako sigurado…”


Kuya Alfred: “Sige, maraming salamat Pepe… S’ya nga pala, hindi nya alam na sa ‘yo kami lumapit…”


……………………………………………………………………………….


Tumuloy ako sa banyo after ng pag-uusap namin.


Ibinuhos ko ang luha.


Halo-halo ang emosyong bumabalong sa aking dibdib.


Kasabay ng pagbabalik ng nakaraan na tila eksena sa pelikulang nagaganap sa aking harapan.


Si Tita Rose…


Ang paborito kong si Tita Rose – ay siya ring babaeng naging kerida ng aking ama.


………………………………………………………………


Salamat sa pag-tangkilik.

Ms. Chuniverse will take an indefinite leave of absence from this blog.


..................................

Postscript: Tita Rose passed away 6 days after this blog entry was posted.


posted under |

40 comments:

Anonymous said...

bat naman biglang nag-indefinite leave? amph.

Ewan said...

i luv et!

natouch ako sa istorya mo bakla!

Yj said...

na Lady Gaga mode akech...

*speechless*

Anonymous said...

eeeh, bwala kang magleave paano na kami dito sa opisina wala na kaming dyosa! choz.

http://akosicinderella.wordpress.com

~Carrie~ said...

wala din akong masabi :(

Anonymous said...

nalungkot naman ako... kaya mo yan teh!

nubadi said...

first about the story. wow. very touching.

second, about the news, indefinitely?? you will make me cry.

NOX said...

mem, i use this line sparingly, pero God will provide. be strong.

my-so-called-Quest said...

hug...

Aris said...

sabi nga, ang tunay na pagmamahal ay mapagpatawad. be back soon, mare. *hugs*

Anonymous said...

naiyak ako ms chuni. yung lola ko din kasi nasa ICU ngayon. ang lakas lakas pa nun nung huli kong makita. haaay.

take care ms chuni. hintay namin ang iyong pagbabalik. :)

kaloy said...

trust gay men talaga to make the most courageous decisions in the hardest of times... salute Ms. Chuni! ;p

Kiks said...

pepita, i, like many other, am here for you.

and will be waiting until you get back.

Desperate Houseboy said...

Mama chu, bahagi ka na ng araw araw kong pamumuhay. bakit ka aalis? Dahil ba kay Tita ROse? Nakakalungkot naman. Ang storya na to at ang pagalis mo :(

Nishi said...

i agree with kaloy.

balik ka lang Chuni pag ok ka na ulit. mag-aabang kami. =)

efrenefren said...

ms chuni kung kailangan mo ng blow job nandito lang ako.

naghihintay,

efrenefren

jc said...

things will get better mschuni.. balik ka agad.. :)

Anonymous said...

hayz.. indefinite meaning pag nagrefresh ako ng browser wala ng update ang blog mo ? :(
pero i admire you ms. chuni dahil sa kabila ng ganyang bigat sa dibdib, you never fail to make us smile through your blog entries... Thanks and balik ka agad ha..

Mugen said...

Sabi ko na nga ba ito ang twist sa inyong storya eh. Nakakalungkot, pero dama ko ang iyong hangarin na mabalik ang nakaraan.

fearlessSHY said...

OMG!!

nalungkot ako dito te
nakaka'touch =(

bien said...

ay teh sadness to. medyo mabigat.

gaya nila aantayin ko ang pagbabalik mo

sivrej said...

i salute u madam chuni!

will just be here till u come back...

vhinong said...

Everything will be alright, Ms. Chuni.

Pero bakit need magleave?! Hintay mode kami ngaun :)
Kahit irreplaceable ka,to make blogosphere happy, we are in seach of MS. CHUNIVERSE JR!!!

Kaya mga ateh, eto na ang pagkakataon para maagaw ang korona!!! nyahahaha

Be back soon, Chuni.

Anonymous said...

ms chuni, malulungkot ang sambayanang pilipino pag di ka na magsulat uli dito. you're such a prolific writer and your writings lift up the spirit of countless people who visit your blogspot regularly just like me

Gaspard said...

ang taray! may pasabog pa pala sa dulo!

we'll miss you :(

come back soon ah!

Shenanigans said...

aaawww... nakaka relate ako sa stroke chenes kasi si mommy ganyan din.

leave of absence?

go lang basta babalik ka ah.. ma mi-miss ko tong blog mo

Anonymous said...

hi ate chuni, readers,

nakakatouch nmn, but still proud to you teh chuni... ur such a gentle and kind. love it!

tough.spyder@yahoo.com

Anonymous said...

teh chuni,

see ur inbox, email. have a question? kaw lng mapagkakatiwalaan ko.

tough

RainDarwin said...

Teh, nde ako sanay na ganito ang blog mo ha? Bawi ka sa sunod....

For the meantime i-kiss mo ako kay Tita Rose, pakisabi sa kanya na mahal sya ng mga bloggers, hehehehe.

Hugs.

Sean said...

ms. chuni, i will pray for you and also for tita rose and her family. see back soon. *hugs*

Nimmy said...

awwww miss chuni. awwwwww. i'll include her in my prayers. *huggggggs*

Anonymous said...

minsan, talagang mapaglaro ang buhay. pero bawat pangyayari sa buhay natin, siguradong may epekto to sa atin.

Sana, kung ano mang epekto nito sayo, ay pagpatuloy mo ang pagiging mabuti mong tao.

candy said...

you never fail to mesmerize me ms chuni... oist ingles yan ha.. sushal.. be back soon ha... muwah!

Anonymous said...

 ur blog... U make us laugh and cry. We will miss U. This story touches many hearts. I guess u deserve some time for urself and to be with your Tita Rose... Til we hear from U again my idol! Take care...

Anonymous said...

hanga ako talaga sa pagsusulat mo madam chuni.

pwede ka talagang ihanay sa mga manunulat ng akdang sinusuri namin sa paaralan.

lagi kitang sinusubaybayan... nakakaadik ang blog mo. nagbasa din ako mula sa ibang gay blogs pero mas at home pa rin ako sa paraan ng pagsusulat mo. sana mameet kita ng personal. gustung-gusto kitang makadauapang palad!

alang ong aragon here. check my fb profile.

OCEANNE said...

:(

Anonymous said...

nice story....with a beautiful twist of fate...

Anonymous said...

totoong kwento ba ito ms. chuni?

pwede ka palang pang nobela

Viel Bright said...

My God Miss Chuni! I feel for you.

inggo21 said...

awwwwwww! :(

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments