MRT Public Service Announcement


















Magandang umaga po sa inyong lahat.


Ilang pa-alala po lamang para sa aming mga mahal na pasahero.


Mahigpit pong ipinagbabawal ang pag-inom, pag-kain at paninigarilyo sa loob at labas ng istasyon ng MRT. Panatilihin po nating malinis at maayos ito.


Huwag po nating haharangan o sasandalan ang mga pintuan. Iwasan din po nating hawakan ang mga emergency safety devices sa loob ng tren.


Ang unang bahagi po ng ating tren ay nakatalaga po lamang para sa mga kababaihan, bata, senior citizens, buntis, mga may kapansanan at mga magulang na may kasamang maliliit na bata.


Ang mga natirang bahagi ng tren ay nakalaan po naman para sa mga kalalakihan at mga kababaihang gustong maging lalaki, mga babaeng hindi natatakot mahipuan o naghahangad mahipuan.


Para naman po sa mga beki at mga lalaking hindi takot tumabi sa mga beki, maaaring sumakay po lamang sa pinaka-huling bahagi ng tren. Mahigpit pong ipinagbabawal ang mga babae sa pinaka-hulihang bahagi.


Inuulit ko po, mahigpit pong ipinagbabawal ang mga babae sa hulihang bahagi.


Wala po kayong mapapala dito.


Sa mga kalalakihang sasakay sa hulihang bahagi ng tren, siguraduhin po lamang na ang suot natin ay manipis na pantalon o shorts para maging komportable ang ating pag-biyahe. Hanggat maaari, iwasan ang maong o makakapal na kasuotan. Bigyang pagkakataon ang mga hindi ka-gwapuhang kalalakihan na manatili na lamang sa upuan. At sa mga may hitsura naman, tumayo po lamang ng dikit-dikit sa bandang hulihan.


At kung sakali man na kayo ay may natipuhan, ihanda na ang pagpapalitan ng numero upang ito'y mayroong kahantungan. Kung sakali man na hindi kayo tipo ng inyong natipuhan, huwag ng makulit at 'wag na syang sundan. Stalker ang dating mo nyan.


Tandaan, ang nagaganap sa loob ng MRT ay dapat manatili sa loob ng MRT.


Nawa'y maging maayos po ang inyong paglalakbay.


Thank you for riding the MRT.


Maraming salamat po!


Char!


:)

posted under |

41 comments:

Kiks said...

kaya sa harapan ako sumasakay... para kay Manong Guard na naka-assign sa Guadalupe Statienne.

Unknown said...

I remember a YouTube video ng naghahalikan na beking member ng sekta ni kerokeropi... http://youtu.be/4g_X95BEaoI ... sana naman po may sarili silang lugar sa MRT.

And speaking of guadalupe station, try to check out the police desk assistance there on mornings.

Ms. Chuniverse said...

@Kiks... may ganyan din ba sa HK? :)


@Xall.... Hahaha! i remember that vid. Hindi ko na keri yon. :) And what about this police desk assistance? Haaayyy... mapuntahan nga with my spy cam. choz! :)

ToFFy said...

O Sundalong Beki, i-copy at i-edit mo na to! LOL!

On a slightly serious note, ur tales of MRT fascinate me. This will now be my lifelong dream: To ride inside an MRT! ahihihihi

NOX said...

ay, bakit nde ko alam ito?? sabi na eh, busilak at dalisay talaga ako. choz!

Ms. Chuniverse said...

@ToFFy.... ay gusto mo bigyan kita ng MRT Tour? From Edsa to Trinoma back and forth. hihihi! :)


@Nox.... isang giant WEEEEEEHHHHHH????!!!?? :)

zeke said...

anong kaguluhan to. buti na lang di ako mahilig sa mga ganyang chance encounter.

Désolé Boy said...

Isang malaking CHECK Miss Chuni!!! Haha.
.
.
Nakalimutan mong sabihan ang mga beking senior citizens na please lang eh 'wag namang mang-harass ng mga batang beki. Nakaka-trauma eh!

Ms. Chuniverse said...

@Green Breaker.... Hahaha! Ok, payn. Choz! :)


@Desole Boy.... Hmmmm... mukhang na-harass ka na ah. Isipin mo na lang na charity yon. Hahaha! :)

Nate said...

@HRH Queen Chuni: i'm with nOx on this one.. i am pure. i am pristine. i am chaste. i am untainted. i am unblemished. ako na!! ahahaha!! :P

i chose a vow of silence when it comes to this topic.. or pwede rin namang hindi.. what say you, madam?

ToFFy said...

Hala! Seriously?! You would!? I would be honored!
Makalabas nga dito sa Narnia! Choz!

Ms. Chuniverse said...

@Nate.... I have an idea. Padudugtungan ko ang tren ng isa pa. Doon pu-pwesto ang mga dalisay at busilak. Yun nga lang kasama nyo rin ang tuko ng madre de cacao (as per Jepoy's). Choz!

I-blog mo na lang. Hihihi!


@Toffy.... Hahaha! Sa Narnia ka rin pala. Ang daming beki dyan. Hindi pa ba over populated? Choz! :)

Sean said...

ay ms. chuni. nakalimutan mo ang mahalay na mga cr sa mrt. kaya nga ako, lagi na lang naka-diaper eh. jk!

Wilberchie said...

yung last train dapat rainbow colored, tas floral yung design para pang beki at patol sa beki yung train! chos!

Demonyitong Promdi said...

so ibig sabihin Doña Chuni pinalitan na ang meaning ng abbreviation ng MRT mula sa Metro Rail Transit ito na ngayon ay:

Makaka-hada ang

Rarampa sa

Tren na itich

pak! ;D

ToFFy said...

Hindi naman ako naka-feel ng overpopulation dito kasi nasa castle ako nakatira, away from prying eyes and nosy people...

I only have in my company, centaurs...

at alam mo naman kung gaano kalaki ang mga centaurs...



































magmahal. Char.net.ph!

Ms. Chuniverse said...

@Sean... parang wala naman akong nasalat na diaper nung last time. hahaha! char. ;)


@Wilberchie... pwede! gusto ko rin may glitters. hihihi! :)



@Promdi.... Lol! Pwedeng-pwede! :)


@Toffy.... Hahaha! Kung maka-space naman itey. Pero bungga. So centaurs pala ang mga kalampungan mo. Hindi ko kakayanin yan.... makipot ang fuso ko. Hihihi! :)

ToFFy said...

Kagaya din ako sa 'yo noh... sa mga blogs at social networking sites lang ako malandi...
in real life, I'm a part-time Pokemon trainer and a part-time nun/madre/sister...

Nandito lang po ako sa castle which is actually a monastery...

Nagdadasal lang po ako ng mga itlog and hopefully, take control of my lust...choz...

pero dream ko ang magang-rape...

Nate said...

@Madam Chuni: blog about it?? oh no.. ang birhen kong blog.. mababahiran ng karumihan.. ahahahaha! :P nape-pressure ako.. ahahaha! but if it is a command from you, my Queen, I guess I'll consider.. i'll let you know.. hihi..

Anonymous said...

speaking of sundalong beki...
got this from his tumblr account...


iamdeniel wrote:

sundalongbeki deactivated his account :|||

seriously… why? he’s one of my favorite bloggers. tuwang tuwa ako dun sa mga kwento niya tungkol sa buhay niya :D tapos biglang deactivate? parang kaninang umaga lang eh nakatambay ako sa blog niya :[

bakit kaya nag deactivate? tara paimbestigahan na natin sa S.O.C.O :||

Anonymous said...

Ang dami namang busilak dito. Hihihi. Nag vow of celiBATI at chasTITI ba kayo? Hihihi.

Oooops! Can I write that here? Hihihi

------ Seriously Funny

Mugen said...

Alam na alam ah!

So mula ngayon, lahat ng sasakay sa dulo lalo na pag hindi rush hour eh iisipin kong beki? Hehehe.

Ako si Diosa said...

Sana sa kaharian ko may MRT na din..Chos..Bongga sana umeksena ka na din Miss Chuni, sinampal mo din yung lalaki para perfect ang commotion sa area.

candy said...

bagong advisory ito? ahaha.. ganda neng.. sige i will spread the word teh.. hihihi..

mico said...

this really happens. been there. hehe.

Anonymous said...

hmmmmm..

ma try nga ito mamaya, bukas, at sa mga susunod pa na araw..


-JM Biyahero

AstroDeus Shin said...

may naririnig nga akong ganyang mga tsismis tungkol sa last train... ayoko ngang maranasan... hehe. sa pangalawang train ako lagi sumasakay kasi yun ang pinakamalapit sa escalator ng MRT Shaw kung saan ako pumapasok... ;-)

edwin said...

natawa ako talaga sa post na ito lolz.

fbalgos said...

hindi ko na try yun..
hahaha! Lol!!
Mg ingat sa mga beki na nang aagaw ng celphone.

pa alala sa mga beki na amoy araw. maligo muna. hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@ToFFy... yang ganyang mahihinhing beki ang kadalasang naga-gang rape. kaya ipagpatuloy mo lang ang kadalisayan. hihihi! :)


@Nate... hahaha! walang preysure. :)


@Anonymous... :)


@SF... watch your language, hindi pwede yang mga ganyang kataga sa blog ko. nadudungisan. char. :)

Ms. Chuniverse said...

@Mugen... aktwali, naririnig ko lang yang mga tungkol sa MRT na yan, in truth, wala pa akong experience dyan. hihihi.

Char! :)


@Diosa.... dumalaw ka minsan sa lufa at iwan mo ang karimlan. choz! :)


@Candy... uu, epektib bukas, ganyan na ang bagong anouncement. Choz! ;)


@Mico... ikaw ba yung katabi ko last time? Hihihi! :0


@JM.... Gow! Ingat!!!! :)


@Astrodeus.... ay, pareho pala tayo. ako kasi sa pang-unahan. choz! :)

Ms. Chuniverse said...

@Edwin.... baket? hihihi! :)


@Simurgh... tama!!! ingat, baka iba na ang sinasalat. char. ;)

Lalaking Palaban said...

eeee.. hahaha. sobrang katuwa! pero di ako sumasakay sa likod ng mrt. mahirap mabitin! haha!

RoNRoNTuRoN said...

nahipuan ako once jaan! college pa ako nun at naka manipis na white uniform. tae, hindi sa loob ng mrt, sa escalator nilang isinukat sa eskinita. takot na takot ako nooon... wahehehehe

bienvenido_lim said...

kahit stressful ang mrt ride atleast may happy ending for some.

c - e - i - b - o - h said...

at namiss ko na ang sumakay sa mrt,
i remember lahat ng kahindik hindik na pangyayari sa mrt, mula sa kyorpalin ng shaw, mga keme sa cubao, kindat sa GMA at gow for the gold sa north avenue!! LOL

mico said...

if you're the really good looking guy who tried to reach out and reach in my pants, then maybe i was that guy! hahaha!

DOE-A-DEER said...

Na-try ko na yang mga ganyang touch me not at

look straight to my eyes na eksena:-)

Madami talaga, 1st tym ko un mag ride ng MRT

Gulantang ako Ms. C kasi naman sa likod ako naryd

Traumatic experience siya kasi i didn't expected it

Hindi ko na inulit afraid aketch baka madungisan ang aking pagkatao..

Kemi.com

Unknown said...

waaah naalala ko ang mga cute guys na nakakatitigan ko! pero not in the last unit of the train ehhehe,,, hayst sana makabingwit one time!

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

ay super lav dez. :) di mo alam kung gorabels ka sa pagdampi or fly away to the exit ka na kahit late ka na :) heehee.

miraKel said...

the one and only ka talaga Ms.Chuni - naalala ko yung one time na ...toot... tooot... tooot! LoL :)

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments