Nang Ma-Hospital si Nanay



*****

Hindi naman ako nagpa-alam.


At lalong hindi ako sumakabilang buhay.


Etchoserang frog ang nag SLN sa kin ha. 'Wag kang mag-alala 'teh, feel kong ikaw ang advance party ko para dyan. Yun nga lang baka di tayo mag meet sa langit. Char.


Kailangan ko lang talagang mag-hinay-hinay.


Anyway, i promise to blog naman kahit once a week.



Hindin ko kasi kayo mai-iwan.



Para tayong twins.



Ako si Richard, kayo si Raymond.



Ganyan.




****************************************************


Nasa office ako nung Friday ng mag text ang sister ko.



"Kuya, Nanay's BP shoots up. Nahihilo sya kanina pang umaga. Will bring her to the hospital."



Immediately, I left the office.



My Nanay is diabetic and suffers from hypertension. Twice a year, for the last 2 years, despite her maintenance medications, kailangan namin syang dalhin sa hospital because of these sudden 'attacks'.



Buti na lang may malapit na hospital sa bahay ng parents ko.



45 minutes by plane.



Char.



Nasa E.R. daw ang Nanay ko kasama ang father at sister ko.



Hindi muna ako lumapit.



Pumunta ako sa isang sulok at nag-emote.



Nag-isip ako ng mga bagay na malungkot.



Gaya ng Planax at Viagra.



Nang medyo teary-eyed na akez.



Nagtatakbo na ako sa loob ng E.R.



Lumuhod ako at humagulgol.



"NANAAAAYYYYYYYY!!!!!!!!"



Nurse: "Hu u?"



Me: "Anak ako ni Franceska Javier Suzara! Where she at?"



Nurse: "Ah, ober der!" Sabay turo sa kabilang side.



So, punta naman akez. Syempre hindi ko na inulit yung Vilma Santos acting ko.



Enter Jaclyn Jose.



Under acting ang peg.



Me: "Kamusta na sya?"



One teardrop.



Sister: "Stable na. Pero mataas pa rin ang B.P. nya. Hinihintay na lang namin ang result ng transthoracic interpretation of the electrical activity of the heart, as detected by electrodes attached to the outer surface of the skin and recorded by a device external to the body or otherwise known as E.C.G."




Pinahid ko ang formation ng dugo sa aking ilong gamit ang baby wipes at sinampal ko ng dalawang beses ang aking kafatid for making my nose bleed profusely.




Lumabas na ko ng E.R. 'coz I know ipagtatabuyan din akez. Kanina pa kasi itinuturo ng thunder na nurse yung sign na isa lang daw ang pwedeng kasama ng pasyente sa loob. Gusto ko syang issuehan ng post dated check para bilhin yung hospital at sisantihin sya agad. Kitang nag-e-emote pa ko eh.




Heniwey, nag-evaporate na rin akez. Hindi ko na binili yung hospital 'coz baka kapusin ang weekly budget ko. Char.



After one hour, Nanay was transferred to her room. I realized she was sharing the room with 5 other patients.



Me: "Bakit sa ward?"




Sister: "Wala na kasing available na private room. Dami daw silang patients today."




Pumunta ako ng reception. I don't want naman the Queen Motha to feel kawawa 'noh. I know she is looking forward pa naman na manood ng anniversary ng tv show ni Willie Revillame eh walang tv sa ward.




Me: "Miss, wala ba talagang available na private room?"




Receptionist: "Wala na po sir eh. Gusto nyo po ilalagay ko sa waiting list si Ma'am."



Nag-isip ako.




Kung palalagyan ko ng Annex yung hospital, mga 6 months pa 'yon matatapos. Haiiist.




Me: "Mahaba ba ang waiting list?"




Receptionist: "Wala pa po. Bali sya na po yung priority."




Me: "Sige, please."





Pagbalik ko, ayaw ng magpa-admit ng Nanay. Okey na daw sya. Uwi na daw kami. Feeling nya siguro tinitipid namin sha. Pero ayaw ng doctor nya. Kailangan syang i-monitor. 40/minute lang kasi ang heartbeat nya.




A little later, na-ilipat na sya sa private room.




May Cable TV. DVD. Maliit na kitchen na may ref. Private C.R. at receiving area. Parang ganyan lang...




















Ayun, okey na daw sya dun.




Makakapanood na daw sya ng Willing-Willie.




Haaayyyy. Gusto ko na 'ring magpa-confine.




Nag 200/minute ang heartbeat ko.




Anticipating the gastos.





Char.





I told Sister and Tatay to have dinner muna at ako muna ang magba-bantay kay Nanay.





