Status Update: "It's Complicated."
Dalawang taon na simula ng ako ay ma-byuda.
At dahil sa sobrang frustration, iniluwal ko ang blog na itey.
Nagkaroon ako ng pagkakataon at opurtunidad na makabangon sa pamamagitan ng pagsusulat.... at ang sugat ay unti-unting naghilom.
Sa loob ng dalawang taon, kayo ang aking naging ka-relasyon.
And with exception sa dalawang followers/readers, naging platonic ang ating pagsasamahan.
Char.
************
Sabi nila, malalaman mong malandi ang isang tao kung hindi na nila mabilang ang lalaking dumaan sa kanilang buhay.
Hindi ako ganon.
Na-a-alala ko pa silang lahat.
Kung susumahin, 5 seryosong relasyon na ang aking pinagdaanan.
Sampung 'short-term' relationships.
At 120 'short-time.'
Chos.
Sa 5 serious relationships na 'yon, lahat sila, tumutugma sa mga lalaking gusto nina Mama at Papa para sa akin - mga professionals.
Pero sadyang hindi nga yata natuturuan ang puso.
Dahil nakilala ko si Jeric.
Jeric: "May boyfriend ka na ba?"
Me: "Ha? Wala pa sa isip ko ang mga bagay na 'yan?"
Jeric: "Bakit, kolehiyala ka?"
Me: "Gagu! Hihihi."
Jeric: "Pero alam ko, hindi mo ako magugustuhan."
Me: "Bakit naman?"
Jeric: "Kasi sa palengke lang ako nagta-trabaho. Yummy lang ako pero hindi mayaman."
Homaygash.
Tama sha.
Nga-nga.
Tiningnan ko sya.
Me: "Bakit, mukha ba kong matapobre?"
Jeric: "Hindi naman. Kasi bagay sa 'yo magka-boyfriend ng mayaman."
Me: "Ganun? Hindi naman ako mayaman."
Jeric: "Saan ka ba nagwo-work?"
Me: "Wala akong work ngayon. Dati nagsa-sideline lang pero ngayon, tambay."
Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.
Jeric: "Hindi ba nakakahiya kung sabihin ko sa 'yo na gusto kita?"
Me: "Hahaha! Natawa naman ako dun."
Jeric: "Pinagtatawanan mo ko?"
Me: "Hindi ikaw, natawa ako dun sa sinabi mo na nakakahiya. Hindi ka dapat mahiya."
Jeric: "Pero simpleng tao lang ako."
Me: "Perro yummy."
Jeric: "Hahaha! Joke lang yon."
Jeric is 3 years my junior, so mga 19 years old sya. Ganyan.
Char.
Ewan ko ba. I don't normally fall for someone like Jeric. Pero I realized, nahuhulog loob ko sa kanya.
Jeric: "Matagal ka ba ligawan?"
Me: "Oo naman, mga 2 days... and take note. 2 banking days. At dahil Saturday ngayon, hindi counted ang araw na 'to at bukas. So mga 4 days, ganyan."
Jeric: "So, sa Martes, tayo na?"
Me: "Ang bilis mo naman. Hihihi!"
Jeric: "Promise, kahit tayo na, araw-araw pa rin kitang liligawan."
Oh my....
Nakaramdam ako ng kilig.
At takot.
Kasi, okey na akong single.
Masaya na ako.
Pero heto, bumabalik yung kakaibang kilig.
Yung 'kilig' na kinatatakutan ko.
At alam kong pag pinasok ko ang bagay na 'to, may posibilidad na masasaktan uli ako.
Halos ikamatay ng puso ko yung huling relasyon ko.
Kakayanin ko pa ba na maulit yon?
Aaaaaahhhhhh!
Jeric: "Kung ayaw mo, sabihin mo lang. Okey lang kahit 'kaibigan' lang..."
At nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
*****
to be continued.
34 comments:
awww. cute! go for it! as usual bitin hahah!
ABA! umaariba na naman ang lovelife ni Mama? HAHAHA
@HRH Queen Chuni: yi......... pumi-PBBTeens??!
@Blognihomey.... nagpa-palpitate kasi ako, tuloy ko na lang bukas. hihihi! :)
@Gaspard.... :D ...... weeeee!!!!
@Nate..... Hihihi! Demure na demure devah? :p
hahamakin lahat masunod ka lamang... he better take good care of you kung maging kayo, madam. thanks for this kilig monday post.
