Sirena: A Picture Story
************
Ito ang aming kaharian.....
Ang malawak na karagatan na pinamumunuan ng aking mahal na ama...
Si Haring Irvin.
Pero bago pa, naging hari si ama... dati na syang sex symbol...
Napadami lang ng kain ng rice at medyo lumusog...
Opo, ako si Mutya...
Mutya Crisostomo.
Ayon sa kwento, umibig sa isang taga-lupa ang aking ama. Dahil dito, itinakwil sya ng kaharian.
Lumaki akong hindi nakikilala ang aking ina....
Si Chenellyn....
Pero hindi po Mercado ang kanyang apelyido.
Dahil na rin sa pangako ni ama na hindi na sya makikipagkita kay Ina, muli syang tinanggap ng kaharian.
Hindi ko man nakilala ang aking ina, hindi na ako nag-effort pa.
At ngayong akoy dalagang bukid na....
Ang tanging pangarap ko lamang ay magkaroon ng mga paa.
Lumapit ako sa aking stepmom na syang tumatayong reyna ng aming kaharian....
Subalit wala akong makuhang matinong sagot kaya naisipan kong magdasal na lamang sa aming patron...
Ang naging sagot ng patron ay ganito...
Kailangan daw may umibig sa aking taga-lupa ng walang pasubali para magkaroon ako ng mga paa at makapag-suot ng Louboutin.
Subalit sino naman ang lalaking iibig sa akin...
Si Fredo kaya...
o isa sa mga mangingisda sa laot...
Pero pinayuhan ako ng patron....
Mapanganib daw ang lupa para sa isang sirenang gaya ko...
Marami daw karibal na maaring ikapahamak ng aking pinapangarap na ligaya.
Gaya nila...
Ang dami pala nila.
Ano naman ang magiging laban ko.
Hanggang sa nakilala ko ang isang mangingisdang allergic sa lambat....
Noticed the rashes on his abs?
Pers lab ko talaga sya.
Gustong-gusto kong umahon sa dagat at magpa-sisid sa kanya.
Subalit matatanggap ba nya ako?
Mamahalin ba nya ang isang tulad ko.....
At muli kong inawit....
Up where they walk, up where they run
Up where they stay all day in the sun
Wanderin' free - wish I could be
Part of that world
Kaya habang nabubuhay ako sa pangarap...
Pansamantala muna kitang mamahalin...
Hanggang sa ang inaasam kong mga paa...
Ay aking makamit....
... May kasunod pa kaya?
Wala na siguro.
Epekto lang ng walang tulog itetch.
Hihihi!
Mwah! :)
******
41 comments:
Type ko pareho si Fredo at si Lambat King! Hahaha
hahaha, potek, dami kong tawa. sana lagi kang walang tulog mama chu.
im from cebu and a silent follower miss chuni. im hooked with ur blog --- sinker and all. just keep 'em coming. thanks for putting smile on our faces. luv much. tin-tin
Sa dagat ka na lang muna, Chuni! Mas madami pa din ang sea creatures kumpara sa mga tao. Masarap din ang seaweeds.
Spoiler Alert : Si MS. Chuni talaga ang nasa last pic..lol peace sistah! Papahuli na ako ay kay Lambat king...notice the tongue (gulp!!!) ...ala sisid marino toh malamang!Ching!
ahahahaha... ang galing galing talaga mschuni.. ikaw na ang sirena naman ngayon,, sirena sa tag-ulan.. LOL
@SF... choose one lang! hahaha. :)
@Houseboy... hindi pwede, baka kung ano na ang ipakita ko duto next time. hahaha! :)
@Tin-tin... Thanks! Hello Cebu! (parang may fans lang). hahaha! :)
@Echos... hangdami mong alam sa dagat. Syokoy ka ba? chos! :)
@Vhinong... Hahaha! Brouha! :)
@Ceiboh.... uu, mas type kong maging sirena kesa tilapya. chos! :)
si lambat king may hawig ata kay piolo...
anyway, bakit naman ganun ang nanay mo? pout kung pout ateng :))
@Nox.... excuse me, hindi naka pout si Ina. Naturally pouty lang talaga ang aming lips. Chos. :)
mutya, di mo nakita yung full body shot ng iyong inang si chenelyn. isa siyang pugita. ingat lang dahil pag ikaw ay nagkapaa at nakipaglandian sa mga taga-lupa, baka ka maging si octomom.
@Sean.. Bwahahaha! Winnur ang comment mo. Tenk yu sa payo Tiya Dely. :)
ang sarap siguro magpa lambat kay fredo hahaha
Punyeta! Sarap tadyakan nung nasa last pic. Haha. CHING lang!
.
.
Napakanta talaga ko ng Part of Your World..hmpf! At buti na lang di kayo magkamukha ni mother mo, hehe. Buntot lang nakuha mo sa kanya at "hiyas."
Gamitan mo ng healing voice mo para mag heal ang rashes ni Ginoong lambat. ^^,
Ang daming kalaban sa lupa. kung may fallen angels. anu sila fallen mermaids? hehe
@Desole Boy.... 'wag mo syang tadyakan, sapagkat sya at ako ay iisa. char. :)
hahaha! talagang hindi kami magka-mukha. :)
@Sedge... fallen lang. bumagsak sa lupa, kaya nagkaganun. etchoz! :)
haha, isa na yata to sa mga pinkanakakatawa mong post, miss chuni!
wag ka nalang matulog palagi, para madami pang mga ganitong kwento! hahaha :))
nagpakasal na pala ang iyong ama sa Italy...iniwan nya akong luhaan!
nakakatakot si Chunilyn este Chenelyn. :(
mukha syang PUG. bwahahaha.
panalo ang kwentong ito miss chuni. ipasa mo ito sa Adarna Publishing para gawing children's book at ibenta sa lahat ng mababang paaralan sa Pinas. Ganyan.
@Claudiopoi... adik adik lang. ganyan. hahaha! :)
@Mr. G..... nabuntis ka rin ba nya? choz. :)
@Jepoy... Hahaha! Hoy, nanay ko yan! char. Gusto ko for international release. parang Harry Potter lang. Choz. :)
Pingas! sana nilagay mo rin ang mga shokoy sa mutya! bet na bet ang mga kaha!
Bwahahaha! A graphic novel by Chuni. :)
@Cinderella... ibang version yun. hihihi!
@Caridad... Pag ginawang movie, gusto ko ikaw ang gumanap na Patron. hihihi! :)
aliw un patron... super like... nagbigay galang talaga ako sa kanya...
Doña Chuni...IKAW...IKAW LAMANG TALAGA AY!
PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!
I'm not worthy to be in the presence of a genius!
@Salbahe... hihihi! pwede ka ring magsabit ng everlasting dyan. choz! :)
@Promdi... Hahaha! genius ka dyan. :)
Marehhh i like! Magandang fairy tale. Kelangang maging required reading sa Cabading school for good manners and right conduct.
hahahahaha sobrang aliw nitong post mo miss chuni. hehehe idol. tawa ako ng tawa. pang tanggal stress tlga ang blog mo.
@tin2x - hi! taga cebu narin ako ngayon hehehe
gogogo miss chuni! =p
magandang example ito sa storytelling activity ng paaralang elementarya ng cabading.... xD
hahahaha... kalorky ha.. gusto ko ring maging part of fredo's world. share na!
hahaha ms chuni the best ka talaga... kay fredo nalang ako... hihi
grabe tawa ko kay chennelyn!!!! haahahahahahha
nakakatakot si chennilyn..sana di ka nagmana sa kanya ms.chuni hehe
muntik akong atakihin sa puso kay chenelyn.
Haba nang hair mo mama! Little mermaid lang and drama. :)
Natawa ako dun sa step mom... si marlene aguilar talaga.. haha
hindi ako makatagal kay chenellyn. kalurkey! nakarecover na ako pag dating kay ate venus pero nang madaan uli ako kay tita cheny, my gaz nangisay ulit ako! this is just so funny sis chu (parang kim chu lng)
teh ipagtatanggol kita sa mga karibal mo... wag u mag-alala
takte lakas ng tawa ko sa post na to ah! da best! ^^
Hahahaha laughtrip ako sobra...
Ms. Chuni ikaw na talaga,
Tawa ako ng tawa kahit ako lang mag isa
keber kung sabihin nilang baliw ako, chozz
bet ko si Chenelyn, ipatumba..hahahaha
@HRH Queen Chuni: my lady, i imagined you more of a forest nymph or a faerie princess than a sea princess.. (compared to the pic of your "kaharian," may i suggest that you check out plitvice, croatia.. in my mind, i've pictured this place to be your kingdom)
anyway, i let out one loud "haha", and voila! i got all the attention... everyone's now staring at me and wonderin' what's wrong with me... ahahaha! i should cover my mouth before reading your posts next time, just to make sure.. lesson learned.. :P
P.S. your aunt chenelyn scared the hell out of me.. (scarier than insidious)
nakakatuwa adik 2 hahaha
Post a Comment