Byaheng Singapore (Conclusion)
Grabe ang byaheng ‘yon papuntang Singapore. Naka flash ang “seatbelt” sign almost all throughout our flight. Sabi sa announcement, ang dami daw kasing air patches? punches? pouches? or turbulence chuva na lang o whatevah.
Para akong vaklang nasa blender. Maalog talaga. Hindi tuloy ako makapa-nood ng maayos ng “Up In The Air” movie ni George Clooney na kasama sa in-flight movie selection. Parang sanay na sanay na aketch ‘noh! Hihihi.
Nakaraos ‘din ng maluwalhati at nakarating kami ng Singapore on-time sa schedule. Ang ganda ‘rin ng airport. May walkalators pa. Vongga! Feeling ko nasa Project Runway 'speedy edition' ako. Ang bilis din ng processing ng immigration. Taas baba lang ako. Walang Q&A portion. Face value lang talaga. Promise.
This time, wala na akong arrival committee kaya bahala na akong mag-taxi papuntang hotel. Nag check muna ako ng exchange rate sa airport. Mura. Hindi na lang. According to my research mas mataas ang palitan sa FOREX sa Dhoby Ghaut at sa Little India.
Pila na ako sa taxi terminal. Ang bilis ng byahe. Around 4pm yata ako nakarating sa hotel. Ibinaba ko lang ang mga gamit ‘ko then larga na ang beauty. Mag a-alay-lakad pa kasi ako sa Orchard Road – the ultimate shopping center! Dumaan muna ako ng Dhoby Ghaut para magpapalit ng Singaporean Dollar. Tumpak, mas mataas ang exchange rate.
Ang daming fashionistang gwapings na naglalakad sa Orchard. Eye candy lang talaga. No touch. Nakaramdam ako ng gutom. May isang area ‘don ng mga hawkers na maraming kumakain. Order aketch. I ordered one of their most popular food – ang Bak Kut Teh! Short for Bakla Ako Ateh! Hahaha! Joke lang. Pero Bak Kut Teh talaga namesung ng food. Parang syang pork nilaga na maraming bawang.
Nang inabot na ang order, humingi ako ng tissue. Parang nabingi 'ata yung staff. 'Huh' lang ng 'huh' sa akin. Feeling ko tuloy, alien talaga ako in a foreign land.
Me: “I was asking for some paper napkin. Can i have some, please?”
To my horror, dumukot s’ya sa bulsa nya at inabot sa akin ang lukot na tissue. Shock ang beauty. Kinuha ko naman. Hindi na ako nag-taray. Carry ko na ang food sa table at kumain.
Later ko lang nalaman na ang tissue pala sa mga restaurants sa Singapore ay hindi nahihingi ng libre. May bayad. Oh di vah! Kaya i-appreciate n'yo na kung sa Mcdo at Jollibee ay isang shred lang napkin ang binibigay.
Ang hirap i-chopstick ng sabaw. Nahiya naman akong humingi ng straw. Baka kasi may bayad din.
Kaya naman kasama sa mga una kong pinamili ang tissue sa supermarket kasama ng maraming bottled water.
500ml bottled water sa 7-11: about 1.50 SGD = P49.00
500ml bottled water sa hotel: about 2.50 SGD = P82.50
500ml bottled water sa Carrefour Hypermarket: about .90 = P29.70
Saan ka pa? Keri na sa Carrefour!
Since malakas akong lumaklak ng H20, buy ako ng madami at nilalagay ko sa personal ref ko sa hotel para makatipid.
Ka-aliw ang Singapore. Ang daming attractions. Dapat lang talaga na mag research ka in advance para alam mo na kung saan ka magla-lamyerda to maximize your time. My intent is mamasyal talaga kaya crossed-out na agad ang boylets sa itinerary. Pero may nangyari din. Hindi ko pinlano. Promise. Ahihihi. Secret muna. Hihihi.
Isa sa pinaka na-enjoy ko ay ang Night Safari. Especially ang mga fire-eating hunks na nagpe-perform. At winner ang lola. Nakahawak pa aketch ng abs ng isa sa mga performers. Pinahipo n'ya talaga. E, ako naman, since foreign country at walang kakilala, ti-nouch ko talaga.
Pasensya na sa medyo blurred na pictures. Nanginginig kasi ang kalamnan ko sa dami ng machong hombre. Hahaha! Kanda-duling ang mata ‘ketch.
Anyway, heto na sila at inyong pagnasaan:
Yung puting guy ay nag-volunteer. May audience participation kasi at s'ya ang napili. At ng kantyawan ng mga parokyanong mag-hubad, nag-hubad naman. In fairness, muy delicioso din ang lolo.
At kung aayain nila akong mag-laro ng 'apoy'........ sasali aketch. Hihihi!
Nakasalubong ko ang 2 buhay na lamparang itetch sa Orchard. Hindi ko alam kung nagpo-promote sila ng Meralco kasi Singapore 'yon at wala namang jingle na "May liwanag ang buhay!'
O baka naman trip lang nila. In fairness, talagang napapalingon ang mga tao sa kanila. Yun nga lang di mo alam ang purpose. Kung promotional activity man sya, di ko na gets.
Ang ipinagtataka ko lang, bakit mag a-alas otso na ng gabi, eh ang liwa-liwanag pa sa Singapore?
Hanggang dito muna mga dear. Auf Wiedersehen!
6 comments:
i enjoyed reading your singapore experience. ipapabasa ko ito sa mga friends ko na pupunta rin ng singapore next week. :)
Salamat Aris, i'm sure they'll have a great time in Singapore.
Mwah!
panalo ang linyang ito:
"Ang hirap i-chopstick ng sabaw. Nahiya naman akong humingi ng straw. Baka kasi may bayad din."
ayos talaga ang mga hirit mo, tsong! hehehe
Salamat Edwin.
BTW, you can call me 'tsang.
'Wag na lang tsong.
Mwah!
Saan 'yang Night Safari na yan, 'teh? Gusto ko pumunta diyan. Will be in SIN next week. :)
-Jay
kakatuwa naman basahin ng blog mo teh..swak na swak ang mga linya..may talent!
Post a Comment