Akin Ka Na Lang?


Minsan, akala mo’y wala ng katuparan

Ang pag-ibig na hangad, ay kislap lang sa karimlan.

Subalit, datapwat, kahit ang ‘yong kagandahan

Ay hindi pa sasapat na makamtan ang kaligayahan…



Huwag ka lamang susuko Ditseng salat sa pagsuyo

Ang lalaking kapalaran ang sasagot sa siphayo

Kahit wala sa paligid tsansang kayo’y magtatagpo

Upang gamutin ang napagod mo ng puso.




Ilingon ang mga mata sa paligid mo sinta

Baka sakaling mamasdan ang lalaking nakapila

Naka-abang sa pag-ibig ng Diyosang anong ganda

Mortal na pag-ibig handang-handang i-alay nya.



Kung ikaw ay medyo choosy, ay naku bruhilda ka.

Hindi na ‘ko magtataka kung mamatay kang single pa

Ibaba na ang standard at tanggapin ang tadhana

Na ang iyong kagandaha’y kumukupas nang bigla.



Kung sakaling ma-meet mo na, ang pangarap mong Adan.

‘Wag ka ng pasubali at siya ay ‘yong lapitan

Ibigay ang number kasama ang pangalan

Kasabay ng katanungang…. “Pwede, akin ka na lang?”


















...kahit isang gabi lang... =)


Be my bodyguard, oh manong guard!


Take me in your arms... now na.


Choz to the 10th power!



Sana Naging Kamay Na Lang Ako


Adam Levine of Maroon 5 gets naked in the February 2011 issue of Cosmopolitan UK to raise awareness about testicular cancer.


























Feeling ko nga, dedicated nga nya sa akin yung song na "She Will be Loved..."


Sabi nya kasi...


Beauty queen of only eighteen....


Gosh... ako na nga. Char!



























Hayyyyy... ang kamay.......


























And to you Papa Adam...


...you will be loved....


Pramis.



Baboosh... nagpa palpitate aketch!




Source: http://www.cosmopolitan.co.uk/men/cosmo-centrefold-adam-levine/v1


Maroon 5 - She Will Be Loved








posted under , , | 23 Comments

Maharot Na Nakaraan


Madami na ‘ring lalaki ang dumaan sa aking buhay.


Siguro, pagsama-samahin mo man ang hinlalato ng mga open followers ko dito sa blog ay hindi pa sasapat. Choz!


Pokpok much? I agree.


‘Yung iba, nauwi sa relasyon.


‘Yung iba naman hanggang kama lang.


May worst pa nga doon – hanggang CR lang.











Sa CR lang naganap ang lahat.










Doon nagsimula, doon na ‘rin natapos.


Mga nakaw na sandali.


May dialogue pang…


“Ni hindi ko man lang nakuha ang ‘yong pangalan…”


Oo malandi aketch.


Dati ‘yon.


So judge me.


Punish me!


Spank me!!!


Char.


Sa mga lalaking nakuha ang tamis ng aking alindog – ang swerte nyo lang.


‘Wag ng ipagyabang.


Kasi hindi ko aaminin.


Hinding-hindi.


My lips both up and down there are sealed.


Vacuum sealed.


Dedma na lang kung tayo man ay magkasalubong sa daan.


At ituring ninyo itong…


Isang maharot na nakaraan.



Happy Fiesta!

Tapos na ang Pasko at Bagong Taon!


Panahon na naman ng mga FIESTA!













At kung sakaling kayo ay makiki-Fiesta sa probinsya man o Maynila, palaging tandaan…


1 . Hindi lahat ng nakahain ay kaya mong kainin. Iyan ang tinatawag na “takaw-mata”. Pumili lamang ng putaheng sa tingin ninyo ay pinaka-masarap sa inyong panlasa at kainin lamang ang kayang ubusin.


2. Kung gusto mo pa ring malasahan ‘yung ibang food, pwes, tikim-tikim lang. ‘Wag duhapang. I-share ang food sa iba. Sayang naman kung mapapanis lang.












3. Hindi lahat ng masarap sa paningin ay masarap ding kainin. Ang inaakala mong masarap na Cordon Bleu ay hindi pala sing sarap ng Adobo. Be wais!

4. Kung naki-kain ka na sa Fiesta, ‘wag ng mag-take home pa. Not unless na ipinilit ng pinaki-Fiestahan mo ang pina-uwing food.


5. Pumili ng pagkaing hindi ma-mantika. Remember, health is wealth. Pero minsan, masarap din ang may konting fats. Mas malinamnam. Char!





























6. Kung ano ang inihain, doon lang mamili. ‘Wag ng maghanap pa ng iba o ng wala. Kung hindi tabing dagat 'yung lugar, 'wag maghanap ng seafood. Nakakahiya naman devah?












7. Kung makikipag-inuman ka sa Fiesta, make sure na kaya mong maki-tagay. Dahil ang ipinasok mo sa bibig, hindi mo dapat ilabas sa bibig. Klaro?


8. Kung ikaw lang ang imbitado, ‘wag magsama ng sangkaterbang dyulalay. Baka hindi sumapat ang handa sa inyong lahat.













9. Huwag pintasera sa handa. Pasalamat ka at ikaw ay nabusog ng free.


10. Be nice sa lahat. Batiin lahat ng makakasalubong ng….


HAPPY FIESTA!




posted under | 29 Comments

Watch and Learn



SEAIR did this.





and


SPANAIR this...




Certainly, one can see the effort put into these by those two airlines...


'Yun nga lang... naging chipipay ang dating ng SEAIR compared to what SPANAIR did.


Kung gagamitin din lang promotional chuva ang video... sana lang mas nag-effort pa.


Kapos ba sa Marketing at Promotions budget?


Choz!


posted under | 6 Comments

Kwentong Seryoso


Medyo iba ‘tong kwento ko.


Pero bahagi ito ng aking nakaraan.


Nung time na gusto kong takasan ang pagiging isang bakla.


………………………………………..


As early as first year highschool alam ko ng iba ako sa mga kaklase kong lalaki.


Pero in denial.


Akala ko parang stage lang ‘to na maglalaho.


Dumating ako sa point na nag-TH ako magpaka-straight.


Bumarkada. Nag-bisyo. Gumawa ng mga kalokohan.


Lahat ito ay ginawa ko para maiwasan ang pagiging isang bading.


Hanggang tila dumating na nga ang kasagutan sa nais ko.


Disiotso ako noon.


Nakilala ko si Jocelyn.


Twenty plus naman sya.


Nag-landian. Nagka-developan. Nagka-inlaban.


Para lang kaming sina Claudine at Rico Yan.
















Ako si Claudine.


Pero 'yun na nga… naging kami.


Tapos sabi nya one day – “Gusto mo, magsama na tayo?”


College ako non. Nangungupahan ng apartment kasama ang pinsang college student din sa Manila.


Yung pinsan ko, girlfriend naman ang bestfriend ni Jocelyn - si Armida.


So ayun, nakipag-live in nga ako kay Jocelyn.


Ganun din yung pinsan ko at si Armida.


Apat kaming nagsama-sama sa maliit na apartment. Nag-working student ako kahit supported ng pamilya.


Estudyante sa araw, callboy sa gabi.


Choz.


Service crew.


Nagkatuluyan ‘yung pinsan ko at si Armida. Apat na ang anak nila. Sila pa rin hanggang ngayon.


Natiis nila ang isa't-isa.


…………………………..


Isang gabi, I remember bumabagyo ‘non. Ako naman inaatake ng migraine at lagnat.


Si Jocelyn, sumugod sa ulan kahit walang payong. Naghanap ng bukas na drugstore para bumili ng gamot at pagkain na ‘rin. Ng dumating sya sa apartment, basang-basa sya. Tapos inasikaso nya ako. Pinakain, pinunasan at pinainom ng gamot.


Nakatulog kaming magkayakap.


Kinabukasan ok na ‘ko.


Pero sya naman ang nilalagnat. Ako naman ang nag-asikaso sa kanya.


Sabi ko ‘non sa sarili ko, siguro nga hindi ako bakla.


Kasi, mahal na mahal ko na ang babaeng ito.


Gabi-gabi kami kung mag sex. Parang honeymooners lang.


Sabi ko pa, pakakasalan ko sya.


Pero hindi pala kami pwedeng pakasal.


Kasi may asawa na pala sya.


Kasal na pala sya. Hiwalay lang sila.


Sobrang galit ko sa kanya ‘non. Pinalayas ko sya.


Two months after, nakita ko uli sya.


Hindi na ako galit sa kanya. Pero parang sya ang galit sa akin. Hindi na rin kami nagkabalikan.


Kasi, bumalik na sya sa asawa nya.


Mabilis lumipas yung panahon. Tapos sabi sa akin ni Armida na nanganak na daw si Jocelyn.


Isang baby girl.


Ako daw ang tatay.


Sabi ko… “Gaga. Paano magiging akin eh matagal na kaming hiwalay.”


Pero teka. Seven months palang kaming hiwalay.


Grabe ang kabog ng dibdib ko.


Pinakita sa akin ni Armida ang picture ng baby.


Kamukha nung baby picture ko.


May head dress din.















(Disclaimer: Not the actual baby picture. hehehe.)


Nakuha nya ang aking mga mata, ilong at pouty lips.


Kinausap ko si Armida kung pwedeng pakiusapan nya si Jocelyn na makita ko ang baby kahit isang beses lang.


Hindi pumayag si Jocelyn.


Tahimik na daw ang buhay nya. ‘Wag ko na daw guluhin pa.


Pero mapilit ako.


