Sore Throat
Ang sama ng pakiramdam ko.
Dala marahil ng nararamdaman kong.... sore throat.
Sa simpleng karamdaman, hongdami lang nagbigay ng opinyon at unsolicited advice.
Kesyo, 'wag ko daw kasing isusubo lahat....
......or baka daw may sumabit na buhok.
Eeeeeeeewwwwwwww!
Hinahawi ko muna kaya to be sure.
Hihihi!
Char.
Para akong akusada na nag-e-explain left and right na the sore throat has nothing to do with my oral calisthenics.
Hula ko it's because of the weather. Tapos inom pa 'ko ng inom ng malamig na tubig.
Pero dahil nga I'm not feeling well. Nag-stay lang akez sa balur.
Hanggang nag text si Papa Jeric.
Him: "Good morning Pangga, work ka na?"
Me: "Hindi ako pumasok Mahal. Masama ang pakiramdam ko."
Him: "Bakit Pangga? Ano nangyari sa 'yo?"
Me: "Hindi ko alam. Nahihilo ako, naduduwal... nangangasim..."
Him: "Parang buntis? Seryoso ka ba?"
Me: "Bakit Mahal? Kung sakali ba na nagdadalang-tao ako, tatalikuran mo ba ang pananagutang ito? Lalayo ka ba? Hahayaan mo bang lumaki ang batang naging bunga ng ating kapusukan ng walang kinikilalang ama? At pagdating ng araw ay tatawagin syang bastardo???"
At unti-unti akong nalugmok sa aking pagkakatayo habang hawak-hawak ang aking sinapupunan.
Char.
Him: "Sabi ko naman sa 'yo Pangga, forever and ever na tayo ah."
Hihihi!
Me: "Praktis lang Mahal. May sore throat ako. Nahihirapan akong lumunok. Hindi ako pumasok."
Him: "Gusto mo puntahan kita mamaya pagsarado namin ng pwesto?"
Me: "Talaga Mahal?"
Him: "Hindi joke lang. Hehehe!"
Me: "Gagu! Sige Mahal, punta ka dito.... pero..."
Him: "Pero ano?"
Me: "Pero 'wag kang umasang may mangyayari sa ating dalawa. May sore throat nga ako devah?"
Him: "Hahaha! Gagu ka talaga Pangga. Syempre ok lang. Pero siguro naman hindi masakit yung mga palad mo?"
Hahaha! Homaygash!!!!
Chos!
Around 2pm na nakarating si Mahal. May bitbit pang mangga. Hahaha! Akala naman nito ganun talaga ako kabilis magbuntis? Nagwi-withrawal kaya kami. Hihihi!
Him: "Pangga, kumain ka na ba?"
Me: "Hindi pa po. Nahihirapan talaga ako lumunok. Tubig lang laman ng tiyan ko."
Him: "Dapat pilitin mo kumain, baka lalo ka magkasakit."
Me: "Wala akong food. Tinatamad ako."
Him: "Gusto mo ipagluto kita?"
Me: "Yakapin mo na lang ako Mahal. Busugin mo na lang ako sa pag-ibig."
Him: "Hahaha! Hindi ka mukhang may sakit."
Me: "Eh ano?"
Him: "Para ka lang adik!"
Hayuf. Para naglalambing lang eh.
Him: "Sige na Pangga, ipagluluto kita. Ano ba laman ng ref mo?"
Me: "Hmmm, alam ko may leg of lamb pa dyan, saka foie gras at caviar."
Char.
Him: "Uy may chicken ka pa pala dito. Gusto mo ng tinola Pangga?'
Ayyy... ang sweet. Ipagluluto nya talaga ako.
Nagbalat, naghiwa at nag-gisa si Mahal. Habang ako naman ay nanonood ng cable tv. Hihihi.
Habang hinihintay nyang kumulo at maluto ang tinola, nahiga sya sa tabi ko. Halos magkalapat ang aming mga labi. Mainit ang kanyang hininga na dumadampi sa loob ng aking bibig. Akmang hahalikan nya ako pero umiwas ako. Ayoko syang mahawa. Hinimas ko ang pisngi nya... at sya'y nagwika.
Him: "Pangga, kamusta naman yung gimik nyo?"
Me: "Anong gimik?"
Him: "Yung pagpunta nyo sa gay bar."
Hahaha! Yun pala. Di ko nga pala kinwento sa kanya.
Me: "Ok lang naman Mahal. Nood-nood lang, kwentuhan, inom-inom."
Him: "Madami bang gwapong macho dancer?"
Me: "Konti lang. Hihihi."
Him: "Ows? Eh bakit mag-a-alas tres na kayo umuwi?"
Uy, may sound of bitterness. Nagseselos? Hihihi!
Me: "Si Friendship at Dexter kasi, ayaw pang umuwi kahit gustong-gusto ko na dahil bored na ko. Pinagbigyan ko na lang sila. Hihihi!"
Chos!
Him: "Nag-table ba kayo?"
Me: "Hindi 'noh. Mahal kaya yung mga boylets dun. Yung drinks nila nasa 300 something yata. Eh ang lakas daw tumoma ng mga iyon."
Him: "Magaling ba silang sumayaw?"
Me: "Medyo. Kasi siguro trabaho nila yon."
Him: "Parang ganito ba?"
At tumayo si Mahal sabay giling! Amfutah! Marunong ang papa! Hahahaha!
Me: "Hahaha! Saan mo natutunan 'yan???? Teka! 'Wag mong sabihing dati kang.... homaygash!!!!"
Tumigil sa sayaw si papa Jeric habang tumatawa. Seryoso akong tumingin sa kanya.
Me: "Mahal dati kang...."
Tawa lang tawa si Mahal.
Me: "Uy.... ano ba? Dati ka bang macho dancer?"
Him: "Hahaha! Gagu, hindi ah. Hindi ko kayang gawin yon sa maraming tao. Ginagaya ko lang. Magaling ba kong sumayaw Pangga? Hahaha!"
Me: "Futah, naloko mo 'ko dun ha. Para kang professional MD!"
Him: "Ikaw naman kasi Pangga, pumupunta ka pa don. Pwede naman ako na lang ang magsasayaw sa harap mo. Wala ka pang gastos. Hahaha!"
Homaygash! :p
Me: "Ano ka ba Mahal, syempre kasama ko yung mga friends ko kaya naman nagpunta kami don."
Him: "Pero pag tayong dalawa lang Mahal, tapos gusto mo. Kayang-kaya ko ring gawin yon."
Me: "Talaga Mahal?"
Him: "Oo naman. Wala silang sinabi sa 'kin yung mga macho dancer na 'yon. Kita mo naman, wala pang praktis yon. Hehehe!"
Ayyyyyyy!!!!! :p
Him: "Gusto mo sayawan pa kita Pangga?"
Me: "Gusto mo ba?"
Him: "Oo naman....."
Hahaha!
At kasabay ng awiting "Bring Me To Life" ng Evanescence (don't ask me kung bakit 'yon. yun ang trip nya eh. so pagbigyan. lels) ay umindayog si papa na parang Star of the Night sa ibabaw ng aking kama. Unti-unti, nababawasan sya ng saplot. Hahaha! Impeyrnes, magaling sha ha. Hahaha!
At kasabay ng pagka-tuyo ng sabaw ng tinola, ako ay nakalimot.
Uu, nakalimot na may sore throat.
Hihihi!
Chos!
:)
53 comments:
hahahaha laughtrip ka talaga Miss Chuni, buti hindi nasunong ang iyong palasyo kasi napabayaan ang linutong tinola haha
hahaha..ms chuni daig mo pa si ms eugene domingo sa pag adlib..hahahaha..
tanong ko lang ms chuni..str8 guy yang si papa jeric mo?
landeh! hahaha. saya lang ng blog na to. walang halong kabastusan. :p
Post traumatic stress yan madam. Excessive dehydration...
@Jenny... perstaym naming kumain ng Pinatuyong Tinola. masarap pala. hihihi. :)
@Chad.... Ay hindi kami naniniwala sa mga labels eh. Basta kami ay dalawang taong nagmamahalan. Hihihi! :)
@Baduday.... Syempre naman, ayoko nung mga bastos-bastos. Hahahaha! Chos!
@Anon.... Ay ganun ba? Anong remedy? Hihihi. :)
Ang galing-galing niyo po talaga! Idol!
@Fiction Nostalgia.... Ayyy, hindi naman mashado. Mas angat lang yung gandah. hihihi! Chos! :)
hahaha, grabe ka talaga madam! bongga ang comic powers mo! ang sweet naman talaga ni pangga aba, ata talented pa! ayiii...
@HRH Queen Chuni: hahaha! malaswa na nakakakilig ang post na itey.. :))
@Joanne... Uu nga eh, kinikilabutan ako sa mga revelations ng future talent portions nya. Baka hindi ko kayanin. Hahaha! Chos! :)
@Nate.... May malaswa ba? Hahaha! Chos! :)
baka sign na yan hihihi
hahahaha...luv it.... nakangiting me matutuog nire.....
@Kulapitot.... na anetch??? :p
@Patryckjr..... sleep tight. :)
pwede po ba magtayo na ng pangga fans club
@LJ.... Pwede naman, basta ako ang muse. hihihi! :)
Sumakit ang migraine ko sa post mo. :p
I am really starting to believe that he's the real deal, Mademoiselle. "All-in" ika nga pero parang tunog poker LOL! ☺
Napabirit ka ba sa bring me to life at paggiling ng pangga mo miss chuni? hehe
@Atty. Mico.... Basahin mo ng 5 times, pramis, mawawala yan. Hahaha! chos! :)
@Brian.... Hindi ako nagpo-poker eh. Hihihi.Pero uu, sana sya na nga. :p
@Justin... Uu sa bandang chorus. hahaha! Chos! :)
epektib na pampagaling ang pag sayaw :D
@Pong.... Hahaha! Uu. :)
magkakabit ba bituka natin ms chu. may sore throat din ako, ubo tsaka sipon...ouch matagal na kasi akong tigang hahahaha
Hayuf ka teh, dami kong tawa sa post na ito... as always. :D
Hala.. baka magka sore yung ano..... :D
@Cute Dessert Boy.... Baka ikaw yung ka-kambal ko sa uma?!? hihihi. chos! :)
@Wins.... Hahaha! Thanks sis! :p
@Koro.... Lagi naman yatang sore yun. hihihi! Chos! :)
Salamat sa laughters Ms Chuni, i so love ur posts --jimi :)
arte much :P
get well soon ms chuni...
-ADA-
Sana makakita rin ako ng katulad ni jeric, wala ba yan kapatid he he he
Buti hindi sinabi ni Pangga na: "wag mo sabihing masakit din ang ilong mo?".....
Hahahaha! =P
Cute naman ni Pangga Jeric. Sana may pic for visual stimulation. Kahit kili-kili lang, keri na. HAHAHA.
worth the wait ang post mo ms.chuni! ahahaha... dagdag award pa si papa jeric! dancer of the year! ahaha...
pak na pak ang entry na to madam! laptrip ka talaga...
may kapatid ba o di kaya pinsan man lang si papa jeric madam? wala kasi akong mahanap na yummy dito sa palengke samin...hihihi
-rico ng cebu-
hongdami kong tawa miss chuni!!!! nakakaintriga naman yan si fafa jeric mo! :D
pwede bang gawing teleserye ang love story niyo? for sure mas magiging phenomenal pa kayo sa walang hanggan..
ang tamis tamis!
Habang hinihintay nyang kumulo at maluto ang tinola, nahiga sya sa tabi ko. Halos magkalapat ang aming mga labi. Mainit ang kanyang hininga na dumadampi sa loob ng aking bibig. Akmang hahalikan nya ako pero umiwas ako. Ayoko syang mahawa. Hinimas ko ang pisngi nya... at sya'y nagwika.
~ parang pocket book lang...hahahaha
galing...
~mike209
kasing macho lang ba ni Jeric ung mga MDs, o hindi naman?
@Jimi... Thank you rin for reading. hihihi! :)
@Meowfie.... Uu. Guilty as charged. hihihi.
@ADA... Thanks po. Magaling na po. :)
@Anon... Wala eh, may mga asawa na. Pero single pa yung 82 years old na lolo nya. you like? hihihi! chos!
@JohnM..... Hahaha! Hayufff! chos! :D
@George.... Heller? Ikaw ba si friend kong si Baronessa? Kili-kili din ang fetish nya. hihihi. :)
@Moon.... Uu, naglalabasan na mga talents nya. Hahaha!
@Rico.... Bakit di mo i-try ang palengke ng Davao, o Bacolod o Ilo-ilo? Basta mag palengke tour ka lang at makakatagpo ka rin. Hihihi! :)
@Jeni... Korek, i can't wait kung anong talent pa meron sya. Hahaha!
@Shenanigans.... Basta ang gusto kong gumanap sa kin si Anne Curtis ha. Hahaha! Chos!
@Mike..... Hahaha! Ganun ba ang peg? :P
@Anon... Ay, may ilalaban dun ang papa ko noh. Hihihi! :)
#TEAMjechu haha!
@Shenanigans...... Hahaha!
ay talaga palengke? siguro mga 5'5" to 5'6" height niya no? pero batak ang mga muscles.. tama ba hula?
@Anon.... Hahaha! Hooonggaleng! parang may nakaraan. hahaha!
"forever and ever" ??
hello?,nothing lusts forever kaya!...
but enjoy lang...he he
wag lang sanang golden voice of the year ms.chuni! ahaha..baka kabugin pa kayo nila friendship sa pag-awit sa magic sing!
So happy for you your royal highness... Araw araw akong nag- aabang sa blog mo
@Victor.... Hahaha! Isa kang giant frog. Lol! Live for the moment. :p
@Moon.... Walang papantay sa 100 na core ni Friendship sa magic sing. hihihi!
@Abelarto.... Thank you! Mwah! :)
Ang landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi landi mo. Hahahaha. Di ba Bulakenya ka? Hindi ganyan ang tamang asal ng mahinhing dalaga. Char!
.
.
Seriously, sana talaga forever na yan. Para there's two less lonely people in the world na. :D
@DB.... Uu, nagkaganito lang naman ang lolah mo nung mag migrate sa Makati. Na-imbibed ko yung syudad. Hihihi. :)
Minsan may isang tinola!.. Hihihi!...
d b sabi ni Angelica Panganiban sa movie na HERE COMES THE BRIDE " Forever is a dangerous word"...
...at dahil ginawa mo akong GIANT FROG...lol...share ko sa yo sinabi ni Oscar Wilde "They spoil any romance by trying to make it forever"...
...sana ur smiling when ur reading this....he he...
Post a Comment