Enter You
*******
10 years ago, binigyan ako ng ex ko ng isang gift na VCD.
After a week, tinanong nya ako kung napanood ko na.
Sabi ko hindi pa, kasi busy ako.
Nagalit sya.
At dinakdak nya ang isang taong litanya at reklamo nya sa aming relasyon.
All started because of a VCD movie.
Nag break din kami after another week.
Almost two years din kaming mag-un.
After non, siguro mga 2 months after the break-up, sinimulan ko ng i-dispose yung mga memorabilia nya. Pictures, gifts, cards, etc.
Tapos nakita ko yung VCD na binigay nya.
Hindi ko pa rin pala napapanood.
So, ayun sinalang ko sya sa VCD player.
Ganda pala nung movie.
Ang tanga-tanga ko lang.
Pero hindi naman ako nagsisisi. Wala na talagang patutunguhan yung relasyon namin. Nag trigger lang yung break-up dahil nga dun sa movie.
Tapos nalimutan ko na uli lahat.
********
Past forward. 10 years or so after.
Nung Saturday afternoon, nasa Starbucks ako. Nagka-kape sa isang sulok ng bar table, mag-isa habang nagba-blog hop.
Tapos biglang nabulabog ang tahimik kong mundo dahil sa isang estrangherong katabi ko.
Nakikinig sya sa iPod nya pero bigla syang kumanta ng malakas...
Him: "Enter you... voila it's showtime..."
Napatingin ako sa kanya... pamilyar kasi sa akin yung kanta.
Hanggang sa napangiti ako.
Una, cute kasi sya.
Tapos parang wala syang pakialam sa mundo.
Hanggang napansin nyang nakatingin pala ako sa kanya.
Napahinto sya bigla at tinanggal yung headphone nya.
Him: "Sorry! Malakas ba?"
Ngumiti ako sa kanya.
Me: "Hindi naman. Okey lang."
Him: "Senya na ha. Na carried away ako sa kanta."
Me: "Okey lang. Pamilyar sa akin yung song."
Him: "Enter you?"
Me: "Yun ba 'yung title?"
Him: "Oo."
Me: "Di ko ma-recall pero yung lyrics at melody, sobrang pamilyar sa akin."
Him: "Theme song sya ng isang movie."
Me: "What movie?"
Him: "Trick."
And then all the memories went back. Para akong nag-time travel.
Him: "Napanood mo na yung movie?"
Muli akong napangiti.
Me: "Oo, but that was a looong time ago."
Him: "Are you...."
Me: "Gay? Hahaha! Nasa hitsura ba?"
Him: "Hindi nga eh..."
Me: "Ikaw?"
Tumango sya.
Me: "By the way I'm Pepe."
Him: "I'm Kenneth."
At nagkamay kami. Simula ng kwentuhan. Mabait si Kenneth. Maamo ang mukha. Hindi yung usual na kinakikiligan ko. Pero theres something in him na attracted ako. Siguro dahil matalino sya at may sense kausap. Mula sa movie napunta hanggang gadgets at architecture ang usapan namin. And i realized, we have so many things in common.
Hanggang naglakas loob ako na kunin ang kanyang number.
Me: "Okey lang?"
Him: "Oo naman."
At kinuha din nya ang aking numero.
Me: "Bakit ka nga pala nandito?"
Him: "Hinihintay ko lang yung boyfriend ko dyan sa Cityland, may pasok kasi sya pag Sabado."
ENTER YOU
from "Trick"
I've heard that all the world's a stage
And we are only players acting out some predetermined page
But it is lonely as can be
With nobody opposite me... Then...
Enter you - Voila it's showtime
You brought the house down with a dance and a dumb ditty
Enter you - In less than no time
This ugly drama has become pretty
Up went the curtain, My lines felt wrong
Intermission seemed so far away
The plot uncertain, The scenes too long
Life was like an uninspiring play
But now you're here - We meet stage center
I thought my storyline was through
Then enter you
Now you're here - We meet stage center
I thought my storyline was through
Then from the blue
Enter you
***************
40 comments:
Sad. A similar scene occurred to me just recently.
.
.
Maganda ka naman Ms. Chuni eh. Aus lang :p
I have a copy of this movie and ilang beses ko na din sya napanood..
i like the ending most, hanging, pero it sets the tone na medyo maganda yung mga susunod na mangyayari..
Thanks for this post Ms. Chuni..start na ko magbasa ulit entries mo ng june 2010 e..pang de-stress..
higit sa lahat pasumandali ko nakakalimutan na single ako ng one year na..
@Désolé Boy.... Uu, yun na lang din ang iniisip ko. Hahaha! Chos! :)
@Chard...I agree. Kahit walang sex scene, super intense nung movie. Dinownload ko uli sya the other day and i will watch it again tonight. :)
Madame Chuni: na-trick ka :(
@Ternie.... Uu, di bale, may 'treat' naman ako mamayang gabi. hahaha! chos! :)
natrick ka nga
@ Conio... Uu. hahaha! ;p
at least madam chuni nasight niya ang kagandahan mo..chos! ahaha
love this movie. madalas ko itong panoorin, pantanggal ng stress. would you believe na may vhs, vcd at dvd copy ako nito? adik lang. hehe! :)
Bago pa lang ako sa "sirkulasyon" nung napanuod ko 'yung movie. Haha. Naiyak ako. Ang ganda. Wagas 'yung halikan sa daan. At ang pagtawag sa phone. Eeee shet. Kilig. :p
@Jenny... Uu nga eh, para syang na starstruck. hahaha! etchos! :)
@Aris... Aba, at super fan ka talaga! Impeyrness, maganda naman talaga yung movie. nakaka-inlab. hahaha!
@Drama King... Pareho tayo, wagi ang kissing scene! at napa buntong hininga ako dun sa confeermation ng phone. :)
parang may pinagdadaanan madam ah? ayos lang, after the trick comes the treat di ba?
@Mark Joe... tama ka dyan, kaya i will 'treat' myself tonight. indulge kung indulge. hahaha! chos!
pinanood ko ulit tuloy yung movie ms. chuni, hehehe! uber agree ako na kakakilig ung confirmation sa phone no?
Cute yung gabriel pero ang hot ni mark!
@drama king..agree goosebumps ung kissing scene sa daan..
o sila na in-love! PS! mang-inngit ba? arghhh!
I also had a vcd of this movie, my cousin took it at panoorin daw niya... kinakabahan ako ng matagal, baka tanungin nya kung bakit may movie akong ganun... hehehe
maraming taon ang lumipas, di naman nagtanong.. haha
sayang... mukhang for keeps si kuya. hihi.
dami magagandang review sa movie a. makita nga din...
whoa! you sounded sad to me miss chuni.. puro kc happy moments ang nababasa ko sa blog mo, and even mga nakakalungkot na kuwento before e masaya ka pa rin na nagkukuwento,but this entry is different. :(
OMG..i also like this movie. :)
one reason is cute yung bida..hhehehe.
:)
~marc209
Hollywood took Tori Spelling more seriously after the release of this film, but I guess it was short lived
@Chard... Ang sakit sa fuson devah? hahaha! :)
@Wizzdumb... Hahaha! Im sure, napag tagni-tagni na nya ang lahat. chos! :)
@JC.... Uu, nanghihinayang sya sa kin. hahaha! Chos! :)
@Ambot... Gow! ma-i-nlab ka. hahaha!
@Anon.... Ay, hindi naman talaga ako ganun ka sad. Wala pa namang major emotional investment ang lolah mo. Hihihi! :)
@Marc.... Yeah, nerdy but cute! :)
@Bien.... Ay uu nga. Tama ka 'teh. :)
OMG! Ms. Chuni!
awwww.. so sad ms.chuni... sayang.
yayain mo syang tikiman kau, malay mo masarapan sya sau at iwanan nya ang kanyang jowa.
sa pagkakaalam ko hindi tinatanggihan ang isang beauty queen.
@Gaspard.... Sayang noh? hihihi! :)
@Papa P.... Yun na nga ang next step papa. Hahaha! Chos! :)
Ms. Chuni..sana may post ka ulit about upper east siders at ang vonggang pang okray mo kay zuki.. =)
- cHard
I remember this movie! I've seen it along with "Broken Hearts Club" back in college... super kilig pa ko noon.... kase naniniwala pa ko sa love back then. Chos! After that movie, lahat ng coded conversations namin umiikot sa "Trick-y" situations and "Meanwhile" moments... hihihi!
I'm your regular reader, Ms Chuni! Love your witticisms! Iba ka!
there are just things that aren't meant to be... no matter how wonderful they started ...unless you can do something about it nyahahaha ☺
Mademoiselle na miss kita ah, busy ka ata? ☺
@Chard.... Hahaha! Soon! :)
@Karlie.... Thank you! Havent seen Broken Hearts Club, download ko siguro next. :)
@Brian... Yes, sobrang busy ang lolah mo lately, unfortunately, hindi sa lalaki. char. :p
Ouchie. Ganyan talaga Miss Chuni, you can never have it all.
san kaya pwede madownload? lol. engot lang sa net. whahha!
I lobe this movie. The lack of sex scenes makes it very refreshing.
never ko pa nakita yung movie, at never ko pa narinig yung song (ngayon lang since you posted a video, thanks!) ma-try nga panuorin yung movie...
okay yung song a, nakakaaliw! :)
hay, kelan ko kaya makakanta itong song ng may iniisip na special someone na ume-enter sa akin? chos!!! haha :D
at ang gwapo ng guy sa movie! ahaha :D
ano ba yan, kakakilig na nakakalungkot - pina-excite ka only to find out na may bf na pala in d end... haist
Lumabas 'yung sipon ko sa "I'm Pepe!"
HAHAHAHAHA!!
WEh?
nastress ako dun sa huli nyang statement. at nagising ang mga kapitbahay namin sa katatawa ko dun sa "I'm Pepe." hahahaha!
Ma download nga yung kanta!.. Hihi..
Seriously, for me, this has been your best post to date - and you've had some pretty good posts so that's saying a lot. Parang scene from a movie lang! You could still be highly entertaining even when you're in a serious or somber mood pala. Fave post, Ms Chuni!
Post a Comment