Ms. Chuni's Supercalifragilisticexpialidocious Bus Ride

Dahil may kailangan akong bilhin sa Trinoma, doon na rin ako sumakay ng bus pauwi.




Kita ko na may ilang nakatayo na sa paparating na bus kaya ni-ready ko na ang sarili kong nakatayo ako from Quezon City up to the beautiful province of Bulacan.




Pag-akyat ko ng bus, nag-tinginan lahat.




Haller, hindi pa ba kayo nakakita ng dyosang nagko-commute?




Char.





Since maluwag pa sa bandang likod ng bus, isiningit ko ang bubot kong katawan sa mga taong nakatayo sa bandang unahan upang makarating sa dulo.




At napansin ko na may isang bakanteng upuan pa pala.




Uy, swerte!




Ang kaso, may nakaupong isang gurl na nagti-text. Parang ganitey lang...

























Hala! I realized, halos occupied na nya yung pan-dalawahang upuan.





Hmmmm.... sa loob-loob ko, kaya pala walang tumatabi.





Eh, nangangawit na ko sa Manolo Blahnik stilettos ko kaya with all my might nag ispluk na ako ng...




"'Teh, excuse me pow." sabay ear-to-ear smile.




Aba, tiningnan lang ako ng Go-Large na bilat. Nakasimangot pa sha. At di man lang nag-effort umusod ng konti. Uu, as in parang sinasabi ng tingin nya na...




"Tatabi ka sa 'kin? Alam mo ba 'yang binabalak mo? Subukan mo lang tumabi sa akin, dadaganan kita!"





Sa akin, wala namang masama kung sinlaki ka pa ni Yokuzuna. Wala na tayong magagawa dyan. Pero may kasabihan nga, "Mag-inarteh ng naaayon sa gandah.". Kaya sana man lang, nagpaka-bait na sha at nag-effort sa ganoong sitwasyon. Kahit pakitang-tao na umusod ka. O suklian mo man lang ng graciousness ang maayos kong bati. Can't you see, I am trying to be humane here? Choz.





Pero wala talaga eh, at yun nga, parang ako pa ang nakaka-perwisyo base sa tingin nya.





Eh, hindi ko talaga feel tumayo, kaya nag-sit-in na rin ako at ipinag-adya na lang ang aking kapalaran. Char.





Masikip talaga. Tinatamaan pa ako ng siko nya pag nagti-text sya. Gusto ko sanang i-angat yung nakalaylay nyang taba sa tagiliran para magkaron ng space. Pero syempre hindi ko ginawa. Haller, eh kung dagukan akez 'noh? Choz.




So, ayun nga, naupo na lang akez sa tabi nya kahit kalahati lang ng wetpaks ko ang nakasayad.




Yung kalahati, nakalutang lang sa thin air.




Char.



Tiningnan nya pa ako na para bang ako pa ang may kasalanan at sumikip ang mundo nya. And worst, sinadya pa nyang ibukaka ang pata este hita nya.




To be honest Charo, nanliit talaga ako sa sarili ko nung time na 'yon. Para akong pandaka pygmea na nasa tabi ng isang pla-pla. I felt so vulnerable. Choz!




Haaayyyy....




Buti na lang at mabait din ako ng araw na 'yon at hindi ko feel pumatay ng isang endangered specie.




Napansin ko na nakatingin sa akin yung estudyante na nasa katapat naming upuan. Para syang natatawa na parang na-a-awa. Basta hindi ko ma-figure. Siguro believe sya sa aking balancing act or inaabangan nya na mahulog nga ako sa kinauupuan ko.




Well, i will not give him the pleasure. Kumapit ako sa handle bar sa harapan ko.




Every now and then, Orca -The Killer Whale, would glance upon me na nakataas ang isang kilay at para bang sinasabing... "Ano, kaya mo pa?"




I gave her a Bella Flores smile.





Maya-maya pa, dumating na ang konduktor para maningil.




Inabot nung nasa tapat naming estudyante yung pera nya.




Estudyante: "Bulacan po, estudyante."




Matapos suklian ng konduktor ang not-so-cutie-pie-pero-pwede-na-rin-pag-tigang na estudyante, ako naman ang hinarap ng konduktor.




Inabot ko sa kanya ang P50.00.




Konduktor: "Saan?"




Me: "Balagtas po.... kalahati."




Nagulat yata ang konduktor.




Konduktor: "Huh?"




Me: "Kasi po, kalahati lang ng pwet ko yung naka-upo."




Tumingin yung konduktor sa katabi ko tapos sa akin. Napangiti sha.




Pero ang sama ng tingin sa akin ng katabi kong si Sarah Geronimo (Uu, hawig sya kay Sarah, pero after nyang kainin ang buong cast ng ASAP).




Choz!




Me: "Ay, sorry po. Joke lang po. Hihihi!"




Sarah: "Joke ka dyan! Kasalanan ko bang maging chubby?!?"




Chubby? Ah... 'teh, kailan pa nabago ang definition ng chubby?




Pero hindi na lang ako kumibo after mag-apologize.





Ibinigay na ng konduktor yung sukli ko.




Teka, parang sobra.





Binilang ko.




Sobra nga.




Tsinek ko yung ticket.




Binigyan nya nga ako ng discount.




Seniors Citizens Discount.




Amfutah!

posted under |

46 comments:

Anonymous said...

Akala ko contestant sa Biggest Loser...

Natawa ako ng sobra miss chuni..

Lovelot,
JM BiyaheroAkala ko contestant sa Biggest Loser...

Natawa ako ng sobra miss chuni..

Lovelot,
JM Biyahero

Anonymous said...

Akala ko contestant sa Biggest Loser...

Natawa ako ng sobra miss chuni..

Lovelots,
JM Biyahero

Leo said...

Sakit ng tiyan ko sa part ng Sarah Geronimo after kainin ang buong cast ng ASAP!!! Hahaha, good vibes na good vibes na ako sa tawa today.

Quota na. :)

Mr. Hush Hush said...

hahaha hilarious!

Ms. Chuniverse said...

@JM.... Kunsabagay, pag na-a-alala ko, natatawa na lang din akez. Hihihi! ;)



@Leo... Hahaha! Quota talaga. Have a nice day! :)



@Mr. Hush Hush.... Hihihi! ;)

Drama King said...

Hahaha. Walang kupas please! Pampasaya ng umaga! Hahaha. :)

Seriously Funny said...

Panalo! Tawa ako ng tawa dito! Hehehe.

Ms. Chuniverse said...

@Drama King.... Ang gandah ko? Yan ang walang kupas. Char. :)



@SF.... Buti naman. Hihihi! :)

Geminianchi said...

didn't consider the option of making pakandong to ate, ms. chuni? or instead of holding on to the handle bar, u made yakap nlng to her like a cheddy bear! sorry carried away, iniba ang script. hehehe. great mornin!!!

Anonymous said...

Harhahahaha, grabe Ms Chuni ang galing galing, kakaloka, benga ka, binigyan ka ng discount.
aliw aki, SENIORS, epek n.


Tidyong

Ms. Chuniverse said...

@Geminianchi.... Aktwali, i considered that. Kasu, baka ako ang kandungan nya pag sinabi ko. Kaya in-ignore ko na lang ang thought. Hihihi! ;)



@Tidyong.... Uu, kahit mukha akong estudyante. Choz! :)

lonewolf said...

dapat si donya buding eh double bayad kasi dalawang seat ang naoccupy niya hahahaha

sa picture pa lang mukha ng suplada hahahaha

kamote said...

ibang klase ka talaga..you always make/made my day day sa pagbasa ng blog mo... kakatuwa ka...more power !!

Ms. Chuniverse said...

@Lonewolf.... I have a friend na may kalakihan din, and that's what she always do. And she's very nice ha.


@Kamote.... Sana more boylets na lang. Ayyy, halifarot. Hihihi! :)

RainDarwin said...

teh, dapat yung estudyanteng not-so-cute-na-pwede-na-pag-tigang kinunan mo rin ng piktyur.

JC said...

tama nga yang saying na maginarte nang naaayon sa ganda. pero siguro parang defense mechanism nya na rin yan dahil insecurity nya nga yang pagkamataba nya. naiinis sya dahil nahihiya. parang ganun.

so... inanalyze ko talaga? LOL. ako na ang psychology. (psychology???) hahaha!

***dapat kumandong ka na lang dun sa not-so-cutie-pie-pero-pwede-na-rin-pag-tigang na estudyante. LOL.

Ms. Chuniverse said...

@Papa P... Ah ganun, kasi twink? Futik ka! Hahaha! Choz! :)



@JC.... Alam mo, kinonsider ko yan.... ang magpa-kandong kay estudyante. Hahahaha! Choz! :)

♥ jeni ♥ said...

dapat sinabi mo nung tiningnan ka nya ng masama na, "bakit, pandalawang tao na ba ang ibinayad mo para hindi ka man lang umusog?!" hay naku, ka-high blood yang ganyan tao... hindi rin naman ako sexy pero alam kong isiksik ang sarili ko kapag feel kong hirap na yung katabi ko... anyway, natawa ako ng bongga dun sa "sarah" part at dun sa senior citizen's discount.. hehe... hayaan mo na Your Highness, at least considerate si manong kundoktor di ba? :P

Yj said...

i don't have anything against fat people, pero tama, may mga taong mukhang baboy na nga, baboy pa umasta.

Naalala ko tuloy yung mabait kong blogger friend na nakipag away sa sa isang dambuhalang nilalang. If i remember it right ganito ang binitawan niyang linya:

"Is it my fault that you're occupying too much space because of your extreme obesity?"

ang bait talaga ni Citybuoy!!!

ahahahahaha joke lang. ako talaga nagsabi niyan sa isang blogger na panay ang pa-anggulo sa mga profile pic sa FB, eh wala namang anggulo ang bilog!

yaiy

shenanigans said...

hahahaha! naawa sayo si konduktor.. eh anu nangyari? nakauwi ka ba ng buo pa ang behind mo? si ate saan bumaba? nauna ba siya bumaba sayo?

charles. said...

Anu ba naman siya, hindi marunong gumalang sa alta sociedad

enteng said...

hehehe! hahaha! at lol! ganyan kadami ang tawa ko ms. chuni! talagang di ka nagpatalo ha? humirit ka talaga sa huli. kaw talaga, kasalanan nga ba naman ni ate na maging chubby? malay mo naman chubby pa lang ang tingin nya sa sarili nya ngaun? e sya un ang definition nya ng chubby, nangingialam ka!

nice one ms. chuni! more power! :)

Ms. Chuniverse said...

@Jeni... Uu, its either considerate sya o chino-chrovah nya rin akez. Choz! ;)



@YJ.... Hahaha! Malditah ka! Choz! :)




@Shenanigans... Uu naman, nakauwi akong intact ang lahat. and yes, mas nauna akong bumaba. kaya careful akez, baka kasi ako madapa. Char. :)



@Charles... Uu nga eh, kahit sa royalty na lang. Hahaha! Choz! :)



@Enteng....I know its my fault. Hahaha! Choz! :)

miko08 said...

ay teh natawa ako dun haha

miko08 said...

testing pede pasali hehe

Anonymous said...

Ay teng Chuni it also happened to me, buti nga sayo sa bus ako sa fx eh. Imagine nakasiksik sayo ang isang orca sa biyaheng fx mula ayala hanggang pasig? Kalerks! Nangalay ang hita ko te! Di na makadaloy yung dugo ko sa right leg ko dahil super siksik talaga yung pata nya. Hay! Nangalawang tuloy ang paa ko at napababa tuloy ako sa fx ng walang oras. Kairita! Halos di ko na maramdaman yung paa ko nung bumaba ako ng fx. Never na ako sasakay ng fx na may katabing orca kahit kailan!

Ms. Chuniverse said...

@Miko... bago sumali, patingin muna. hahaha! choz! :)


@Anon... Kasi pinipilit din ng mga FX na siksikin yung mga pasahero nila. Hindi na ko sumasakay ng FX. Either bus or taxi na lang. :)

Anonymous said...

Mare na gutom ako sa pic nya.. Swear.. Para sya kasing pork asado sa paningin ko... Makapunta nga ng Lido Panciteria.. Char!

Ryan

Ms. Chuniverse said...

@Ryan... Uy, visual aid lang yan, wag mong kainin. hahaha!

Anonymous said...

hahaha laftrip ako sa kalahating bayad mo wahahaha!

Kiks said...

funness, mary poppins!

egG. said...

NAKAKALOKA.... dami kong tawa.. super aliw ang post na to.. lalo na dun sa senior citizen na discount.. jusko pooohhhh

Anonymous said...

Buwahahahaha!! Eh di nga naman kasalanan ni Sarah G ang maging chubby ms. Chuni. Isisi mo yan sa stilletos mo. Ahahaha!! Love this one! Wapak ng vunggang vungga!
-icy-

Buwahahahaha!! Eh di nga naman kasalanan ni Sarah G ang maging chubby ms. Chuni. Isisi mo yan sa stilletos mo. Ahahaha!! Love this one! Wapak ng vunggang vungga!
-icy-

bien said...

Mas pipiliin ko na lang tumayo kesa yung upong kalahati, nakakangalay ever.
Ay no comment sa mataba, mataba nakez at baka karmahin pa at lalong tumaba lol

Nate said...

@HRH Queen Chuni: parang yung post ko na Bitchin'.. ahahahaha! :P Atleast sa 'yo, isa lang.. yun sa akin dalawa... :P

garampingat said...

"binigyan nya nga ako ng discount
senoir citzens discount"...lol

ardent1 said...

natawa ako sa sarah geronimo!!! hahaha

anyway nakakainis nga yung mga taong hindi na nga goodlooking tapos pangit pa yung ugali. LOL

jetlander said...

nawindang ako sa senior citizen discount, ang lagay niyan edad 60 ka na? bakit di student or PWD discount 20% din naman same as senior citizen.

Roy said...

hahaha... baka naman para dalawang tao ang binayad ng babae miss chuni, tinanong mo ba? kaya nainis siya ng umupo ka kasi bayad na nya yong upuan.

Viktor Saudad said...

sana kumandong ka na lang sa kanya...edi mala-sofa pa ang upuan mo.

WMBoy said...

HAHA ang brave naman ni Ms. Chuni. Dapat nagbaon ka ng itak, and you sold her kilo per kilo. Mahal din ng baboy ngayon no haha

Anonymous said...

Such a funny literature!

Ms Chuni, you should have opted to stand rather than prolonging your agony sitting beside that girl. Just so unfortunate the lady behave not so fair. I guess Ms Chuni, you came in a wrong bus, wrong time and with the wrong passengers.

At least you got a fare discount, but even so, that can't be considered a fair consolation for everything that happened.

Bottom line, how you shared your experience made me chuckle.

Anonymous said...

Ate Chuni,

So Bulakenya ka pala. Ako rin. I know that bus. German E.

I want to be your friend. Samahan mo naman ako rumampa minsan. =)

Jaderated said...

nagpalpitate ang keps ko kakatawa dito chuni. magawa nga din yan minsan. haha

린코 said...

parang zombadings lang ang comment ko: "awaaard!!!"

Anonymous said...

Sarah 'G' nga as in sarah Go large!... Hahaha..

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse
There was an error in this gadget

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

There was an error in this gadget

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments