Nagbago Na Sha...

****

Alas tres ng hapon.


Kadarating ko lang ng bahay galing sa haus ng isang kapitbahay/friend.


Diretso ako sa kusina, kumuha ng isang basong tubig....


Nanay: "Nandyan ka na pala. Nagluto ako ng biko. Paborito mo. Gusto mo ipaghain kita?"


Me: "Busog pa ko eh. Kumain ako ng kutsinta kina Orlet."


Nanay: "Masarap ‘to. Hinaluan ko pa ng langka, maraming latik at malambot yung niyog gaya ng gusto mo."


Me: "Mamaya 'Nay, ako na lang kukuha dyan mamaya."


Nanay: "Bakit ba ayaw mo?"


Nagulat ako.


Me: "‘Nay, hindi sa ayaw ko, busog lang talaga ako."


At nataranta ako sa sumunod na eksena.


Biglang umiyak ang nanay.


Humagulgol.


Kinabog ang Maricel Drama Presents...


Nanay: "Hirap na hirap akong gumawa ng biko na paborito mo pero hindi mo naman pala kakainin! Ako pa ang nagkayod ng niyog nyan! Kung tutuusin hindi ko naman kailangang magluto ng biko pero dahil paborito mo 'yan, pinagtyagaan ko! Buti pa ang kutsinta ni Orlet napansin mo! Hu-hu-hu!"



Homaygash! Hanung drama itey. Lumingon ako sa paligid, baka may hidden camera. Wow Mali? Wala naman. Pero ang mga kapatid ko, nakatingin lang sa akin na parang sinisisi ako.


Futahkels...


I did not kill anybody!!!


Char.



Me: "O sige, kakaininin ko na po ang biko. Tahan na…"


Nanay: "‘Wag na!!!"



Huh? Nagalit. Ibang eksena na bah ito direk?


Sisa, ikaw ba ang nanay koh?


So.... ako si Basilio?



Homaygash!



Bakla si Basilio???



And where da hell is Crispin?


Char.



Nanay: "Kung kutsinta ni Orlet ang mas gusto mo, ‘yun na lang ang kainin mo!"


Punyetang kutsinta 'yan.


Nagulo ang tahimik kong mundo!


Dahan-dahan akong nag slice ng biko. Binudburan ko ng niyog at kinain.


Me: “Wow, sarap nga! Mas masarap pa sa kutsinta ni Orlet!”


Nanay: “Weeeh! Niloloko mo lang ako…”


Me: “Excuse me ‘Nay… ano naman ang mapapala ko kung lolokohin kita? Ibibigay mo ba sa 'kin ang titulo ng fishpond? Natikman mo na ba ang kutsinta ni Orlet? Pinagbigyan ko lang ang palakang 'yon dahil walang gustong kumain ng kutsinta nya.”


Napangiti si Nanay…


Nanay: “Masarap ba talaga?”


Me: “The best biko everlu… ang biko equivalent ng Krispy Kreme!”


Nanay: “Salamat ha…”


Me: “Salamat ‘Nay…”


Lapit naman ang mga kapatid kong judgmental.


Kuha sila ng kutsara at naki-kain ng biko.


Kanya-kanyang puri, wala namang originality.


Muling sumilay ang ngiti ni Nanay.


Doon ako nakaramdam ng lungkot… pero hindi ko ‘yon pinahalata.


Tama ang sabi ng doctor.


Eto na ang mga sintomas.



Nagbabago na sya.



Hindi na sya ang dati…



Pero kailangan naming tanggapin lahat.



Higit ngayon, kailangan nya ang aming suporta.



Dahil kami ang kanyang pamilya.



Kaya hindi namin sya hahayaang haraping mag-isa ang pagsubok na ‘to.



Karamay nya kami…



Habang sya’y….



….nagme-menopause.



****

posted under |

40 comments:

heyoshua said...

hehehe :) i miss my mom tuloy

kaabang-abang ang mga susunod pang eksena with your mudang ;)

zeke said...

nakakarelate ako dahil ni mother nature ay dumadaan din sa proseso. ginagawa ko, lagi na lang ako gabi pag uuwi. hahaha

akala ko wow mali eh. :D

bien said...

Ahahahaha!

Sabi ko shettt, may Alzheimers na ang queen mother. Kawawa naman si Chunilee at baka mag-emote na lang ng mag-emote.

Ms. Chuniverse said...

@Yehosue... How's your mom? Mana kasi ako sa nanay ko. mahilig mag-inarteh. choz! :)


@Green Breaker... Hahaha! Pareho pala tayo. Pero pag binigyan ko na yan ng shopping money, tapos na ang inarteh. Choz! :)


@Bien.... Ay, hindi ako pa-a-apekto. Sayang ang karir ko. Char. :)

Leo said...

LOL! Nalorka ako sa biko equivalent to Krispy Kreme!!! Ang saya ng story na 'to. :)

Ewan said...

kainis sabay ata nagmemenopause nanay natin teh chuni... meh eksena rin akong ganyan lately with mother dear .. nasira nga ang araw ako

Kiks said...

Chunita as Judy Ann Santos ba itoh?

Désolé Boy said...

It's true. Pero mas lumalala ang pagka menopause ni mudrabels 'pag wala pang padala ang aking ama na nasa Kingdom of Bahrain. Chorla!!!
.
.
Suggested extra title: Biko versus Kutsinta

Ms. Chuniverse said...

@Leo.... hihihi! hirap kasi kung se-seryosohin ko pah, baka monthly period ko naman ang ma-affect. char.


@Ewan... Unawain mo na lang, in a few years time, magkakaganyan ka rin. Etchos! :)

Ms. Chuniverse said...

@DB... Biko vs Kutsinta? PWEDE!!! Hahaha! At tama ka, pag may financial offering na kay madir, nagchi-change mood din. hahaha!


@Kiks... hindi. ako nga si Anne Curtis devah?! hahaha! char. ;)

Herbs D. said...

OMG. Can't wait to see my mum get through this

Sean said...

katawa ka ms. chuni. ako, magmula nung dinatnan ako, natatakot na rin akong umabot sa ganyang stage... lagi tuloy ako bumibili sa quiapo ng pamparegla.

Ms. Chuniverse said...

@Herbs... Hahaha! Sabi nga ni Adoray, habaan ang pasinsya ba. :)


@Sean... Hahaha! Hinay-hinay sa pag-gamit nyan, kasi na-overdose si Adoray dyan, sa ilong lumabas ang regla. Eeeew! :)

RainDarwin said...

wow. lab ko tong post mo ate chuni.

nangilid ang luha sa aking mga mata (buti na lang walang hidden cam hahaha)

Nate said...

@hrh queen chuni: oh my.. drama moments with Her Majesty, the Queen Mother.. well, being the good daughter that you are, i guess you just have to put up with it.. and since it works, then shower her with gifts befitting a Queen Dowager..

mixed emotions ako 'teh.. iyak-tawa.. ganyan.

Ms. Chuniverse said...

@Papa P... really? Umiiyak ka rin pala. choz! mwah! :)



@Nate... sya si Tzu-Shi at ako si.. Pu Yi? tama ba? hihihi! Yes, binabagayan ko na lang ang drama. Supporting actress lang akey. Choz! :)

Ligaya said...

HAHAHAHAHAHA... Kalurkey si mudak! :))) Ang pambili ng napkin, ipangbili na lang ng rekado ng biko! :D

rl ea said...

aba ha.. maalaala mo kaya ang drama.. hahahahahaahahaha!

Anonymous said...

akala ko naman Alzheimers na, menopause lang pala, lilipas din yan he he he ... follow mo din ako Ms. Chuni ... thanksakala ko naman Alzheimers na, menopause lang pala, lilipas din yan he he he ... follow mo din ako Ms. Chuni ... thanks

Nate said...

@hrh queen chuni: tama naman na si Pu Yi ang successor nya.. pero 'teh.. lalaki si Pu Yi... hanover, germany!!! NKKLK!! :P ikaw dapat si Longyu.. :)

Danny said...

hahahaha... ka relate talaga ako nyan... kaya kahit nasusuka na ako sa sobrang busog kakain pa rin ako pagdating ng bahay kung may niluluto si nanay...

=tantan said...

HAHAHAHA!
nakikita mo na siguro ang future mo sa mama mo, haha

eskay said...

kinabahan naman ako, kala ko my alzheimers's kaloka!

peborit ka pa la ni mudra, ka inggit!

Ms. Chuniverse said...

@Ligaya.... eeeewwww!!! choz!


@RL EA... frustrated drama queen ang mudra. :)


@Edgar... Hahaha! Oo nga eh. :)

Ms. Chuniverse said...

@Nate... akala mo lang lalaki si Pu Yi... but deep inside, Empress din sha. Choz! :)


@Wizzdumb... ito yung mga time na we should give our support kay madir. kailangang ma feel nya ang pagiging important devah. :)


@Tantan... ay naku, hindi ko aabutin yan, gaya ni Sean, mamakyaw ako ng pamparegla sa Quiapo. Choz!


@Jetlander... Hihihi! OO, ako kasi ang pinaka-magandah. :)

^travis said...

naloka ako kase akala ko symptoms of dementia na nga. lols


i guess we were lucky mom did not have to undergo menopause. na-total hysterectomy siya before she was 40.

astroboi said...

hanubayan!hindi ko tuloy alam kung matatawa ako or matotuch ako sa kwentong toh..in fairness love ko ang entry mo na toh miss chuni..love it!

Ms. Chuniverse said...

@Travis.... Hahaha! Thanks for the idea, magpapa hysterectomy ako bago pa mag menopause. Choz! :)


@Astroboi... Try mong gawin ng sabay. Choz! Thanks! :)

Nate said...

@hrh queen chuni: NKKLK ka 'teh!! *tambling* in fair, naisip mo pa talaga yun ah.. ahahaha! :P --- akala mo lang lalaki si Pu Yi... but deep inside, Empress din sha. Choz! :)

Jaderated said...

natotouch ako na natatawa dito sa post na to. napaka fresh lang teh. like!

Andy said...

funny. natawa ako sa sinabi mong judgmental ang mga kapatid mo. hehe.

Anonymous said...

sorry ha, pero this did not fail to make me laugh lalo na sa ending. di ko alam kung intentional o ano pero natawa me talaga. haha.

akala ko kasi al.. alza.. al.. ano ulit yun? hirap bigkasin punyetah. basta yon na yun.hahah

-anon101

Anonymous said...

Haha. Naalala ko tuloy ang mga away namin ng nanay ko ng ilang taon bago ako napilitang umalis na lang ng bahay. Nakakonsensya kase di ko naintindihan ang nanay ko kaya sobrang galit ko sa pagiging irrational nya. Dahil menopausal pala sya.

Thanks miss chuni. Araw araw kong binabasa ang blog at ang makukulit na follower comments bago matulog.

JohnM said...

Wow parang nakakarelate ako... Ganun talaga pag may menopause ang nanay, extra sensitive. At diba ikaw yung favorite ng nanay mo? And come to think of it, hirap nga naman magkayod ng niyog! LOL!

Seriously Funny said...

Naluha ako ha. Super close kasi ako sa Mom ko. And nasa mid-60s na sya ngayon....

Sedge_Sanctuary said...

dakila kang anak Ms. Chuni. ^^,

Lasher said...

Namiss ko tuloy ang nanay ko...huhu...

Ewan said...

nyeta mas mauuna kang magmenopause sakin teh! that's for sure ... aga mo kasing lumandi e ngaun pala lang sumisibol ang bulaklak ko

chelle9teen said...

hi.. I've been following you and reading your blogs for months now.. we don't know each other pero I just want to say, you're a great blogger and I really enjoy reading your posts. nakakatuwa.. =)

patryckjr said...

SUSME....... chuni... akala ko kung ano na yung sakit.... dami kong tawa...di ko mabilang...as awlays..everytime
i read your entries....hahaha

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments