Muntik Na Akong Makapatay!


Ok ba sa title? True to life ‘yan. Read on.

………………………………………..


Magaling akong magdala ng sikreto. In short, hindi ako madaldal. Dito lang sa blog ko naibubuhos ang aking emosyon.

Umuwi ako ng Farmville last weekend. Four days akong nawala sa bahay. At ang taong wala, syang nagiging paksa ng kwentuhan.

Sa compound dito sa Makati, bukod-tanging si Friendship at Dexter lang ang nakaka-alam ng tunay kong katauhan. Dexter is our housemate. Kung malandi ako, mas malandi sa akin si Friendship at si Dexter naman ay hindi kayang i-measure ng barometer sa kalandian. Sasabog ang pang-measure. Gwapo kasi kaya kinakarir.

The rest of the compound ay clueless sa aking natatanging oral talent.

Kanina, kinausap ako at si Friendship ni Dexter.

Dexter: “May sasabihin ako…”

Me: “Ano ‘yon?”

Dexter: “Kasi, nagku-kwentuhan kami nina Jared, Erwin at Pancho 2 days ago…”

Me: ‘Eh ano naman ngayon?”

Si Friendship ay walang spluk. Nakikinig lang ang badet.

Dexter: “Tinatanong kasi nila kung bakit hindi na daw nagagawi dito sa compound si Doc.”

Kinabahan ako sa patutunguhan ng kwentong ito.

Me: ‘Eh anong sinabi mo?”

Dexter: “Sabi ko, nagbagong buhay na?”

Me: “Gaga! Ano exactly ang sinabi mo?”

Dexter: “Makukulit kasi sila. Tinanong pa kung ano daw ba dito sa house si Doc.”

Me: “And then… ano ang sagot mo?”

Dexter: “ Tingin ko hinuhuli nila ako. Sabi nila, hindi naman daw taga-dito si Doc tapos laging pumupunta and then all of a sudden, bigla na lang naglaho.”

Me: “At nagpa-huli ka naman??? Friendship, paki-abot ang kutsilyo magdi-dinuguan tayo…”

Dexter: “Friday ngayon ate… dapat munggo.”

Me: “Pwes, hahaluan ko ng laman-loob mo ang guisadong munggo. Hala, tuloy ang kwento…”

Dexter: “Tinanong nila sa ‘kin kung may syota daw ba dito sa house si Doc… sabi ko ‘meron’. Napasagot na lang ako.”

Kinakabahan ako. Humigpit ag hawak ko sa kutsilyo…

Dexter: “Pero… hula nila si Friendship ang dyowa ni Doc.”

Muntik na akong matawa. Si Friendship tumaas ang kilay.

Me: “Mas bakla ka palang tingnan sa akin Friendship. Eh di end of story na.”

Dexter: “Hindi pa. sabi ko hindi si Friendship ang dyowa ni Doc.”

Me: “Punyemas! Sinabi mong ako????”

Tumango ang Dexter. Itinaas ko ang kutsilyo at handang i-unday sa namumutlang Dexter. Pero hinde. Hindi ko dudungisan ng berdeng dugo ang porselana kong kamay.

Alam na pala ng compound kung mag-ano kami ni Doc. So alam na ng compound ang aking lihim. So what?

Me: “Sige, pinapatawad na kita…”

Dexter: “Bakit mo ko papatawarin, hindi naman ako nagso-sorry ah…”

At sinaksak ko na nga si Dexter. Sampu. Dalawampu. Tatlumpu. Hindi ko na mabilang kung ilang unday ng saksak. Basta ramdam ko na lang ang mainit na talsik ng dugo nya sa aking mukha.










Snap!

Guni-guni ko lang pala – yung saksakan chuva.

Anyway, sige na. Di baling malaman na nila. Ano bang masama don? Eh at least ngayon pwede ko ng isuot yung negligee ko at maglakad sa compound.

Dexter: “Hindi pa tapos ang kwento kuya…”

Ganon? May continuation pa?

That moment, handa na akong makulong talaga. Whatever kung anong degree. Pero I’m sure MURDER talaga ang magiging kaso ko.

Ang headline: “Bakla, pinatay sa kurot ang isa pang dalahirang bakla!”

Me: “Sige, ituloy mo lang ang kwento…”

Dexter: “Sabi nila, bakla ka pala daw.”

Me: “Eh obvious pa ba? Kinwento mo na nga na mag-syota kami ni Doc. Hayaan mo’t magpapagawa ako ng taurpaulin at iba-bandera ko sa gate bukas!”

Dexter: “Pero, in fairness, hindi ka daw halata.”

So dapat akong magpa- partee? Ganon?

Me: “Wala naman kasi akong suot na sash na may print na ‘BAKLA AKO’.”

Pero nangiti naman ako don. Ang galing ko lang talagang magdala. Si Friendship pa ang napagkamalang dyowa ni Doc.

Dexter: “Sabi nila, bakla din daw si Friendship. Sabi ko ‘OO’.”

Si Friendship, nag blush kahit morenong ilokano.

Dexter: “Tapos, sinabi nila baka mahawa daw ako sa inyo.”

Me: “Ano kami SIPON? Anong sagot mo? Umamin ka na rin na bakla ka?”

Dexter: “Syempre hindi no.”

Ang Friendship umuusok na ang ilong. Gustong gawing Bopis si Dexter. Hahaha!

Mamaya uuwi ako ng bahay, ano kaya ang mangyayari? Tutal 'OUT' na ko sa compound, pwede ko na kayang landiin ang gwapong si Jared? Hmmmmmnnn….

posted under , | 48 Comments

Beyond Forgetting

Guys, I just feel the need to share this with you...it is such a well-written poem by Rolando Carbonnel which dates back in the 70s. I hope you'll like it...










BEYOND FORGETTING

By: Rolando A. Carbonell

For a moment I thought I could forget you. For a moment I thought

I could still the restlessness in my heart.

I thought the past could no longer haunt me nor hurt me.

How wrong I was!

For the past, no matter how distant, is as much a part of me as life itself.

And you are part of that life.

You are so much a part of me, of my dreams,

my early hopes, my youth and my ambitions

that in all my tasks I can't help but remembering you.

Many little delights and things remind me of you.

Yes, I came. And would my pride mock my real feelings?

Would the love song, the sweet and lovely smile on your face,

be lost among the deepening shadows?

I have wanted to be alone.

I thought I could make myself forget you in silence and in song...

And yet I remembered.

For who could forget the memory

of the once lovely, the once happy world such as ours?

I came because the song that I kept through the years is waiting to be sung.

I cannot sing it without you.

The song when sung alone will lose the essence of its tune,

because you and I had been one.

I have wanted this misery to end, because it is part of my restlessness.

Can't you understand?

Can't you define the depth and the tenderness of my feelings towards you?

Yes, can't you see how I suffer in this even darkness without you?

You went away because you mistook my silence for indifference.

But silence, my dear, is the language of my heart.

How could I essay the intensity of my love

when silence speaks a more eloquent tone?

But, perhaps, you didn't understand...

Remember, I came because the gnawing loneliness is there

and will not be lost until the music is sung, until the poem is heard,

until the silence is understood....until you come to me again.

For you alone can blend the music and memory

into one consuming ecstasy.

You alone...


........................................

Kung tu-tulain sa akin 'to, babalik ako....

posted under | 8 Comments

Hottah! Hottah!














I want a Soltero, Mugen & Pilyo versions of this.

Click THIS to see his vid.


Marupok Aketch (Part 2)


Part 2 of 2

To read Part 1, please click this.

............................................


Nag-text sya.

“Room 402”

Alam kong pag hindi ako sumunod sa kanya, mapapahiya sya. At tuluyan ng masisira ang pagka-kaibigan namin.

5 minutes later, pumasok na ako at pumunta sa reception area. Sinabi ko ang room number sa attendant. Tinanong ang pangalan ko. Tinawagan sya ng receptionist, tapos pinaakyat ako.

Magkahalo ang kaba, konting takot at alinlangan sa dibdib.

Kumatok ako.

Pagbukas nya, nakatapis na lang sya ng twalya.

Nakangiti.

Me: “Parang siguradong-sigurado ka na aakyat ako ah.”

Jay: “Hahaha! Gaya ng sabi ko sayo Kuya, kilala kita.”

Ganon? Anong ibig sabihin non? Pero bago pa ko naka-react, lumapit na sya at niyakap ako. Nagka-tinginan at otomatikong naglapat ang aming mga labi.

“Sigurado ka ba?” tanong ko.

“Hindi ko alam kung ano ang mangyayari Kuya. Pero sigurado ako…”

Kahit walang sagot sa maraming tanong. Nagpadala ako sa nararamdaman ko.

Dala marahil ng kasabikan ko ‘rin, ibinuhos ko na lahat ng powers ko para mapaligaya sya.

Imagine Darna, Wonderwoman and Smurfette rolled into one super diva – Ako nga.

At naganap ang nakatakdang maganap. Saksi ang gumagarlgal na aircon ng Sogo (pramis, mas maingay pa sya sa ungol at slurp ko.). Distracting.

Ramdam ko ang pagiging baguhan nya sa mga bagay na ginagawa ko. Syempre naman, nagpaka-marupok na aketch, i-todo ko na. Anong panama ng peanut brittle ng Baguio sa rupok ng lolah mo. Bahala na syang isipin kung ano man. No holding back kahit beyond capability ng virginal jaw ang size ni Jay. At buti na lang din, nakipag-cooperate ang esophagus ko.

Nang malapit na nyang marating ang Engkantasya, doon ko na-realize na may sariling buhay pala ang aking lalamunan. Si Jay ay todo halinghing. Malapit na raw syang labasan.

Pero sa halip na hayaan akong sairin ang kanyang katas (eeew!), hinila nya ako pataas at niyakap, kasabay ng isang mariing halik.

At umagos na nga sa pagitan ng aming mga katawan ang pinaghalong ligaya. Nanatili kami sa ganoong posisyon.

Pagkatapos, pinahiga nya ako sa braso nya. Nakatulog sya habang ako’y nakayakap sa hubad nyang katawan. Pinagmamasdan ko lang ang mukha nya. Pinakikinggan ang malalim na paghinga. Ang dating totoy na kaibigan ko, ngayon ay mamang-mama na. Pero tama ba ‘tong ginawa namin?

Hanggang nagising sya.

…………………………………

“Bakit nangyari ‘to Jay?” tanong ko.

“Bakit? Nagsisisi ka ba?”











Me: “Hindi, pero naguguluhan ako.”

Jay: “Wag mo na kasing isipin. I-enjoy mo na lang na kasama mo ako. Na magkasama tayo.”

Kinabig nya ako papalapit pa sa kanya. Yumakap ako.

Me: “Anong oras tayo lalabas?”

Jay: “Gusto mo na bang umuwi?’

Me: “Hindi pa.”

Jay: “9 hours kasi ang kinuha ko.”

Me: “Ang tagal.”

Jay: “Gusto ko kasi makabawi sa higit tatlong taong hindi ako nagparamdam.”

Me: “Bakit nga ba?”

Jay: “Wala. Napakahabang kwento. At least ngayon natikman mo na ako.”

Me: “Hahaha! Gago.”

Jay: “Bakit, hindi mo ba ako type.”

Me: “Hindi naman sa ganon. Mag-kaibigan kasi tayo.”

Jay: “Mag-kaibigan pa rin naman tayo kahit nangyari ‘to ah.”

Me: “Sana nga. Sana walang magbago.”

Muli syang tumahimik.

Me: “Jay, ano na ang nangyari sa ‘yo? Sa buhay mo?”

Jay: “Heto, sinwerte rin sa trabaho. Totoo pala ‘yung sinasabi mo sa ‘kin na may katapusan din yung hirap no?”

Me: “Oo naman. Masipag ka kasi.”

Jay: “Salamat Kuya ha.”

Me: “Saan?”

Jay: “Kasi kahit nung walang-wala ako, hindi mo kinahiya. Hindi ka nakulitan sa ‘kin. Hindi mo ko iniwan. Kahit hindi ako sosyal, tinanggap mo pa rin akong kaibigan.”

Me: “Ano ka ba? Hindi naman ako sosyal. Saka mabait ka naman.”

Jay: “Pinagtyagaan mong makinig sa drama ng buhay ko.”

Me: “Iniisip ko na lang DZRH ka.”

Jay: “Hahaha! Sira… ‘yan ang nami-miss ko sayo eh.”

Me: “Para kang bulalakaw, bigla kang nawala, bigla ka ‘ring lumitaw.”

Jay: “May sasabihin kasi ako sa ‘yo eh.”

Me: “Ano ‘yon?”

Jay: “Mag-aasawa na ko.”

Napabangon ako hindi dahil sa nasaktan kundi dahil sa pagka-bigla.

Me: “Ganon? Eh bakit nangyari ‘to?”

Jay: “Kuya, matagal ko ng gustong mangyari sa ‘tin ‘to.”

Me: “Bakit?”

Jay: “Wala. Dati kasi sobrang closed natin tapos biglang nawala. Kanina, nung makita kita at ng sinabi mo na break na kayo ni Doc, nakita ko na malungkot ka talaga. Naisip ko na gamitin ang katawan ko para aliwin ka.”

Me: “Gago.”

Jay: “Oo nga.”

Me: “Baliw ka na. Ano akala mo sa ‘kin, easy?”

Jay: “Oo.”

Me: “Shit ka ha.”

Jay: “Joke lang.”

Me: “Sino naman ang mapapangasawa mo?”

Jay: “Liza name nya. Kasamahan ko dati sa work.”

Me: “Kailan ang kasal?”

Jay: “Next year.”

Me: “Anong papel ko? Ninong?”

Jay: “Pwede?”

Me: “Gago. Nag ninong na ko nung September. Last na ‘yon.”

Jay: “Ok. Basta um-attend ka na lang.”

Me: “Oo ba. Pag nakatanggap ako ng invitation. Teka, hindi ka ba nagi-guilty sa ginawa natin?”

Jay: “Hindi naman relasyon ‘to. Masaya ako sa ginawa natin… este sa ginawa mo pala sa ‘kin. Hahaha! ”

Me: “Gago ka talaga. Nahihiya tuloy ako.”

Jay: “Wag ka ng mahiya. May 4 hours pa tayo no.”

Me: “Uubusin natin?”

Jay: “Ayaw mo?”

Me: “Sayang naman, bayad na.”

Jay: “Ows… kunwari ka pa. Hahaha!”

At na-ulit pa nga. 2 beses pa. Pagkatapos ay sabay kaming lumabas. Naka-akbay pa s’ya sa kin.

Me: “Hindi ka ba nahihiya.”

Jay: “Inubos mo na kaya kanina lahat ng hiya ko.”

Tiningnan ko na lang sya. Ibang-iba na sya. Malayo sa dati kong kaibigang lungkot lang ang maa-aninag mo sa mga mata.

Me: “Masaya ka na talaga sa buhay mo. Proud ako sa ‘yo.”

Jay: “Oo nga Kuya. Salamat.”

Me: “Nope. Salamat.”

Masaya ako para kay Jay. Alam kong hindi na mau-ulit ang nangyari sa amin pero happy ako na bumalik ang isang kaibigan sa buhay ko. Pagdating ko ng bahay, tumunog agad ang cellphone ko. Nag-text si Jay.

Jay: “House ka na?”

Me: “Yup.”

Jay: “Kuya, promise, hindi na ako mawawala sa buhay mo.”

Me: “Kahit may asawa ka na?”

Jay: “Oo naman. Friends for life na ‘tayo.”

Me: “Hindi mo sinagot ‘yung tanong ko kanina.”

Jay: “Alin?”

Me: “Bakit ang tagal mong nawala.”

Jay: “Ah, ‘yun ba. Hayaan mo na.”

Me: “Gusto kong malaman. May ginawa ba ‘kong masama o nasabing hindi mo nagustuhan?”

Jay: “Wala naman po.”

Me: “So, bakit ganon? Bakit all of a sudden hindi ka na nagparamdam?”

Jay: “Kasi Kuya… nung sinabi mo sa akin na kayo na ni Doc…”

Me: “Huh? Koneksyon?”

Jay: “Kasi nung time na ‘yon… mahal na mahal na pala kita.”

Hindi ako naka-sagot.

Jay: “Pasensya na ha. Pero hindi ko na ipina-alam sayo ‘yon. Kusa na lang akong lumayo. Hindi ko kasi kayang lumaban ng time na ‘yon. Sino ba naman ako. Kasi nung sinabi mong kayo na, masayang-masaya ka at alam kong mahal na mahal mo rin sya.”

The end.

Epilogue

Siguro sa sobrang ligaya ko nung time na naging kami ni Doc, hindi ko napansin na nasaktan ko pala si Jay.

In a way, I am happy for him. He found new love and eventhough I lost mine, I am thankful I got my friend back.

Marupok Aketch (Part 1)


Salamat sa mga naka-miss. Salamat sa mga naka-alala. Yup, ma-emosyon ang mga nakaraang araw. Kaya nagpahinga muna ang inyong abang Reyna. Anyway, this story will probably explain everything.


Part 1 of 2.

Hindi ko naman sinasadya.

Almost 3 months na kong walang dyowa.

Aamininin ko.

Isa akong…


Tigang.


Sabik.


Hindi naman sa dyina-justify ko ang naganap.

Pero hindi ko talaga sinasadya.

Hinde.

Period.

…………………………………………………

Wala akong balak lumabas ng araw na ‘yon. Darating daw si “Juan” according sa news at ayoko namang ma caught by surprise gaya nang nangyari kay “Ondoy”.

Kaya lang nag-text sya.

“Musta na? Long time, no see.”

Eh hindi nag-register ang name sa phone ko.

“Care to introduce yourself?”

“Hala? Kuya, dinilete mo na number ko?”

Kuya nya ko? Dalawa lang ang kapatid kong lalaki. At I’m sure hindi sila ‘to.

Kaya sumagot na lang ako.

“Oo, pag 3 months na ‘kong walang communication, dini-delete ko na.”

“Ang taray mo naman Kuya. Sorry po kung ganon.”

“Eh sino ka nga?”

“Si Jay.”

Haller? Sampung Jay kaya ang kakilala ko. Nai-inis na aketch.

“Sinong Jay?”

“Si Jay Alfonso.”

Eh 3 years na yata kaming walang communication nito.

………………………………………………….

Si Jay ay nakilala ko nung mag-offer sya ng forwarding services sa kumpanya namin. Eh wala naman kaming requirements. Pero cute sya kaya ni-refer ko na lang sya sa mga kakilala ko.

Very grateful sya. Simula noon, lagi na lang syang nangungumusta. In short, naging friends kami.

Gwapo si Jay. Pero hindi ko nilagyan ng malisya ang friendship namin. Noong una, nagtataka ako kasi masyado syang open sa akin. He would share his stories about his family, his problems at frustrations in life. Pag nagagawi sya ng Makati, nagkikita kami over lunch or kahit kape lang.

Sabi ko nga, kung diwata lang ako, sya ang kauna-unahan kong tutulungan.

Kaso hindi.

Maganda lang ako. Mukha lang diwata. Pero mortal.











Naaaliw sya sa ‘kin. Kasi daw, nabibigyan ko na sya ng mga advises, napapatawa ko pa sya.

‘Yun naman eh.

Parang comedy bar lang.

Hanggang isang araw ay nawala na lang sya. Hindi na nagparamdam.

Kinamusta ko sya. Tinawagan.

Pero walang sagot.

Sabi ko nga, dini-delete ko ang mga contacts ko na inactive within 3 months.

Pero sya, dinilete ko after one year.

Umasa kasi ako na mababalik ‘yung friendship.

Pero a year after nga, sumuko na ko.

……………………………………………………

Sasagutin ko sana ang text nya pero tumawag na sya.

“Oh, buhay ka pa pala. Kamusta na?” tanong ko.

“Ok naman po. Ikaw musta?” Hirit nya.

Me: “Ok naman ako.”

Jay: “Hindi ka ok.”

Me: “Huh? Paano mo naman nasabi?”

Jay: “Basta. Kilala kita. Hindi ka ok.”

Me: “Ok nga ako noh.”

Jay: “Kuya, kung ok ka, hindi ganyan ka-bland ang dating mo.”

Me: “Eh malay mo naman na inis pa ako sa ‘yo kaya ganito ang dating ko.”

Jay: “Ganun ba? Sorry ha. Busy ka ba?”

Me: “Nope. Bakit?”

Jay: “Kita tayo?”

Me: “Saan?”

Jay: “SM Sta. Mesa?”

Me: “Ang layo.”

Jay: “Hindi kasi ako familiar sa mga one-way dyan sa Makati eh.”

Me: “May kotse ka na?”

Jay: “Ahhh… opo.”

Me: “Susyal.”

Jay: “So, pwede tayong magkita?”

Me: “Tanga ako. Hindi ko alam ang papuntang Sta. Mesa.”

Jay: “Mag-taxi ka na lang. See you in an hour?”

………………………………………………

Aminin ko, medyo nataranta ako sa pagmamadali. Oo excited. Na-miss ko rin si Jay. Gusto ko ring malaman kung ano na nangyari sa mala-telenovelang buhay nya.

Nagkita kami sa Foodcourt ng SM Sta. Mesa. Ang cheap ng venue. Nauna pa ‘kong dumating.

“Saan ka na?’ tanong ko.

“Nagpa-park lang po. Punta ka na lang sa parking, labas ka ng department store.”

Tumataas ang level ng inis ko. Pero di na ako nakipag-argue.

Paglabas ko ng parking, nandon sya. Nakangiti. Maayos ang damit. Naka-salamin.

Gwapo pa rin.

Sinalubong nya ako. Niyakap.

“Musta na kuya?” tanong nya.

“Wow, rich ka na. Mazda 3 ha. ” sagot ko.

“Halika sakay ka.” Aya nya.

Pagpasok sa loob, nakangiti pa rin sya.

Jay: “You’re looking good Kuya. At skinhead ka na ha. Hehehe!” sabay hawak sa ulo ko.

Me: “Oo nga eh. Mas comfortable kasi.”

Jay: “Musta na kayo?”

Me: “Sino?’

Jay: “Yung boyfriend mo, si Doc.”

Me: “Ahhh… wala na kami.”

Jay: “Oh… kailan pa?”

Me: “Nung July 29. Almost 3 months na.”

Tumahimik sya.

…………………………………………

Nag-drive sya palabas ng parking.

Me: “Saan tayo?”

Jay: “Ako bahala. Cool ka lang.”

Umikot lang kami. Pumasok sya sa parking ng Sogo katabi ng SM Sta. Mesa.

Me: “Bakit dito?”

Jay: “Kung nahihiya ka na kasabay ako. Mau-una ako. Iti-text ko sa ‘yo ang room. Sumunod ka na lang. Maghihintay ako ng 15 minutes. ‘Pag hindi ka sumunod within 15 minutes, lalabas na ako.”