Inalam ko ang address nila ng asawa nya.


Pinuntahan ko.


Saktong nakita ako ni Jocelyn.


Ano daw ginagawa ko ‘don.


Minura nya ‘ko.


Pinalayas.


Hindi naman ako mang-e-eskandalo. Pero wala akong nasabi. Kusa na lang akong umalis ng hindi ko nakikita ang baby.


After one month, naglakas loob akong bumalik uli.


Pero hindi na sila doon nakatira. Umuwi na daw ng Bicol.


Hindi na rin sya ma-contact ni Armida.


Tuluyan ng nawala si Jocelyn at ang baby na nalaman kong ang ibinigay n'yang pangalan ay Pilar…


Natawa pa ako.


Kasi ako si Pepe.


Tapos… binalot ako ng matinding lungkot.


At kusa na lang napa-iyak.


Putang-ina.


Ako nga ba ang ama?


………………………………..


Ngayon ay malamang na nasa highschool na si Pilar.


Sana lang makita ko sya.


Kahit hindi nya ako makilala.


Kahit hindi ako magpakilala.


Siguro iyon na lang ang kukumpleto sa akin, aside of course ang isa brand new Papa.


'Yan ang isang kwento ng buhay ko.


Dahil kahit anong pagmamalinis man ang gawin ko.


Hinding-hindi ko maita-tangging..


Isa akong disgrasyada.



Isang Major Vonggang Announcement

Five months na akong single.


Two hundred sixteen thousand four hundred twenty five minutes.


Hula ko lang. Hirap kayang mag-compute.


Inspired by RENT ang dyoklang Dyosa.


During my not-so-stylish vacaycay sa kabukiran ng Bulacan, I realized one thing…


Maganda pala talaga aketch....


... kahit bagong gising.















Partida wala 'pang mumog 'yan. Nagtampisaw lang sa batis.


Choz!


Ikaw ba naman ang makipag socialize sa mga itik, pato at kalabaw.


Lulutang talaga ang ‘yong angking kagandahan.


Gandang Maynila...


Gandang Likas….


Gandang Ricky Reyes….


Pero.


Hindi natupad ang wish ko.


Hindi dumating si number 10.


Papa-less pa rin ang aking circle of life.


Not that I’m complaining. Footah!


I have two hands as you all know. Each with five fingers. And each finger can do wonderful things way beyond your wildest imagination.


Enough said.


Baka may nagbi-breakfast.


Ma-umay.


Hindi rin naman dahil sa inabutan ng “best before” ang aking timeless beauty.


May mga gustong kumarir.


Wiz ko type nga lang.


Meron naman akong type.


Si Marky, nasa Davao pa rin. In two years, pwede na siguro sya. Beynte na eh.


‘Yung isa, gusto akong gawing querida.


Gusto nyang ako ang gumawa ng mga bagay na hindi kayang gawin ng kanyang asawa.


Eh ano ba ang hindi ginagawa ng kayang asawa?


Lahat ng kalaswaan.


Ganun?


Ano ako sex toy?


Na kapag sinabing nganga – eh nganganga nga?


Na kapag sinabing buka – eh bubukaka nga?


At kapag sinabing lunok – ay……


Ohmygassss!


Mahirap maging querida de amor.


Wiz ko type na ma-dyombag sa mall at ma-youtube ang fez habang binubogbog ng legal wife with her entourage in tow.


Eskandalo ‘yan.


Hindi pa naman ako nagpa-panty.


Eh di fiesta ang mga kalalakihan sa aking perlas ng silangan.


Anyway, sabi ng isang friend…


“Kung gusto mo’ng kumain ng beef, buy ka ng one kilo. At ‘wag buong cow ang bibilhin mo. Kasi baka mag-sawa ka.”


Hmmmm….


May punto ang bilat.


So ganun na lang ‘yon.


Hahayaan ko na lang matikman ng mga kalalakihan ang aking kagandahan?


Iba’t-ibang lalaki bawat gabi?


Na para akong karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain?


TYYYYPPPPEEEEEE!!!!!!!!


Eat all you can!

……………………………………


Pero syempre, gaya ng ilang mga bekis, pangarap ko ring maglakad sa riles ng may ka-holding hands... tapos magwi-whisper ng sweet nothings. haaiiisssst.... kilig much.












……………………………………..

Anyway, hindi nga pala ako dapat magpaka-sarili.


Bilang isang Dyosa, tungkulin ko una ang aking mga nasasakupan bago ang aking pansariling kaligayahan.


And sabi nga ni Queen Elizabeth I…


“I am nobody’s WHORE!”


Kaya here I am before you, my beloved readers and followers.


Let it be known.


That I am married only to my people.


And before thee, I proclaim myself……


Your VIRGIN QUEEN!












Baboooh!


Shopping muna aketch ng isang kilong T-Bone Steak.


Char!





Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments