Bumabagyong Birthday :)



Pers, gusto kong magpa-SALAMAT sa mga bumati sa aking kaarawan.



Gusto ko mang i-invite kayo lahat sa party, alam nyo naman hindi pwede.



Nasabay kasi sa Olympics.



Kaya tight ang security sa Buckingham.



Hihihi.



Heniwey, simple lang naman ang celebration.



Tanduay Ice.



Chicboy.



Yun lang.



Sabi ko nga kay papa, mag buffet kami sa Hotel Celeste since stone-throw away  lang naman ang layo nun sa balur.



Ayaw nya.



Magastos daw.



Sabi ko, sagot ko naman and since it's my birthday.



Saka yung siomai at takoyaki, pang ordinary dates lang namin yun dapat.



Naunawaan naman nya.  Pero di daw sya comfortable dun.  Shusyalin daw yung place.



"Eh Chicboy gusto mo?"  tanong ko.



Ngumiti sya.



So ayun, Chicboy it is.



Hihihi!



After lumafang, nilakad lang namin pabalik ng balur.



Malakas na ang ulan.



Share kami sa payong.



Kebs na kung yakap namin ang isa't-isa.



Hahaha!



Pagdating sa balur, nagpaalam syang gagamit ng banyo.  Ligo muna daw sya.  Gusto ko daw bang sumabay.



Maygash.



Sino ako para tumanggi?



Hooongdami palang pwedeng gawin under the shower ha.  Uu, nun ko lang na-discover.




After consuming 5 cubic meters ng Maynilad Water nagsabi ako sa kanyang mauna na akong lumabas ng banyo.



Namumuti na kasi labi ko sa ginaw.



So nahiga na lang ako sa kama at hinintay sya.



At ng lumabas si papa, nakatapis lang sya ng twalya.



Naupo sya sa ibabaw ko.



"Happy Birthday Pangga..."



Sabay alis ng towel.



Iyon na ang cue.



At kasabay ng nagngangalit na hangin at malakas na ulan....



Ako ay nag blow.




Not once, but......




























.....too many to mention.




Char.



:)





posted under , | 41 Comments

Si Zuki At Ang Bilat Sa Jeepney




Among my friends, Zuki is the most maarte.



Ganon yata talaga, pag kinapos sa gandah.



Hahaha!



Etchos!



Pero super bait nyan.  And Zuki is one dear friend na di ko ipagpapalit sa isang lalaki.



Provided na hindi ka-gwapuhan yung lalaki ha.



Char.



Kahapon nagyaya ang bakla na magpagupit.



Zuki: "Saan ka nagpapa skinhead? Bet ko ngayon yang hairstyle mo."



Me: "Dyaan lang sa tabi-tabing barbershop."



Zuki: "Hindi sa Bruno's?!?"



Me: "Eh ba't naman ako magbu Bruno's pa eh skinhead lang naman.  Sasabihin ko lang number 1 at alam na nila yon.  Pareho lang naman ang effect at mura pa."



Zuki: "How much?"



Me: "P45.00 plus tip na P25.  So saradong P70.00.  Pag minassage pa ako, gives ko na ang buong P100."



Zuki: "Ang cheap ha! Samahan mo ko dun sa barbershop mo. Busy ka ba?"



Me: "Hindi naman.  Sige sunduin mo ko."



Zuki: "Wala akong car ngayon."



Me: "Ay, busy pala ako."



Hahaha!



Zuki: "Sige na. Treat kita ng haircut."



Tumingin ako sa salamin.  Two weeks na pala akong hindi nagpapa gupit.  Natatakpan na ng bangs ang mga mata ko. Hihihi!



Me: "Haircut lang ang treat?"



Hahaha!



Zuki: "Futah ka! Sige,  saka dinner."




Me: "Oh where na you? Ready na me."




Hahaha!



Zuki: "Dito lang ako Production House. Labas ako in 15 mins. Meet na lang kita sa lobby nyo."



Ilan pa ngang sandali at nag-text na si Zuki na nasa lobby na sya.




Zuki: "Taxi na tayo?"



Me: "Naku 'wag na. Jeep na lang. Malapit lang naman dito."



So sumakay kami sa Pasay Road ng jeep.  Magkatapat kami ni Zuki sa dulo ng magkabilang upuan ng jeep.  Nagbayad agad ang bakla.



Hindi pa kami nakakalayo ng may sumakay na bilat.  Huminto sya at palingon-lingon kung saan mauupo.



Puno na sa side namin. Napansin ng bilat ang 6-inch space sa pagitan ni Zuki at ng katabi nya.  Out of courtesy, umusod pa si Zuki sa kinauupuan nya to accomodate the gurl.  Pero walang pasintabi, pasalampak itong naupo na para bang isang tarugs na walang patumanggang nagsumiksik sa makipot at non-lubricated keps.


Tinamaan ang braso ng friend ko.  Napatingin sa akin si Zuki at napa-nganga.  Nasaktan yata ang bakla.



Hindi man lang nag sorry yung bilat at nagawa pa nitong ma-upo ng pa slant kaya lalong nasiksik si Zuki.  Tapos hinawi nya ang kanyang dry at sun-damaged bloody orange hair na sakto naman sa pisngi ng bakla.  Hula ko, Liquid Sosa ang conditioner nya. Char.



Gulat si Zuki at hindi sya naka-react.  Hindi ko rin naman ini-expect yung ganung level ng rudeness kaya nagkatinginan na lang kami ni Zuki.



Siguro to distract himself, nakinig na lang ng music si Zuki gamit ang kanyang iPod. Hindi nag-react ang bakla!



Right then and there, ginawaran sya ni Gng. Stella Marquez - Araneta ng Ms. Congeniality awurd. Hihihi.



Maya-maya napapansin ko na ang likot-likot talaga nung gurl kaya nag type ako sa cellphone ko at pinabasa ko kay Zuki.



Me: "Bakla, baka mandurukot yan. Yung cellphone at wallet mo. Mapurnada pa ang rebond at dinner ko."



Char.



Dagli naman sinecure ni Zuki ang cellphone at wallet nya.  Inipit nya muna sa dede nya.




Napansin yata nung babae yun at umirap pa sya.




Tapos pumara na yung bilat at bahagyang tinapakan pa ng stiletto nya ang naka sandals lang na paa ng baklita.




Siguro hindi na napigilan ni Zuki ang sarili nya at nakalimutan din nya na may earphones ang tenga nya ng bitawan nya ang mga katagang...




"Madapa ka sana!!!"  Na may conviction.




Hooonglakas!



Tumingin ang babae kay Zuki.



Matalim.



Palaban naman ang baklita.  Double chin-up. Nakataas ng 95 degrees angle ang left eyebrow.



Pa-awat kong tinawag ang aking friend.



"Zuki!"



Sumagot naman ang bakla sa tawag ko.



"Bakeeeet....... masama bang mag WISH?!?"



Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at ako ay tumawa ng tumawa.



Napahiya yata ang bilat at dali-dali na lang bumaba.



********


:)



Moral of the Story: "Next time, mag taxi."



Chos!






Sore Throat




Ang sama ng pakiramdam ko.



Dala marahil ng nararamdaman kong.... sore throat.



Sa simpleng karamdaman,  hongdami lang nagbigay ng opinyon at unsolicited advice.



Kesyo, 'wag ko daw kasing isusubo lahat.... 



......or baka daw may sumabit na buhok.



Eeeeeeeewwwwwwww!



Hinahawi ko muna kaya to be sure.



Hihihi!



Char.



Para akong akusada na nag-e-explain left and right na the sore throat has nothing to do with my oral calisthenics.



Hula ko it's because of the weather. Tapos inom pa 'ko ng inom ng malamig na tubig.



Pero dahil nga I'm not feeling well.  Nag-stay lang akez sa balur.



Hanggang nag text si Papa Jeric.



Him: "Good morning Pangga, work ka na?"



Me: "Hindi ako pumasok Mahal. Masama ang pakiramdam ko."



Him: "Bakit Pangga? Ano nangyari sa 'yo?"



Me: "Hindi ko alam. Nahihilo ako, naduduwal... nangangasim..."



Him: "Parang buntis? Seryoso ka ba?"



Me: "Bakit Mahal? Kung sakali ba na nagdadalang-tao ako, tatalikuran mo ba ang pananagutang ito? Lalayo ka ba? Hahayaan mo bang lumaki ang batang naging bunga ng ating kapusukan ng walang kinikilalang ama? At pagdating ng araw ay tatawagin syang bastardo???"



At unti-unti akong nalugmok sa aking pagkakatayo habang hawak-hawak ang aking sinapupunan.



Char.



Him: "Sabi ko naman sa 'yo Pangga, forever and ever na tayo ah."



Hihihi!



Me: "Praktis lang Mahal. May sore throat ako. Nahihirapan akong lumunok. Hindi ako pumasok."



Him: "Gusto mo puntahan kita mamaya pagsarado namin ng pwesto?"



Me: "Talaga Mahal?"



Him: "Hindi joke lang. Hehehe!"



Me: "Gagu! Sige Mahal, punta ka dito.... pero..."



Him: "Pero ano?"



Me: "Pero 'wag kang umasang may mangyayari sa ating dalawa.  May sore throat nga ako devah?"



Him: "Hahaha! Gagu ka talaga Pangga. Syempre ok lang. Pero siguro naman hindi masakit yung mga palad mo?"




Hahaha!  Homaygash!!!!



Chos!



Around 2pm na nakarating si Mahal.  May bitbit pang mangga. Hahaha!  Akala naman nito ganun talaga ako kabilis magbuntis? Nagwi-withrawal kaya kami. Hihihi!



Him: "Pangga, kumain ka na ba?"



Me: "Hindi pa po.  Nahihirapan talaga ako lumunok.  Tubig lang laman ng tiyan ko."



Him: "Dapat pilitin mo kumain, baka lalo ka magkasakit."



Me: "Wala akong food. Tinatamad ako."



Him: "Gusto mo ipagluto kita?"



Me: "Yakapin mo na lang ako Mahal. Busugin mo na lang ako sa pag-ibig."



Him: "Hahaha! Hindi ka mukhang may sakit."



Me: "Eh ano?"



Him: "Para ka lang adik!"



Hayuf. Para naglalambing lang eh.



Him: "Sige na Pangga, ipagluluto kita. Ano ba laman ng ref mo?"



Me: "Hmmm, alam ko may leg of lamb pa dyan, saka foie gras at caviar."



Char.



Him: "Uy may chicken ka pa pala dito. Gusto mo ng tinola Pangga?'



Ayyy... ang sweet. Ipagluluto nya talaga ako.



Nagbalat, naghiwa at nag-gisa si Mahal.  Habang ako naman ay nanonood ng cable tv. Hihihi.



Habang hinihintay nyang kumulo at maluto ang tinola, nahiga sya sa tabi ko.  Halos magkalapat ang aming mga labi.  Mainit ang kanyang hininga na dumadampi sa loob ng aking bibig.  Akmang hahalikan nya ako pero umiwas ako.  Ayoko syang mahawa.  Hinimas ko ang pisngi nya... at sya'y nagwika.



Him: "Pangga, kamusta naman yung gimik nyo?"



Me: "Anong gimik?"



Him: "Yung pagpunta nyo sa gay bar."



Hahaha! Yun pala.  Di ko nga pala kinwento sa kanya.



Me: "Ok lang naman Mahal.  Nood-nood lang, kwentuhan, inom-inom."



Him: "Madami bang gwapong macho dancer?"



Me: "Konti lang. Hihihi."



Him: "Ows? Eh bakit mag-a-alas tres na kayo umuwi?"



Uy, may sound of bitterness. Nagseselos? Hihihi!



Me: "Si Friendship at Dexter kasi, ayaw pang umuwi kahit gustong-gusto ko na dahil bored na ko. Pinagbigyan ko na lang sila. Hihihi!"



Chos!



Him: "Nag-table ba kayo?"



Me: "Hindi 'noh.  Mahal kaya yung mga boylets dun.  Yung drinks nila nasa 300 something yata. Eh ang lakas daw tumoma ng mga iyon."



Him: "Magaling ba silang sumayaw?"



Me: "Medyo. Kasi siguro trabaho nila yon."



Him: "Parang ganito ba?"



At tumayo si Mahal sabay giling!  Amfutah!  Marunong ang papa!  Hahahaha!



Me: "Hahaha!  Saan mo natutunan 'yan???? Teka!  'Wag mong sabihing dati kang.... homaygash!!!!"



Tumigil sa sayaw si papa Jeric habang tumatawa.  Seryoso akong tumingin sa kanya.



Me: "Mahal dati kang...."



Tawa lang tawa si Mahal.  



Me: "Uy.... ano ba?  Dati ka bang macho dancer?"



Him: "Hahaha! Gagu, hindi ah.  Hindi ko kayang gawin yon sa maraming tao.  Ginagaya ko lang.  Magaling ba kong sumayaw Pangga? Hahaha!"



Me: "Futah, naloko mo 'ko dun ha.  Para kang professional MD!"



Him: "Ikaw naman kasi Pangga, pumupunta ka pa don. Pwede naman ako na lang ang magsasayaw sa harap mo. Wala ka pang gastos. Hahaha!"



Homaygash! :p



Me: "Ano ka ba Mahal, syempre kasama ko yung mga friends ko kaya naman nagpunta kami don."



Him: "Pero pag tayong dalawa lang Mahal, tapos gusto mo.  Kayang-kaya ko ring gawin yon."



Me: "Talaga Mahal?"



Him: "Oo naman. Wala silang sinabi sa 'kin yung mga macho dancer na 'yon.  Kita mo naman, wala pang praktis yon. Hehehe!"



Ayyyyyyy!!!!! :p



Him: "Gusto mo sayawan pa kita Pangga?"



Me: "Gusto mo ba?"



Him: "Oo naman....."



Hahaha!



At kasabay ng awiting "Bring Me To Life" ng Evanescence (don't ask me kung bakit 'yon. yun ang trip nya eh. so pagbigyan. lels) ay umindayog si papa na parang Star of the Night sa ibabaw ng aking kama.   Unti-unti, nababawasan sya ng saplot.  Hahaha!  Impeyrnes, magaling sha ha. Hahaha!




At kasabay ng pagka-tuyo ng sabaw ng tinola, ako ay nakalimot.




Uu, nakalimot na may sore throat.



  
Hihihi!




Chos!




:)



posted under , | 53 Comments

Ang Discovery ni Dexter


Na-a-alala nyo pa ba si Dexter?


If not, read this pers.


********


Kahit nagkahiwa-hiwalay na kami ng landas, continuos  pa rin naman ang communication namin ni Friendship kay Dexter.


Si Dexter ay nakatira na rin sa isang condominium sa Makati na kung saan 85% ng mga lalaking inahabitants ay badets.  Alam na.


Char!


Nag text si Dexter.  May na-discover daw syang isang gay bar na yum-yum ang mga boylet performers.  At ang pinaka shocking, honglalalaki daw ng mga assets ng MDs at sapat na ang length, size and girth to compensate kung ano mang liabilities meron sila.


Wagi ang net worth devah?



Kaya nung Saturday ng gabi, nag-aya si Dexter.


Sinagot ko naman sha: "Alam mo, happy na ako sa pagiging simpleng maybahay. Nagluluto, gumagawa ng mga gawaing bahay, nagsisilbi sa asawa at naghihintay sa pagdating nya....."




Pero ang sabi ni Dexter yung isa daw MD parang braso ng sanggol ang......!  


Sininok ako bigla.



Nag-text ako kay Mahal.


Me: "Mahal, pinipilit ako ng mga friends ko na sumama sa kanila sa gay bar.  Ayoko naman talaga.  Pero grabe silang mamilit.  Parang tinatalikuran ko na daw sila.  Nako confused ako."


Sumagot naman si Mahal. "Ano ka ba Pangga? Sumama ka.  Okey lang yon.  Hindi mo naman siguro ako ipagpapalit sa isang gabi lang di ba?"


Me: "Oo naman Mahal.  Jusme, magdadala nga ako ng eye pads.  Ayoko kayang manood ng ganun. Hihihi."


Him: "Hahaha! Lokohan na yan Pangga. Alam ko gusto mo rin yan. Enjoy kayo pero ingat ha. Text ka sa akin pag nandun ka na saka pag pauwi ka na. Pag may problema, text mo ko ha."


Me: "Don't worry Mahal.  Kasama ko si Friendship. Fink belter kaya sya sa Yaw Yan saka may baon syang muriatic acid. Hihihi."


Chos!


Nag-text si Friendship kung pwede daw bang mag-shorts sa gay bar.  Baka daw di sya papasukin.


Sabi ko, naghuhubo nga mga  lalaki don, ipagbabawal pa ba ang shorts?


Chos!


So napagkasunduang magkita-kita sa kanto ng 7-11 ng 11:30 ng gabi.


Magkasabay kaming dumating ni Friendship at ilang sandali pa ay dumating na si Dexter.


Nag jeep lang naman kami papuntang gay bar na nasa Libertad area.


Yung bar pala na yon ay dalawang level.


May bar na mga babae ang performers at yung isa nga ay gay bar.


Sa security sa baba, tinanong kami kung saan kami.  Sumagot si Dexter ng 2nd floor which where the gay bar is.


Um-ispluk ang guard.


"Gay bar yon. Sa gay bar kayo?" na may halong pagtatataka.


Hahaha!


To answer his question, biglang nag Flashdance si Friendship hanggang pagpawisan sha ng glitters.


Guard: "Ay, bakla nga."


Hahaha!  Chos!


At pinatuloy na kami.


May entrance fee pala pagdating sa 2nd floor.  Paysung kami ng P120.00 each.


Pagpasok namin sa loob, hongdaming tao! Siguro kasi kakasahod lang ng mga bakla.  Kaya yung table na binigay sa amin ay medyo malayo sa elevated floor na nagsisilbing performance stage.


Napako agad ang mata ko sa lalaking gumigiling sa floor.


Hongtambok ng bukelya!


Na-destruct ako ng ipinatong ng waiter ang menu sabay tutok ng flashlight.  Hongsarap batukan.


Order kami ng beer na P75.00 per bottle at Sisig na P285.00 naman.


Okey, pramis, perstaym ko talaga makapasok sa loob ng isang gay bar pero nasa bucket list ko itey.  Pakiramdam ko kase hindi ganap ang pagiging bakla ko kung di ako makakapasok sa ganitong venue.


Na shock kayo noh?


Pero OO....... ina-amin ko........... bakla nga ako.


Hihihi!


Tulyo-tuloy ang mga performers.


At funyetah, ang gu-gwafu ha.


Siguro sa mga 30 plus na nag-perform, mga 6 lang ang average looking.  Yung iba nga artistahin pa ang peg.


At ang performance level?  Hayuffff!  Majority sa kanila ay naka-standing ovation!  At hindi sila maramot magpakita.  Show kung show!  Hahahaha!


Saglit kong pinahiran ang namumuong laway sa gilid ng labi ni Friendship.  Sabi ng bakla, nung time daw na 'yon, nag 20-20 ang vision nya.  Hodevah, may healing effect sa kanya ang palabas.  Hahaha!


Yung ilang MDs, umiikot.  At ang malditang Friendship at Dexter, itinuro ako sa isang MD.


Lumapit naman ang boylet. At pagtapat sa akin, inalis ang manipis nyang saplot!


Homaygash!!!  Honglakeee!


MD: "Hawakan mo sir."


Hahawakan?  Ano yan, handrail ng MRT???


MD: "Sige na sir, hawakan mo na..."


At muli, napilitan akong hawakan.


Hahaha!


Homaygash.... hindi mag-abot ang mga daliri ko.  At pumintig-pintig pa.


Napatingin ako sa boylet.....  "Tao ka ba???"


At muli ay gumiling palayo ang lalaki.


Sunod-sunod pa ang mga nag-perform.  Wala kang tulak-kabigin.  At nang may nabakanteng table malapit sa stage, tinawag ko yung waiter at nagpalipat kami.  Hihihi!


For P120.00, tinalo pa ang Imax 3D!  Si Friendship nga, ini-extend pa ang mga kamay sa nagpe-perform. Kalokah! Hahaha!


Yung ibang mga MD, lumalapit sa mga customers at may nagsasabit ng pera.  Ano ito, alkansya??? May nakita akong nagsabit ng P500 at P1000!!!  Ang generous ng mga bakla ha.  Gusto ko sanang palapitin yung mga yummy MDs at hulugan din sila ng coins kaso baka magkalaglag naman sa stage yung barya.  Eh di mamumulot pa sya devah?


So hindi na lang. Hihihi!



Ilang sandali pa, lumabas ang isang boylet na naka-itim na underwear.  Sya ang pinaka-gwafu sa lahat. Mga 20 years old siguro ang hombre.  Makinis, may namumuong abs. Hihihi!


Feeling ko dedicated nya sa akin ang number nya.


Nung time na yon, gustong-gusto ko ng paghubarin si Friendship para mabihisan ko yung boylet na sumasayaw at sabihin sa kanyang.....


"Ako ang mag-a-ahon sa 'yo sa futikan."


Chos!


Type din pala sha ni Friendship.


Isa-sangla daw nya yung motor nya para sa boylet!


Hahaha!


Matapos non ay isang MD na naman ang lumapit sa amin at biglang  i-alagwa ang kanyang anaconda at sumampal sa aking shoulder!


Napatalikod ako bigla. Ambastus-bastus kase.


Hahaha!


Ang funyetang Friendship at Dexter..... sumigaw ng "Nga-nga!"



Syempre di ako nguma-nganga.



May kendi kasi ako sa bunganga. Hahaha!



Tapos ay bumulong si kuyang MD.  Pamasahe lang daw.


A-abutan ko sana sya ng P8.00 which is the minimum fare devah? Pero sa Kota Kinabalu daw sya uuwi.  Hahaha!  Funyetah, ano sya Malaysian?


Chos!



Bandang ala-una ng madaling araw, tumigil ang mundo ng tawagin na ang susunod na performer.



Siya....































Si Xavier Manahan - ang rumored dyowa ni Shalala.



Hahaha!


Answerte naman ng baklita kung totoo.  Ang boylet may abs na, may karugs pa!


Sensual ang performance ni boylet.  May landi ang bawat kilos.  At ang matang malamlam na tila ba nang-a-akit at nagsasabing....


"4K lang ako isang gabi."


Chos!


Matapos ang set ng mga individual performers ay may group numbers din.  At after non, may fashion show pa!


Hahaha!


Tapos yung pinaka-gwafung kasali sa fashin show.... neighbor lang ni Dexter!


Amfutah, nag-inquire agad ako kay Dexter kung may bakanteng unit sa kanila.


Chos!


Umuwi kami bandang 3am na.  Nagpa-palpitate na kasi ang eyeballs ni Friendship.  Hindi kinaya ng mga mata nya ang santambak na nota.  Baka daw bangungutin sya at mabilaukan habang binabangungot.


Hahaha!


Kanya-kanya na kaming uwi pagkagaling don.


Si Friendship sa Mandaluyong, si DJ sa condominium na 85% ng mga lalaking inhabitants ay badets at ako......... sa Buckingham Palace.



Masasabi kong pagkatapos ng gabing 'yon, bumaba ang Purity level ko sa 98% pero vonggang-vonggang 100% naman ang Wetness indicator.



Hihihi!



Chos!



*****************



Haberday Mahal! :)



Birthday ni Mahal the other day.



Nag-text ako sa kanya.



Alas 4 ng madaling araw.



"Mahal, Happy Birthday sa 'yo. Alam ko busy ka na sa work.  I love you."



Usually, mga tanghali pa yan sasagot, pag hindi na mashadong busy sa palengke.



Pero gulat ako, nag text back agad.



"Salamat Pangga. Gusto ko sana kasama ka mamaya pero alam ko may pasok ka."



Araw kasi ng Martes 'yon.



Me: "Kung magha-half day ba ako, pwede ka? Magkakasama tayo?"



Him: "Talaga Pangga? Oo, pinayagan ako ng Tita ko na mag-day off after lunch."




At dahil hindi naman din ako busy that day, nag-paalam nga ako sa opis.



Dapat magmo-MOA uli kami ni Mahal, kaso naisip ko na invite na lang sya sa balur.  Para naman alam nya na rin kung saan ako nakatira.




Him: "Saan ka ba nakatira Pangga?"



Me: "Dito lang sa Makati."



Him: "Hindi ko masyadong kabisado 'yan. Baka maligaw ako."



Me: "Okey, ano ang alam mo dito sa Makati?"



Him: "Yung Glorietta."




Me: "Ganito, punta ka ng Glorietta, tapos pag nandun ka na, text mo ko. Susunduin kita."



Bandang alas tres ng hapon, nag text na sya.



Him: "Pangga, dito ako sa tapat ng Burger King. Wait lang kita dito ha."



Less than 10 minutes lang naman mula sa balur hanggang Glorietta.  Kaya nakarating agad ako sa kanya.



Si Mahal, naka white polo at white slacks.



Hihihi!




Me: "Pangga, ang outfit mo - all white. Parang first communion. Hihihi!"




Him: "Pangga naman oh.  Nahihiya na nga ako sa suot ko. Ayoko naman pumunta dito na naka-sando at shorts lang."



Napatingin tuloy ako sa outfit ko.



T-shirt, shorts at tsinelas.



I felt so naked.  Char.



Alangan namang mag-gown pa ko 'noh?  Nasa dry cleaning pa kasi.



Char.



Me: "Bakit ka naman mahihiya, kahit ano pa isuot mo, mas mukhang tao ka naman sa karamihan. Hihihi!"



Him: "Ikaw talaga Pangga.... I love you..."  bulong nya.




Me: "Oh, wag mo kong hahalikan ha, baka may makakita. Hahaha!"



Him: "Pag ikaw Pangga, wala na kong pakialam sa kanila."




Matapos kong itirintas ang 10 ft. kong bangs, oo bangs pa lang yon, inaya ko na sya.




Me: "Gusto mo munang kumain dito Mahal?"




Him: "Hindi naman ako gutom Pangga.... punta na lang tayo sa inyo."




Dahil kuripot ang lolah nyo, pumara kami ng jeep.  Isang sakay lang naman 'noh. Hihihi.  Ilang sandali pa.




Me: "Oh, nandito na tayo Pangga."



Him: "Saan? Wala namang bahay dito." Palinga-linga sya.



Me: "Dyan tayo sa tapat na building."



Napatingala si Pangga.



Him: "Dito ka nakatira?"



Tumango ako.



Dumaan kami sa lobby, parang natigilan si Mahal.  Umakyat kami sa 98th floor. Char.




Halata kong parang nabigla si Mahal.



Pinapasok ko sya sa loob.



Him: "Mayaman ka Pangga?"



Me: "Hindi po.  May benefactor po ako."



Him: "Ano yon? May kinakasama kang iba?"



Natawa ako kay Mahal.



Me: "Hindi po.  Wala po akong kinakasamang iba. Mag-isa lang ako dito."



Him: "Ano yong benefactor?  Bakit dito ka nakatira?"



Me: "Syempre pag title-holder ka, may official residence ka.  Di ba nga title-holder ako.  Hihihi!"



Umikot sa loob si Mahal.



Him: "Magkano ang renta dito?"



Me: "Ahhmm... kung rerentahan, nasa 30K a month."



Him: "Ang mahal pala. Ilang buwan ko ng pagta-trabahuhan yon."



Me: "Ano ka ba Mahal?  Nakita mo naman, simpleng tao lang ako.  Hindi ako mayaman."



Him: "Parang na-a-alangan ako sa 'yo Pangga..."



Nakaramdam ako ng kurot.



Me: "Mahal...."



Him: "Parang hindi ako nababagay sa 'yo..."



Me: "Wag mong sabihin 'yan...."



At hindi ko napigilan, dahan-dahang pumatak ang luha ko sa kaliwang mata, tapos nag pause sya ng nasa pisngi ko na ng mga 5 seconds bago tuluyang bumagsak sa Mariwasa-tiled floor.  Then lumingon ako kay Mahal....



Me: "Kasalanan ko ba kung nakatira ako sa isang marangyang 100 sq. m. na condo na complete with facilities and amenities like gym, spa, wade pool at............. day care center?!?"



Char.



Him: "Nahihiya kasi ako Pangga."



Me: "Bakit? Hinahanapan ba kita? Kinukumpara ko ba ang sarili ko sa 'yo? Naging matapobre ba ako?"



Him: "Pangga...."




Me: "Sabi mo.... mamahalin mo rin ko...... warts and all.... condo pa lang ang nakita mo... nagba- back-out ka na...."




Him: "Hindi naman sa ganon. Pero baka kasi isipin ng mga kaibigan mo, ginusto kita kasi dahil sa mga ito."



Me: "Oo, malandi ang mga friends ko......... parang pokpok na nga sila........ pero kahit kailan.......... hindi sila judgmental."



Natahimik kaming dalawa.



Hanggang sa nagsalita syang muli.



Him: "Sorry na Pangga.... bati na tayo oh."



Niyakap ako ni Mahal.



Hinawakan nya ang aking mga pisngi.



At nilapatan ng pinakamatamis na halik.



Nginitian ko sya at sinabing...



 "Happy Birthday Mahal."



Bago pa man makasugod muli ang mga langgam, nasa ibabaw na kami ng California king bed.



Char.



:)


posted under , , | 65 Comments

Ang Muling Pagdalaw ni Friendship



Nag-text si Friendship.



Friendship: "Friend, nasa condo ka? Daan ako dyan."



Me: "Shure!"



So after i-park ni Friendship sa Walter mart ang recently fully-paid na motorsiklo nya, nag tumbling na lang sya ng 10 times to reach my balur.



Maya-maya pa nga, nag doorbell na ang bruha.



 Pinagbuksan ko naman ng pinto after 20 doorbells.



Aba, sumisingasing ang nostrils ng lolah.



Parang Khaleesi lang na ninakawan ng baby dragon ang peg.



Galeeeet!



Me: "Oh, sinong boylet na naman ang hindi tumupad sa usapan nyo na P400 lang ang fuck at P200 lang ang BJ ang naka-away mo this time?"



Chos!



Friendship: "Funyetang mga guards nyo, ansarap dagukan!"



Me: "Wrong choice of words ka 'teh.  Baka ansarap luhuran."



Friendship: "Hinde noh!  Mga antipatiko!"



Me: "Bakit ba? Anyareh?"



Friendship: "Napagkamalan ba naman akong delivery boy!"



Tiningnan ko si Friendship mula ulo hanggang ingrown.



Jacket?   Check!



Motorcycle gloves?  Check!



Plastic bag?  CHECK!!!!



Homaygash!!!



Me: "Bakla, tingnan mo nga ang sarili mo sa aking life-size mirror.  Nasa sa 'yo ang lahat ng katangian ng isang delivery boy. Pasok na pasok ka sa outfit at audience impact!"



Friendship: "Haynaku, basta inis ako sa kanila.   Humingi sila ng ID, so ibinigay ko ang ID ko, pagkatapos kong ibigay, tanungin pa ba naman ako kung saan ako nagwo-work, etcetera, etcetera????"



Me: "Anong sagot mo?"



Friendship: "Sabi ko, eh ayan yung ID ko, so dyan ako nagwo-work."



Impeyrness, shusyalin naman talaga ang workplace ni Friendship.



Pang international ang peg.



Yung mga humanitarian ek-ek.



Parang si Angelina Jolina Magdangal.



Ganyan.



Kaya lang dahil nag-mo-motor nga ang bruha, so naka outfit sya na parang messenger lang.



Hahaha!



Chos!



Pero dami na ring mga guests ko ang nagko complaint about our security personnel.



Yung mga masseurs ko, kinakapkapan pa daw sila.



Well, pabor naman sa akin yon.



'Coz di ko bet na ma-SOCO 'noh.



Char.



Saka masisisi ko ba ang mga Guardo Versoza ng building.



Pino-protektahan lang nila ako.



Kasi nga until now....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

hindi pa rin nila ako natitikman.



Char.



;)



Heller????




Faithful kaya ako!




Specially pag weekend.




Chos!



:)






Maging Sino Ka Man... Because Honesty Is The Best Policy!


Hindi ako mapakali.



Parang nako-konsensya ako na nagsinungaling ako kay Jeric tungkol sa aking sarili.



Kaya nung Friday, magkasama kami, naisip kong ipagtapat sa kanya ang katotohanan.



Me: "Mahal, may sasabihin ako sa 'yo."



Jeric: "Ano yon Pangga?"



Me: "Mahal, may inilihim ako sa 'yo.  Nagsinungaling ako."



Jeric: "Ha?  Ano yon?"



Me: "Mahal, ang sabi ko sa 'yo, jobless ako, tambay lang ako, hindi po totoo yon."



Jeric: "Pangga, ibig mong sabihin hindi ka tambay?"



Ah... oo. Hahaha!



Me: "Opo.  Sorry mahal."



Jeric: "Ano work mo Pangga?"



Me: "Mahal.... isa akong......"



Hindi ko masabi sa kanya agad. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya, sa magiging desisyon nya at sa mga sasabihin nya pagkatapos nyang malaman ang katotohanan.



Jeric: "Gagu ka Pangga... ano ka nga?"



Huminga ako ng malalim...



Me: "Mahal, isa akong. . .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.   title-holder."



Char.



At ayun nga, ni-reveal ko na kay Mahal ang tunay na ako.



Hindi sya makapaniwala.



So para mapatunayan, ipinakita ko sa kanya ang sash, tiara, scepter at 6ft. trophy na ayaw ipasakay ng guard sa LRT.



Char.



Jeric: "Pangga, baka may iba ka pang hindi sinasabi sa akin?  Mabuting sabihin mo na."



Nag-isip ako, at na-alala ko.



Me: "Virgin pa ako mahal."



Tiningnan ako ni Jeric ng seryoso, hinawakan nya ang aking kamay, pinisil.  At kasabay noon sya ay nagwika.



Jeric: "Pangga, parang hindi naman."



Me: "Hihihi. Gagu ka Mahal.  Gusto mo ipa Medico Legal mo pa sa NBI."



Char.



Jeric: "Pangga, may sasabihin din ako sa 'yo."




Me: "Ano yon Mahal? 'Wag mong sabihing title-holder ka rin? Ikamamatay ko 'yan."



Chos.




Jeric: "Pangga, may anak na ako."



Huh????   Ano itetch?  Ako ba ay magiging isang madrasta.......



o kerida?



Na naman?



Char.



Kasabay sa paghampas ng alon sa breakwater ng Mole of Asia, napatayo ako bigla sa aking kinuupuan.



Me: "Mahal, naguguluhan ako. Anong ibig mong sabihin?"



Tumayo si Mahal at hinawakan ng kanyang mga palad ang aking balikat.



Jeric: "Pangga, namatay ang asawa ko last year. Pero hindi kami kasal. Live-in lang 'ba.  Mayron kaming isang anak, nasa nanay ko sa probinsya ang bata.  Heto ang picture nya.."




At ipinakita sa akin ni Jeric ang larawan ng isang bata mula sa kanyang wallet.




Homaygash, parang yung baby picture ko lang.



Napakagandang bata.



Char.



Me: "Mahal, tanggap kita, warts and all."



Jeric: "Wala po akong warts Pangga.  Kulugo yon di ba?"



Hihihi!



Me: "Mahal, salamat at di mo ako ikinahiya kahit isang hamak na beauty queen lang ako."



Jeric: "Tanggap din kita Pangga kahit may warts ka. Pero Pangga, may warts ka nga ba?"



Me: "Gagu, wala 'noh.  But I cannot say the same thing with my friends. You know."



Hihihi!  Char.



Jeric: "Pangga, salamat tanggap mo ang anak ko."



Me: "Oo naman, mamahalin ko sya na parang nanggaling sya sa aking sinapupunan. Laman ng aking laman, dugo ng aking dugo."




Jeric: "Hahaha!  Ikaw Pangga ang dami mong alam na dialogue, pero Pangga alam mo gusto ko talaga ng maraming anak."



Me: "Naku mahal, alam mo hindi pwede yan........ gustuhin man kitang bigyan ng isang basketball team, sabi ng OB Gyn ko, hindi daw possible.  Makipot daw kasi ang sipit-sipitan ko."




Hihihi!


Jeric: "Pangga, mabigyan mo man ako ng anak o hindi, ikaw pa rin ang mamahalin ko.  Ikaw pa rin ang Pangga ko."



Kasabay noon, nilamon kami ng army ants.  Sugar-overload itey!  Hahaha!



Char.



Saksi ang paglubog ng araw sa aming pangako sa isa't-isa.




Jeric: "Pangga, baka naman gusto mo akong i-libre, tutal hindi ka naman pala tambay gaya ng sinabi mo at pinaniwala mo sa akin nung una."



May kahalong panunumbat?



Hahaha!




Me: "Oo naman Mahal, siomai uli tayo?"



Jeric: "Gusto ko iba naman, yung medyo mahal."




Homaygash, sarado pa kaya ang Spiral sa Sofitel.



Char.




Me: "Basta pili ka Mahal, sagot ko naman."




Jeric: "Mahal........  Takoyaki balls naman tayo."




 Hahaha! I love na talaga my brand-new dyowa.



At dun sa nagsabing isang linggong pag-ibig lang itey...



Haller!?!



 Magtu-two weeks na kaya.



Hahaha!  Chos!



:)


posted under , | 58 Comments
Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments