Sa Paskong Darating...

Noong bata pa aketch, hindi ako masyadong nabigyan ng mga laruan o regalo. Deprived ang badet. Panganay kasi aketch at ma-agang nag-asawa sina mudra at pudra kaya tipid to the max to make both ends meet.

Magpa-Pasko.

Naniniwala ako noon na pag nagpaka-bait ako, ibi-bigay ni Santa Claus ang wish ko.

First time kong mag-sabit ng medyas nung 7 years old ako. Bisperas ng Pasko.

Nilagay ko sa loob ang isang sulat na gusto kong matanggap for Christmas.

Ever Dearest Santa,

Isang taon akong nag-alaga ng mga kapatid kong makukulit. I am soo bait kaya wish ko this Christmas ang isang Barbie Doll with silk fuchsia long gown, fully beaded, and with matching accessories like a princess crown, glittered earrings and a whole set of wardrobe.

Love,

Chuni

P.S.

Gusto ko 'rin ng dollhouse. I thank you.


Etchos lang. Eh di hinambalos ako ng tatay ko with his cheappanggang leatherette belt.

Actually ang sinulat ko na wish ko ay isang BMX na bisikleta.

If I were a boy ang drama.

Pasko na.

Pag-gising ko nung umaga, tarantang gumising ang kagandahan. Ni hindi na nakuhang mag-mumog. Diretso sa sala upang tingnan ang inaasam na gift from Santa.

Walang bisikleta.

Kinapa ko ang medyas, may laman naman.

Storck at White Rabbit na candy saka Choknut.

Saka ko naisip, siguro hindi naintindihan ni Santa yung sulat ko kasi tagalog. Eh inglessero nga pala si Santa.

Kahit disappointed, tuwang-tuwa na ako non.

Syempre pinagyabang ng beauty sa mga kalaro ang natanggap na gift na nasa loob pa ng medyas.

Eh walang maniwala sa akin. Hindi daw totoo si Santa Claus. Pinagtawanan pa aketch.

Nagtaray ang future Binibining Pilipinas title holder.

“Inggit lang kayo!” sabay quarter back turn at naglakad palayo.
















Parang batang yagit lang na nag-inarteh.

Syempre, eventually ay na-realized kong hindi nga totoo si Santa Claus. First time ko yatang ma heartbroken nun.

Gusto ko kasi syang gawing BFF.

…………………………………………

Pero tuloy ang buhay.

Hindi doon natapos ang pangangarap.

Every year gumagawa pa rin ako ng wish list.

Libre naman ang mangarap.

At ako na ang nagpapaka Santa Claus sa sarili ko. Though sometimes, some generous friends, relatives or my boss would volunteer. Syempre accept lang ang bruha. Eh kung tatanungin ka ba naman ng

“Ano gusto mong Christmas gift ko sa ‘yo?”

Gasgas na ang sagot na “Bahala ka na, kahit ano.”

Orocan.

Magpaka-true lalo't afford naman ng sponsor. Kung ibigay “Thank you!”

Kung hindi naman – eh di “Better luck next time.”

Or bigyan mo ng choices.

At least nagpaka-honest ka.

Ang batting average ko naman ay nasa 60-70% ng wish ko ay naisasa-katuparan.

Kaya this year, medyo nag-level-up ng wish ang lola nyo. Nagpaka material gurl.

Saka na ang World Peace.

Pabayaan nyo na, brokenhearted pa eh.

Calling Benadette Sembrano este Vicky Morales na pala…


This Christmas, itetch ang aking wish list.

1. Part & Parcel bag by Crumpler (Approx Value: Php 8,000.00)

Sobrang fan ako ng Crumpler bags. I have 3. Tarush. Hahaha! Hindi ko kasi kering mag LV. Actually hindi ko afford. This Part & Parcel bag can fit in a 15 inch MacBook.















2. Fish Eye Lens (Approx Value: Php 37,000.00)

Ang lens na mas mahal pa sa isang DSLR kit. Kaya ‘pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa?’ Ngayon I have 2 lenses. Isang 18-55mm at 70-300mm Nikkor lens.












Ano ang kayang gawin ng fish eye lens? Heto sample pic.











eto pa.










3. Vintage Helmet (Approx Value: Php 3,700.00) ‘Di ba ang sophisticated ng dating. Parang ako lang. Hahaha!

The picture says it all…













4. Syempre, aanhin ko ang helmet kung wala namang kasamang scooter. Para naman akong shunga kung maglalakad ako sa EDSA ng naka-helmet at walang....


Vespa sana (Approx Value Php 450,000.00) kaya lang uber mahal.










Kaya pwede na ang Daelim B-Bone 125 (Approx Value: Php139,000.00). Pramis, i-jo-joyride ko lahat ng unfortunate cute guys na makakasalubong ko sa kalye.















5. Beats Studio by Dr. Dre - Hi-Def Noise-Canceling Over-Ear Headphones Glam Solo Red . Isasaksak ko lang sa walkman ko. (Approx Value: P16,000.00)
















6. Eames Lounge Chair. Forget LAZY Boy. I fell in love with this chair ng makita at maupuan ko sa bahay ng boss ko. (Approx Value: Php 75,000.00)









7. A Cambridge iPod dock (Approx Value: Php 14,100.00). Sawa na ang tenga ko sa mumurahing speaker na tig-P150.00. I need to upgrade. Sayang ang audiophile pirated music collection. Hindi ko ma-appreciate. Tunog lata kasi ang existing speakers.













8. An Apple TV. (Php 5,500.00). So I can rent movies on-line and do away with dibidis.













9. One year supply ng Bacchus. (Approx Value: Php 13,505.00). Wala, aidk-adik lang ako sa energy drink na ‘to. Parang the day is not complete without it.











10. A new PAPA. (Approx Value: Whatever it takes). My motto this Christmas: Aim high, and hit the mark!















‘Di baling hindi na matupad ang lahat. Except no. 10.

I know I haven’t been as nice as Nimmy – the next patron saint ng mga bekis. Pero I haven’t been naughty naman. Hindi ako salbahe this year.

Ok.

Ok, there were instances na nagpaka-naughty ako but not as naughty naman as Soltero.

So, pretty please.

Grant na my wish.

Specially No. 10.

10.

10.

10.

10.

10.

.................................

"You know that we are living in a material world

And I am a material gurl...."

posted under , |

32 comments:

Mr. Pre.Tender said...

sana umabot ang wishlist mo kay Vicky Morales. Go Go Go sa Number 10 ngayong Xmas2010.

c - e - i - b - o - h said...

pak ang mga wishes ms. chuni..
pagsama-samahin natin, dadating c guy, riding his vespa with the helmet and headphone on, carrying his part and parcel. He'll fetch u sumwher in EDSA. Gora kayo after sa balur, listen to sweet music using the iPod dock then watch kayo ng movies sa Apple TV. Syempre para bongga na din, seat kayo sa Earnest lounge chair, drink the Bacchus. Then while you're seating sa lounge chair, he'll notice your beauty. Picture na lang xa ng picture sa'yo hanggang sa maumay ka, kahit nakatulog ka na, picture pa rin xa.. hehehe.. Un nga lang, hindi sa'yo ung mga gamit, laht sa kanya,, pero one thing can be sure, the guy is yours..

ahahaha

RainDarwin said...

HAHAHAHAHAHAHAHAHAH

PANALO TALAGA ANG MGA POSTS MO !!! Araw-arawin mo nga ang pag post pantanggal ng problema.

teh mabait is santa claus, baka matupad ang wish mo. Kasi badet din sya. Kasi dapat di ba Santo Claus... badet sya kaya Santa Claus.

Anonymous said...

at san mo naman nakuha ang pictur eni number ten? bwahahaha. ang sarap. tagalinis ng pool. :))

Ms. Chuniverse said...

@ Mr. Pre.Tender... Sige at ipapadala ko na sa Channel 7 ang wish. Worry ko lang baka mawalan ng career si Vicky after.

@Ceiboh... Ok na ok yang naisip mo ah. Type ko 'yan. Hahaha!

@Pilyo.... 'Yan din ang hinala ko. Feel ko ang pagiging gurl nya. Gusto ko nga sana mag post daily, kaya lang baka ma tsugi na sa work. hahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Jepoy Dee... dyan lang sa tabi-tabi. hindi ako masyadong choosy. hihihi!

NOX said...

madame chuni, panalo ka talaga! in fairnes, basta may #10, pwede na din :D

iurico said...

haha. Panalo ang post chunilee. Bet ko ang number 10 for u.

NOX said...

and madame, parang mas bagay ang lipovitan ira sau (kung buhay pa sya...) mwah!

Ms. Chuniverse said...

@Nox... Talagang pwedeng-pwede basta may No. 10. Oo nga no, pang Ira ang beauty ketch.

@Iurico... Sige, ipag-pray over mo. Thanks! ;p

casado said...

Naku MissChuni - klangan mo ng bonggang bonggang sugar daddy haha...

Bloiggster said...

lurve your entry gurl! im sure santa will grant your most fervent wish ;)

jc said...
This comment has been removed by the author.
jc said...

hayaan mo, ibi-BBM ko si Santa Claus. Patapyas natin ang North Pole pag di binigay ang No. 10. Hahahaha!

Ms. Chuniverse said...

@Soltero... bakit hipon ang profile pic? Eh hindi ko pa nga nakikita ang katawan mo, puro face lang. hahaha!

@Bloiggster... sana nga! Kahit walang wrapper si No. 10! ;-)

@JC.... Tama ka. Minsan lang ako humiling ng todo! Baka sumagor si Santa at sabihing "Hija, may limitation ang powers ko." Hahaha!

caloy said...

matutupad ang no.10 mo, swear! hihi :P

Marhk said...

ang taray mo teh go sa mga wish! lolz
tumbling ako ober sa kakatawa sa picture ng bata bwahahaha!!

Ms. Chuniverse said...

@Caloy... YES!!! Sa Starbucks 6750 first date namin. ayusin mo ha. hahaha!

@Marhk... To the highest level! hahaha!

Yj said...

who cares about the first 9.... kailangan ko din lang ng number 10...

waaaaaaaaaaaaaa

bien said...

pangarap ko rin ang number 10 uten.
tama ka.
bahala na lang si batman.

Mugen said...

Naging good ba ako this year, yung number 10 kasi eh... ^_^%

Ms. Chuniverse said...

@YJ ... tama ka, who cares about the other 9. Pero kung masyadong short notice ang request to have no. 10, i'll gladly take 1-9. Hahaha!

@Orally .... uy, no. 10 k din. hehehe!

@Mugen... ikaw din? ang dami naman nating single. hahaha!

Ewan said...

i have a feeling teh na makukuha mo yang no. 10 na yan

Ms. Chuniverse said...

@Ewan... i have a feeling too. hahaha! pag-pray natin ha. =)

Lasher said...

Hay! Ansarap talaga mangarap! Sana ako din! Sana makuha mo at list 50% dun sa wish list mo, Tia Carere!

Anonymous said...

i've been reading your blogs for quite sometime now. i find you very interesting... like to know you more... i dont know how to reach you kaya heto na lang mag-post ako ng comment para mabasa mo. if you have spare time email me at akuzino23@yc. im looking forward to hear from you soon...

Ms. Chuniverse said...

@Lasherations... Salamat Ninang. Choz! =)

@Anonymous...Yes, i am very interesting! Hahaha! =)

JR said...

LMAO! parang gusto ko ibigay sa iyo yung number 10 wish mo! ako yun fafa! I love you na! chos!

Ms. Chuniverse said...

@JR.... ikaw na nga! =)

Anonymous said...

love your blogs ms chuni.

keep it up. nkakawala ng pagod :)

Ms. Saigon

Canonista said...

January na, nakuha mo ba ang mga nasa listahan mo? King hindi mo mo pa nakukuha ang iba, ehto pala tips...

mas murang alternative sa fish eye lens na gusto mo ay ang fish eye lens ng Lensbaby, waaaay cheaper, kaso manual focus lang at ang aperture adjustment ay sobrang manual at hindi madali; pero mura.

Sabi sa review online hindi daw matibay ang Beats na headphones, sabi lang naman nila. Meron akong na discover na hindi kasing mahal ng beats pero stylish... Urbanears.

Anonymous said...

Hi there, I discovered your web site by means of Google even as looking for a comparable topic, your web site came up, it looks good.

I've bookmarked it in my google bookmarks.
Hello there, just turned into aware of your weblog via Google, and located that it's really
informative. I am gonna watch out for brussels.
I'll be grateful if you happen to continue this in future. Numerous folks shall be benefited out of your writing. Cheers!
Here is my site :: Full Article

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments