Sayang
Habang natutulog si Doc Jay sa sofa kahapon, na bored ako. Napansin ko yung isang cellphone n’ya na nakapatong sa study table ko. Tiningnan ko sya. Tulog na tulog. Nagdadalawang isip ako pero nangibabaw ang curiousity ko.
In-unlock ko ang phone nya. Zero ang inbox. Zero ang sent box. Zero ang draft box.
Nag-exit na ako ng biglang nag message tone.
Nag reflect ang name ng sender. – TOM CB.
Nagdalawang isip muna ako kung i-o-open ‘ko o ignore ko na lang. Kumakabog dibdib ko. I chose to open the message.
“Beh I am home now grabe ang init sa kalsada nakakahilo. Sana nand2 ka. Aalis silang lahat papunta ng MOA me lng mgisa d2 m22log miz na kita sna Friday na :-x”
Nanlamig ako. Gusto ‘kong ibato sa ulo nya ang cellphone nya. Damuhong ito.
I texted the guy using Jay’s phone. I told him who I am at tinanong ko kung gaano na sila katagal. Sumagot sya.
“Beh, is this a joke? If it is hindi ako natatawa.”
Before ko pa masagot ang text nya, tumawag na sya.
“Hello.” Sabi ko.
Tahimik. Hindi sya sumasagot. Nagsalita na lang ako coz alam ko namang nakikinig sya.
“Totoo yung sinabi ko. Nandito sya ngayon, natutulog sa bahay ko. Hindi kita aawayin. Hindi ako bayolenteng tao.”
At in-off ko na ang phone. Nag text si Tom. Humihingi ng dispensa at hindi rin daw nya alam na may partner na si Jay. Kakausapin daw nya si Jay at sya na ang kusang lalayo.
I waited for Jay to wake up. 5 hours yata syang natulog. After dinner, kinausap ko na s’ya.
“Kilala ko na si Tom.”
“Sino?” tanong n’ya.
“Si Tom, yung isa mo pang ka relasyon. Pinakialaman ko phone mo eh. Nabasa ko message nya.”
Hindi s’ya kaagad nakakibo.
“Paano kayo nagkakilala? Gaano na kayo katagal?”
Hindi sya makatingin ng diretso sa akin. Sinubukan nya akong yakapin. Kumalas ako.
“Wala ‘yon. Parang laro-laro lang po ‘yon.”
“Laro? Hindi ako nakikipaglaro sa ‘yo. Saan mo sya nakilala?”
“Sa Club Bath.”
“Club Bath na naman? Eh di ba sinira ko na yung membership card mo don? Nagpa-member ka na naman?”
Hindi na sya kumibo. Ganyan naman sya eh. Pag wala ng mai dahilan, tumatahimik na lang.
“Hirap na ko Jay. Paulit ulit ka na lang ganyan. Sabi ko naman sa ‘yo, pag may nakilala ka, sabihin mo lang. Magpaparaya ako. Bakit hinihintay mo pang mahuli kita? Di naman kita aawayin eh. Ang ayoko lang, ginagawa akong tanga.”
Wala na sumunod na kibuan. Nang gabing yon, nakatulog kaming magkatalikod.
Pag-gising ko, parang hindi na ganon kasakit. Immune na yata itong puso ko. Nagpaalam syang mauuna na. Nasabi ko na lang “Ingat.”
Habang pinipilit kong umiwas sa tukso, sya naman pala ang naglulunoy.
Sayang…
4 comments:
nicely written. dama ko ang timping tensiyon at emosyon. i hope maging maayos pa rin sa inyo ang lahat. :)
Thanks Aris. We decided na mag hiwalay na. I initiated it.
Though we're trying to be friends at least.
Now i am trying to keep myself busy to fill up the void.
Pa emote emote.
ako rin pa emote emote ngayon
I was readi ng your blog entries right from 2010 till the present... sana hindi naman ito (break up with your BF) ang reason kaya ka nanlalamig sa love... sa mga recent post u kasi e ginagawa u na lang adventure ang sex e. I am not being hypocrite or pretentious but there is a lot to enjoy within the spectrum of rainbow hue other than sex :-)
Happy and Blessed Sunday to you my Queen :-)
Post a Comment