Hindi na sya lumingon.

Nagtatalo naman ang isip ko.


Part 2 here.

posted under | 15 Comments

Share Lang





posted under | 19 Comments

Saying Goodbye



Let me just borrow this line from an anonymous author.


"There are things that we don't want to happen but have to accept,


things we don't want to know but have to learn,


and people we can't live without but have to let go."


;-(


Regular programming will resume soon.



posted under | 9 Comments

Dito Naganap Ang Lahat


Makasaysayan ang sala sa apartment kong itetch sa Makati.










Dito ko binuo at isinulat ang unang entry sa blog kong itetch.


Dito ko tinatapos ang mga trabahong inu-uwi ko galing sa office.


Dito rin ako nagdi-dinner habang nanonood ng tv, kahit mayron namang dining area.


Dito sa sofa una kong na-chorva ang isang straight friend na nakuha matapos ang mahabang kulitan. Kinarir ko talaga, matikman lang sya.


Dito rin sa sofa naganap ang ilang panakaw na chorvahan namin ni Ex-hubby doc. Kahit alam naming anytime ay pwedeng may makakita sa amin, at ma caught-in-the-act ang aking pagma-magic sing sa kanyang wireless microphone. Keri lang.


Dito rin daw naganap (according to Friendship) and chorvahan ni JR at ng isang housemate isang madaling araw. At kumpleto sa details ang bruha. Mega-silip lang naman sya from the stairs. Anong sinabi ng eksena ni Daniel Fernando sa pagka-acrobatic nya sa Scorpio Nights? Wala.


Sa sala na ito nakasama ang ilang kaibigan habang nagsasalo sa inuman at kwentuhan. YES, food and drinks lang ang pinagsaluhan. Mahinhin kami pag magkakasama. Choz!


Naging piping-saksi rin ang lamesang ito sa ilang masasayang chatting at landian sa G4M (RIP), Planet Romeo at Downelink.


Dito rin naganap ang break-up ng taon… with matching dialogues…


“Isosoli ko ba lahat ng binigay mo sa akin?’


“Well, yan ay kung gusto mong bawiin lahat ng binigay mo ‘rin.”


Oo, maraming masaya at malungkot na ala-ala ang aking sala.


Pero, at home ako dito. Sobra.


Kaya kong lumipas ang maghapon ng nandito lang ako.


Kaya last weekend ay medyo inayos ko sya. Na-inspire ang lolah nyo kakapanood ng mga make-over chuva sa mga lifestyle networks.


Medyo shopping ng kaunti, sukat dito, sukat doon. Browse ng mga interior design websites for more inspiration. Nag-babad sa mga display rooms.


Sariling effort.


Ako ang nagframe ng mga shots ko at nag-kabit nito. Ako ang nag-install ng hanging lamp at nag accessorize ng lahat. Pawisan ang hitad ng matapos. Pero happy.


At ito ang ang final result.

















Gusto ko pa syang ayusin ng vonggang-vongga.


Like, additional lamps.


Painting the wall with an accent color of pistachio green or orange.


Kaya lang, masakit din sa bulsa.


For the meantime,


Enough na munang ganyan sya.

Saka na ang continuation.

At syangapala.... wi-fi ang buong kabahayan at speed of 1 Mbps.




















Wala, nag-tataray lang.


Hahaha!


posted under | 40 Comments

Playgurl


Noong nene pa aketch, iniwan ako ng Tita ko na syang tumatayong yaya/guardian ko, sa parlor ng bestfriend nyang vaklush – si Jenina. La-landi kasi ang hitad at imi-meet nya ang boyfriend nyang gwaping.

Gusto ko sanang sumama pero ayaw nya. Takot siguro syang isumbong ko sya or baka hindi maka-level-up sa romansa if i'm around. Syempre may suhol bago lumarga - pasalubong na Yakult at Chiz Curls.

Hindi naman ako minolestya ng vaklush pero nang araw na ‘yon, namulat ang malisyosong damdamin ko. May kakulitan kasi ang prinsesita at mega kalikot sa loob ng parlor ng matarush na vaklush.

Pinabayaan lang naman ako ni Jenina’ng magbutingting dahil bisi-bisihan sya sa mga customers at sa not-so-gwapong boylet nya.

Hanggang sa kakakalikot ko sa mga gamit ni Jenina ay natagpuan ko ang isang magazine na hindi ko alam na noon ay existing.

Ang PLAYGIRL.












Todo kabog ang aking dibdib. Nagsi-sikip.

Pati bubot kong utong ay nanigas.

Kase ba nahmannnn....

Ang coverboy – si Christopher Atkins.












Ang gwapo nya. Napahinga ako ng malalim.

Type na type ko ang blonde at kulot nyang hairlalu.

Oo, nagising ang makamundo kong pagnanasa- kahit hindi pa ako tule.

Palingon-lingon ako habang nililipat ang mga pahina. Baka kasi makita ako ni Jenina na naglalaway sa magazine nya. Kalowka.

Doon yata unang tumibok ang aking fragile heart at minahal si Christopher. Oo first name basis kami.

Alam kong sikat na sya noong mga panahong ‘yon. Kasi madalas ipalabas ang pelikula nya with bruhildang Brooke Shields na BLUE LAGOON sa channel 9.












Of course puro cut yung palabas sa tv. Kahit ang ginintuang pubic hair nya ay hindi pinasilip sa tv. Lalo na ang kanyang birdie.

Pero kanina….

Tila bumalik lahat ng ala-ala ng mapadako ako sa site na itetch.

Isang website na koleksyon ng mga vintage PLAYGIRL magazines.

Parang birthday ko lang. Ang saya-saya. Partey partey!!!

Lahat ng vintage mensung sa PLAYGIRL ay na-i-compile ng nasabing site.

At muli akong napa- Ohmygas!!!

Nagtapo sa pangalawang pagkakataon ang landas namin ni Christopher Atkins.

Nanariwa ang feelings. Nanumbalik ang ngiti, kilig at pintig.

Haayyy…

Kaya share ko sa inyo, mga iniibig.

Ang mga larawang gumising sa aking pagka-gurl.

Ang unang major crush ng reyna. Wala ng iba. Voila!!!












Pero syempre, slightly wholesome ang blog ko kaya may smiley ang birdie ni Chris.

‘Wag ka na worry ditse coz mega-share ako sa link sa ibaba. Doon walang smiley.

At baka matagpuan mo rin ang favorite coverboy or centerfold model mo sa PLAYGIRL.

No holds barred.

Kita lahat!!! Opo, pati butlig, nunal at an-an. Di pa yata uso ang Adobe Photoshop that time. At hindi pa rin yata uso shaving at trimming. Parang mga pugad lang. Au naturel. Hihihi!

Imagine, wala pang internet noon kaya puro hard copy lang ang source of porn ng lahat. Pero nowadays, isang click mo lang, vonggacious. Mau-umay ka sa dami ng nota sa world wide web. Kaya ang swirti swirti natin. Hahaha!

Pero still, masarap balikan ang porn ng nakaraan. Kaya heto na.

Click na this link.



posted under , , | 18 Comments
Newer Posts Older Posts Home
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Kumonek!

E-mail/Facebook: misschuniverse@yahoo.com
Twitter Account : misschuniverse

Tungkol sa Reyna

My photo
The universe is my kingdom, and i am the Queen!.... ahhmmm, that's a tall order pala, sige na nga 2nd Princess na lang. ;-)

Mga Fellow Beauty Queens

Popular Posts

Weblogs

Blog Directory for the Philippines

TopBlogs

Personal - Top Blogs Philippines

    View My Stats

Recent Comments