@Nubadi... Thanks pogi! :)
Miss Chuni take the risk, ganyan naman pag love eh. It is all about gambling at yung pain part na yun sa isang relasyon. chos
:) Sana mamaya na yung part 2.
Sakit sa puson! Anunaaaaaa? *atat*
@Jenny.... May katotohanan yang sinabi mo, kaya nga ayokong magsugal, takot kasi akong matalo. :)
@Charles... Tini-tipa pa. Hihihi :)
@JC.... Agad-agad? hahaha! chos! :)
Ang lande lang. Hehe.
Nothing wrong with being in love, if you ask me. Pain will always be there (in many ways imaginable), but love will thrive. If Love exists, why deny the possibility? Happy, happy. Love, love. -Atty.Mico
si Jeric... hihihi. may naalala lang ako.
@Conio.... Nakakatakot naman yang "hmmm" mo. Hahaha!
@Atty. Mico.... Hahaha! Hindi nga ako mashadong nag effort ng landi sa kanya. Hahaha! Thanks, siguro na-trauma lang ang lolah sa past. :)
@Baste.... Landeeeeh. I-kwento mo yan. Hahaha! :p
"aaraw-arawin ko ang panliligaw sa iyo..." pakiramdam ko lang nagspa-sparkle ang mga mata niya habang sinasabi niya ito. Lol.
@Mugen... ay uu! kasabay ng wagas na ngiti. feel na feel ko, dalaga na talaga ako. hihihi! :)
ay ayun oh mukhang may mabubuo... kaso ang hirap pa i-assess kasi may "
to be continued..." pa eh LOL ☺
Natawa ako dun sa number of days kang liligawan miss chuni pero sabi nga nila hindi ang ligawan ang pinapatagal kundi ang relasyon mismo, so PUSH mo na yan.. Hehehe best of luck!=)
@Anon... Dontcha worry, i-i-iri ko yan. parang nanganganak lang. Hihihi. Thank you. :)
hahahaha nakakakulani naman ito sa kileg!!!!
maging handa ka lang s future my friend (friend n b kita?) Good luck and wishing you a happy relationship.
Naluha ako dito Miss Chuni. Mga tatlong drops sa gilid ng kaliwang mata ko. Relate na relate lang sa sitwasyon ko :(
@Cute Dessert Boy..... Salamat Friend. :)
Go Ms. Chuni! Pinatutunayan ng post na ito ang bisa ng iyong kariktan!
eh feeling ko cesar montano levels si jeric kasi ikaw madam ay dayanara torres levels. hihi.
bitin! i cant wait hahahahaha pressure?
me magagamit na naman akong terms. gaya nung
"banking days" hahahaha
sna mabasa na ang second part!~ hahah!~ kinilig me sa mga sinabi ni jeric!~ nakakalaglag panty!~ chos hahahah!~
:(
Hay ang hirap mainlab. Ako naman kasi one sided at alam ko hindi niya ko magugustuhan. Kaya umiiwas lang ako para mawala feelings ko. Mahirap pala.
Eeeh, knilig ako sa conversation, haha! Excited sa 2nd chapter, bitin lang ang peg..
@AboutAmbot.... Oo nga noh. Hahaha! kapal ko. :)
@Jepoy... Uu, ruggedly handsome ang loloh mo. Parang ipag-wawasiwasan ako sa lahat ng kanto. hahaha. char.
@Anon... Use it na. Hindi sya patented. hihihi. char. :)
@Anon... Tama ka, thankful nga ako that day kase wala akong suot na panty. kaya walang nalaglag. hihihi! :)
@Es2pido... Ay naku, siguro pareho lang tayo ng fear factor. Pero wish ko dumating yung para sa 'yo. Yung mamahalin ka ng 2 sided. hihihi. chos. :)
@Joanne.... Sige, pag-uukulan ko ng atensyon para tapusin agad. hihihi. :)
Baklaaaa choosy ka pa?!? Remember beggars can't be choosers!!!
Di masakit magmahal, tao talaga ang nananakit, kaya kung may doubt ka sa nararamdaman mo, just weigh things and learn how to discern the nots! And why nots!?... Kasi kung di ka gagawa ng way out sa nakaraan mo, magugulat ka na lng na baka one day left out ka na at forever nagiisa.
Di masakit magmahal, tao talaga ang nananakit, kaya kung may doubt ka sa nararamdaman mo, just weigh things and learn how to discern the nots! And why nots!?... Kasi kung di ka gagawa ng way out sa nakaraan mo, magugulat ka na lng na baka one day left out ka na at forever nagiisa.
Post a Comment