Maya-maya dumating na yung Doktora ni Nanay.




Dra: "Kamusta po 'Nay?"




Nanay: "Medyo okey na Doktora. Hindi na ko nahihihilo, hindi gaya kanina."





Binigyan ng instruction ni Doktora si Nanay. Tsi-nek ang heartbeat.




50/minute.



Kinausap ako ni Doktora.




Dra: "Nag-i-improve naman po si Nanay, pero kailangan nya pa rin mag-stay dito."





Nanay: "Ay sya nga pala Doktora, 'yan ang panganay ko. Si Pepe. Binata pa 'yan."





Paksyet!!!! Ano itetch?!?





Natawa si Doktora.





Ako, nadu-duwal.





Hindi naman panget si Doktora. In fact, may angking gandah ang bilat. Pang semi-finalist ng Binibining Novaliches ang peg nya. 'Yun nga lang, hindi ako lesbiana 'noh.




Napaka-akward ng moment.




Nang biglang bumukas ang pinto.




Pumasok ang nurse. May dalang dextrose.





Napa-nganga ako.




Ang gwafu nya.




Ang tangos ng ilong.




Ang pungay ng mata.




Ang kifot ng labi.




At gusto kong sabihing...




"Nanay.... sya ang gusto ko."



Hihihi!




Char.

posted under , |

41 comments:

Anonymous said...

Get well soon to Mrs. Suzara!!! Hehee!!! Ikaw pala si Pepe suso-rah!!! Lolz. Willie fanatic pala si mudra. heehee





-Been

Jpy Dee said...

get well soon sa nanay mo miss chuni. :)

Nate said...

@HRH Queen Chuni: i wish the Queen Mother good health..

at ang private room.. PAK!!

kelangan tlga, may gwafu nurse? ganyan? :P

astroboi said...

namiss ko blog mo miss chuni!..get well soon to your mudra..!

JC said...

get well soon mommy francezka! (naki-mommmy? haha)

sushaaaal ang room! sushaaaaal din sa bulsa haha.

picturan ang cute nurse please? *twinkling eyes*

Ms. Chuniverse said...

@Been.... Aynaku, ewan ko ba at adik-adik sya kay Willie. Chos!



@Jepoy... Thanks! She'll be okey na. :)



@Nate.... Yan din ang tanung ko. Distraction sha! Hahaha! Chos! :)



@Astroboi... Thanks! Ipapadala ko muna si Mudra sa Inglatera. Char. :)



@JC... Thanks! Aktwali, 2 years akong hindi manlalaki sa laki ng gastos. Chos! :)

citybuoy said...

Huli man, get well soon kay queen mother. hehe

Ang taray nung nurse! Parang yung last scene ba sa here comes the bride? lol

Anonymous said...

you never failed to amaze me with your story telling technique. wagi ka talaga sis. enjoy lagi ako sa mga post mo. tahnks ha.

Ms. Chuniverse said...

@Citybuoy.... Thanks! Feel kong maging soulmate si Nurse. Magpapa-inject ako sa kanya night and day. Chos! :)



@Anon....Hihihi! Dinadaan ko na lang talaga sa tawa ang lahat. :)

Anonymous said...

Na-miss ko blogs mo, swear!! Hoping for your mom's speedy recovery.
-icy-

Mugen said...

Get well soon to your nanay. :D

Ms. Chuniverse said...

@Icy.. Na-miss ko din kayo. Parang titi lang. Hihihi! Chos! Thanks!



@Mugen... Tenk yu! :)

Anonymous said...

halo halo ang emosyon ko nung binasa ko post mo. para ka lang adik miss chuni. haha.

get well soon kay nanay!

walangtruelove said...

my grandmother and the the wolf prays for your highness' Queen Mother's good health
She'll be fine in no time :)

Jenny said...

Get well soon sa Mother Queen..anyway, ng nabangit mo na ang gwapo ng nurse naalala ko tuloy ang aking bf na handsome nurse rin..hahaha

Ms. Chuniverse said...

@Dadi Kuri... Na-overdose kasi ako sa dextrose ni Nurse. inject kasi ng inject! Hihihi! Chos! T.Y!



@Red.... Ay thanks! At dahil dyan, pakisabi sa mga wolf, magpapa-lapa ako soon. Chos! :)



@Jenny.... Uyyy, kailan kayo magbi-break? Hahaha! Chos! :)

NiNo said...

Get well soon, Queen Mother.
Including you and your family in my prayers.

Ms. Chuniverse said...

@NiNo... Thanks! Gumagaling na sha. Pramis ko kasi bibigyan ko na sha ng apo next year. So pressured na talaga akez na mabuntis. Char. :)

Leo said...

miss chuni, get well soon kay mudra. ipag-pray natin yan. :)

c - e - i - b - o - h said...

hanubayan,, kahit saang sulok ng mundo may eksena ka talaga!!! ahahaha

Ms. Chuniverse said...

@Leo... Gagaling na daw sya. Sabi ko kasi pag hindi sya gumaling, wala syang Red Envelope sa Pasko. Aba, mag e- aerobics na daw sya bukas. Chos!



@Ceiboh.... Isinasabuhay ko lang ang aking pagiging Eksenadarong Etchoserang Beauty Queen. Hihihi! Char.

bien said...

Get well soon kay Nanay.

Winner ang comeback movie mo teh, wagi din ang jacklyn jose moment, na-imagine ko bigla ang out of this world accent nya

Anonymous said...

Weeeee!!!! AT last... we have a new entry... it was hard goin in here finding nothing.... DAY * with a new entry... that was exactly one week... - WHREN

PS. Walang Kupas!!!

WHREN said...

Ms Chuni, gawa na tlg me ng profile. From Cebu, with love!!!!

Bukas ulet?

♥ jeni ♥ said...

ai.. get well soon sa iyong mudra miss chuni! in fernezz at sana u can post na ulit everyday kasi nakakamiss magbasa ng posts mo! :D

Dyosa said...

may naalala tuloy ako..hahaha....kalandian

Ung cute an nurse sa hospital na pinagdalhan sa mudrabels ko before...hihihi (Kilig)

Konting ingat na lng kamo sa mujay, Ms. Chuni.
Get Well po, Mrs. Suzara.


P.S.

Nga pla..dahil sa blog mo na itey..napagawa din tuloy akis ng blog..hahaha

garampingat said...

get well soon k queen motha...
at prang gusto mong painject k gwafung nurse huh...

Ms. Chuniverse said...

@Bien.... Hahaha! Oo mare, Dinibdib ko talaga ang Jaclyn Jose acting. chos! :)



@Whren... Salamat. Hindi ko na keribels mag blog on a daily basis. Matutuyuan ako ng juice. hihihi! Chos! :)



@Jeni... Thanks! I will try my best, parang nung nag compete lang sa Miss U. Hihihi! :)


@Chupa.... That's nice! Sige, will go and visit your blog. :)



@Garampingat.... tama ka dyan!!!!! Hihihihi! :0

Unknown said...

wow haha. nangangamoy sex in the hospital CR! lol or sa bodega ng mga janitor haha

marksupsup said...

parang familiar ang room. sa St. Lukes global city ba to miss chuni???

anyway hoping that your mother will get well soon! nakakamiss din pala ang mga blog entries mo miss chuni...

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

pagaling si mader. ikaw, paconfine ka sa mental

Ms. Chuniverse said...

@Hot Bicycle... Naamoy ko rin 'yan. Hahaha! Chos! :)


@Mark... Salamat ha. Alam ko namang hahanap-hanapin nyo ang alindog ko. Char. :)



@Mandaya..... Hahaha! Basta dalawin mo ko ha. :)

Jenny said...

Miss Chuni, hindi kami magbi-break..share ko nalang siya sa iyooo! ahaha

casado said...

Get well soon kay nanay!

Ms. Chuniverse said...

@Jenny... Okey!!! I'm accepting!!! Hahaha! Char. :p



@Soltero.... Oist Papa, anu nang nangyari sa lovelife mo? :)

RoNRoNTuRoN said...

Get well soon kay mama mo! natawa ako duon sa eksena nyo ng doktor at pagpasok ng nars na wafu. ahahaha.

WHREN said...

ayy wala?! d keri every day?

Anonymous said...

na miss ka talaga namin chuni hehehhe

zeke said...

i hope your mom gets well soon, Ms. Chuni.. let's just say i've been in the same situation recently.

Ms. Chuniverse said...

@RonRon.... Mas masaya nung injection time na. Me and da Nars. Hihihi! Chos. :)




@Whren... meron na 'teh! :)



@Anon... Nagbakasyon para hindi kayo mashadong maumay sa aking gandah. Hihihi!




@Green Breaker... Awwww... hope you and your mom are okey na. :)

kamote said...

i didnt visit this blog for 5 days kasi kala la ka pa..eniway..welcum back...hope/pray that your mom is well now..baka naman kahit na maiigi ng pakiamdam ng mutar eh gusto mo pa syang mamalagi sa hosp dahil sa nurse>>>lol..kaw na lang kaya?? joke!!!

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments