A Day In The Life Of Adoray
*******
Me: “Adoray, anong ulam?”
Adoray: “Ay, kumain na ko Madam.”
Me: “Bruha! Paki ko kung kumain ka na. Ako hindi pa!”
Adoray: “Eh bakit hindi kayo nag-take-out?”
Hamfaslufang chakaness ‘toh.
Me: “Eh bakit naman ako magti-take-out?”
Adoray: “Eh para may kainin kayo. Eh di ba gutom kayo? Haller... common sense.”
Me: “Adoray, hahanapin ka kaya ng mga magulang mo?”
Adoray: “Bakit naiba ang usapan? Bakit ako hahanapin?”
Me: “Kasi papatayin na kita eh. Itsa-chop chop ko ang katawan mo at itatapon sa ilog Pasig para kainin ng mga janitor fish doon! Para magkaroon ka ng purpose driven life!”
Adoray: “Madam you are soooo violent. Iyan ang napapala mo kakapanood ng CSI.”
Aba, amfootah. May alam. Napangiti aketch.
Me: “Kasi nga, malay mo I murder someone someday, at least I can get away with a perfect crime.”
Adoray: “Der is no sats thing as perfect Madam.”
Me: “Of course there is.”
Adoray: “Weeeeh!”
At tumayo ako. Naglakad at umikot sa kanya.
Me: “Can’t you see…. I’M PERFECT!”
Adoray: “Si Madam talaga dyuker.”
Me: “Anong dyuker?”
Adoray: “Yung palabiro… dyuker.”
Me: “Gagah, JOKER!”
Adoray: “Well, pardon my English Madam, as you know, I am not a call senner agent.”
Me: “Ok po senyorita Adoray. I will spare you from the beheading tonight. Ipagluto mo na ako.”
Adoray: “See Senyora........ na walang Fafa.”
At may hirit pang ganun ang bruha!
Me: “Gagah, magkaka-papa na ko.”
Adoray: “Sino? Yung masahista?”
Ayyy… si Ryan. I miss you na talaga Papa Ryan! Mwwwwwaaaaaah!!!
Me: “Hinde, magsasama na kami ni Dennis Trillo.”
Adoray: “Dennis Trillo? Yung artista Madam?”
Me: “Oo, at magha-honeymoon kami sa Paris ng isang buwan. Tapos pupunta kami ng Amsterdam. And then magku-cruise kami. Sya at ako lang.”
And I swear, muntik na akong mag-tumbling when Adoray responded.
Adoray: “Madam….”
Me: “Yes, Adoray….”
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Adoray: “Want what you can only afford.”
*************
And I Googled Adorays statement. Baka kasi napulot lang nya sa internet. Amfootah… ORIGINAL ang dialogue ng bruha!!!!
Daliii! Ipa-patent na ‘yan!
:)
30 comments:
Adoray FTW!
in fur, nagfifeature ka ng bilat dito.
at she speaks good english ha? better than those i would overhear chitchatting in MRTs and shopping malls.
Kung hindi ka namin pwede mameet in person, pwede si Adoray na lang?
mAHiHiRaPan kAnG mAGquALifY ng pApaLitt ky aDorAY miSS cHUni!!.. swEAr!!!
@Anonymous... hahaha! :)
@Kiks... may ambisyon kasi yan. Maging english-speaking mayordoma.
@Houseboy.... Hahaha! Madaldal yan, baka ibenta aketch. char. ;)
@Anonymous... uu, iba talaga pag half-breed. choz. :)
Adoray is such a character. So camp!
@HRH Queen Chuni: ahahaha!! Adoray FTW!!
I second O
e san pa ba magmamana si Adoray kungdi sa kasama-sama nya balay..choz!
gusto ko nang maniwala na totoong tao si adoray
Ms. Chuni, maiba lang ako. Kelan ka naman namin mami-meet? Char
OMG... this is humor blog at its best!
choz!
ano ba yan? wala kang nahirit kay Adoray? as in wala?
namiss ko si kokoi dahil meron din syang chimi-ah-ah na parang si adoray. :)
from stefan...
apply ako kasama ni Adoray.
Ganda naman ni Adoray. witwew. hehe. I guess we learn a thing or two from people around us from time to time. Pero I learned so may things dahil sayo Ms. Chuni. ^^,
galing ni adoray!!!! LOL!!!!!
Para ba yan sa mga ambisyosyang ipis? Lolz
So love the last line.
Wagi si Adoray, lumalaban na sa Title holder
Pero may point si Adoray haaayy
Minsan talaga may mapupulot ka din sa mga
specie na nakakasalamuha mo araw-araw
GO-ADORAY kakampi mo ang mg Bangus sa Batangas
dead or alive.....
mabuhay si adoray! may kakumpetensiya ka na chuni... may laman ang gagah... di kaya jowa yan ng isa sa mga pinaluha mong lalaki?.. at anjan siya para maghiganti? hahaha...
Ms. Chuni wala kang nai-reply sa statement ni Adoray? lol
haha,upgraded memory ni adoray mo ms. chuni. kalurki..
und zey zill rell the verld... haha...
Si ADORAY na ang NAGWAGI!
WINNNUUURRRRRR!
Hanep!
Hehe.
anong niluto ni adoray? kala ko gutom ka?
@Bien... oh yes indeed. char. hahaha!
@Anon... winnur nga ang sagot ng bruha. :)
@Caridad... i third O. :)
@Promdi... uu nga, hindi naman sya dating antipatika. lately na lang. napulot nga kaya sa kin? hahaha!
@IanV17... ako hindi pa. hindi sya tao. char. hahaha!
@JohnM.... lapit na. Gagawin natin sa MOA. :)
@YJ... anufavah? natulala na lang aketch. :)
@Jepoy.... sinetch si Kokoi? :)
@Stefan.... ay, baka maging dalawa na ang magda-dialogue sa kin ng mga ganyan ha. hindi ko keri. hahaha!
@Sedge.... awww, thanks! :)
@Ceiboh... sa tingin ko, dahil sa kakakain nyan ng iodized salt. yan ang peyborit nyang papakin eh. char. :)
@Mugen.... Hahaha! isa ka pah!
@Erick.... so do i. char. :)
@Doe-a-deer... sya na ang bagong Oprah. char.
@Candy.... uu nga, ipuputong ko na ang korona. hahaha!
@Makii... buntong hininga lang. hahaha!
@LP.... uu nga, parang may nire-install. ganyan. :)
@Lasher..... uu. :)
@blagadag... corned beef.
You made me laugh today!
ang kyoray ni adoray ah!
kahit naglalaba attensyun pa rin. nakatuwad talaga, laging handa! lol
kwento ka pa ng maraming adoray!!
Post a Comment